Umaga ng ala siete palang ay umalis na sila Kelly ng Santos Residence at naka kotse yung mag asawa samanatala dalawang van naman ang sinakyan ng mga kasambahay ng mga Santos pati ang mag hardinero at personal guard nila ay kasama.
Sa kabilang sasakyan naman sa van ng mag Dela Cruz dun naman naka sakay ang mag kuya ni Kelly at mag hipag nya at mag pamangkin samantala ang tropa naman nila Kelly na sila Vince ay nakabukod rin ang van dahil kasama rin nila ang kani-kanila nilang mga anak.
"Andun na nga panla si Harvey ano?" Ang sabi ni Mimay.
"Oo sabi kasi ni auntie Vina dun manganganak si Shai." Ang sagot naman ni Vince na driver ng sinasakyan nilang Van.
"Dad, yung kalmen ba ni Janil nadala mo?" Ang sabi ni Aliyah na may hinahanap sa bag.
"Nasa damit na nya."
"Anong kalmen?" Ang sabay sambit nila Mimay at Dave.
"Yun yung nilalagay sa mga bata kapag aalis o kahit lalabas lang ng bahay para hindi ma usog naniniwala kasi kami sa ganun." Ang sabi ni Aliyah.
"Ikaw? Naniniwala? Eh laki kang Manila." Ang sabi ni Mimay.
"Ah…eh…nasanay na kasi ako yun kasi parati ang bilin ng lola nila Vince."
"Ohhh…mukhang naturuan ng mabuti itong it girl natin bro." Ang sabi ni Mimay.
"Hehe…oo si Mama kasi lagging pinaalalahanan si Aliyah kaya ayun minsan nga parang sya pa yung taga probinsya kesa sakin eh."
"Darling hindi ba at taga Batangas ka rin bakit walang kal..ano ngayon?"
"Kalmen!" Anila.
"Anong Batangas ang pinagsasabi mo? Capiz ungas!"
"Eh di ba magkakaklase kayo nila Vince at Harvey nun."
"Ahhh…Oo kaklase naming si Mimay pero hindi naman talaga sila taga Batangas di ba?" Ang sabi ni Vince.
"Yah…at teka nga asawa ba talaga kita? Bakit hindi mo inaalam ang origin ko?"
"Eh darling naman kasi nalimutan ko na."
"Tsss! Ewan!"
"Eh ikaw ba alam mo kung sa ako nagmula?"
"Tsss! Easy peasy! Syempre mula ka sananay mo bungol."
Nagtawanan naman yung mag asawa ni Vince at Aliyah "malamang dun ako mag mumula kay mamay pero anong probinsya nga?!"
"Galit ka?!"
"Hi—Hindi naman chill ka lang baka magising si Meinard."
"Tsss…wala ka namang probinsya mula ang pamilya niyo at pamilya ni Patrick sa Manila kaya nga mga ritsboy kayo eh di ba?"
"Hahaha…naalala ko yang ritsboy nay an nung nasa farm tayo hahaha…" Ang sabi ni Vince na galak na galak.
"Ahhh…nung nag race sila Kelly at Patrick right?"
"Oo yun nga pustahan pa tayo nun di ba?"
"Haha…oo nga eh hindi ko inaasahang walang mananalo dun."
"Teka, anong rece yun?" Ang tanong naman ni Aliyah na biglang na out place dun kila Vince at Mimay.
"Nung college pa tayo nun nag punta kasi kayo nila Chollo nun tapos na sila mag race kaya hindi mo alam." Ang sagot namang agad ni Dave.
"Ahhh…yun pala yon kaya pala hindi ko alam. Hehe…"
"Oo mamaya makikita mo naman yun nakapunta ka naman na sa farm nila Vince at Master di ba?"
"Um. Nakita ko na di ba, Dad?"
"Ha? O—Oo…" Ang sagot ni Vince na parang nawalan ng energy at gayon rin naman itong si Mimay dahil parehas nilang naisip na parang mas bagay sila Dave at Aliyah for some reason.
"Liyah, paabot naman ng chips dyan sa likod mo." Ang sabi ni Dave.
"Ah…oo sige sandali lang tulog na tulog yung dalawang bata."
