Kanina bago makapasok ng mall sila Kelly pagod na ang apat nila Vince sa pag hahanap...
"Haysss.... nasan na ba kasi si Master? Ang sakit na ng mga paa ko kakalakad nalibot na natin ang buong mall pero di pa rin natin sya nakikita." Ang sambit ni Dave na naupo na at sumandal dun sa may staircase sa second floor ng mall.
"Ayaw nya kasing sumagot baka nalobat ang cp nun tinotoyo na phone nun eh. Di pa kasi bumili." Sambit ni Vince na nakasandal naman sa staircase gaya nila Mimay at Harvey.
"What if, mag pa paging na tayo sa information?" Sabi naman ni Mimay.
"Hindi naman sya bata para ipa paging." Sambit ni Harvey ng biglang may narinig silang may inaannounce na nawawalang bata.
"Sino raw Hua Chan? Bakit parang familiar sakin ang name na yon?" Ang sabi ni Vince.
"Kilala mo?" Sagot nung tatlo.
"Parang? Sounds familiar kasi parang narinig ko na yun kung san di ko lang maalala."
"Baka isa sa mga client mo." Sabi ni Harvey.
"Ewan di ko alam."
Mga ilang segundo pa naalala na ni Vince kung san nya narinig yung pangalan na Hua Chan.
"AHHH!!!"
"Ay, kalabaw!" Ang pagulat na sambit ni Mimay sa pag sigaw ni Vince.
"Sorry, naalala ko lang kasi kung san ko narinig yung name nung bata na nawawala."
"Oh san? Kilala mo nga pre?" Sabi ni Dave.
"Siguro? Pero kung yun nga yung pamangkin nila Kelly sa pinsan na anak ni ate Jassy."
"Eh? Sino naman yung Jassy?" Tanong ni Harvey.
"Pinsan yun nila Kelly sa mother side kaya parang pinsan ko na din."
"Ohhh... may lahing chinese sila Master? Chua eh." Tanong ni Dave.
"Wala, yung asawa lang yun ni ate Jassy. Pero kung si Hua nga yung nawawala it means andito sila."
"Syempre kung nawawala nga eh."
"Sapak gusto mo?"
"Ehe... pre naman, parang di na mabiro."
"Tigilan mo ko!"
Habang napapakamot naman si Dave sa ulo nya pag tingin nya sa bandang unahan nya nakita nya sila Kelly na nag lalakad kaya napatayo sya.
"Si Master ba yon?"
"Sino?" Anila at tinignan nila kung saan nakatingin si Dave.
"Si Kelly nga yun ah." Sabi ni Harvey.
"Eh bakit nya kasama si Pa... PATRICK?" Sabay-sabay na sambit nung apat at dali-dali silang lumapit.
Samantala bago pa man makalapit yung apat kila Kelly...
"Saan mo gustong kumain Baby?" Sabi ni Patrick.
"Ahm... sabi po sakin ni Mommy kailangan ko po kumain ng vegetable always so... can we eat po kung san may veggies?"
"As you wish. Pero may isa dyan na ayaw ng gulay."
"Hmm? Mommy ayaw mo po ng gulay? Oh, yes I remember you said it to me earlier."
"Ha??? Ah... Eh..." ang nahihiyang reaction ni Kelly.
"Don't worry Baby, your mommy can eat veggies too di nga lang sya mahilig madalas kasi gusto nya lang patatas at mga greens like kangkong, petchay, and cabbage. Di sya mahilig sa ibang gulay lalo na sa carrots."
Habang sinasabi naman yun ni Patrick nakatingin lang si Kelly sa kaniya at nag tataka kung bakit alam nito ang hilig nya sa mga gulay dahil matagal din silang di nag kasama at nagkita. She feel move na hanggang sa mga oras na yon ay alam parin pala ni Patrick ang mga gusto nya kahit nag panggap ito kanina don sa café na hindi nya sya kilala sa harap ng marami.
"Mommy, ayos lang po kung ayaw mo kumain sa may gulay I will treat this day as my cheat day. Hehe..."
"H--- Ha? Actually, di pa naman ako gutom kakain ko lang din eh nanlibre kasi ang friend ko."
Sa isip-isip ni Patrick "friend? Eh hindi ba pinsan nya si Vince? Sino naman kayang friend yung tinutukoy nya? Base on my research wala naman syang boyfriend. Kaya..."
He stop overthinking all of a sudden dahil biglang may tumawag kay Kelly na "MASTER!!!"
"Dave?" Sabi ni Patrick at lumapit na nga sa kanila yung apat.
Hinila naman ni Vince agad si Kelly "kanina ka pa namin hinahanap! Why didn't you tell me na may pupuntahan ka? Did you know how worried are we? Paano kung napahamak ka? Ano nalang ang sasabihin ko kila kuya Kian?!"
"So--- Sorry gusto ko lang naman kasing..."
"Uuwi na tayo! Explain everything later sa kotse! Understand?!" At tumingin sya ng masama kay Patrick at nakaagaw naman ng atensyon nya yung batang buhat nito. "Hu-Hu?"
