Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 291 - Kabanata 291

Chapter 291 - Kabanata 291

"Surprise? Para kay Kelly?" Ang sabi ni Kevin kay Manang Tina at kila Wena pagkarating nya sa bahay ng mga Santos.

"Opo Sir, ngayong araw po kasi ang monthsary nila Sir Patrick at Ma'am Kelly." Ang kinikilig pang sagot ni Wena gayon rin naman ang nararamdaman ng iba pang mga kasambahay.

"Monthsary? Uso pa ba yon?"

"Opo naman Sir hindi nyo po ba yun ginagawa kay Ma'am May?"

"Wena!!!"

" Sorry Manang."

"Bumalik na nga kayong lahat sa kani-kaniyang trabaho nyo!"

"Yes Manang." Anila at bumalika na nga sila at naiwan nalang kay Kevin ay si Manang Tina at Wena na ayaw pang patinag.

"Oh, anong pang ginagawa mo dine? Hala sige! Balik!"

"Manang naman eh…wala naman si Ma'am Kelly kaya wala pa akong gagawin."

"Anong wala? Natupi mo nab a ang mag damit na nilabhan mo?"

"Ay, opo nga pala… hehe…sige po Sir Kevin tawagin nyo lang po ako pag may kailangan kayo sa mga ganung monthsary."

"Lumakad ka na!!!"

"Eto na nga po Manang…sige po Sir."

"He…he…sige."

"Pagpasensyahan nyo na yung batang yun talagang napakulit parang si…"

"Kelly?"

"Ah…eh…parang ganun na nga po."

"Para nga po syang si Kelly o baka nahawa na sya sa kapatid ko? Ganyan nap o ba sya ka jolly dati?"

"Ahhh…hindi sya ganyan dati matalik kong kaibigan ang mga magulang nyan kaso dahil sa isang aksidente namatay ang mga ito kaya sakin na sya iniwan."

"Talaga po? Ulila na si Wena?"

"Um. May kapatid syang dalawang lalaki at sya ang bunso kaso may mga bisyo kaya yung isa nakakulong yung isa naman pariwara hindi alam ni Wena kung nasan yung panganay nilang kapatid."

"Ohhh…para nga syang si Kelly bunso rin nakakaawa naman pala syang bata. Ilang taon na po sya? Nakapagtapos po ba sya ng pag aaral? Mukhang matalino sya."

"Highschool lang ang natapos nya hindi na sya nagpatuloy mag kolehiyo ng mamatay ang mga magulang nya."

"Oh? So mas bata pa po ba sya kay Kelly?"

"Ah…hindi mas matanda lang sya kay Ma'am Kelly ng isang taon kaya mag kasundong mag kasundo sila."

"Ohhh… I see gusto nya po bang mag aral? May program ang DLRU para sa mga gustong mag scholar baka gusto nya po."

"Sa ngayon sa tingin ko ayaw nyang mag aral dahil nalilibang sya sa kapatid nyo."

"Kay Kelly?"

"Um. Kapag walang ginagawa si Ma'am Kelly tinuturuan nya itong mag luto."

"Si Kelly? Nag aaral magluto?"

"Mahilig kasing magluto si Wena at kung sakaling mag aaral syang muli sa tingin ko tungkol sa pagluluto ang kukuhanin nyang kurso."

"Ohhh…ganun pala kaya pala itong si Kelly marunong ng mag pirito dati po kasi kahit ang mag pasulak lang ng tubig na susnog nya pa."

"Hehe…tama kaya dyan kaya kabilin bilinan ni Sir Patrick na wag na wag papalapitin si Ma'am Kelly sa kusina pero dahil kay Wena unti-unti natututo na ang kapatid nyo."

"Mukhang kailangan naming syang pasalamatan kung ganun."

