Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 313 - Kabanata 313

Chapter 313 - Kabanata 313

Dumating na ang mga kuya ni Kelly at natapos na rin ang photoshoot sa magazine pero nag pa iwan si Wendy na makikipag usap kay Kevin.

"Babysis, what should we do? Mukhang seryoso ang usapan nila." Ang pabulong na sambit ni May kay Kelly na nakatingin sa mag balcony kung saan nag uusap sila Wendy at Kevin.

"Don't worry ate na kausap ko na si kuya Kevin sure ako sasabihin nya na may relasyon kayo kaya wag ka ng mag alala diyan."

"Ha? Pero paano naman ako hahanap kay Wendy?"

"Gaya ng sinabi ko ate ako ng bahala pero ngayon may problema tayo kasi andito sila kuya Kian at kuya Kim at di nila pwede makita si kuya Julian."

Napatingin naman si Kelly sa mga kuya niya na kausap si Patrick sa may sala at nainum ng tsaa "eh paano? Sure ako magagalit sakin si Wendy. Ayoko naman na mag away kami dahil lang sa isang lalaki."

"I know ate but trust me maiintindihan ka naman ni Ms. Wendy kung mahal ka niya as best friend sabi mo nga matagal na kayo mag kaibigan kaya wag kang mag alala ate magiging okay ang lahat sa inyo."

"Paano kung hindi? What should I do?"

"Ate, wag kang mag alala sabi nga di ba kung di gumana ang plan a there's b, c and many more alphabet kaya wag ka ng mag alala, okay?"

"Um. Simula pa naman nung una naniniwala na ko sayo kaya nga boto ako sayo para kay Rick eh."

"Thankies Ate, pero ngayon pwede ba tulungan mo ko?"

"Sure ano ba yon?"

"Gaya nga po ng sabi ko di pwede makita nila kuya Kian at kuya Kim si kuya Julian dahil magkakaroon ng gulo kaya hiling ko sana ate wag na wag mo sasabihin ang mga nalaman mo please?"

"Okay sige pero kwento mo sakin kung bakit ha?"

"Oo Ate kukwento ko sayo pero di po muna ngayon kasi tingnan nio naman sila kuya mukhang sinesermonan nila si Patrick."

"Oo nga eh pero hayaan mo para matuto sya ng leksyon nya."

"Hehe... parang sanay na po kayo din ah."

"Oo. No choice isa sa Dela Cruz ang minahal naming dalawang mag kapatid eh kaya dapat masanay na."

"Ah, nako sorry ate."

"Luh! No, don't get me wrong di naman perpekto ang mga family kaya no worries gusto ko na nga maging Dela Cruz. Charing!"

"Ayieee... Ayan nyo sasabihin ko kay kuya Kevin mag propose na. Hahahahaha..."

"Huy! Wag nakakahiya wag Babysis magagalit ako sayo sige ka."

"Hahahaha... joke lang po tsaka ayoko po pangunahan si kuya sure ako na may doubt pa din yun sa pag popropose eh gawa ni Prof. Mina."

"Sa tingin mo ba ako na ang gumawa ng move?"

"Hmmm?"

"Like ako nalang kaya ang mag propose?"

"What?!" Napatingin naman sa kaniya ang mga kuya niya at si Patrick kaya hinila nya sa isang gilid si May "sorry Ate pero hindi ko bet ang gusto nyong gawin wag na wag mong gagawin ang ganung bagay."

"Pero kasi ready naman na ko."

"Ehhhh... basta ate kung ayaw mong pati ako magalit sayo wag na wag mong gagawin yun kasiraan yun saming mga Dela Cruz."

"Ha? What do you mean?"

"Ehhh... Ate naman alam mo namang mga barako ang angkan namin tapos ikaw na babae ang mag popropose kay kuya? Nako...Wag talaga ate jusme!"

"Ahhh... okay pero na isip ko lang naman yun. He... He..."

"Haysss... erase na yan aye ha nakakaloka."

"O... Oo sige. Sorry..."

"Ays lang pero pangako mo ate wag na wag mong gagawin yon."

"Oo promise."

Bigla namang sumulpot si Kian "anong ginagawa nyo?" Aniya.

"Ku— Kuya." Ang pagulat na sambit ni Kelly.

"Gusto sana kitang kausapin pero mukhang may seryoso kayong pinag uusapan kaya sige mamaya nalang."

"Ah... Ahm... ayos lang kuya sige na kausapin mo na si Kelly." Ang sabi ni May at sumenyas kay Kelly na iiwan na nya sya sa kuya nito.

"Talk to you later ate."

At ngumiti naman si May kay Kelly "Hey..."

"Ku— Kuya..."

"You okay?"

"Hmm?"

"Kaya ba ayokong pumayag na pumunta ka dito eh sumama ka na bukas pag uwi namin okay?"

"Uuwi na kayo bukas?"

"Oo gusto ko lang talaga na makasigurado na okay ka dito at sasama ka na samin ng kuya Kim mo."

"Eh? No! Hindi pa pwede kuya."

"Ano? Sabi ni Patrick end na ang business summit nyo kaya sasama ka na samin pauwi sa Manila."

"Pero kuya hindi talaga pwede."

"At bakit naman? Nasabi ko na ito kay Patrick."

"Anong sabi niya?"

"Ano pa sa tingin mo ang sasabihin nun syempre "tanungin nyo nalang po si Kelly." Ganyan naman lagi ang sinasabi ng asawa mo."

Kelly sighed and whisper "buti nalang walang sinabi si ang mokong na yon about kay kuya Julian."

"May sinasabi ka?"

