Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 352 - Kabanata 352

Chapter 352 - Kabanata 352

Gabi na at wala parin sa mood si Kelly at noong araw ring iyon sila umuwi ni Patrick sa Santos Residence.

"Oo kuya ayos naman sya andito sya ngayon sa gazebo namin nag mumuni muni." Ang sabi ni Patrick habang kausap nya si Kian over the phone.

Kian: Ganun ba. Sige ikaw na munang bahala sa kaniya.

Patrick: Opo kuya wag nyo na po syang alalahanin baka gusto nya rin po munang mapag isa.

Kian: Oo sige. Sya sige na ibaba ko na ito at baka na didistorbo na kita.

Patrick: Nako, hindi naman po kuya.

Kian: Sige kumain na rin kayo kami dine eh kakain na rin muna ng dinner.

Patrick: Sige po salamat.

Kian: Oh paano paalam na muna sabihan mo nalang si Kelly na kinakamusta namin sya.

Patrick: Opo kuya.

Kian: Sige.

Matapos ang conversation nung dalawa nilapitan ni Patrick si Kelly at ipinatong nya sa balikat nito ang dala nyang jacket na may hood na kulay white.

"Oh, kanina ka pa ba dyan?" Ang sabi ni Kelly at na upo naman sa tabi niya si Patrick.

"Hindi naman katatapos ko lang na kausapin si kuya Kian kinakamusta ka nga nila eh." Tinulungan naman nya si Kelly na isuot ang jacket.

"Ohh… anong sabi mo?"

"Sabi ko okay ka naman wag ka kong alalahanin dine."

"Ahhh…"

"Ahm… Honey, ano bang problema? Kanina ka pa tahimik."

"Wala lang ewan ko hindi ko rin alam."

"Baka na gugutom ka na kakain na tayo. Gusto mo bang dito nalang tayo kumain?"

"Hindi na ayoko pang kumain wala akong gana."

"Pero honey…"

"Oo alam kong buntis ako pero kahit siguro yung twinns nakikiayon sa nararamdaman ng nanay nila. Kasi hindi ako nakakaramdam ng gutom."

Hinawakan naman ni Patrick ang kamay ni Kelly "honey, kung may bumabagab sayo sabihin mo lang at andito lang naman ako."

Kelly sighed and she put her head into Patrick's shoulder "wala naman pero dahil nakita ko si uncle Kallix na gulo na ang isipan ko."

"Bakit ano bang inisiip mo?"

"Ewan…"

"Hmm?"

"Hindi ko kasi maipaliwanag pero pakiramdam ko kasi may something sa kaniya."

"Eh? Kung ganun sige mag pa background check tayo."

"Na gawa ko na sinabihan ko na si Mr. Sensen."

"Ha? Bakit hindi mo sinabi sakin?"

"Busy ka kaya wag mo ng intindihin yun."

"Pero honey…"

Tumayo naman si Kelly at humarap kay Patrick "it's me not you. I mean hayaan mo ng ako ang gumawa pa tungkol dito. Okay?"

"Si—Sige pero wag mo masyadong stressin ang sarili mo alalahanin mo bawal sayo na ma stress."

"Yah… Alam ko hindi naman ako stress sadyang wala lang ako sa mood kung ikaw ba ang nasa kalagayan mo hindi ka mapapaisip?"

"Well, siguro oo kung sakali na makita ko rin naman si daddy ngayon baka mawindang ako."

"See, pero hindi talaga ako matatahimik kapag hindi ko malaman kung sino ba talaga si Uncle."

***

Lumipas ang mga araw hanggang sa umabot na ng isang linggo ang hindi paguwi nila Kelly at Patrick sa Dela Cruz Residence.

"Tita Faith ano pong ginagawa nyo?" Ang sabi ni Jacob kay Faith na nag ba-bake ng cake.

"Nag ba-bake ako ng cake baby boy may kailangan ka?"

Naupo naman si Jacob habang kausap ang tita Faith nya "order po yan sa inyo?"

"Um. May order kasi sakin para bukas kaya nag ba-bake na ko so, ano may kailangan ka?"

"Wala naman po I just wanna ask if tita Kelly chatted you or even call po."

"Ahhh… nag aalala ka ba kasi hindi sila umuwi ng tito Patrick mo nung weekend?"

"Um."

"Baka busy lang hindi pa rin kasi sya nag cha-chat o tawag sakin eh."

"Sa tingin nyo po nag tatampo parin sya kila daddy?"

"Hmm? Alam mo?"

"Kahit naman po di nyo sabihin sakin nila daddy halata naman po kasi nanahimik parati sila tito Kevin."

"Ohhh.. . Sabagay nga ang tahimik ng bahay na ito kapag wala si Kelly kahit na andito kayong mga bata nila Tum-Tum."

"Opo ang boring po."

"Gusto mo bang bisitahin ang tita Kelly mo?"

"Opo!"

"Uy… excited sya."

