Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 364 - Kabanata 364

Chapter 364 - Kabanata 364

Kasalukuyan,

Nag aabang sa labas ng clinic ni Dra. Jinzel ang mga kuya ni Kelly na sumama para maki update sa galaw ng twins.

"Hindi ba parang ang tagal naman ata nila sa loob?" Ang sabi ni Kian.

"Kuya chill, halos wala pa silang 10minutes dun nung pumasok sila." Sambit ni Keith.

"Ang akin lang eh baka kung ano na ang nangyare."

"Ayos lang sila malusog ang twins ni Kelly nakausap ko si Dra. Jinzel nung makalawa." Ang sabi naman ni Kevin.

"Nga pala, nabanggit mo ba yung tungkol dun sa bone marrow sa doctor ni Kelly?" Ang tanong naman ni Kim.

"Kuya mabanggit ko man o hindi it's a risky situation."

"I know, ang akin lang baka kasi mabanggit nung doctor kay Kelly."

"Hindi yon dahil napaka delikado nun para kay Kelly."

"At hindi rin tayo papayag na gawin yon ni Kelly para sa bone marrow kahit pa kay daddy yon." Ang sabi ni Kian.

"Sigurado rin naman ako di rin papayag si Daddy." Ang sabi naman ni Julian.

"Manalig nalang talaga tayo na magiging match ni daddy si kuya Flin." Ang sabi naman ni Keith.

"Don't worry kuya mag papatest rin naman ngayon sila Mommy at tita Keilla kaya wag tayong mawalan ng pag asa." Ang opinion naman ni Jules.

"Yah!" Reaction nila Kian.

Samantala,

Sa loob ng clinic chinecheck up na ang tyan ni Kelly ni Dra. Jinzel tinitignan nila ang bawat galaw ng twins.

"Sumisipa po sila." Ang sambit ni Patrick na napansing may gumalaw sa tyan ni Kelly.

"Oo mukhang gusto na nilang lumabas sa tyan ni Mommy." Ang sagot naman ni Dra. Jinzel.

"Gusto ko na rin po sila makita di ba Honey?"

"Um. Excited na ang lahat kaya sana maging behave sila. Hehe…"

"Don't worry dahil cs naman ang gagawin natin sayo kaya wag ka ng mag alala."

"Ah, doc pwede po bang normal nalang ang gawin natin?"

"Hmm?"

"Pero honey, hindi ba naipaliwanag na yan sayo ni doktora? Hindi ka pwedeng mag normal delivery dahil twins at maselan ang pag bubuntis mo isa pa may hika ka rin."

"Pero kakayanin ko naman."

"No, kahit na malakas ka hindi natin masasabi ang mga mangyayare kapag oras na mag labor ka."

"Pero doctora hindi po ba kahit naman mag normal ako tapos di ko kinaya pewede nyo naman akong i- cs half way."

"Well, may case kaming ganyan na hindi kinaya ang normal delivery kaya sa kalagitnaan na pag pasyahan namin at nung nanay pati na rin yung asawa na cs nalang kahit na noong mga oras na yun eh halos nakalabas ng lahat ng katawan ng bata kaso nung ulo na yung ilalabas nagka problema."

"Ano pong nangyari?" Anila.

"Gaya nga sabi ko pwede naman ang normal at cs may naging case na kaming ganun kaso sobrang hirap nun sa nanay kasi nawalan sya ng malay at nung nailabas namin ang bata nasa bingit na sya ng kamatayan. Kaya dali-dali namin syang nirevive umabot nga halos ng 20minutes ang pag revived namin kala namin di na iiyak yung bata pero mabait si Lord binuhay nya yung bata pero…"

"Pero…."

"Inatake sa puso yung tatay."

"Po? Kawawa naman." Ang sabi ni Patrick.

"Oo, ang sabi parang yung tatay nung bata ang nagligtas talaga sa buhay ng anak nila nung na revived kasi namin yung bata as in segundo lang ang pagitan ng biglang inatake yung tatay nung bata. Sinubukan namin syang iligtas pero wala…hindi kinaya nung tatay ang pressure ng eagerness nyang mailigtas ang anak nya."

"Kaya nga po sabi ko dyan kay Patrick wag nalang sumama sa loob ng delivery room kapag nanganak ako. May hika rin po kasi yan baka mamaya atakihin rin sya sa puso sa sobrang nerbyos."

"Honey naman…"

"Hehe…okay lang naman na sumama si Patrick mag lalagay nalang kami ng doctor na mag babantay sa kaniya to make it sure. It's that okay Chairman Santos?"

"Doktora naman eh."

"Oh bakit? Tama lang si doc is better na may doctor na nakabantay sayo para safe ka kung gusto mo talagang sumama sa loob."

