Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 353 - Kabanata 353

Chapter 353 - Kabanata 353

Sa Dela Cruz Residence mag 8pm na at kararating lang ni Rica…

Nakain ng fudding si Jacob na gawa ng tita Faith nya habang nanonood ng tv kasama ang kaniyang mommy.

"Oh? Pumunta ang daddy at ang mga tito mo kila Kelly?"

"Opo mie sabi ni daddy ako na daw ang mag sabi sayo kasi lowbat ang cp nya kaya iniwan nya nalang po dine."

"Ohh… I see kaya pala wala akong na receive na text o tawag sa kaniya."

"Yah… kumain na po pala ako kasabay ko sila daddy andito po kasi kanina si lolo kaya maaga po kami kumain."

"Lolo? Sinong lolo mo?"

"Ah… Si Uncle Kallix ang sinasabi ni Jacob." Ang bungad naman ni Faith na may dalang fudding rin para kay Rica.

"Ahhh… pumunta pala sya dito?"

"Um. Kanina pero umalis rin agad hindi na sumama papunta kila Kelly…. Nga pala kumain ka na ba ng dinner? Gusto mo bang pag init kita ng ulam may kare-kare kasi na dala si uncle."

"Ah… hindi na galing rin kasi ako sa isang birthday party kaya busog na rin ako. Salamat nalang."

"Ganun pala. Here kumain ka muna ng fudding."

"Thanks."

"Masarap yan mommy bagong dessert ni tita Faith."

"Ay sus… tung batang ito talaga gusto mo pa ba?"

"Nako, wag na gabi na okay na yang kinain nya."

"Pero Mommy…"

"Jacob."

"Hayssss… sige na nga po."

"Bukas nalang ulit baby boy."

"Talaga po?"

"Um."

"Yehey…"

"Sige na kuha mo na muna ng maiinom ang mommy mo."

"Opo."

At pag kaalis ni Jacob nag usap naman yung dalawang mag hipag…

"Talaga? Bakit nag hihinala si Kian na hindi si uncle Kallix yung nag pakilala satin na kakambal ni daddy?"

"Well, hindi ko rin naman sure ate kasi nito lang rin naman ako sa bahay na ito at hindi ko naman nakita ang daddy nila kaya wala rin talaga akong idea."

"Kahit ako rin pero may nabanggit na sakin nun si Kian na malapit raw talaga sya sa daddy nya."

"Ohhh… kaya po pala nung tinanong nya si uncle Kallix kanina hindi alam nila Keith kung sino yung Jamea."

"Sinong Jamea?"

"Narinig ko kanina isa raw yung code name."

"Code name? Para san?"

"Ang sabi parang sa isang account ewan ko lang kung para san yung acount."

"Sandali lang parang may naaalala ako tungkol dun parang narinig ko nga yun kay Kian noon."

"Talaga ate?"

"Oo…Pero hindi ko maalala kung para san yun."

"Ang sabi kasi kanina ni kuya Kian account daw yun at sila lang ni daddy ang nakakaalam kahit nga sila Keith ngayon lang rin nalaman yung about dun."

"Ohhh… I think I get it na."

"Hmm?"

"Iniisip ni daddy na si Papsie ay si Lolo Kallix." Ang bungad ni Jacob na may dalang baso ng tubig.

"Baby boy." Ang pa gulat na sambit naman ni Faith.

"Naisip ko lang rin po na si Papsie may taling sya sa left part ng ilong nya na parang si daddy at ganoon rin itong si Lolo Kallix."

"Baby boy malay mo naman magkaparehas sila ni daddy kasi nga kambal sila ni uncle Kallix."

"Nope tita Faith ipinakita sakin ni Lolo Kallix ang pic nila ni Papsie at talagang identical twins po sila pero ang pinagka iba nila ay ang taling po sa ilong."

"Sandali lang baby. So, you mean may picture si Uncle na ipinakita sayo?" Ang sabi ni Rica.

"Yes mommy nasa wallet nya po iyon. Alam nyo naman po siguro na nakikita ko na si Papsie sa mga pic dito po sa bahay kaya kabisado ko na po ang mukha nya."

Nagkatinginan yung mag hipag at curious na curious sa nalaman ni Jacob "tapos ano pang napansin mo?" Anila.

"Sa mga nakikita ko sa pic ni Papsie dito sa bahay may taling po sya sa ilong at nung time na sinabi sakin ni Lolo Kallix kung sino sya dun sa pinakita nya saking pic yung may taling sa ilong ang itinuro nya na dapat ay yung walang taling."

"Ohhh… So you mean ang tinuro ni Uncle Kallix na sya ay si Daddy?" Ang sabi naman ni Faith.

"Um. Pero kung mapapansin nyo po hindi halata sa ilong ni Lolo Kallix ang kaniyang taling sa ilong."

"Oo nga hindi kapansin pansin kasi natatakluban ng salamin nya. Pero kung tatanggalin makikitang may taling nga sya." Ang sabi naman ni Rica.

"Yes Mommy at nakita ko rin po mismo ang taling na yon ni Lolo Kallix nung tinggal nya yung salamin nya."

"Kasi nga naman yung taling nya sa ilong at natatakpan nung sa may part ng pang ilong ng glasses nya. Kaya pala hindi halata."

"Aha… At sa tingin ko po hindi rin yun nahatala ni Daddy at nila uncle."

"Sandali lang, sinabi mo na ba ang bagay na ito sa daddy mo?"

"Hindi pa po sa inyo lang ni tita Faith."

"So, kung ganon walang alam ang daddy o ang mga tito mo tungkol sa nalaman mo?" Ang sabi naman ni Faith.