"Hu-- Hu?" Ang nag tatakang sambit nila Kelly maliban kay Patrick.
"Eh? Tito Vince? Is that you?"
"Tito... Vince???" Anila.
Ibinaba naman ni Patrick si Hua "ikaw nga. Why are you here? Hinahanap ka na ng mga magulang mo." Sabi ni Vince na hawak ang kamay ni Hua.
"I have been lost po kanina pa eh buti nalang nakita po ako ni mommy Kelly."
Napatingin naman si Vince kay Kelly at sabay-sabay naman yung tatlo nila Dave, Mimay at Harvey na sinabing "mommy? Si
Kelly?"
Kelly sighed "mahabang istorya mabuti pa ibalik na muna natin sya sa mga magulang nya."
"."
Kumain silang lahat at treat lahat iyon ni Jassy pasasalamat dahil nakita si Hua o Hu-Hu kung tawagin ng mga ka close dito gaya nga ni Vince na matagal na palang kakilala ito. Dahil kaklase pala ng ate Alice nya noong college si Jassy. Hindi naman inaasahan ni Kelly na kamag anak nya si Hua kaya pala ganoon nalang ka gaan ang loob nya sa bata dahil blood related pala sila. Kaso hindi nya pa kakala si Hua dahil nga di nya alam na nagkaanak na pala ang pinsan nyang si Jassy na hindi naman nya gaanong ka close dahil hindi sila madalas na nagkikita. Kababalik lang rin lang ng mga ito galing Hong Kong doon na kasi naninirahan ang pamilya nila.
"Thanks ulit sa inyong lahat lalo na sayo Kelly. Bonding tayo minsan pupunta kami sa inyo ni Hu-Hu." Ang sabi ni Jassy na naka sakay na ng kotse kasama si Hua habang nakababa naman ang bintana.
"Sige ate sasabihan ko sila kuya."
"I will miss you mommy Kelly." Sabi ni Hua at lumapit naman sa kaniya si Kelly at pinisil ang pisnge nya.
"Mamimiss din kita baby girl kita tayo agad okay?"
"Opo."
Hinalikan ni Kelly sa pisnge si Hua "don't be pasaway kay mommy mo, okay? And wag na wag kang aalis sa tabi nya para hindi na sya nag aalala sayo."
"Opo promise."
"Okay then, sige na po ate ingat kayo."
"Um. Ingat rin kayo."
Nang makaalis na nga sila Hua umupo naman ang mag kakaibigan doon sa may waiting shed sa labas lang ng mall malapit sa parking area.
"Ang saya siguro kapag may bata sa bahay no?" Sabi ni Dave na katabi si Harvey at pinag gigitnaan nila si Mimay.
"Masaya kasi maingay ang bahay, buhay na buhay... Samin nga para laging may gera ang iingay ng mga kapatid ko pero pag uuwi na ko nakakawala sila ng stress. Mag uunahan sila na mag bigay ng tsinelas ko tapos excited sila sa mga pasalubong ko."
"Sana all. Yung kapatid ko kasi kay mommy di pa kaya mag bigay ng tsinelas sakin. Hehe..." Sambit naman ni Mimay.
"Malamang, mag 2years old palang naman ang kapatid mo di ba?" Sabi ni Vince na pinag gigitnaan naman sa upua ay sila Kelly at Patrick.
"Hehe... oo nga eh."
Napansin naman ni Dave na parang nahihiya si Mimay kapag kausap nito si Vince.
"Ikaw Kelly, kamusta naman ang may pamangkin? Hindi ba na nganak na ang sister in law mo si ate Faith?" Ang sabi ni Harvey.
"Ha? Ahh... si ate Faith? Hindi pa mga dalawang buwan pa pero oo masaya ang may bata sa bahay nung dumating nga samin si Jacob yung anak ni kuya Kian sobrang na bago ang buhay namin. Naging mas masaya, magulo at higit sa lahat may nauutusan na ko. Sila kuya kasi ako lagi ang nauutusan palibhasa ako ang bunso samin."
"Ahhh... ganun pala ha isusumbong kita." Ang panunuksong sambit ni Vince na kinikiliti nga si Kelly.
"Ahaha...wag mo kong kilitiin. Kainis naman eh...hahahaha..." Pero patuloy naman syang kinikiliti ni Vince at natutuwa naman sa kanila sila Dave maliban kay Patrick.
"Enough!" Sambit ni Patrick na hinawakan ang kamay ni Vince para tumigil na ito sa pangingiliti kay Kelly at kinagulat naman yun nila Mimay.
"What the?!" Ang sabi ni Vince kaya binitawan namang agad ni Patrick ang kamay nito.
"Sorry, pero hindi tamang kinikiliti mo sya lalo't may period sya."
They all like dumbfounded lalo na si Kelly.
"I... Is that... true Kelly?" Ang nauutal na sambit ni Vince na nahihiya.
Hindi naman makapag salita si Kelly at sobrang pula na rin ng mga tenga nya dahil sobrang awkward ng revelation ni Patrick.
"Ayos ka lang? Namumula ka may masakit ba sayo?" Sabi ni Patrick na nag bend down pa para i-check si Kelly pero bigla sya nitong sinampal.
