"Kelly! Mag usap nga tayo!" Ang sabi ni Kevin pagkarating na pagkarating sa hotel room ng KelRick kasama sila Patrick at Sensen.
"Hmm?"
Dinala ni Kevin si Kelly sa may balcony at doon nag usap.
"Alam mo namang ayaw ko ng ganun bakit naman nag desisyon ka ng di ko alam?!"
"Sorry na kuya gusto ko lang naman na ma showcase yang taglay mong karisma ayaw mo nun matatalo mo na sila kuya kasi mag magazine cover ka na kabog."
Napakamot sa ulo nya si Kevin na may halong inis "ano ba Kelly?! Hindi mo na ba nalalaman na ako ang kuya mo? Paano mo na gawa ang ganito sakin?"
"Wow heavy! Ang oa ng reaction kuya parang dramarsma sa hapon ah."
"Shhh... wag ka ngang maingay baka mamaya sabihin ni May ang oa ko mag react."
"Tsss! Bahala ka nga diyan kuya kung ako sayo mag ready ka na at mamaya may photoshoot pa kayo ni Patrick."
"Kasalanan mo ito eh ano na naman ba ang binabalak mo?"
"Wala! Kuya inusente akong tao alam mo yan."
"Gusto mong magsalita ako?"
"Haysss... ganyan ka eh. Nga pala kilala ko si Ms. Wendy?"
"Teka, alam mo na?"
"Ang alin?"
"Eh? Kala ko naman sinabi na sayo ni Patrick na si Wendy ang naghatid sa kaniya dito nung gabing na lasing sya kaya nga dun ko na sya pina tulog sa unit ko."
"Hmmm?"
"So, di mo alam?"
"Syempre alam ko kuya gusto ko lang malaman ang nalalamanmo kuya at dapat alam mo na yan dahil na mana ko yon kay daddy."
"Sus! Pati si daddy idinamay mo pa ano nga ang binabalak mo na naman?"
"Wala nga kuya ako eh tantanan mo. Halika na kakain na ng breakfast."
"Wag nga ako Kellang sakin ka paa talaga nag lihim eh kilalang kilala kita ultimo utot mo."
"Haysss... Wala nga kuya bahala ka dyan mag isip ka ng kung gusto mo basta ko inusente akong tao kuya kilala mo ko."
At iniwan na ng ni Kelly si Kevin sa may balkonahe na mag isa.
"Kahit kailan talaga itong si Kelly pasaway!"
"."
Natapos na ang unang meeting ni Patrick sa new business partner nila ni Kelly sa milktea shop kaya nagyaya itong si Patrick na mag punta sa isang fast food chain at pina order si Sensen ng mga paborito ni Kelly.
"Yun lang po Chairman?"
"Yeah... Bakit ba kasi nag drive thru tayo?"
"Mahaba po ang pila sa loob."
"Bakit dine ba di tayo pipila?"
"Eh... kasi Chairmann."
"Haysss... umandar na naman yang pagkaadik mo sa laruan."
"Ho? Hindi ko po alam yung sinasabi nyo." Ang maang maangan school of acting na sagot ni Sensen kay Patrick.
"Tigilan mo nga ko nakita ko sa patalastas kagabi na may points kapag nag drive thru. Hindi ba sinabi ko sayo tigilan mo na yang pangungulekta ng nga laruan ng mga fast food chain dahil wala ka namang mapapala diyan."
Pabulong bulong naman si Sensen "nag salita ang hindi collector buti nga yung sakin laruan lang yung sakaniya sapatos at relo na branded. Wagas."
"Hoy! Naririnig kita!"
"Ehe... He... He... sorry Chairman ang akiin lang kasi..."
"Tigil mo na nga yan bilisan mo na tayo na sunod at bilin mo na yung lahat ng laruan dyan ako ng bahala."
"Talaga Chairman?"
"Aysss! Yan diyan ka magaling eh ilan pa ba dun ang wala sayo?"
Sensen acts like a kid all of a sudden "Actually... lahat po eh di ko po..."
"Enough! Tigilan mo nga ko di bagay sayo mag pa cute sige, bilis umorder ka na yung laruan bilhin mo ng lahat ng gusto mo ng tumigil ka diyan sa kaaarte mo."
"Salamat Chairman."
"Oo na."
"."
Nang makauwi sila Patrick sa hotel room nila busy sila Kelly at May na ayusan si Kevin.
"What's going on here?" Ang bungad ni Patrick.
"Oh, andiyan ka na pala buti umuwi ka agad." Ang sabi ni Kelly.
"Anong meron? Bakit nyo inaayusan si kuya? May abay ka bang kailangang puntahan kuya?"
"Wala bayaw sabi kasi nung ano yung sa staff ng sa magazine dine daw gaganapin sa hotel room niyo."
"Ano?!" Ang pagulat na sambit ni Patrick at na patingin sya kay Sensen at pandalas namang ibinaba ni Sensen ang dala niyang pagkain at tinignan nya agad yung tablet nya kung san nakalagay ang mga schedule ni Patrick at nakita nya nga na may email doon.
