Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 365 - Kabanata 365

Chapter 365 - Kabanata 365

Sa DLRH,

"Kamusta ang pakiramdam n'yo Sir?" Ang tanong ni Dr. Inigo ang doktor ng daddy ni Kemwell.

"I'm pretty good doc pwede na ba akong lumabas? Nakakabagot na dito."

"Ahm... unfortunately, you can't go now your children said kapag nag pumilit kayong umuwi hindi n'yo na raw sila makikita lalong lalo na ang mga apo n'yo."

Kemwell made a facepalm "sighhh... ang mga iyon talaga are they threathening their me doc?"

"I think they just want to express that they really care about you. Gusto po nilang gumaling kayo kaya ginagawa nilang lahat para maging maayos ang kalagayan nyo."

"Pero nakakahiya na sakanila matagal ko silang di binalikan noon tapos ngayun sila pa ang nag pipit sige para gumaling ako. Di na kaya ng kunsensya ko doc."

"Papayuhan ko kayo dahil kaibigan ko ang anak nyong si Kevin at si Chairman Patrick at bilang kaibigan nyo na rin po. Bakit di kayo mag open sa kanila? Para alam nyo rin ang nararamdaman nila actually, na kwento na sakin ni Kevin ang kwento ng panilya nyo at kung ako sa inyo kausapin nyo sila sabihin nyo ang lahat para hindi kayo nakukunsensya. I didn't mean to hurt your feelings po pero mas luluwag kasi ang pakiramdam nyo kung mag kukwento kayo sa kanila."

"Maybe... pero di ko alam kung paano ko sisimulan sobrang laki ng pagkakautang ko sa pamilya ko lalong lalo na kay Kelly... lumaki siyang wala ako sa tabi nga at ngayong magkakaanak na s'ya ni di ko man lang na gampanan ang pagiging ama sa kaniya."

"Di ko sana sasabihin ito sa inyo pero baka ako naman po ang makunsensya."

"Hmmm?"

"Ang lahat po ng anak n'yo ay nag pa test para sa bone marrow n'yo at maswerte kayo dahil isa sa anak n'yo ang nag match."

"Ta— Talaga? Pero ang sabi mo anim sa anak ko ang di nag match. Don't tell me..."

"Actually, may result na rin yung sa isa n'yo pang anak at pagbalik ko pa rin po sa table ko malalaman pero may isa na pong nag match at ito ay si Kelly."

"Nag... Nag match si Kelly?"

"Um."

"Pero hindi s'ya..."

"Sinabi sakin ni Kevin na wag kong sabihin kay Kelly dahil maselan ang pagbubuntis ng anak n'yo kaya ang sinabi ko di kayo match pero alam n'yo sobrang lungkot n'ya nung sinabi ko yun."

Naiyak naman si Kemwell bigla matapos sabihin ni Dr. Inigo iyon sa kaniya.

"Sir? Are you okay?"

"Yeah... di ko lang mapigilang di umiyak dahil kahit alam kong galit sakin si Kelly eh gusto n'ya pa rin akong tulungan. Sa tingin mo doc masama ba kong ama kung gugustuhin kong makitang buo kami ng mga anak ko?"

"Sir, tao lang kayo at higit sa lahat ama nila kayo normal lang sa inyo na makaramdam ng ganyan pero kausapin n'yo sila sa tingin ko mapapabilis ang pag galing n'yo kapag naging ayos kayo kila Kelly."

***

Bago pa man pumunta si Flin sa DLRH para sa result ng kaniyang lab test for stem cell/bone marrow nag tungo muna s'ya sa puntod ng mag iina nya para bumisita.

May dalawang anak si Flin isang babae na anim na taon at pitong taong lalaki na parehas nyang tinangkang patayin noon. Pero lumabas sa imbestigasyon na walang kagagawan o hindi sangkot si Flin sa pagkasunog sa bahay nila kasama ang kaniyang mag iina.

Ipinalabas lang ng mga kaanak nung asawa n'ya na pinatay niya ang mag iina n'ya dahil nag dodroga sya at wala sa katinuan. Pero kahit na noon natangka niyang patayin ang mag iina n'ya hindi n'ya ito tinuloy dahil mahal na mahal n'ya ang mga ito. Ngunit marami ang galit kay Flin kaya binuweltahan s'ya ng mga ito sa pag sunog ng bahay nila pero nung naganap ang sunog wala roon si Flin bilang hindi naman s'ya madalas na uwi sa bahay nila.