"Ah, basta sasama ako may doctor man na nakabantay sakin o wala."

"Okay that's a deal paki ready nalang po yung cardiologist na mag babantay sa kaniya."

"Pffft… yes don't worry I can hadle it."

"Thanks doc."

"'No problem."

Patrick sighed "bahala na nga kayo."

At natawa naman si Kelly at si Dra. Jinzel at habang masayang natawa si Kelly pinagmamasdan sya ni Patrick at sa isip nya "sana lagi syang masaya Lord, sana maging safe ang maging pangananak ni Kelly sa mga anak namin."

"."

Nag gala pa ang Dela Cruz siblings sa mall para ipasyal si Kelly mas makakabuti raw sa kaniya kung madalas itong mag lalakad para naan maging maayos ang panganganak nito dahil gustong subukan ni Kelly na mag normal delivery kahit na tutol si Patrick sa naging desisyon nito.

"Oh? Bakit tila ata wala ka sa mood tignan mo yung asawa mo kung ano-ano na naman ang binibili dine sa supermarket." Ang sabi ni Kevin.

"Hayaan nyo lang sya kuya mas okay ng ganyan sya kesa naman lugmok sya sa bahay."

"Ehhh… bakit parang wala kang energy dyan pagod ka na ba?"

"Hindi naman kuya, may iniisip lang."

"Hmm? Pwede ko bang itanong kung ano yon?"

"Ahhh… kasi kanina dun sa clinic nung chinecheck up si Kelly nabanggit nya na gusto nyang mag normal delivery sa twins namin."

"Ha? Pero hindi yon pwede baka kung mapano sya at yung twins nyo."

"Yun nga po ang sabi namin sa kaniya ni Dra. Jinzel pero wala nag decide na sya kaya yun kinausap ko si ate May na mag bigay ng ilang doctor pa para may kasama si Dra. Jinzel kapag na nganak si Kelly. Mabuti ng handa."

"Sa—Sabagay nga naman."

Sa isip-isip ni Kevin "pakiwari ko'y hindi lang "ilan" ang doctor na ipapahanda ni May kapag na nganak ang kapatid ko. Baka mapuno ang delivery room. Sighh…"

"Kuya?"

"Hmm?"

"Pwede bang bantayan nyo si Kelly sa mga susunod na araw?"

"Ha? Anong ibig mong sabihin don? Aalis ka ba?"

"Hindi naman literal na aalis kuya. Alam ko hindi na dapat ako pumasok sa trabaho dahil malapit na manganak si Kelly pero kasi may problema ang kumapanya."

"Ha? Bakit hindi mo agad sinabi samin? Para sana matulungan ka namin."

"Opo balak ko naman na talagang sabihin mamayang gabi kaso baka di ko na kayo makausap kapag nasa bahay na si kuya Flin."

"Well, tama ka naman dyan magiging center of attraction namin eh si kuya Flin syempre matagal tagal rin namin syang hindi nakita busy na nga magluto sa bahay si Mama nakita mo naman di ba?"

"Yun na nga kuya kaya sana tulungan mo kong mag sabi kila kuya Kian at sa iba pa."

"Eh, bakit nag leave ka pa?"

"Yun lang ang alam ni Kelly pero ang totoo umabsent lang ako ngayong araw para samahan siya sa OB nya."

"Ohhh… ganun pala eh ano na bang lagay ng kumpanya? May na balitaan nga ako na may union daw na naganap sa isang kumpanya? Di ko naman alam na sa kumpanya nyo pala yon."

"Ah… mukhang nakalat na rin pala ang balita pero kuya hindi kami ang may kasalanan ang mga empleyado sobrang laki ng dinedemand nila."

"Hmm? Bakit may corruption bang nagaganap?"

"Wala naman pero nag simula ito nung na hack yung company medyo malaki rin kasi ang nalugi samin nun."

"Pero nabawi nyo naman ang account diba?"

"Oo pero habang lumilipas ang araw non na hindi pa na aayos marami ang naging problema may nag out pang mga shareholders kaya lalong lumaki ang gastos dahil ng mga panahong yon may bagong branch pa kaming ipina aayos at ipinagagawa. At lumipas ang mga buwan unti-unti ng bumababa ang aming sales."

"Ohhh… ganun pala pero hindi naman mauuwi sa pagka bankrupt ano? Dahil may bagong tayo kayong mall pero bakit tila ata hindi pala SM yon?"

"Um. Naki pag team up kami sa isa ring business man na may ari rin ng mall pero lalo lang lumaki ang gastos namin dahil demanding si Mr. Rebinzion."

"Wait, hindi ba yun yung may ari ng rival nyong mall?"