"Opo babanggit ko po sana yun kay tita Kelly pero sa tingin ko may alam na sya tungkol kay Lolo Kallix."

Sa mag kaparehong oras sa Santos Residence…

Nag uusap usap ang Dela Cruz siblings sa sala at nabanggit ni Kian kay Kelly na parang may mali sa Uncle Kallix nila at hindi nila inaasahan ang isasagot sa kanila nito.

"So, you mean nag pa background check ka para kay Uncle?" Anila.

"Oo mga kuy's nung araw na nakita ko sya may iba na kong naramdaman kay Uncle."

"Gaya ng?" Ang sabi naman ni Kevin.

"Hindi ko maipaliwanag pero pakiramdam ko nun sya talaga si Daddy."

"Ano?!" Anila.

"Um. Kahit naman maliit pa ako nung nawala si daddy satin alam na alam ko kapag sya ay dumadating."

Naisip naman ng mga kuya niya na kapag dumadating ang daddy nila parati itong naka yapak at hindi nag tsitsinelas dahil mas kumportable itong naka paa lang at walang sapin. At naalala nilang ganoon rin ang mannerism ng uncle Kallix nila.

"Pero paano kung parehas lang naman sila ni uncle na ganun ang mannerism?" Ang sabi naman ni Keith.

"Yah. Kami ni Julian marami kaming pagkakatulad."

"Oo tama si Jules pero may iba parin naman kaming pinagkaiba."

"Alam ko kuya, pero napansin nyo ba ang taling ni Uncle Kallix sa ilong?"

Napasip naman yung kambal sa sinabing iyon ni Kelly "what is Taling?" sabi ni Jules.

"Ahhh… ang taling kasi ay maliit na nunal samin kasi ganun ang tawag at hindi nunal. Yung mole sa english." Ang sabi naman ni Kim.

"Ohhh… I see ngayon ko lang kasi narinig. Sorry."

Naging seryoso naman bigla ang naging atmosphere sa may sala "at si daddy ay may taling sa ilong." Ang seryosong sambit naman ni Kian.

"Paano kung may taling rin talaga roon si Uncle Kallix?" Ang sambit naman ni Keith.

"Wala, walang taling ang totoong Uncle Kallix." Ang seryosong sagot naman ni Kelly.

"ANO?!" Ang pagulat na sambit naman ng mga kuya nya.

May kinuha si Kelly sa loob ng brown envelope na nasa lamisita at iniabot nya sa kuya Kian nya at dinistribute.

"Yan ang huling picture ni Uncle na kasama si Daddy."

"Si—Sino si Daddy dito?" Ang sabi naman ni Keith.

"Yang nasa right side sya si daddy at yang nasa left side naman ay si Uncle Kallix. Pagmasdan nyong mabuti ang pagkakaiba nila."

Habang pinagmamasdan nila Kian yung picture dumating naman na si Patrick…

"I'm home…" Ang sambit nya pero wala sa kaniyang sumalubong kaya nag dire-diretso nalang sya at nakita nyang seryoso ang mga mukha ng Dela Cruz siblings.

"Chairman, nakarating na pala kayo." Ang sabi ni Aling Tina at kinuha ang dala ni Patrick na bag at coat.

"Kanina pa po ba sila kuya na dumating?"

"Medyo lang po pero mukhang seryoso ang pinaguusapan ng magkakapatid."

"Ohhh…ganun po pala. Kumain na po ba sila ng dinner?"

"Hindi pa po."

"Ahhh… okay sige po maghain na kayo ako na pong bahala na tumawag sa kanila." napansin naman siya ni Kelly kaya nag winked sya.

"Okay sige.".

"Kanina pa po ba sila kuya na dumating?"

"Medyo lang po pero mukhang seryoso ang pinaguusapan ng magkakapatid."

"Ohhh…ganun po pala. Kumain na po ba sila ng dinner?"

"Hindi pa po."

"Ahhh… okay sige po maghain na kayo ako na pong bahala na tumawag sa kanila." napansin naman siya ni Kelly kaya nag winked sya.

"Okay sige."

Lumapit naman si Patrick dun sa sala at bumati sa mga kuya ni Kelly "kanina ka pa ba?" Ang sabi ni Kian.

"Ah… hindi naman kararating ko lang actually. Mukhang busy kayo ano yang tinitignan nyo?"

"Picture nila daddy at uncle." Ang sabi naman ni Kelly at iniabot nya yung picture na hawak nya kay Patrick.

"Wow… mag kamukhang mag kamukha pala talaga sila ano? Sino dito si Daddy at sino naman si Unlce?"

"Saan mo nakuha ang picture na ito Bunso?" Ang tanong naman ni Kim.

"Hiningi ko yan kay lola."

"May ganitong picture sa probinsya?" Ang sabay sambit ng mga kuya nya maliban kay Patrick.

"Hmm?" Ang reaction naman ni Patrick at na upo sa tabi ni Kelly.

"Sa totoo lang mga kuy's hindi ko rin alam na may ganyan sa bahay natin dun sa Batangas pero nung sinabi ko kay Lola na hihingi ako ng picture nila daddy at uncle yan ang binigay nya at sabi nya yan lang ang nag iisang picture nya na mag kasama sila daddy at uncle kaya naman dinamihan ko ang copy at yung original ay binalik ko kay lola."

"Talaga? Pero bakit hindi natin yan nakikita naka display dun sa bahay sa Batangas?" Ang sabi ni Keith.

"Hindi yan nilalabas ni lola nasa kwarto lang yan nila ni Lolo. Pero sabi sakin ni Lola may ganyan rin raw na pic sila daddy at uncle sa wallet nila."