Inamin ni Flin kay Kelly na hindi naman talaga s'ya responsableng ama pero hindi n'ya magagawang sunugin o patayin ang mag iina n'ya kahit noon ay nalulong talaga s'ya sa pag dodroga. Naniwala naman sa mga sinabi n'ya si Kelly kaya pinaiimbestigahan n'ya ang kaso ng kuya n'ya at sa tulong nga ni Mr. Sensen at ni Atty. Go napawalang sala si Flin sa kasong hindi naman talaga n'ya ginawa. At tungkol naman sa naging ilegal na gawain ni Flin si Atty. Go na rin gumawa ng paraan para maayos lahat ng taong nagawan ng atraso ni Flin si Kelly naman ang nag bayad sa lahat ng naging damage sa madaling salita si Kelly lahat ang gumastos para lang mapalaya ang kuya Flin n'ya si Kelly rin ang nag bayad ng mga utang nito mawalan lang ng taong galit sa kuya n'ya para na rin iatras ng mga ito ang kaso.

"Pasensya na kayo hindi ako nakakadalaw sa inyo patawarin n'yo ko Mira mga anak Kit, Kat... pero eto na ko laya na pangako dadalasan ko ang pag dalaw sa inyo simula ngayon." Ang sambit ni Flin at habang sinasambit n'ya ang nga ang linyang iyon naluha s'ya dala ng kaniyang pagka sabik at lungkot.

"Mira... sorry kung wala ako nung mga panahong kailangan mo ko nung lumalaki ang mga bata... mahal na mahal kita.... Pangako hindi na ko babalik sa mga dati kong ginagawa para kay Kelly at sa mga kapatid ko." Hinihimas himas n'ya ang nitso habang naiyak.

"Mga anak... Kit, Kat... patawarin n'yo si daddy dahil di ko kayo nailigtas ng mommy n'yo pero pangako hinding hindi ko kayo makakalimutan. Hindi kayo kakalimutan ni daddy sana napatawad n'yo ko at kayo ng bahala sa mommy n'yo dyan at ihingi n'yo ko ng tawad sa kaniya. Mahal... na mahal ko kayo..."

"Wag kayong mag alala Sir sa tingin ko napatawad na nila kayo."

Na gulat si Flin sa nag salita at dali-dali siyang nag punas ng kaniyang luha "Mr... Sen— Sen..."

"Sir."

Tumayo naman si Flin para makipag usap ng ayos kay Mr. Sensen.

"No worries Sir, pinasusundo po talaga kayo sakin ni Madam."

"Si Kelly? Pero sabi ko sa kaniya wag na eh kaya ko namang mag commute."

"No Sir, gusto n'ya po kasing safe kayo."

"Ikaw rin ba yung sumusunod sakin kahapon?"

Napakamot naman sa ulo n'ya si Mr. Sensen "ah... eh... sorry po natakot ko po ba kayo?"

"Hindi naman sanay naman na ko na may na sunod sakin pero alam kong kagagawan yun ni Kelly kaya di nalang ako nag pahalata sayo. Pero di ko alam na ikaw pala yun."

"Ah... he...he.... anyways, ang sabi po pala ni Madam yung result po ngayon n'yo na malalaman kaya sasamahan ko po kayo sa DLRH."

"Oo papunta na nga ako dun dumaan lang muna ako dito para bisitahin ang puntod ng mag iina ko."

"Yes Sir no worries naman po sabihan nyo lang ako kung aalis na po tayo."

"Ahm... yung sinabi mo kanina paano mo naman na sabi na napatawad na nila ako?"

"Ahhh... actually, di ko rin po alam kung bakit ko yun nabanggit sa inyo pero kung mapapansin n'yo kanina kulimlim dito sa part na ito tignan n'yo lumiwanag bigla."

Napatingin naman sa kalangitan si Flin at hinayaan n'ya lang ang hangin na dumampi sa kaniya habang naka pikit "Lord, kayo na pong bahala sa mag iina ko patawarin n'yo rin po sana ako sa mga nagawa kong pagkakamali pangako sa binigay n'yong chance sakin at ni Kelly hindi ko po iyon sasayangin gagawin ko pong lahat para maging mabuting tao para sa iba."

"Sir? May sinasabi po kayo?"

"Ha? No— Nothing may sinabi lang ako kay Lord."

"Ah... O— Okay po. He... He..."

"Let's go."

"Yes Sir."

Bago sila umalis nag paalam muna s'ya sa mag iina n'ya baon ang second chance na liwanag na ibinigay sa kaniya...

"Sir, pwede pong mag tanong?" Sambit ni Mr. Sensen ng makasakay sila sa kotse ni Flin.

