Kinabukasan ng mag tatanghali nag punta si Mimay at Aliyah kay Kelly para kamustahin ito…
"Ang ganda pala dito sa may gazebo nyo girl." Ang sabi ni Mimay na nag eenjoy na mag picture-picture.
"Oo nga ang fresh ng air dito kaya pala parati ka raw nandito sabi samin ng mga kasambahay nyo." Ang sambit naman ni Aliyah na nakaupo lang kung san naka upo si Kelly.
"Oo narerelax kasi ako kapag dito ako nakatambay, muni-muni lang isip-isip ng kung anu-ano."
Nagkatinginan naman sila Mimay at Aliyah na para bang biglang nakaramdam ng lungkot "ahm… babygirl, kung may gusto kang pag usapan andito lang kami ni Aliyah para sayo." Sambit ni Mimay at naupo rin kung nasan yung dalawa.
"Oo wag mong sarilinin ang mga bagay-bagay baka mapano ka, kayo ng twins." Ang pananaw naman ni Aliyah.
"I'm okay naman wag kayong mag alala."
"Girl, wag kami matagal na tayog mag kakaibigan dito at ramdam namin kung may problema ka." Sabi ni Mimay.
Kelly sighed "actually hindi talaga ako okay pero I'm trying to be okay para sa twins."
"Kelly…" Ang sambit nung dalawa at niyakap nila ito.
"Wag mo ng masyadong isipin ang nangyare kahapon magiging okay rin ang pamilya nyo."
"Oo tama si Aliyah baka kakaisip mo dyan mastress ka alam mo namang bawal yun sayo maselan ang pag bubuntis mo at halos isang buwan nalang mula ngayon manganganak ka na kaya hindi ka dapat mastress."
"I know pero hindi ko mapigilan naiinis ako kay daddy."
"Girl, kahit mainis o magalit ka pa sa kaniya in the end of the day ama mo parin sya."
"Alam ko naman yon pero bakit kasi ganun? Buong akala namin nila kuya at ni Mama na wala na talaga sya tapos pakana lang pala ni Uncle Kallix ang lahat kung bakit nawala sya ng matagal."
"Pero naging okay rin naman kasi hindi ang daddy mo yung na baril at ang namatay kung hindi ang Uncle mong malaki ang inggit sa daddy mo."
"Pero Mims, hindi parin okay yun kahit papano mo tignan hindi namatay ang uncle nila Kelly sa maling pag judge. Napagkamalan si Unlce Kallix na si Uncle Kemwell kaya ito ang namatay."
"Tama si Aliyah pero ewan ko ba hindi ko parin maramdaman ang pagbabalik ni daddy."
"Dahil ba may bago na syang pamilya?" Ang bungad na sambit ng Mama Keilla nya.
"Ma..."
***
Hindi inaasahan nila Kelly na darating ang daddy nila sa kaarawan ni Elli kaya naman ikinagulat iyon ng pamilya Dela Cruz kahapon.
"U—Uncle?" Ang pagulat na sambit ni Keith at siniko sya ni Faith kaya binago nya ang pag address kay Kemwell "da—ddy…"
Nasa may balcony naman noon si Kelly at nagkatinginan sila ng daddy nya ng mapatingin ito sa taas pero umiwas ng tingin sa kaniya si Kelly.
"Bunso…" Ang sambit ni Kemwell sa mahinang tono.
Lumapit naman si Jacob kay Kemwell "Jacob!" Ang pagalit na sambit Kian at inilayo nya ang anak kay Kemwell.
"Daddy! Si Papsie po yan."
"Rica, kunin mo muna si Jacob."
"O—Oo sige." Ang sambit naman ni Rica at lumapit sa mag ama nya at inilayo muna si Jacob sa lolo nya.
"Mommy…"
"Baby boy mamaya na. Hayaan na muna natin ang daddy at ang mga uncle mo."
At naiwan nga sa labas ang Dela Cruz brothers at kahit si Patrick ay nasa loob lang at nag uusap usap sa loob kasama sila Vince na nasa balcony.
"Bakit hindi lumabas si Master?" Ang sabi naman ni Dave kaya na beltukan sya ni Mimay "babe naman!"
"Heh! Hihirit ka pa wala namang kwenta."
"Humph!"
"Aba't!"
Nakatingin naman sa baba si Patrick kaya nilapitan sya ni Vince "normal lang yan Chairman ganyan talaga sila kuya Kian kapag seryoso gusto sila-sila lang ang mag uusap."
"Wag mo na nga akong tawaging Chairman wala naman tayo sa company."
"Ay, nakasanayan lang pasensya na."
