Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 357 - Kabanata 357

Chapter 357 - Kabanata 357

Kasalukuyan,

Nakatulog na si Kelly dahil nakaramdam sya ng hilo pag alis nila Mimay at Aliyah kaya pinagpahinga muna sya ng Mama Keilla nya.

"Oo ayos lang sya tulog na nga sya ngayon wag ka ng mag alala ako na munang bahala sa kaniya mamaya nalang ako uuwi pag dumating ka." Ang sabi ni Keilla habang kausap si Patrick over the phone.

Patrick: Salamat po Ma, hayaan nyo uuwi rin po akong agad at kahit wag na po muna kayo umuwi sigurado po akong miss na rin kayo ni Kelly.

Keilla: Ay sige, balak ko rin talaga na dumito muna nga sa inyo dahil nag aalala ako kay Kelly. Baka kasi mapano kakaisip sa daddy nyo.

Patrick: Yun nga po eh hayaan nyo po sasabihin ko rin po sa kaniya na umuwi na po muna kami sa inyo."

Keilla: Hindi na, hayaan mo lang sya dito mas okay kung andito sya tahimik dito kung samin baka maka halata sya sa mga kuya nya na may itinatago ang mga ito sa kaniya. Mahirap na lalo itong mag aalala sa daddy nyo.

Patrick: Sige po mamaya nalang po tayo mag usap kailangan ko na rin po kasi bumalik sa meeting pasensya na po.

Keilla: Sige ingat ka pag uwi mo.

Patrick: Salamat po Ma.

Pagkababa ni Patrick ng phone nya tinawag nya si Mr. Sensen at lumapit naman ito agad sa kaniya.

"Chairman?"

"Anong balita sa kondisyon ni Daddy?"

"Sa ngayon po may malay na po si Sir Kemwell at sumasailalim rin po sya sa chemo at naka subaybay rin po si Sir Kevin. Kanina po pumunta sa hospital si Ma'am Vina ang ate po ni Sir Kemwell."

"Ah... yah, kilala ko si Tita Vina sila kuya Kian ba andun pa rin?"

"Bumisita lang po at umalis rin agad pero bago po umalis si Sir Kian nakipag usap po muna sya sa mga Doctor ni Sir Kemwell."

"Ohh... I see, sige na bumalik ka na sa ginagawa mo pero bago yon mag order ka na muna ng strawberry vanilla cake make it 2 order para kay daddy yung isa dumalaw na muna tayo bago umuwi at yung isa para kay Kelly upset kasi yun eh."

"Yes Chairman."

"Okay back to work."

"Um."

***

Sa hindi inaasahan nalaman ng Dela Cruz siblings pwera kay Kelly na may leukemia ang daddy Kemwell nila. Kaya naman kahit na mag galit sila rito eh pinili pa rin nila itong maging maayos ang kalagayan dinala nila ito sa DLRH kung saan naroon rin si Kevin at si Patrick na rin ang nag sabibna doon dalhin ang daddy nila para maalagaan ng maayos.

"Kevin..." Ang nanghihina pang sambit ni Kemwell ng siya'y magising at nakita nyang si Kevin ang nurse niya na nag che-check ng kaniyang vital signs.

"Gising na po pala kayo, kamusta ang pakiramdam nyo?"

"A— Ayos naman salamat sa pag aasikaso mo sakin."

Hindi naman maka tingin si Kevin sa mata ng daddy nila at patuloy nya lang na ginagawa ang kaniyang trabaho bilang nurse.

"Hindi nyo kailangang mag pasalamat dahil ako ang naka tokang nurse nyo at trabaho kong asikasuhin ang mga pasyente. Dahil yun ang tungkilin ko bilang nurse."

Nakaramdam naman ng lungkot si Kemwell dahil pakiramdam nya na nanlalamig ang pakikitungo sa kaniya ni Kevin. Pero nag papasalamat pa rin sya na lumaki si Kevin na isang responsable nurse kahit na ang pangarap talaga nito ay maging pulis.

"Pero maraming salamat parin at nandito ka. Salamat rin sa inyo ng mga kuya mo at kila Jules at Julian na dinala nyo ko dito at pasensya na rin sa abala."

Napatigil naman sa kaniyang ginagawa itong si Kevin at huminga ng malalaman bago sumagot sa daddy nila "sabihin nyo nga, bakit pa ba kayo bumalik?"

"Anak..."