"Hehe…opo hindi ko na po kasi nakikita si tita Kelly miss ko na po sya."

"Hayaan mo bukas pag mag dedeliver ako ng cake sasama kita tapos daan tayo sa kanila bago tayo umuwi. Okay ba yon?"

"Um. So, susunduin nyo po ako bukas ng hapon?"

"Ha? Hapon? Hindi ka ba halfday bukas gaya ngayon?"

"Hindi po eh pero gang 2pm lang po class ko bukas kaya pwede nyo po ako sunduin sa school kung okay lang po senyo."

"Oo okay lang naman pero intayin mo ko sa school at wag kang lalabas ako mismo ang pupunta sa loob ng school nyo kasi mag deliver ako ng cake mga 1pm kaya intayin mo ko. Okay?"

"Opo."

"Alright ngayon tulungan mo si tita na mag ligpit dine dahil magluluto pa ako ng dinner baka magsidating na ang daddy at ang mga tito mo."

"Okay po."

At habang nag lilinis ng lababo si Jacob dumating naman ang tito Kim at ang tito Keith nya.

"Oh… ang aga nyo magluluto palang ako ng dinner eh."

"Ayos lang babe may uwi akong letchong manok para sating lahat."

"May uwi naman akong fried chicken as a promise for Siopao."

"Talaga po tito Kim?"

"Um. Hindi ba may promise ako sayo dahil na perfect mo yung math exam mo? May burger at fries rin para kila Tum-Tum nasan yung dalawa?"

"Ah, nasa kwarto kuya na pagod naglaro kasi ng nag laro."

"Oh… sige na Jacob gisingin mo na ang mga pinsan mo."

"Opo."

Nang makaalis si Jacob sinabi ni Faith ang napag usapan nilang dalawa kila Keith at Kim.

"Talaga? Sinabi yon ni Jacob?" Ang sambit ni Keith.

"Um. Miss na miss na nung bata ang tita Kelly nya kayo ba kailan kayo dadalaw sa kaniya?"

Nagkatinginan naman sila Kim at Keith at nagsawalang kibo nalang "kayo rin malay nyo inaantay lang kayo ni Kelly na bumisita sa kaniya bago sya umuwi dito."

"Hindi na kailangan mas makakabuti kung doon na muna sya sa kanila." Ang bungad naman ni Kian na kararating lang.

"Kanina ka pa ba dyan?" Ang sabi ni Keith.

"Kararating ko lang ng marinig ko ang pinag uusapan nyo."

"So, wala pa kayong balak magkakapatid na bumisita sa kaniya? Bukas pupunta pala kami dun ni Jacob. Okay lang ba kuya?"

"Ayos lang, alam ko namang gustong gusto na rin makita ni Jacob ang tita Kelly nya."

"Bakit kasi ayaw nyo pang makipag ayos?"

"Babe, mamaya na natin pag usapan yan pakihain mo na muna ang dinner natin para makakain na tayo." Sabi naman ni Keith.

"Ang aaga nyo naman kasi hindi pa ko nakaka pag saing kaya sige na mag palit na muna kayo ng damit nyong lahat at maupo kayo sa sala may cookies akong binake kanina yun na muna ang kainin nyo habang inaantay natin ang sinaing."

"Okay…" Anila.

Habang papataas naman sa hagdan yung tatlo papunta sa kani-kanilang silid dumating naman sila Jules at Julian "andito na kami." Anila.

"Oy…" Ang reaction naman nung tatlo at bumaba ng hagdan.

"Bakit hindi kayo nag pa sabi na pupunta kayo dine?" Ang sambit ni Keith.

"Ahh… susurpresahin sana namin kayo ni Julian."

"Na ano?" Anila.

"Dito na kasi madedestino sa Manila si Julian from now on matatagalan na ulit bago sya ilipat sa ibang lugar."

"Ohhh… totoo ba yon Julian?" Ang sabi naman ni Kian.

"Oo kuya, nakiusap rin kasi ako na dumito sa Manila at pinayagan rin naman ako matagal na rin naman kasi akong nasa Cebu."

"Nice, good news yan at matutuwa nyan si Kelly kapag nalaman nya." Ang sabi naman ni Kevin.

Bigla namang nag iba ang mood ng lahat na para bang nalulungkot "bakit kasi hindi nyo pa sya bisitahin isang linggo na rin sige kayo baka hindi na kayo kuning ninong nun kapag na nganak sya." Ang pag singkit na sambit ni Faith na may dalang cookies.

"No way!" Anila.

"Boys, get ready pupunta tayo kila Kelly." Ang sabi naman ni Kian.

"Yeah!!!!" Ang excited na sambit ng mga kapatid nya.

Napangiti naman si Faith at napatingin sa may taas ng hagdan dahil nakita nyang andoon si Jacob na masyang nakikinig.

"Hindi rin talaga nila matitiis ang bunso nilang kapatid." Ang pabulong bulong na sambit ni Faith.