"Yes ano yon?"

"Ahm... kakambal n'yo po ba si Sir Kian?"

"Ha? Hahaha... sorry pero hindi kami kambal. Tsaka mag ka iba ang nanay namin."

"Ah... opo sabi ko nga sorry po. Silly me. Ha... Ha... Ha..."

Sa isip- isip ni Mr. Sensen "bakit ba kasi tinanong ko pa nakakahiya."

"Hahahaha... mukhang matagal ka na kay Kelly nakuha mo na kasi ang ugali n'ya."

"Sir?"

"Hehe... si Kelly rin kasi parang ganyan rin kung umasta."

"Umasta? Ngayon ko lang po narinig ang salitang iyon. He... He..."

"Ah... masyado bang malalim? Nakasanayan na sensya. Hehe... pero parang pag uugali yon basta ganun."

"Ahhh... Ganun po pala siguro na adopt ko na rin po ang jolly na pag uugali ni Madam madalas po kasi mas s'ya pa po ang boss ko kaysa kay Chairman. Hehe."

"Oo sobrang bait at masayahin si Kelly kaya marami ang taong nagmamahal sa kaniya."

"At lalo po siyang magiging masaya dahil mag sasama sama na po kayong magkakapatid."

***

Yesterday night,

Medyo dumilim na ng makarating ang Dela Cruz siblings sa kanilang bahay at talagang ang dami nilang mga pinamili na para bang mag tatayo na rin sila ng shopping mall sa bahay nila.

"Mam— Mamsie? Nanalo po ba tayo sa lotto?" Ang pabulong na sambit ni Jacob sa Mamsie Keilla n'ya na nagulat sa mga pinamili ng mga anak n'ya at nagkalat ito sa buong sala at meron rin sa hagdanan nila.

"Hindi ko nga rin alam apo baka ngayon lang sila nanalo at di pa nila tayo na sinasabihan?"

"Si— Siguro nga po. Ha... Ha... Ha..."

Sa isip-isip ni Jacob "ibang klase mag bonding ang magkakapatid nila daddy ang sakit sa bulsa."

Samantala nakaupo lang si Patrick sa sofa sa sobrang pagod nya dahil di s'ya naka sabay sa energy ng magkakapatid.

"You okay Bro?" Ang sabi ni Julian at nakiupo rin sa sofa kung san naka upo si Patrick habang busy naman sila Kelly na butbutin ang kanilang mga pinamili.

"Um. Sakit lang ng paa kuya... hehe..."

"Ah... oo ako din eh. Ikaw wala ka bang binili?"

"Wala kuya."

"Sabagay, ikaw pa ba naman ano? Eh may ari ka naman ng Mall kaya kahit anong gusto mo pwede mong mabili."

"Hindi naman ganun kuya kapag naman may kailangan ako o kahit si Kelly kailangan parin naming bumili gamit ang sarili naming pera."

"Ohhh... kala ko parehas ng mga napapanood ko sa mga kdrama. Hahaha...."

"He... He... He... kdrama."

Sa isip-isip ni Patrick "sana nga lahat ng CEO katulad ng nasa kdrama pero ako bakit parang stressed na stressed sa mga na gastos namin ni Kelly ngayong araw. Sighhh...."

Ang pangyayari kanina sa mall...

"What? 129, 999.99? Ga— Ganung kalaki ang binili nila?" Ang pa bulong na sambit ni Patrick sa cashier.

"Yes Mr. Chairman. Actually, di pa po na na compute yung hawak ni Madam Kelly."

Napalingon naman si Patrick at nakita nyang may dala pang tatlong hoodies si Kelly "what? Sa tingin mo magkano yon?"

"Hmmm... base po sa mga type ni Madam na mga damit especially ang hoody "nasa 7400 po siguro ang mga yon."

"Ha?! What the?! Dito palang sila nag punta paano nalang pala mamaya sa supermarket? Yun pa naman ang gustong pinupuntahan ni Kelly kapag nasa Mall sya."

"Chairman? Ano po yon?

"No— Nothing."

"Cash po ba o card?"

"Pwede bang lista mo muna?"

"Ho?!"

"Just kidding sige card, bakit naman ako magdadala ng ganung kalaking pera dito sa bulsa ko? Jusmiyo."

"Si— Sige po Chairman hope you really enjoy shopping here.

"Ayoko na. Gusto ko ng umuwi!"

Tinawag naman s'ya ni Kelly "honey, meron pa ko dito."

"O— Oo sige. Sighh..."