"Oo kuya sila nga yung may ari ng mga Rebinzion Mall na nanguna sa sales nitong mga nakaraang mga araw kaya para umangat muli ang SM nakipag team up kami sa kalaban."

"Woah… that's a big sacrifice bro buti pumayag sila tita at May?"

"Wala na kaming choice kuya kapag bumaba pa ang sales namin baka mag sara na ang ilan naming branch at kawawa ang mga empleyadong mawawalan ng trabaho."

"Ohhh…kaya ba nag tayo ng union ang ilang empleyado?"

"Oo kuya kaya kailagan ko ng ilang linggo para magawan ng paraan ang problema ng kumpanya. Kaya sana kayo na munang bahala kay Kelly."

"Okay lang naman samin pero sabihan mo si Kelly tsaka kailangan mo bang umalis?"

"Hindi naman ako aalis kuya kaso parati lang akong nasa opisina kaya madadalas ang pag uwi ko ng late. At pag alis ng bahay ng maaga kaya baka hindi na kami ni Kelly magkita sa umaga o gabi dahil tulog sya."

"Naiitindihan ko bro hayaan mo sasabihan ko sila kuya kapag kailangan mo ng tulong sa kumpanya sabihan mo kami wag kang matakot na mag sabi samin dahil pamilya tayo dito kung anong problema ng isa problema na rin ng lahat."

"Salamat kuya. Pero hindi na dahil alam kong busy rin kasi kayo kay daddy tapos ipagkakatiwala ko pa sa inyo si Kelly meron rin naman kayong kani-kaniyang trabaho kaya nakakahiya naman kung mang iistorbo pa ko. Andun naman sila Vince at Dave para tulungan ako kaya wag na kayong mag alala."

"Sige, but still kapag kailangan mo ng tulong namin nila kuya wag kang mahihiya at sana rin maaayos mo na yang problema ng kumpanya bago manganak si Kelly. Alam kong kahit ayaw ka nyang isama sa loob ng delivery room dahil may hika ka pero sigurado akong gusto ka nyang makasama habang nanganganak sya sa kambal nyo."

"Oo kuya makakaasa ka na magiging maayos na ang kumapanya bago manganak si Kelly. Promise!'

"Sige aasahan ko yan. Bilisan mo na dyan dahil na iwan na nila tayo parang buong laman nireng supermarket eh binili na ng mga kapatid ko."

At napatingin nga si Patrick sa mga paninda roon sa supermarket dahil ang daming kulang sa bawat cabinet ng mga pagkain o bagay doon.

"What the? Nanakawan ba ang supermarket?"

Extra,

Sa loob ng mall bago mag simulang mag nakaw este mamili ang Dela Cruz siblings sa supermarket…

"Oh my, ang gwapo naman nila mga artista ba ang mga yan?" Ang sabi ng isang sales lady dun sa department store.

"Hindi ba si Chairman Patrick Santos yung kasama nila? At yung babaeng buntis ay yung asawa nya?" Ang sambit naman nung sales man na kausap nung sales lady at marami pang mga mata ang nakamasid kila Kelly.

"Ang ganda ng lahi nila no? Pwedeng pwede silang mag artistang lahat o model."

"Oo kaya ang ganda o pogi rin ang magiging anak nila Chairman."

Kahit na maraming mga matang nakamasid kila Kelly patuloy naman silang sa pag pili ng mga bibilhin nila.

Nag try rin sila Keith at Jules ng suot ng mannequin na naroon sa dept. store…

"Hahaha… bagay sayo ang longhair kuya Keith." Ang sabi ni Kelly.

"Teka kuya, picturan kita dyan bilis mag pose kayo ni Jules." Ang sabi naman ni Kevin.

"Ha? Ayoko kuya baka masira ang image ko sa ibang tao." Ang sabi naman ni Jules pero hinila sya ni Keith at sinabing "sa tingin mo hindi ka pa pinicturan ng mga taong nakatingin satin?"

Nag palinga linga naman si Jules at nakita nyang may mga hawak na phone ang mga tao at vinivideo pa sila.

"What? I thought tayo lang ang nandito?"

Bineltukan naman sya ni Kian "anong tingin mo kailangan pang ipasara ni Patrick ang mall dahil andito tayo?"

"Pero kuya… kasi kanina tayo at ang mga staff lang ang naririto tapos biglang…"

"Aba syempre, andito ata ako kaya dadami talaga ang tao dito. Sige na Kevin kunan mo na kami."

"Aye, aye Sir."

"Sa---Sandali lang kuya ayoko…"

"Wala na kuya na picturan ko na kayo ni kuya Keith popost ko na to. Bleehh…" Ang panunuksong sambit ni Kelly.

"Babysis maawa ka!!!"