Kinaumagahan tinanghali ng gising si Kelly kaya dali-dali syang bumangon pero hinila syang pabalik ni Patrick sa kama para matulog muli.
"Huy! Anong ginagawa mo? Kailangan mo pang pumasok late na."
Yakap-yakap naman sya ni Patrick at sinabing "it's okay naka leave ako."
"Ano? Baliw ka na ba? Nalimutan mo na bang Chairman ka ng SM Corp. tapos naka leave ka? Baliw!"
"Oo nga gusto ko kasing nakikita kang nasa maayos na kalagayan."
Tinulak naman sya ni Kelly at nahulog sya sa kama "honey!!!"
"Tumigil ka sa katamaran mo hala sige! Maligo ka na at pumasok ka!"
Nakahawak naman si Patrick sa kaniyang tagiliran habang na tayo at kausap si Kelly. "Pero honey, weekend nga ngayon at may outing tayo nalimutan mo na ba? Sakit eii… makatulak wagas."
"Ay, oo nga pala no? Libre nga pala ni kuya Jules kasi magaling na sya to celebrate. Sorry hubby, nalimutan ko lam mo na nagiging makakalimutin talaga pag buntis eh. He...He..."
Patrick smirked secretly and he whisper "sus, ganyan ka naman kahit noon pa."
"May sinasabi ka?"
"Ha…Ha… Ha… wala naman my beautiful wifey gusto mo bang kumain na? Ikukuha kita."
"Hindi na, gusto kong bumaba."
"Eh? Kala ko nahihiya ka raw kasi naka dress ka."
"Hindi na di naman ako niloloko nila kuya. Pero sandali lang bakit parang hindi ka pala na gulat na naka dress ako? Tsaka anong oras ka dumating? Bakit hindi mo ko ginising?"
"Ahhh… medyo gabi na kasi natapos yung meeting ko pumunta pa kami sa Bulacan para tignan ang bagong construction dun. Tapos na traffic pa kami ni Sensen sa daan pauwi rine."
"Sus! Bakit hindi mo ko tinawagan o tinext?"
"Hoy! Nag chat ako kila kuya."
Binato naman sya ni Kelly ng unan "maka hoy ka ah! Tropa tayo?"
"So—Sorry naman ang akin lang kasi nag chat kasi ako honey maniwala ka naman."
"Tsss… Oo na nawawala kasi ang phone ko kaya hindi ko alam kung nag text ka o hindi."
"Nawawala?"
"Um. Hindi ko alam kung nasan, nung na kidnap kasi ako na hulog yun eh."
"Ano? Bakit hindi mo sinabi sakin para na bilhan sana kita."
Binato na naman sya ni Kelly ng unan "tungaw ka? Nalimutan ko nga!"
"Ay, sorry naman. Teka lang kung nawawala ang phone mo baka kung sino na nakakuha nun paano kung mahack ang mga account mo."
"Nagawan na ng paraan ni Sensen kaya wag ka ng mag OA dyan."
"Si Sensen? Bakit hindi mo rin sinabi sakin?"
"Haysss… ang dami mong arte mas mabilis kung si Sensen ang pag aasikasuhin ko tsaka busy ka."
"Pero kasi honey…"
"Hayaan mo na nga yon tapos na yon at sabi mo nga bibilhan mo ko ng phone kaya halika na maligo na tayo."
"Li—Ligo? Tayo?"
Dalawang unan na magkasunod ang binato sa kaniya ni Kelly pati kumot "maligo ka mag isa mo!"
"Ayaw mong sumabay?"
"Heh!" at lumabas na nga sya ng kwarto nila ni Patrick.
"Honey!!!"
Nakasalubong naman ni Kelly pag labas nya ng kwarto si Julian na kagigising lang din.
"Morning kuya."
Hindi naman sya napansin agad nito dahil mukhang may malalim na inisip kaya nilapitan nya ang kuya nya "kuya!"
"Ay kabag!"
"Morning kuya."
"I—Ikaw pala bunso morning rin."
"Hmm? Bakit parang ang aga eh lutang ka?"
"Ahh… hindi kasi ako nakatulog."
"Eh? Bakit malikot bang katabi si kuya Kevin?"
"Ah, nako hindi ang tahimik at para syang anghel kung matulog."