"Anak? Buti naman at alam niyo parin ang salitang anak. Siguro pinarurusahan na kayo dahil sa mga ginawa nyo. Kung akala nyo lalambot kami sa inyo dahil may sakit kayo pwes nagkakamali po kayo."

"Hi—Hinde anak... hindi ko naman kailangan ng simpatiya nyo dahil alam ko namang malaki ang galit nyo sakin pero hiling ko lang na wag nyo na sanang sabihin pa kay Bunso ang kondisyon ko."

"DADDY!!!" Ang pagalit na sigaw ni Kevin at kasabay rin nun ang pag luha nya. "May sakit na kayo gusto nyo paring mag tago? Sa tingin nyo ba kakayanin ni Kelly kung mawawala uli kayo samin?! Daddy... maawa naman kayo kay Kelly opo kahit sa kaniya nalang wag na samin mga kuya nya. Dahil bata palang sya naulila na sya sa inyo kaya lumaban naman kayo!"

"Mapatawad n'yo sana ako sa lahat ng maling na gawa ko. Ginusto ko naman talagang bumalik sa inyong magkakapatid at sa Mama n'yo..."

"Wag na po natin yang pag usapan alam na naming lahat ng tungkol sa inyo. Hindi naman na natin maibabalik ang nakaraan opo sabihin na nating niloko kayo ni Uncle Kallix noon pero nasan sya ngayon? Wala na po. Kaya mabuti pang nag move forward na tayo may bago na rin naman kayong pamilya na tumulong sa inyo noong kayu'y nawalan ng ala-ala. Kaya hindi namin kayo masisisi pero isa lang po ang gusto namin ngayon ang mag palakas kayo at labanan nyo ang sakit na yan gagawin naming magkakapatid ang lahat para lang humaba pa ang buhay n'yo. Pero hindi po ibig sabihin nun ay mapapatawad namin kayo agad pero mag ka gayunpaman pa man gusto naming gumaling kayo kaya sana po ayusin n'yo na ang buhay n'yo!"

Naluha naman si Kemwell sa sinabing iyon ni Kevin sa kaniya.

"Maraming salamat anak."

"Wag kayong mag pa salamat sakin dahil hindi pa naman kayo magaling. Basta ipangako n'yo na lalaban kayo para kay Kelly."

"Oo anak, lalaban ako at mag papagaling para kay Kelly at sa inyong lahat."

"."

Gabi na at dumalaw ang mga kuya ni Kelly sa daddy nila pero na datnan nila itong tulog.

"Oo kuya ayos naman ang naging chemo ni Daddy kanina pero may tine na may nararamdaman syang sakit lalo kanina namimilipit sya sa sakit binigyan sya ng gamot kaya ayan naka tulog na." Ang sabi ni Kevin.

"Kawawa naman si Daddy." Ang sabi ni Julian kaya naman napatingin sa kaniya ang mga kuya niya maliban kay Jules na nakatitig lang sa daddy nila.

"Nga pala, pupunta ba kayo kila Kelly? Nandun ngayon si Mama." Sabi ni Kevin.

"Si Mama?" Sabay-sabay sambit naman ng mga kuya niya maliban dun sa kambal.

"Ah, oo mga kuy's dumating sila ni Mommy kaninang bandang tanghali siguro." Pag sang ayon naman ni Jules.

"Bakit di nag sabi si Mama na uuwi na pala sila ni tita Jenny?" Ang sambit naman ni Keith.

"Di ka na sanay kay Mama parati namang ganun yun kung maisipan nyang umuwi uuwi talaga yon kahit nasan pa sya." Ang sabi naman ni Kim.

"At dun muna sya para samahan si Kelly."

"Nga pala, kailan natin balak sabihin kay Kelly ang nangyare kay Daddy?" Ang tanong naman ni Jules.

"Wala, walang mag nabanggit sa inyo ng tungkol kay Daddy, naiintindihan nyo ba?" Ang seryosong sambit ni Kian.

"Pero kuya, kailangan malaman ni Kelly kung ano nangyare kay Daddy."

"Oo andun na tayo na kailangan natin sabihin sa kaniya pero hindi ito ang tamang panahon para sabihin dahil alam naman nating maselan ang pag bubuntis ni Kelly kaya makakasama sa kaniya kung malaman nya ang kondisyon ni Daddy. Lalo lang yun maiistress at bawal na bawal yun sa kaniya."