"Wa— Wala kuya pero hindi talaga ako pwede sumama sa inyo ni kuya Kim may gagawin pa ako dine sabay nalang kami ni kuya Kevin."

"Hinde! Sasama ka kahit ayaw mo! Hindi natin alam baka pag labas mo dine sa hotel kung ano na o sino ang nakaabang sayo trending kayo ni Patrick sa social media mabuti ng masigurado natin ang kalagayan mo. Alalahanin mo may buhay na diyan sa sinapupunan mo."

"Hindi ko naman yun nakakalimutan kuya pero promise mag iingat naman ako eh Tsaka di ko pa nagagala ang Cebu eh kokonti palang na lugar ang napupuntahan ko dine."

"Mag tigil ka! Uunahin monpa ang pag gala kesa ang kapakanan mo at ng anak nyo? Tama na ang usapang ito! Kapag sinabi ko ng uuwi tayo bukas uuwi ba tayo! Nag kakaintindihan ba tayo?!"

"O— Oo kuya."

***

Malapit ng lumubog ang araw pero ni hindi pa pinupuntahan ni Kelly ang kuya Julian nya na nasa hotel room ng kuya Kevin nya na kasalukuyan na naglalaro ng chess kasama si Mr. Sensen.

"Sir, kayo na." Ang sabi ni Sensen kay Julian na nag isip ng kaniyang ititira.

"Hindi ko inaasahang magaling ka palang mag chess wala na kong move ata eh." Ang nag iisip na sambit ni Julian.

"Hehe... di naman po mas magaling po sakin si Sir Kevin at Chairman."

"Ohhh... oo magaling talaga mag chess si kuya Kevin."

Napatingin naman si Sensen kay Julian na talagang amaze na amaze dahil kamukhang kamukha talaga ni Kevin si Julian kahit na mag kapatid lang sila sa ama.

"Siguro nagtataka ka kung kambal kami ni kuya Kevin noh?"

"Ah... sorry po hindi ko lang po kasi maiwasan na napatingin sa inyo. Kung wala nga lang kayong tatto sa may leeg niyo para talaga kayong si Sir Kevin."

Dahil nga may tattoo si Julian na parang kay Sasuke na "Curse Mark" nag mumukha itong version 2.0 o alter ego ni Kevin kumbaga sya yung bad side nito pero sa totoo lang tahimik at malihim na tao itong si Julian.

"Fan kasi ako ng anime kaya trip ko lang na mag palagay."

"Ang angas nga pong tignan eh para pong ganyan yung kay Sasuke di ba?"

"Ohh... you know hin so fan ka din ng Naruto? Natapos mo ba yon?"

"Ahh... opo bata palang ako fan na din po ako ng anime parang si Madam Kelly sa kaniya nga din po galing yung full copy ko ng Naruto eh parang sainyo nya din yun kinuha, tama po ba ako?"

"Oo pero kay Kelly rin ako natuto manood ng anime. Pero di naglaon ako na ang nauuna sa mga episodes ng anime na gusto nya kaya sa akin na sya nakuha ng mga copy ng anime. Hehe..."

Nagulat naman si Sensen dahil ngumiti si Julian sa unang pagkakataon.

"Ehe... mukhang mag ka sundo na mag ka sundo po kayo ni Madam."

"Ah... Sa tingin mo ba?"

"Opo, pero di ko rin po talaga akalain na may isa pa po palang kuya si Madam."

"Di rin kasi alam ni Kelly na merong ako."

"Sorry po."

"No it's okay sanay na ko at alam ko rin na kaya ka nandito kasi sinabi ni Kelly, right?"

"Ah... Eh... Ano po kasi..."

"Don't worry I used to it ata pa lang ako parati na akong itinatago kasi di naman ako legal na anak. Pero ganyunpamam di ko naramdmaan kay Kelly na iba ako sa mga kuya niya."

"Sir..."

"Hehe... masyado na ba akong madrama?"

"Nako! Di naman po ayos lang dahil gaya nyo mag kapatid din akong..."

"Ano ba dapat maging pakiramdam kung anak ka sa labas?"

"Ho?"

"Anyways, aalis na ko pakisabi nalang kay Kelly kita nalang kami pag di na sya busy."

"Ahm... Sir, gusto niyo bang maging nio kayong magkakapatid?"

"Hmmm?"

"Hindi ko po sana ito sasabihin pero gusto nyo po bang mapalapit sa mga kapatid nyo?"

"Hmm?"

"Kasalukyang nandito rin po ang dalawa nyo pang mga kapatid sila Sir Kian at Sir Kim."

"What? I mean... andito talaga sila sa Cebu?"

"Opo pero actually andun po sila ngayon sa..."

"It's okay I get it ayaw lang ni Kelly na mag away kami nila kuya. Sige na uuwi na muna ako taga dito lang din naman ako sa Cebu kaya sabihan mo nalang si Kelly."

Papalabas na sana si Julian pero pinigilan sya ni Sensen "Sir, hindi po kayo pwede umalis."

"Don't worry di ako pupunta sa hotel room nila Kelly."

"Pero po kasi Sir..."

"Wag ka na nga mag alala di ako mag papakita sa kanila."

At nung hawak na ni Julian yung door knob bigla namang bukas ni Kevin ng pinto at kasama pala nito sila Kian at Kim.

"Julian, anong ginagawa mo dito?" Ang sambit nila Kian at Kim at napatingin ang mga ito kay Kevin.

"Wa— Wala akong alam mga kuys." Ang kinakabahan na sambit ni Kevin dahil ang buong akala nya wala na doon sa hotel room si Julian.