"Eh… bakit ka hindi naka tulog?"
"Ah… eh… kasi ano…"-
"May problema ba kuya?"
"Tsk… oo eh kaso wag mo kong pag tatawanan ha?"
"Okay? At bakit ano ba yon?"
"Si Jules kasi…"
"Guten Morgen babysis." Ang bungad na sambit ni Jules kay Kelly na pababa ng hagdan at sya naman ay nasa sala ng makita nya yung dalawa.
"Anneyeong oppa." Ang sagot naman ni Kelly sa kuya Jules nya.
"Ayos ah, kailangan na rin ba naming mag aral ng iba't ibang linguahe?" Ang sabi naman ni Keith na may dalang kape habang papunta ng sala.
"Ehe… oo kuya para UN vibes dine sa bahay. Hahaha…"
"Oo sige tawa tignan mo yang dinadaanan mo baka mahulog ka." Ang sabi naman ni Kian na nag babasa ng newpaper.
Humawak naman ng mahigpit si Kelly sa kuya Julian nya "inaalalayan naman ako ni kuya Julian. Di ba no kuya?"
Ngumiti at sumangayon nalang ang kuya Julian nya sa kaniya at na isip nyang "mukhang may problema ang twins ah…" at napatingin sya kay Jules.
"Oh, gising na pala kayo halina at mag aalmusal na tayo kami ng Mommy Jenny nyo ang nag luto ng breakfast natin." Ang sabi ni Keilla.
Nagulat naman si Julian at Jules dahil for the firstime nag luto ang nanay nila uli"si Mommy? Nag luto po?" Anila.
"Hey, what do you think to your mom? Hindi marunong mag luto?" Ang sagot naman ni Jenny na may dalang pagkain na inihain sa lamesa.
"Ehe… masyado raw po kasing kayong elegante para magluto auntie." Ang sabi ni Kevin.
"Sus, hindi naman nag luluto naman talaga ko nun kaso hindi na nga lang naulit nung..."
"The last time she cooked nung nasa Hawaii kami sinunog nya ang bahay namin dun." Ang sabi ni Jules habang papalapit sa dining area.
"Na sunog yung bahay nyo?" Anila.
"Yah, she always messed everything when it comes in cooking buti po auntie hindi naka sunog si mommy dito."
"Ha…Ha…Ha… hindi naman okay naman ang kusina at ang buong bahay."
"Thank goodness dahil wala na pong insurance si mommy."
"JULES!!!"
At nag habulan na nga yung mag ina at nag tawanan naman sila Keilla maliban kay Julian na seryoso kaya napansin sya ni Kelly "kuya?"
"Hmm?"
"Bilis kuya halika sa likod may ipapakita ako sayo."
"Eh?"
At dahan-dahan nga silang sumibat habang busy ang pamilya nila "Jules!!! Wag mo kong pagurin!"
"Mommy, ikaw ang habol ng habol may tahi ako baka bumuka to."
"Heh!"
Natawa lang si Kelly habang papunta sila ng kuya Julian nya sa lukod ng bahay nila "nakakatuwa sila Auntie at kuya Jules."
"Yah… ngayon ko na nga lang ulit nakitang ganyan sila."
"Hmm?"
"Mahirap paliwanag pero alam mo naman malayo ang loob ko sa kanila."
Tinawag naman sya ni Kelly na maupo doon sa kubo "may kubo pala dito?"
"Hindi ka pa ba nakakapunta dito sa likod?"
"Oo hindi pa, simula nung dito ako natulog parating sa loob lang ako at doon sa terrace eh kaya hindi ko alam na may kubo pala dito at may alaga rin pala kayong manok at kambing?"
"Ahhh… yang mga yan mahabang kwento kung bakit may ganyan dito pero ang gusto kong ipakita sayo ay eto." Binuksan nya yung cabinet dun sa kubo at ipinakita nya ang mga kutsara at tinidor na may naka ukit na name nila.
"Wow, meron din ako? At si Jules?"
"Um. Nung nalaman ko kasing may iba pa akong kuya bukod kila kuya Kian nag pagawa ako nyan kay tiyo Hernan."
"Ohhh… galing naman salamat bunso."
Ibinigay naman ni Kelly yung pares ng spoon at fork ni Jules kay Julian "kay Jules toh bakit mo sakin binibigay?"