"So— Sorry Sir di ko alam na nag email pala sila."
"Haysss... kainis."
"Don't worry may isang oras pa naman kaya bilisan mo na kumain ka na." Ang sabi ni May.
"What? No way! Bakit it so sudden naman?"
"Wag ka ng maraming reklamo isipin mo nalang publicity ito remember may new franchise tayo ng milktea shop natin dito kaya wag ka ng umarte diyan!" Ang sabi ni Kelly at ang sama ng tingin nya kay Patrick habang inaayos ang buhok ng kuya Kevin nya.
"O— Oo wifey."
"Sige na kumain ka na."
"O— Oo... kayo ba kumain na?"
"Of course, nag pa order ako gutom na si babysis ang tagal-tagal mo kasi." Ang sabi naman ni May.
Napatingin namang muli si Patrick kay Sensen "sorry po." Pabulong naman na sensya Ma ni Patrick.
"Sige na kumain na kayo tapos mamaya mag bihis ka na dahil kami ni ate May ang stylist n'yo ni kuya Kevin."
"Ha? Bakit? Wala bang glam team? Ate bakit di ka nag demand? Mr. Sensen contact the Company..."
"No need!" Ang sambit ko May.
"Pero bakit?"
"Kaya na nag namin tsaka ayaw namin na may ibang tao dito, right babysis?"
"Yep!"
Patrick sighed "bahala na nga kayo we will eat muna."
"Go na."
Habang papunta sa dining area "anong problema ni Madam?"
"Hmm?"
"Para po kasing may binabalak na naman siya eh. You know."
"You know, you kbow ka pa dyan bilisan mo ayusin mo na yan gutom na ko."
"Ye— Yes Chairman."
"."
Nang matapos sa pagkain sila Patrick at Sensen inasikaso agad ni Kelly ang asawa nya siya rin mismo ang pumili ng isusuot ng hubby nya itinaas nya ring bahagya ang buhok ni Patrick at nilagyan nya ng small black round magnet earing rin ito sa kanang tenga niya.
"Ba— Bakit mo ko nilagyan n'yan?" Ang sambit ni Patrick habang nating n sa salamin.
"Bakit ba? Gusto ko eh. May reklamo ka?"
"Wa— Wala naman pero bakit mo naman na isipin na lagyan ako ng ganyan? Sabi mo ayaw mo sa bad boy?"
"Bagay naman sayo ang angas mo nga eh parang gusto ko rin mag pa butas ng bago sa tenga ko."
"Wifey! Hahaha... joke lang alam mo namang di ako nag hihikaw eh wag ka ngang OA di'yan."
"Ano na naman ba kasi ang binabalak mo?"
"Ako? Wala!"
"Wifey, wag nga ako kilala kita kapag may kakaiba kang pinaplano seryoso ka pero deep inside tawang tawa ka na. Tsaka bakit nag punta kayo ni ay May kila ate Wendy?"
"Ha? Wala akong alam dyan."
"Sus! Wala daw tapos mamaya ano ako na naman ang magiging biktima dine gaya nung kay Herald."
"Haysss... wala nga bahala ka nga diyan makalabas na nga. Yung indigo na coat ang isuot mo ha?!"
"Ayoko nun!"
"Edi wag bahala ka mag hubad ka!"
At lumabas na nga ng kwarto si Kelly "wifey!!!"
Pagkasara ni Kelly "Oh? May nangyare ba? Bungad ni Kevin na naka ayos na naka black suit at white shirt naman na may nakalagay I Love Cebu ang panloob nya. Simpleng lang ang itsura nya modern getleman ang datingan at gaya ni Patrick may bago rin sa kanya pero hindi earing dahil ginupitan sya ni May nilagyan sya nito ng hair tattoo isang straight line na mahaba at maliit na line sa mag kabilang side sa may side ng tenga nya.
"Nothing kuya, aba bagay sayo ang gupit mo kuya angas ng hair tattoo ah dapat di lang straight line maganda sana kung name ko nilagay."
"Heh! Ano ba ang theme at kailangan me ganire pa ako sa buhok?"
"Ganda kaya kuya para kang bagong tao."
"Luka ka! Anong tingin mo sakin dati? Alien?"
"Hahahaha... di nemern. Hahahaha...."
"Nga pala nag text na sayo sila kuya?"
"Hmm? Hindi, bakit? Anong meron?"
"Papunta dito sila kuya Kim at kuya Kian."
"Ano?!"
"Bakit?"
"Nag aalala kasi sila sayo."
"Hala! Bakit sila pupunta dito?"
"Bakit naman ganyan nalang ang reaksyon mo?"
"Ehhhh kasi kuya!!!"
"Ano na naman? Normal lang na mag alala sila kuya kasi kapatid ka nila, kami baliw ka na naman diyan."
"Pero kuya papunta din kasi ngayon si kuya Julian."
"Teka, si Julian? Yung... yung ano..."
"Ding... Dong..."
"Mukhang sya na yan kuya anong gagawin ko? Nasan na ba daw sila kuya?"
"Ano ba naman kasi ang pinag gagawa mo? Alam mo namang di kasundo ni kuya Kian si Julian bakit mo pinapunta yan dine?"