"Tama si kuya Kian kung maaalala mo muntik na syang mapaano at ang baby nya nung ikaw ang may sakit noon Jules tapos kinailangan kang bigyan ng bagong kidney ni kuya Kian kaya walang mag sasabi kay Kelly kung ano ang masamang kondisyon ng Daddy." Sabi naman ni Kim na seryoso rin.

"I understand, sorry tol."

Knock... Knock...

Pinagbuksan ni Kevin yung kumakatok at bumungad sa kaniya ang isang babae na hindi familiar sa kaniya.

"Ay excuse me, dito ba yung room ni Kemwell Dela Cruz?"

"Opo, dito nga po pero pwede ko bang malaman kung sino po sila? Kaanak po ba kayo ni Mr. Dela Cruz."

"Ah hindi naman pero we're friends."

***

Nang nagising si Kelly sa pagkakatulog nya nung hapon bumaba sya para sana kumain at nakita nyang ang nagluluto sa kusina nila ay ang Mama Keilla niya.

"Ma?"

"Oh, tamang tama kakain na ng dinner tapos na ko dito maupo ka na."

Bigla namang sumulpot si Wena sa kusina na may dalang plato.

"Ma'am... gising na po pala kayo good evening po."

"Good evening rin nasan si Manang Tina? Bakit si Mama ang nagluluto?"

"Ah... Eh... kasi po..."

"Nak, ayos lang gusto kong ipagluto kayo lalo ka na."

"Thanks Ma, pero nasan po si Manang Tina?"

"Umuwi lang po ng probinsya nila may kailangan daw po kasing gawin tungkol po ata sa lupa nila dun."

"Hmm? Bakit di sinabi sakin ni Manang?"

"Ah... eh kasi po ayaw niyang pati iyon eh isipin nyo pa."

"Pero, hindi na sya iba samin ni Patrick para na namin syang Nanay. Alam ba ni Patrick na umalis si Manang?"

Napangiti at sa isip-isip ni Keilla "matured na nga talaga ang bunsuan ko ang bilis talaga ng panahon dati wala syang alam kung hindi ang kausapin lang ang mga kuya niya ay si Vince ngayon gusto na rin yang maging parte ng mga taong naka palibot sa kaniya. Nakakatuwa naman."

"Ma?"

"Nak."

"You okay po?"

"Um. Ayos lang naman ako. May inisip lang hehe. Sige na,maupo ka na at kakain na rin tayo."

"Hindi pa po ako gutom intayin ko nalang po si Patrick wala pa po ba sya?"

"Ha? Ah... wa—wala pa sya nak eh." Lumapit at bumulong sa kaniya si Wena at sinabing "lately po kasi parati nyang inaantay si Chairman di po sya kakain kapag wala pa ito."

"Ahhh... ganun pala. Mukhang alam ko na magiging itsura ng anak nila."

"Opo nakikinita kinita ko na rin po. Hehe."

Naupo naman sa upuan sa may kusina si Kelly habang na inum ng tubig "Ma, nasan pala pasalubong ko?"

"Ah... nasa ref anak gusto mo na bang kainin?"

"Hindi po mamaya nalang pag dumating si Patrick."

Nagka tinginan naman sila Keilla at Wena at napangiti "sige Bunso, pauwi na rin siguro si Patrick."

"Siguro po. Ahm... Ma..."

"Ano yon?"

"Si... Daddy po... nagkita na ba kayo?"

Napatigil naman sa ginagawa niya si Keilla ng marinig nya ang sinabing iyon sa kaniya ni Kelly "Ma?"

"Ha? A— Ano hi— hindi pa eh. Nung umuwi kasi ako dine na ko dumiretso sa inyo kaya..."

"Ohh... kung sakali po bang magkita kayo ano pong sasabihin n'yo sa kaniya? Galit po ba kayo kay Daddy?"

"Ah... Eh... anak, hindi ko rin alam gaya mo na gulat ako sa mga nangyayare pero kung sakaling magkita nga kami baka masampal ko sya."

"Ho?"

"Pero hindi ko rin alam... Ang buhay kasi ay parang klima na sa isang araw ay hindi natin masasabi kung mag iinit ba mag hapon o mag uulan? Kaya ganun din sa tao minsan kasi kapag galit ka sa isang tao minsan o madalas kinasusuklaman mo sya pero pag alam mong may pinagsamahan kayo tapos matagal kayong nagkawalay... Hindi mo na rin talaga alam kung anong gagawin at sasabihin mo sa taong yon. Dahil in the end of the day tao lang rin naman kayo nagkakamali."