"Pakibigay nalang sakaniya."
"Ha? Pero bunso kasi ano…"
"Kasi? Mag kaaway kayo?"
"Ha? Hi—Hindi naman."
"Sus… wag ako kuya ganyan din ako minsan kapag ayokong ibigay ang isang bagay kay Patrick pag nauuma ako sa kaniya."
"Eh?"
"Sige na kuya sabihin mo anong pinag awayan nyo ni kuya Jules? Kahapon ko pa kayo napapansin na parang nag iiwasan."
"Ahm… hindi naman big deal pero parehas kasi kaming ayaw mag give up."
"Hmm? Mag give up san? Don't tell me kuya babae ang pinag aawayan nyo?"
Hindi naman nakapag salita si Julian …
"Oh M! Sino yung lucky girl at kayo pang dalawa ni kuya Jules ang na bighani sa kanya."
"Ah… Eh… Si Wendy."
"Talaga? Si ate Wendy? Hahaha…"
"Bunso naman eh…"
"Hahaha… sorry kuya hindi ko lang kasi akalain na si ate Wendy pa talaga ang pag aagawan niyo ni kuya Jules well, maganda naman kasi rin sya pero kasi parang hindi ko naman nakikitang sya pala ang type nyo?"
"Oo at hindi ko balak na ibigay nalang ng walang laban si Wendy." Ang bungad naman ni Jules at tinignan ang mga spoon and fork na naroron sa mesa sa kubo "I liked it ikaw ba ang nag ba ukit ng mga ito ha babysis?" Dagdag pa nya.
Napatingin naman si Kelly sa kuya Julian nya at na uutal utal pa nyang sinabi "O—Oo kuya salamat naman at na gustuhan mo yung sayo na kay kuya Julian."
"Ah… O—Oo eto."
Kinuha naman ni Jules ang iiniabot sa kaniya Julian at nag katinginan sila "wala ka bang gustong sabihin sakin Julian?"
"Wa—Wala naman ang sakin lang kung sakaling balang araw may piliin satin si Wendy sana maging masaya tayo sa maging desisyon nya."
"Oo naman bakit hinde, di ba Kelly?"
"Ya—Yass… ako ang witness nyo para walang away at kapag nag away kayo magagalit ako sa inyo at ayaw nyo naman na magalit ako right mga kuy's?"
"Yasss…"
"Noiceeee… yass kung yass eh no? Hahaha…"
"Ikaw talaga, tara na kumain na baka hinahanap na tayo sa loob." Ang sabi ni Julian.
"Okay."
Na unang mag lakad papasok si Kelly sa kambal at habang nag lalakad nag uusap ang dalawang ito "kasama si Wendy sa outing mamaya." Ang sabi ni Jules.
"Oo na banggit nya sakin."
"So, open pala kayo sa isa't isa??"
"Ahm… don't get me wrong about that bro wala akong sinasabi sa kaniya na ikasisira mo."
"I know, alam ko namang fair kang kalaban dahil isa kang sundalo na may isang salita."
"Oo at sana ganon ka rin."
"Huh! Oo naman, let Wendy choose."
At nag katinginan sila na para bang nag kakairingan "mga kuy's? Anong ginagawa nyo?"
"Ha? No—Nothing babysis…" Anila.
"Sure? Baka naman nag papatayan na kayo gamit yang isipan nyo."
"Ha…Ha… Ha… Hindi naman bunso sige na pumasok ka na at susunod na rin kami ng kuya Jules mo. Ha…Ha… Ha…"
Kelly rise her left eye brow "siguraduhin nyo lang na susunod kayo agad kung ayaw nyong isumbong ko kayo kila kuya Kian."
"Don't worry nasa likuran mo lang kami. Ha…Ha… Ha… right Julian?"
Julian smirked "yeah…"
"Bilisan nyo dyan! Wag ng mag titigan pa na parang gusto nyong ibaon ang isa ng buhay."
Nag akbayan naman yung kambal at nag bigay ng plastic na ngiti sa isa't isa at sinabing "were okay sis."
"Talaga lang ha… "
"Yeah… Ha…Ha…Ha…"
Kahit pa lihim na nag yayapakan ng paa yung kambal na hindi alam ni Kelly.
"Pumasok na kayo!"
"O—Oo andyan na."