"No, ako na ang kukuha…" Ang sambit ni Mimay na biglang naging seryoso.
"Hindi na ako nalang mas malapit naman ako eh tsaka baka magising si Meinard pag gumalaw ka si Janil naman mahiming ito matulog ."
"O—Okay."
"Anong gusto mong chips Dave?"
"Kahit ano nalang nagugutom na kasi ako."
"Hindi ba at kakain lang naman natin ng breakfast bakit gutom ka na agad?" Ang sabi ni Mimay.
"Lam mo na mabilis ako magutom eh."
"Here, hindi chilli flavor ang kinuha ko ah maaga pa kasi baka sumakit ang tyan mo malayo pa naman ang biyahe."
"Hehe…oo nga eh salamay Liyah."
"Ahem…mommy gusto ko rin subuan mo nga ko." Ang sabi naman ni Vince na parang naiinis.
"Ako nalang mag susubo sayo bro."
"Oo nga dad, baka kasi magising si Janil mahirap pa naman itong patulugin."
"Pe—Pero…"
"Oh, bro say AAAAA…"
"Hindi na! Mamaya nalang ako kakain nawalan na ako ng gana."
"Grabe ka naman malinis naman ang kamay ko."
"Napansi ko nga ang linis ng mga kuko mo." Ang sabi naman ni Aliyah at napatingin naman sa kanya si Mimay.
"Really? Hehe…Actually ayoko talaga ng tutulis ang mga kuko kasi nadudumihan pag ganun."
"Ako rin ayoko ng mahaba ang kuko ko gusto ko kasi neat and clean."
Napatingin naman si Mimay sa kuko nyang may kung anu-anong design.
"Ahem…bakit neat and clean rin naman ang kuko ah." Ang pag singit na sambit ni Mimay.
"Oo naman darling sobrang linis mo kaya sa katawan."
Proud na proud naman sa sarili nya si Mimay.
"Pero mas okay rin talaga kapag simple lang yung walang nail polish gaya ng kay Liyah."
"Ah…haha…hindi lang talaga ako mahilig sa ganun ayaw rin kasi ni Vince na may ganun ako sa kuko di ba, dad?"
Proud na proud naan si Vince dahil na puri sya ng asawa.
"Kaso nga lang nag papatulis sya ng kuko lalo na dun sa hinliliit nya."
"Ahhh…oo nga bro napansin ko yun. Bakit mo ginagawa yun?"
"Wala ka ng paki don!"
"Sus! Oo na mag focus ka na nga lang sa pag dadrive mo hindi nakita iistorbohin. Sabihan mo nalang ako kapag pagod ka na ako ng papalit."
"Tsss…oo!"
At nag patuloy naman ang pag uusap nila Dave at Aliyah at tuluyan na ngang na out of place sila Mimay at Vince.
","
Nang makarating naman sila sa compound ng mga Dela Cruz…
Sumalubong namang agad sila Harvey at Shai kila Vince at napansin nila wala sa mood yung dalawa "oh, anyare? Pagod ba ?" Ang sabi ni Harvey kila Mimay at Vince.
"Hinde!" Ang pagalit na sambit naman nila Vince at Mimay.
"Darling masakit ba ang ulo mo?"Ang sabi naman ni Dave haqbang dala-dala ang anak nilang si Meinard.
"Hinde! Wag ka na ngang tanong ng tanong."
"O—Okay…"
"Liyah, bakit parang hindi maipinta ang mukha ng pinsan ko?" Ang pabulong na sambit ni Shai habang nakain ng mani.
"Hindi ko rin alam baka pagod lang sandal lang hawakan mo muna si Janil ha? Tatanungin ko kung gusto nyang uminom ng tubig."
"Okay sige."
At lumapit nga si Aliyah kay Vince at tinanong kung may gusto ba itong inumin o kainin "wala ayos lang ako sige mauuna nakong pumasok Shai, akina si Janil."
"Ah…oo sige…baby tawag ka na ng daddy mo."
At binuhat ni Vince si Janil at iniwan si Aliyah "anong problema nun? Dad, itayin mo ko." Ang pahabol naman sambit ni Aliyah.
