"KELLY!!!" Sigaw ni Patrick habang hinahabol nya ito.
"Stop following me!"
"Kapag di ka tumigil sisigaw ako dito na di ka na virgin!"
Napahinto naman at lumingon si Kelly at tumingin ng masama kay Patrick.
"I knew it, titigil talaga sya pag ganun na ang usapan." Pa bulong na sambit ni Patrick at lumapit kay Kelly.
Pag lapit nya sasampalin sana sya ni Kelly pero na pigilan nya ito.
"What the heck?! Lemme go!"
"Oh, it seems like after a year bumabagal na ang..."
"Shut up!"
"How do you feel? Do you want me to buy you a medicine?"
"What the?! Ano bang sinasabi mo?! Bitawan mo ko!"
Binuhat sya ni Patrick "ibaba mo ko!"
"No! Stay still."
Nag pupumiglas naman si Kelly at di nakikinig kay Patrick "kapag di ka tumigil hahalikan kita!"
"Don't you dare!!!"
"So, behave yourself!"
At nanahimik nga si Kelly at tinawagan naman ni Patrick ang driver nya "you need to be here within 5minutes or else you're fired!"
"Huh! Fired agad? Ganyan na ba kapag galing sa abroad nag iiba na ang ugali?"
Patrick gazed at her "oh? So, you still want my old me?"
Kelly rolled her eyes and avoid him "be nice and I will take you home."
"Home?! NO!"
"Pffft... I know, calm down alam ko namang di ako pwede sa inyo. But be nice dahil marami ng nakakakita satin dito."
At nakita nga ni Kelly na marami ng tao ang nakatingin sa kanila.
"Hayssss... kahit kailan agaw atensyon ka! Kapag lumabas sa social media yang mga picture na yan lagot ako kila kuya!"
"Don't worry, I can handle everything walang kakalat na picture natin pero kung gusto mo pwede naman."
"Baliw! Ibaba mo na nga ako!!!"
***
Inintay nila Vince si Kelly doon sa may waiting shed at umabot rin yon ng isang oras at mahigit...
"Oh? Nasan si Patrick?" Tanong ni Vince kay Kelly.
"I don't wanna talk about it can we just go home?"
Nagkatinginan naman yung apat nila Vince.
"O-- Okay, kayo guys? Mims, samin ka na sumabay?"
"Ha?"
Napatingin si Mims kay Harvey na para bang sinasabing "save me bro "
"Ah... hindi na, sakin nalang sasabay si Mims." Sagot naman ni Harvey.
"O-- Oo mag papatulong pa kasi ako sa kaniya sa new phone ko. He... He..."
"Phone? Madali lang naman yun ah gusto mo ba tulungan kita?" Opinyon ni Dave.
Nauna naman na si Kelly mag lakad at nag paalam na kila Mims dahil wala sya sa mood "Kelly wait for me! I'll get the car!" Pa sigaw na sambit ni Vince. "Sige na guys mauna na kami sa inyo balitaan ko nalang kayo. Ingat kayo. Harvey, ikaw na bahala kay Mims."
" Yes Bro."
Pag alis nga ni Vince siniko ni Harvey si Mims na para bang iniinis nya ito.
"What the?! Problema mo?!"
"Eiii... Hahaha..."
"Cough!" Reaction ni Dave
"Tara na Vey, uwi na rin tayo." Sambit ni Mimay at hinila na si Harvey pero pinigilan sila ni Dave.
"Sandali lang!"
"Umalis ka nga dyan!"
"Pre, ayos lang kung gusto mo sumabay okay lang."
"Hinde, may motor ako."
"So, ano pang ginagawa mo? Uuwi na kami kaya you better go home na rin."
"May gusto lang akong malaman."
Nagkatinginan naman sila Mims at Vey "kayo..." Sambit ni Harvey na para bang nag aalinlangan na mag tanong napatingin pa sya sa mga kamay nung dalawa dahil mag ka holding hands pa ang mga ito. "Kayo... Kayo ba? Anong relasyon nyo?!"
"Ano????" Sagot nung dalawa.
"Hi-- Hindi naman sa nangingialam ako pero mag kakaibigan tayo dito at mag totropa din kaya siguro dapat alam ko rin naman ang situation ng lahat. Napansin ko rin na parang may alam si Vince sa inyong dalawa he even said na ingatan mo Harvey si Mims. Kaya sabihin nyo na!"
"Pffft... Hahahahaha...pre, anong nangyayare sayo? Nag seselos ka ba?"
Ang sama ng tingin ni Dave kay Harvey "paano kung oo? Ibibigay mo ba sakin si Mimay?"
"Ano?"
Nagulat naman si Mimay sa sinabing iyon ni Dave
"I know matagal na kaming hiwalay ni Mimay pero hindi pa ako makapag move on!"
Sa isip-isip ni Mims "anong pinagsasabi ng isang ito? Nakita ko nga sa IG post nya na may new gf sya tapos nag dadrama sya ngayon?! Huh! Baliw."
Nilapitan ni Dave si Mimay pero iniwas ito ni Harvey "pre, hindi naman sa nangingialam ako sa inyong dalawa pero past is past at hindi ba may gf ka? Yun ang pagtuunan mo ng pansin wag si Mimay dahil..." napatingin si Harvey kay Mims tsaka nya ipinagpatuloy ang sinasabi "dahil... hindi ko ibibigay sayo si Mimay. Kung noong mga college tayo nag paraya ako ngayon, hindi na."
Lalo namang na gulat si Mims sa sinabing iyon ni Harvey dahil parang seryoso ito at ang higpit pa ng pagkakahawak ng kamay nito sa kaniya.
"Nag paraya? Huh!" Ang naiinis na sambit ni Dave na hindi na naka pag pigil sa sarili at sinapak si Harvey.