Samantala sinurpresa nga ni Patrick si Kelly at ang buong restaurant ay ipinasara nya at exclusive lang iyon sa kanilang dalawa…

"Para san ba itong surprise dinner na ito? At bakit walang tao? Don't tell me pinasara mo?"

"Ah…Eh…kasi wifey…."

"I knew it! Hindi ba sabi ko sayo wag na wag mong gagawin yon hindi porket may pera ka ipapasara mo na ang buong lugar para lang sa saglit na kasiyahan. Paano kung may gustong kumain dito na buntis gaya ko tapos pagkain nila ang gusto nito paano na sya?"

"So--- Sorry na gusto ko lang naman kasi kunin ang pagkakataon na ito kasi ngayon ang araw ng monthsary natin."

"Ha? Anong monthsary?"

"Oo hindi mo ba naalala? Ngayon yung araw na sinagot mo ko nung college tayo."

"Anong bang petsa ngayon?"

"May 16…"

" Teka anong monthsary? Hindi ba at nagkahiwalay naman tayo nung nag punta ka ng America? Tska hindi monthsary dahil anniversary."

"Ha? Anniersary ba?"

"Nevermind, hindi ko rin naman na naalala na ngayon ang 5th Anniversary natin ang naalala ko kasi yung wedding anniversary natin."

"Well…dahil hindi natin alam mag enjoy nalang tayong gabi."

"Pero hanga rin akos sayo dahil kahit nawala noon ang ala-ala mo naalala mo parin ang date ngayon yun nga lang monthsary."

"Hehe…at least di ba na surprise kita at nga pala uuwi tayo bukas ng Batangas."

"Eh? Totoo? Paano ang kumpanya?"

"Don't worry na ayos ko na tinulungan ako nila Vince at Dave kaya OT sila ngayon."

"Sira ka talaga pinahirapan mo yung dalawa tapos ikaw andito pa kain-kain lang ng stake sa mamahaling resto pa."

"Don't worry wifey bayad sila at nasabi ko narin kila Aliyah at Mims at pumayag sila."

"Haysss…sigurado akong tuwang tuwa si Mims na hindi uuwi ang asawa nya."

"Sure yon at masayang masaya rin sya dahil pinadala ko na sa account nya yung extrang sahod ni Dave."

"Ha? Bakit sakanya?"

"Alam mo naman yung mokong na yon baka ubusin nya lang sa collection nyang sapatos kaya sabi ni Mims sakanya ko daw ibigay pero yung kay Vince hindu kay Aliyah sa kanya ko mismong account pinadala."

"Ah…ganun parin ba si Dave? Adik pa rin sya sa mag sapatos?"

"Oo at baliw na sya recently bumili sya ng sapatos sa halagang 220K nilagpasan nya yung halaga ng bigay ko sa kanya."

"ANO? Binigyan mo sya ng sapatos ng ganung kamahal?"

"Ah…eh…Wifey huminahon ka muna."

"Paano ako hihinahon eh halaga na yun ng isang kotseng second hand o kaya isang apartment na rent to own sa probinsya grabe ka!"

"Ah….Ahm…wifey…kasi ano…."

"Kasi ano? Hindi ba ang usapan natin pag dating sa pera mag uusap tayong dalawa at ikaw pa nga ang may sabi na walang mag lilihim tapos ikaw naman pala itong sisira sa usapan!"

"Makinig ka kasi muna!"

"Sinisigawan mo ko?!"

"Hi---Hindi naman wife yang akin lang kasi pasingitin mo naman ako para maexplain ko yung side ko."

"Tsss! Fine bibigyan kita ng 10minutes para mag explain."

"Sa—Sandali lang naman."

"Timer starts now!"

At pandalas na nga nag explain itong si Patrick ng side nya kay Kelly "so, hindi talaga ikaw ang gumastos sa sapatos na nagkakahalagang 200k?"

"Oo ayaw mo naman kasi akong pakinggan muna eh."

"Humph!"