"No worries, pero magiging ayos lang kaya sila?"
"Oo wag kang mag aalala sa pamilya kasi namin kapag masyadong seryoso ang usapan talagang kung sino lang ang involve yun na muna ang mag uusap usap tsaka na kami makikisali kapag tapos na sila."
"Pero si Kelly…"
"Don't worry hayaan mo nalang muna syang mag pahinga alalahanin mo buntis sya kaya hindi na rin sya pinababa nila kuya Kian."
"Tsk… bakit kasi ngayon pa?"
"Wala tayong magagawa hindi naman natin hawak ang oras kaya marami talaga ang pwedeng mangyare."
"Yah…inaalala ko lang kung anong magiging approach dito ni Kelly nito kasing mga nakaraan ayaw pag usapan ni Kelly ang daddy nila."
"Naiintindihan ko naman sya kung ako rin naman ang nasa kalagayan nya maiinis ako kay uncle ang tagal ng panahon hindi sya nagpakita tapos ngayon ayan na sya? Ano naman ang gusto mong maging reaction ng batang nakakita mismo kung paano na baril at namatay ang kinilala nya noong ama? Mahihirapan talaga si Kelly kasi dahil kay uncle naging malungkot ang kabataan nya na humatong pa sa pag katakot nya sa mga tao kaya naging introvert sya habang nag dadalaga."
"Kelly…"
Samantala nasa isang kwarto naman sila Kelly kasama ang kaniyang dalawang hipag na sila Rica at Faith at kasama rin doon ang anak nila.
"Nakatulog na rin si Jacob lately kasi late na yan matulog kaya kinagagalitan namin sya ng daddy nya." Ang sambit ni Rica at nilagyan ng kumot si Jacob.
"Nanood ba ng kdrama?" Tanong naman ni Faith.
"Oo nanood nga nakita ko sya isang beses eh."
"Ako ng bahalang mag sabi sa kaniya." Sambit ni Kelly na bumangon sa pag kakahiga sa kaniyang kama kaya naman lumapit agad sa kaniya sila Rica at Faith.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Ang sambit ni Rica na nag aalala kay Kelly.
"Ayos lang po ako ate wag n'yo kong alalahanin."
Nagkatinginan naman ang mag hipag nya at nakaramdam ng awa kay Kelly.
"Don't worry magiging maayos ang pag uusap ng mga kuya mo kay Daddy. Right ate Rica?" Ang energetic na sambit naman ni Faith.
"Oo, kaya wag ka ng malungkot babysis."
"Hindi naman po ako malungkot ayos lang po ako pero ayoko na munang makita si Daddy."
"Naiitindihan ka namin bunso kaya sige na mag pahinga ka na." Ang sabi ni Rica.
"Oo bunso mas makakabuti kung matutulog ka para marelax yang isipan mo." Sambit naman ni Faith.
"Um. Salamat mga ate."
"Like what my name is you need and always be needed is Faith, tiwala lang bunso magiging okay rin ang lahat."
"Oo ate tiwala lang."
Sa magkaparehong oras naman nag tataas na ng boses si Kian dahil lalo syang nainis sa Daddy nila ng nalaman nilang may iba na naman pala itong pamilya bukod sa kanila.
"Huh! Ibang klase rin pala talaga kayo hindi pa kayo nakuntento samin at humanap pa kayo ng iba? Matinde rin talaga yang tapang nyo." Ang pagalit na sambit ni Kian.
"Anak...Mapatawad nyo sana ako."
"Tawad? Daddy humihingi kayo ng tawad? Para san dahil di kayo nag pakita samin ng matagal na panahon o dahil nagkaroon na naman kayo ng pamilya? Buti nga kinakausap pa namin kayo dito." Ang sabi naman ni Kim.
"Kuya..." sambit ni Keith na para bang inaawat ang kuya Kim nya sa pagsasalita ng harsh sa daddy nila.
"Bakit Keith? Wag mong sabihin na kinakampihan mo yang magaling nating ama? Tandaan mo di natin ipinagpatuloy ang pangarap nating sa pagiging pulis dahil iniisip natin si daddy tapos ganito lang? Huh! Walang kwenta!"
"Patawarin nyo ko mga anak.... hindi ko naman sinasadyang..."
"Tama na!!!" Sigaw ni Kevin kaya nagulat sa kaniya ang mga kapatid nya at ang daddy nila "umalis nalang po kayo dito baka bumaba pa si Kelly at kung mapano pa sya." Dagdag pa ni Kevin at nag walked out.
Tumayo naman si Julian at sinabing "kuya!!!" At hinabol nya nga si Kevin tumayo na rin naman si Jules at ang sama ng tingin nya sa daddy nila at sinabing "matagal na kayong patay para samin sana hindi nalang kayo nagbalik." Then he walked away too.