"DAVE! Ano ba?!" Ang sambit naman ni Mims na tinulungan agad si Harvey na makatayo.
"So-- Sorry I didn't meant to..."
"Enough! I don't wanna talk about it. Umuwi ka na!"
"Mims..."
Habang nag lalakad papalayo yung dalawa ni Mimay at Harvey huminto sila "sandali lang Mims!"
"Ano? Kung kukulitin mo ako about kay Dave wag na dahil mababadtrip lang ako baka masampal kita."
"Eh? Sampal agad? Mali kasi yung direksyon natin wala dine banda yung sasakyan ko."
Nag palinga linga naman si Mims "ay, sorry. Bakit kasi di mo sinabi agad?!"
"Paano ako mag sasalita eh kung makahila ka sa kamay ko wagas. At... nga pala yung sinabi ko kanina kay Dave..."
"I know, sinabi mo lang yun para tantanan ako ni Dave. Were bestfriend kaya..."
Bigla namang hinalikan ni Harvey si Mims sa right cheek nito "wha-- what the? Anong ginawa mo?!"
Hinawakan ni Harvey ang kamay ni Mims at hinalikan "I still love you Mimay kahit noong binusted mo ko hindi nawawala ang pag mamahal ko sayo kaya sana hayaan mong protektahan ka."
"H-- Haaaaaa????"
Meanwhile,
Habang nasa biyahe sila Vince at Kelly nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kotse...
Ring...Ring...
"Yes, this is Vince who are you?"
May unknown number na tumawag kay Vince at kahit magka ganon walang pakialam si Kelly na nakatulala lang sa kawalan.
"Yes Sir, will see you tomorrow. Thankyou."
Pagkababa ni Vince ng telepono nya nag lakas loob na syang kausapin si Kelly.
"Cough! Ahm... baby girl..."
"Shut up Vince! And who are you calling baby girl?! Sapak gusto mo?!"
"Eh, Kelly naman kasi! Bakit ayaw mo kong kausapin? Kanina ka pa dyan nanahimik ni hindi mo man lang sabihin kung anong nangyare sayo. Nag aalala lang naman ako sayo."
"Fine! Naiinis kasi ako. Mantakin mo dinala ako ni Patrick sa condo nya."
"Ano?! Aba't lintek yon ah. Anong ginawa sayo?! Tatawagan ko si kuya Ethan i-report natin yan sa pulis."
Kelly bonked him "shunga! Wala ngang ginawa sakin."
"Ha? Tapos yun ang kinaiins mo kasi wala syang ginawa sayo? Hoy KELLANG!!!"
"Ungas! Can you just listen to me? Para ka na ring sila kuya eh. Paranoid!"
"Hoy Kelly Ann Marie! I'm still one year older than you! So, I'm your kuya kahit na mag pinsan lang kayo!"
"Oo na! Gusto mo bang mag kwento ako o sesermonan mo lang ako?"
"Sige na... Sige na... Mag kwento ka na."
At nag simula na ngang mag kwento si Kelly...
Ang pangyayari kanina,
Sa backseat naka upo ang KelRick "San? San mo ko dadalhin?! Itigil nyo ang kotse!" Sabi ni Kelly na galit na galit na kay Patrick.
"Floor it Mr. Johnsen." Sambit ni Patrick na hindi pinakinggan ang sinabi ni Kelly.
"Yes young master." Sagot naman ni Mr. Johnsen ang bagong asistant/driver na anak rin nila Manong Berting at Manang Tina.
Pinaharurot naman ni Johnsen ang kotse kaya napa subsob na si Kelly dahil hindi sya nakahawak pero buti nalang napigilan ni Patrick na sya ay masaktan.
Sa isip-isip ni Kelly "Huh! Kahit kailan talaga baliw ang isang ito. Imbes na hawakan nya ko sa bewang para maging safe ako sa noo talaga niya ko hinawakan para di masubsob? Ang sweet grabe, nakakagigil!!!"
"Young master andito na po tayo."
Napatingin naman si Kelly sa labas at napansin nyang nasa labas sila ng isang condominium building ang pag mamay-ari ng mga Santos.
"Get off." Sambit ni Patrick kay Kelly na pinagbukas pa nito ng pintuan ng kotse.
"Humph! Ayoko, baka mamaya kung anong..."
Naubos naman na ang pasensya ni Patrick kay Kelly kaya binuhat nya ito.
"Patrick!!! Ibaba mo ko!!!"
Nakaagaw naman ng atensyon ng karamihan ang commotion na ginawa nung dalawa dahil nag pupumiglas si Kelly at nag sisigaw dahil parang bigas lang na binuhat sya ni Patrick.
"Welcome back Young Master." Sabay-sabay sambit ng mga staff ng pumasok sila Patrick.
"Ibaba mo ko bwiset ka!!!" Ang inis na inis na sambit ni Kelly bago sila pumasok at natahimik sya nung nag greet na yung mga staff kay Patrick.
Tinawag naman ni Patrick si Johnsen "do something about the commotion here, okay?"
"Yes Young Master."
At sumakay na nga sa elevator sila Patrick at Kelly at na solo nila iyon.
"Can you put me down? This is so embarassing I'm on my period!!!"
Patrick felt awkward, so he put Kelly down immediately "so-- sorry..."
Sinampal naman ni Kelly si Patrick "you!!! Sino ka ba sa tingin mo?! Porket ba mayaman ka gagawin mo na ang gusto mo sa kahit sino?! At ano ito? Kanina sa café parang wala lang ako sayo at ano yon? Tinawag mo kong Miss? Huh! Tapos ngayon dinala mo ko dito? Anong tingin mo sakin? Call girl?!"
"No, I see you as my wife."