"Si ate talaga ang bumili nun para sakin nung college tayo tapos sabi ni Dave albor daw kaya ayun binigay ko."

"Ano? Ibinigay mo lang yung 200k ni ate May kay Dave?"

"Ehhh…worth it naman kasi dahil tinulungan nya ako sayo tsaka si ate May nga mamahaling motor pa ang naging reward niya kay Dave nun para lang madala ka nya sa company nun naalala mo?"

"Ahhhh…yun ba yung time na dumating si kuya Richmond galing sa America tapos bad pa sya nun."

"Oo yun nga at yun rin yung firstime mong makita si kuya Richmond at ang akala nya sayo ikaw si Paula tapos sa takot mo sa kanya nasapak mo sya at tinamaan ang accupoint nya kaya nahimatay. Hangang hanga ako nun sayo."

"Sus…arti nemen…"

"Totoo nga kasi ipinagtanggol mo ako kay kuya nun kahit hindi mo naman alam ang nangyayare naalala mo nun umiiwas na ko sayo kasi ayaw ng mga kuya mo sakin tapos galit ka rin kasi nalaman mong hawig mo si Paula."

"Ang bilis ng panahon nuh? Mantakin mo college pa tayo nun at parea tayong aso at pusa tapos ngayon…well, ganun pa rin naman pero iba na ang status natin kasi married na tayo at ngayon magkaka anak na paano kaya kung hindi ka nag react nun sa recitation? Magiging tayo kaya sa huli?"

Hinawakan ni Patrick ang kamay ni Kelly "kahit hindi kita inaway at pinaiyak nung una nating sagutan sigurado akong tayo parin ang magkakatuluyan dahil destiny tayo."

"Sus… ang arti-arti nemen ng asawa ko."

"Pero, salamat dahil kung hindi ka naging introvert baka hindi rin ako naging extrovert gaya ni Dave. Sobrang dami na nanangyaari at hindi ko rin talaga inaasahang aabot tayo dito. Mahal na mahal kita mahal kong reyna."

Hinawakan rin naman ni Kelly ang kamay ni Patrick "ang arti talaga pero…salamat rin dahil kung hindi dahil sayo baka hanggang ngayon nakatago parin ako sa shell ko kaya…sobrang salamat talaga na ikaw ang naging mortal enemy ko pero ngayon ang mahal na mahal ko ng mahal na hari."

"Haysss…pinaiiyak mo naman ako eh. Pa kiss nga!"

"Sapak gusto mo? Iiyak ka talaga."

"Wifey naman! Anniversary natin bilang mag bf at gf eh."

"Sus! Sige na nga halika dito ano ako pa lalapit?"

Pandalas namang tumayo si Patrick sa kinauupuan nya at sinabing "syempre ako na ayokong mapagod ang mahal kong reyna."

"Tsss! Wag ka nga! Sa pisnge lang ha!"

Bumulong naman si Patrick sa kanya "pwede bang mamaya nalang pala yung kiss kapag nasa kwarto na tayo."

Tinulak naman sya ni Kelly "guard!!! may manyak po dito!"

"Kelly naman!"

"Hahahaha…ang cute-cute mo talaga pag nagagalit ka." At hinalikan na nga nya si Patrick sa lips "oh, okay na?"

"Hindi pa…" hinalikan nya si Kelly at it took 2minutes to end dahil bigla nag serve ng dessert yung crew.

"Bakit naman ngayon nyo pa sinerve nag dedessert na ko eh." Ang pabulong ni Patrick.

"So—Sorry po Sir sabi nyo po kasi kanina after 2minutes eh."

"Haysss…makaramdam naman kayo wagas eh ang ganda na nung moment eh bigla naman kayong susulpot."

"Sorry po talaga Sir."

"Patrick tumigil ka na!"

"Ha…ha…Ha…wala naman yon wifey sige kumain na tayo ng dessert nakakabitin yung kanina eh."

"Patrick!!!"

***