"How dare you?!!!" At nag tatakbo sya matapos nyang sabihin yon.
"Ke--- Kelly!!!" Pahabol na sambit ni Patrick at hinabol na nga nya si Kelly.
Nakatulala naman sila Vince, Dave at Harvey at sabay na sinabing "what just happened?"
Napailing nalang si Mimay at sinabing " ang mga lalaki talaga..." then she sighed.
Meanwhile,
Nagluluto naman na ng pang hapunan ang mga kuya ni Kelly dahil ininvite ni Jacob ang mommy nya na doon kumain ng dinner.
"Oo kuya pakigayat nalang into cubes yang patatas at carrots. Damihan mo lalo ang patatas lam nyo naman mahilig dyan si Kelly." Ang sabi ni Kevin na nag hahalo, sya kasi ang naka assigned para sa pag titimpla ng kanilang ulam. Naisipan nilang mag luto ng menudo, afritada at nilagang baboy dahil yun raw ang paborito ni Rica.
"Sige, pang menudo lang ba yung cubes ang gayat?" Ang sabi ni Kim na naka assigned naman sa pag gagayat ng mga gulay.
"Oo kuya tas dun sa nilagang baboy medyo malalaki lang ikaw na bahala wag naman sobra, quater mo nalang."
"Oo sige sa afritada ganun din di ba?"
"Oo kuya."
"Keith, kumuha kapa nga ng lagayan nireng patatas."
"Ge tol."
Si Keith naman ang nag gagayat ng sibuyas at bawang.
"Tapos na ko naka pag saing na ko." Sabi naman ni Ethan.
"Thanks bro." Anila.
"May gagawin pa ba ko?"
"Baka hinahanap ka na ni Alice nag text ka ba?" Tanong ni Kian na nag gagayat naman ng meat para sa nilaga at afritada dahil na una ni Kevin yung pang menudo.
"Oo bro, kaya ayos lang na dito muna ko sasabay nalang ako kay Vince pauwi."
"Oo nga pala, wala pa ang dalawang yon ang tagal naman nila."
"Kasama po kasi nila ang iba nilang friend." Bungad naman ni Jacob na dala ang ipad nya.
"Oh... bakit andito ka na? Ang mommy mo?"
"Chill dad, may zoom meeting sya kaya di ako pwede dun bawal maingay. Pero okay na po dito daw sya mag dinner."
"Talaga? Pumayag sya?"
"Opo, ako pa ba? Sabi ko naman po sa inyo akong bahala kay mommy."
"Nice Siopao." Sabay sambit ng mga uncle nya.
"Hehe... maliit na bagay po."
"Nga pala, sinong friend ang kasama ng tita Kelly at tito Vince mo?" Tanong agad ni Kian.
Sa isip-isip ni Jacob habang nakatingin sa ipad nya "kapag nalaman nila daddy na kasama nila tita Kelly si tito Patrick baka magkagulo pa ang oa pa naman nila daddy mag react."
"Son?"
Tinago naman ni Jacob sa likuran nya yung ipad at sinara" ah, sila tita Mimay, tito Harvey at tito Dave lang po."
"Ohh... tropa pala." Sambit naman ni Kevin.
"San mo nakita nak? Sa fb ba? Sino ang ang post?"
"H-- Ho? Si tita Mimay po."
"Ay, parang di ko pa sya friend. Friend mo ba sya nak? Patingin nga."
"Po? Ano kasi low battery na po ang ipad ko sige po charge ko muna.He...He..."
"Ako kuya, friend ko ata yun sa fb teka kunin ko yung phone ko." Sabi naman ni Kevin
Papaalis na sana si Jacob nun ng marinig nya yon kaya dali-dali syang nag prisinta na kumuha ng phone ng tito Kevin nya.
"Sige, pakikuha mo na nga andun sa kama ko."
"Okay po."
Pag alis ni Jacob sa kitchen nag isip agad sya ng pwedeng dahilan para di makita ng daddy nya yung pic.
"Tsk! Bakit kasi nag post si tita Mimay eh. Kainis... nasabi ko tuloy kila daddy lagot ako nire kay tita Kelly eh."
Bigla naman syang tinawag ng daddy nya habang naakyat ng hagdanan "ay daddy!"
"Hmm? Are you okay son? Bakit parang tense ka? Namana mo na sa mommy mo ang pagiging magugulatin.
"He... He... He...O-- Opo nga po eh but is there something you need po?"
"Um. Pakikuha mo sa kwarto natin yung ipad ko."
"H-- Ho? Wag na daddy di ko naman po kailangan."
"Ha? Gagamitin ko kasi may titignan akong email. Bakit gusto mo bang hiramin?"
""N-- No daddy. Si-- Sige po kukunin ko na."
"Okay thanks. Dalhin mo nalang sa kitchen."
"Opo."
Pero sa isip-isip ni Jacob "hindi pwede ito... pag natapos si daddy sa email nya baka buksan nya din ang fb nya naka tagged in pa naman si tita Kelly sa post ni tita Mimay. Kailangan kong mag isip ng paraan para di makapag online sila daddy."