Di naman maipinta ang mukha ni Kemwell sa kalungkutan kaya hindi na nya pinili pang mag salita.
"Alam nyo bang sobrang lungkot ni Kevin nung nawala kayo? Dahil kayo ang idol ni Kevin dahil ang alam nya ulirang ama kayo pero anong ginawa nyo? Sinira nyo ang tiwala ng batang lalaking na ang pangarap lang naman ay makita nyo syang maging responsableng tao at pulis pero lahat ng yun ay nag laho sa pag lisan nyo." Ang sabi ni Kian na seryosong seryoso.
Tumayo na rin naman si Kim at sinabing "siguro nga tama si Jules matagal na kayong patay kaya dapat di na lang kayo nag balik. Patawarin nyo rin sana kami pero hindi na natin maibabalik ang dating kami towards you." Then he left.
Naging tahimik naman ang buong kapaligiran na para bang may dumaang anghel at umalis na rin naman si Kian at lumabas lulan ng kaniyang kotse at ang naiwan nalang ay si Keith at Kemwell.
"Kumain na ba kayo?" Ang sabi ni Keith na bumasag sa katahimakan ni Kemwell.
"Hi— Hindi pa. Pero ayos lang hindi naman ako nagugutom aalis na rin ako. Pasensya na talaga anak." Tumayo na sya at paalis na sana pero hinarangan sya ni Keith.
"Ke— Keith..."
"Dad! Sorry po pero gusto ko talagang gawin ito kanina pa." Sinikmuraan nya si Kemwell at talagang ang lakas ng pagkakasuntok nya sa daddy nila kaya na out of balance ito at bumagsak.
"Cough... Cough..." bigla namang may dugong lumabas sa bibig ni Kemwell kaya nag panic si Keith.
"Da— Daddy... sorry hindi ko alam na napalakas po pala." At tinulungan nyang bumangon ang daddy nila pero bigla itong nahimatay. "Daddy!!! Guys tulong!!!"
Narinig naman iyon nila Kim kaya dali-dali silang lumabas "Anong nangyare?" Anila.
"Hi— Hindi ko alam sinuntok ko kasi sya tapos biglang may dugo na lumabas sa bibig ni daddy tapos nahimatay sya."
"Ano?! Bakit mo naman ginawa yon?" Ang sabi ni Kim.
"Kumalma muna kayo. Titignan ko muna sya." Ang sabi ni Kevin at pinulsuhan nya ang daddy nila "okay sya at nahimatay lang." nakahinga naman ng maluwag si Keith pero napansin ni Kevin na may pasa ang daddy nila sa kanang braso nito.
"Kuya Kevin?" Ang sabi ni Julian.
Itinaas ni Kevin ang damit ng daddy nila at bumungad sa kanila ang pasaan nitong balat at may ilan na ring scars sa katawan nito.
"A— Ano ang mga yan? Bakit ang daming pasa ni daddy?" Ang sabi naman ni Jules.
"Ano bang ginawa mo Keith?!" Ang pagalit namang sambit ni Kim.
"Sinikmuraan ko lang naman sya at di ko alam na napalakas yun para maging ganyan."
"Hinde, di dahil sinuntok mo si daddy kaya nagka ganyan sya." Ang seryosong sabi ni Kevin.
Nagkatinginan naman ang mga kapatid nya at sabay sinabing "anong ibig mong sabihin?"
"I think may leukemia si daddy."
Nanalaki naman ang mga mata nila Keith sa gulat ng marinig nila ang sabi ni Kevin "bilis kailangan natin syang dalhin sa hospital!"
"O— Oo sige." Ang sabi ni Keith at binuhat ang daddy nila.
Hinanap naman ni Kim ang kotse ng kuya Kian nya "nasan ang kotse?"
"Umalis si kuya Kian." Ang sabi naman ni Keith na bigat na bigat sa daddy nila kaya tinulungan na sya ni Julian.
"Sige sa kotse nalang namin dun nalang natin isakay si daddy." Ang sabi naman ni Jules kaya dali-dali nila doon isinakay si Kemwell at sumakay na rin ang lahat.
"Sandali lang, hindi alam ni Babysis na dadalhin natin sa hospital si daddy." Ang sabi ni Keith.
"Hindi na muna, tsaka na, bilis Jules umalis na tayo." Ang sabi ni Kim.
"Oo kuya."
"Pero baka hanapin nila tayo."
"Ako ng bahala mag text kila ate Faith." Ang sabi ni Kevin.
"Si— Sige."