Samantala,

Sa Opisina ng Santos Corp…

"Chariman, tara shot pagtapos natin dito." Ang sabi ni Dave kay Patrick na busy pumirma ng mga documents.

"Ano na namang problema mo?"

"Wala, gusto ko lang uminom ngayong gabi."

"Pass ako nag text sakin si Jacob na pupunta samin sila kuya."

"Oh?"

"Oo kaya pagtapos ko dine uuwi agad ako."

"Ohhh… Sige si Vince nalang maimbita."

"Kung gusto mo sumama ka nalang samin."

"Ayoko family matter nyo yan ayoko namang makisali."

"Sus, dami mong arte nga pala na gawa mo na ba ang ipinag uutos ko?"

"Oo naayos ko na yung system dun sa bagong site."

"Good. Bukas mag punta kayo ni Vince doon i-check nyo kung ayos na o may kulang pa para maayos bago mag bukas nextweek."

"Yes Chairman."

"Kailangan kong matapos agad ang mga papers na ito para makauwi ako ng maaga."

"Nga pala, anong balita dun sa uncle nila Madam?"

"Hindi ko pa alam pero alam ko ngayon malalaman yung result sa DNA test nila ni Kelly."

"Oh? Nag pa ganun talaga si Madam?"

"Oo may hinala kasi syang hindi naman talaga nila uncle yung si uncle Kallix."

"Eh?"

Sa magkaparehong oras sa Dela Cruz Residence…

Hindi pa naalis ang mga kuya ni Kelly dahil biglang dumating ang uncle Kallix nila.

"Kare-Kare po?" Ang sabi ni Kevin habang hawak nya ang uwi sa kanila ng uncle Kallix nila na special na kare-kare.

"Oo yung ka meeting ko kasi dinala nya ko sa isang restaurant na ang specialty ay ang kare-kare na walang mani at alam ko namang hindi kayo pwede sa mani dahil may allergy kayo dung magkakapatid."

Nagkatinginan naman sila Kian "pa—paano nyo po nalaman?" Ang sabi naman ni Keith.

"Ha? Ah… A—Ano sinabi sakin ng daddy nyo."

"Ohhhh…" Ang reaction naman ng magkakapatid.

"Kayo rin ba twins may allergy rin kayo sa mani?" Ang tanong naman ni Kim kila Julian at Jules.

"Oo kuya." Anila.

"Really? Parehas kayo?" Ang sambit naman ni Kevin.

"Oo kuya hindi ko alam na kayo rin pala." Ang sabi naman ni Jules.

"Meron nga rin pala akong eggpie dito kaso mukhang hindi parin pala na uwi si Kelly parehas pa naman kami na ito ang paborito." Ang dagdag pa ni Kallix at muli napa tingin si Kian kila Kevin.

"Paborito nyo rin po ang eggpie?" Ang tanong ni Keith.

"Um. Sayang nga lang at may allergy kayo sa itlog kaya alam kong hindi kayo nakain nire. Kayo ba Jules and Julian allergy rin kayo sa itlog?"

"A—Ako po hindi naman." Ang sabi ni Julian.

"Talaga? So, pwede kang kumain nito?"

"Ah, hindi po ayaw po kasi ni Julian ng ganyan." Ang sabi naman ni Jules.

"Hmm? Bakit naman masarap naman ito."

"Ah… Eh… kasi po uncle…"

"Hindi nya po kasi gusto yung amoy."

"Jules!"

"Oh, bakit yun naman talaga di ba? Nakain ka ng itlog pero ayaw mo ng amoy."

"Ohhh… ganun ba yon Julian?"

"Ah… Eh… parang ganun na nga po."

Hindi naman na napigilan ni Kian na mag tanong sa uncle Kallix nya dahil parang may mali kasi dito dahil nito lang naman nila nakilala ito pero parang ang dami na nitong alam sa kanila.

"Ha?"

"Sorry pero kung out of nowhere tinanong ko pero ano pa pong nabanggit sa inyo ni daddy tungkol samin?"

"A—Ano hindi naman marami hindi ko rin kasi noon parating nakakasama ang daddy nyo."

"Ohhh… pero nabanggit po ba sa inyo ni daddy kung sino si Jamea?"

Nagkatinginan naman sila Kevin dahil hindi nila kilala ang Jamea na sinasabi ng kuya Kian nila.

Natahimik lang naman ang uncle Kallix nila kaya naman parang na triggered pa si Kian "sabihin nyo sino si Jamea!!!"

"Ku—Kuya…kalma lang." Ang sabi naman ni Kevin.

"Si Jamea ay hindi tao pero isa itong code name." Ang sagot naman ni Kallix na seryosong nakatingin kay Kian.

Nanlaki naman ang mag mata ni Kian at natameme sa sinabing iyon ng uncle Kallix nila "code name?" Ang sabay-sabay namang sambit ng mga utol nya.

Related Books

Popular novel hashtag