"Haysss... Kainis mamaya ko nalang paliwanag pero wag mo muna papupuntahin dito sila kuya dun na muna sa hotel room mo."
"Di ka na talaga nag bago Kellang sakit ka parin sa ulo!"
"Sige na kuya promise babawi ako sayo."
"Haysss! Badtrip ka talagang bata ka."
"Pretty please kuya?"
"Sige, sige pero mamaya sasabihin mo sakin kung bakit mo pinapunta ang damuhong yan dine."
"Oo kuya promise sige na bubuksan ko na muna yung pinto."
Hinalikan ni Kelly si Kevin sa pisnge at kumaripas na ng takbo "Hoy! Mag dahan-dahan ka."
"Anong nangyayari kuya?" Ang bungad naman ni Patrick pag bukas nya ng pinto ng kwarto nila ni Kelly.
"Di ko alam dun naluluka na naman ang asawa mo."
"Hmm?"
"Nako, di ko alam kung ano na naman ang nasa isip ni Kellang. Pero sure gulo na naman ito."
"Sandali lang... di ko maintindihan kuya ano ba ang ginawa ni Kelly?"
"Ewan ko ba dun pinapunta dine si Julian."
"Sinong Julian?"
"Mahirap explain ikaw nalang humusga."
At dun nga sa may sala tinawag ni Kelly sila Kevin na may kasamang lalaki "kuya andito na si kuya Julian." Aniya.
"Si— Sino nga yon? I—- Ikaw tapos sya?? A—- Ano? Pa— Paanong..."
"Bago ka mag react bayaw paalala lang wag kang malilito. Okay?"
"Pe— Pero..."
***
Nakalipas ang ilang photoshoots kitang kita ang pag aalala ni Kelly kaya nilapitan sya ni Mr. Sensen...
"Madam gatas po."
"Gatas? Pero di pa naman ako inaantok tsaka ang aga pa wala pa ngang 3pm eh."
"Ahhh... napansin ko po kasi na aligaga kayo habang sila Chairman naman ayun panay ang awra pero bagay po sa kanya yung may earrings, magnet po pala yun galing parang tunay."
"Ahhh... Oo para new look naman ang Chairman mo. Si kuya nga rin eh new look."
"Opo nga eh pero sino po yung dumating? Totoo po talagang..."
"Wag mo ng ituloy dahil totoo talaga. Kaya nga ere kinakabahan ako baka kasi magkita sila kuya Kian at kuya Julian riot talaga bro!"
Nanlaki naman ang mga mata ni Sensen dahil nagulat syang tinawag sya ni Kelly na bro "oh my tinawag ako ni Madam na bro?" Pabulong nyang sambit.
"Hayssss... lagot talaga ako nire eh."
"Ahm... gusto nyo bang tulungan ko kayo? Baka po kasi ma-stress kayo bawal yan kay baby."
"Talaga ba? Ayos lang?"
"Um. Wala pong problema basta kayo malakas kayo sakin eh."
"Noice!"
"No— Noice?"
"Oo nice yon basta ganun. Pero ganito pag tapos ng shoot nila kuya kasi saktong darating sila kuya Kian at kuya Kim gawin mo pumunta ka sa hotel room ni kuya Kevin tapos gumawa ka ng paraan para di lumabas dun si kuya Julian, okay?"
"Sige po pero pwede po bang mag tanong?"
"Okay lang... pero kung itatanong mo na naman yung na una mong tanong oo lang ang isasagot ko dahil ka dugo talaga namin si kuya Julian."
"Hindi po yun ang gusto ko pong itanong kung bakit ayaw nyo pong ipakita si Sir Julian sa iba nyo pang kapatid samantalang kapatid nyo rin naman siya di ba po yun ang sabi nyo?"
"Oo kapatid nga namin sya kaso di sya kasundo nila kuya lalong lalo na ni kuya Kian."
"Dahil po ba anak sya sa labas ng daddy nyo?"
"Mahirap ipaliwanag pero ako kahit ano pang gawin nila kuya Kian kahit baliktarin pa nila ang mundo wala na silang magagawa dahil kapatid talaga namin si kuya Julian at ayokong makisali sa away nila."
"Baka ito na po ang oras para gumawa kayo ng paraan para magka ayos na ang mga kuya nyo. Gusto nyo rin naman po ng masayang buhay na walang away di ba po?"
"Oo pero mahirap makisawsaw kila kuya lalo na kung di ko naman din alam ang tunay na ugat kung bakit ganun nalang ang alitan nung dalawa."
"Bakit di po natin alamin?"
"Kung gusto ko nun ko pa ginawa kaso... wala ako sa posisyon bunso ako at di ko parin naman talaga kilang kilala si kuya Julian pero mabait sya sakin sayang nga lang at nito ko lang sya nakilala."
"Don't worry Madam ako ng bahala babalitaan ko nalang po kayo."
"Sandali lang, pwede mo rin bang alamin kung may ilegal na gawain si kuya Julian from the past? Lalo na nung nakaraang 20years...
"Ye— Yes Madam I will."