Samantala,
Masayang masaya naman sila Wena at ang iba pang kasambahay ng mga Santos dahil sa wakas nakarating na sila sa probinsya ng Ma'am Kelly nila.
"Wow! Ang ganda naman dito." Ang manghang-manghang sambit ni Wena.
"Naibaba na bang lahat ng gamit?" Ang sabi ni Manag Tina.
"Yes Manang." Anila.
"Buong compound ba ito ng mga Dela Cruz?" Ang tanong ni Wena.
"Opo samin ang lahat ng nakikita nyo dito." Ang sabi naman ni Jacob at nagulat sila sa biglang pag sulpot ng cute na cute na pamangkin ng Ma'am Kelly nila.
"Ahhhh…ang cute mo naman ikaw si Jacob tama ba?" Ang sabi ni Wena.
"Opo ako nga po pamangkin po ako ni tita Kelly."
"Oo alam naming pwede ba kaming mag papicture sayo?"
"Ho? Ah…kasi po eh…"
Lumapit naman sila Wena kay Jacob "haysss…lumayo nga kayo sa bata tinatakot nyo sya."
"Ahm…ayos lang po sanay na po ako kasi mataba po ako kaya maraming nanggigil sakin by the way kayo po ba si Manang Tina?"
"Ah…Oo bakit mo ko kilala?"
"Kasi po parati kayong kinukwento sakin ni tita Kelly kayo raw po ang tinuturing nyang nanay doon sa mansion."
Napangiti naman si Manang Tina na animo'y natutuwa sa sinabi ni Jacob na ang turing sakaniya ni Kelly ay parang isang tunay na ina.
"Eiii…Manang kinikilig ka po ano?"
"Wena!!!"
"Hehe…Ahm…baby ako kilala mo? Nakukwento ba ako sayo ni Ma'am Kelly?"
"Actually lahat po siguro kayo napakilala na sakin ni tita Kelly."
Tuwang tuwa naman ang mga ito "the best talaga si Ma'am Kelly nakukwento niya tayo sa pamilya nya."
"Oo nga eh."
"Eh ako hindi ba special?"
"Wena, ano namang special sayo?" Ang sabi ni Elsie na kasamang kasambahay.
"Tsss! Syempre ako ata ang bff ni Ma'am Kelly sa mansion."
"Ahh…opo na banggit nga kayo ni tita Kelly sakin parati kayo po yung mahilig mag luto pero hindi nyo makuha ang tamang timpla ng eggpie na gusto ng tita ko."
"Ah…eh…kasi…"
"Bakit hindi pa po kayo pumasok?" Ang bungad nman ni Nico na pinsan nila Kelly anak ng kapatid ng daddy nila na si Uncle Bruce.
"Uncle!!!"
Pinisil naman at hinalikan ni Nico ang pisnge ng pamangkin niya "sabi nila daddy wala po kayo dito?"
"Ahhh…kauuwi ko lang galing Zambales may pasalubong ako sayo. Gusto mo ng makita?"
"Opo. Ah…nga pop ala sila po sila Manang Tina and angels."
"Manang Tina? And Angels?"
"Opo kasi sila yung mga mababait na kaibigan ni tita Kelly sa mansion nila tito Patrick."
"Ahh.."
"Pasensya na ang ibigsabihin nya kami ang mag kasambahay ng mga Santos." Ang pagpapaliwanag naman ni Manang Tina.
"Ohhh…ganun po pala kayo pop ala yung sinasabi nila Kelly na kasama. Tuloy po kayo."
"Maraming salamat."
"Ate Wena? Ayos ka lang po ba?" Ang tanong ni Jacob kay Wena na nakatulala lang kay Nico.
Siniko naman ni Elsie si Wena at bumulong "umayos ka nga! tawag ka ni baby Jacob."
"Hmm? Ano yon?"
"Ate Wena do you like my uncle Nico?"
"Jacob! Ano ba yang sinasabi mo? So---Sorry minsan kasi napaka prangka ng batang ito."
Namula namang bigal ang pisnge ni Wena "Jacob mag sorry ka sige ka susumbong kita sa daddy mo."
"Pero uncle sabi ni tito Keith nung una raw nyang nakita si tita Faith ganyan rin natulala sya sa ganda ni tita Faith."
"Haysss…ikaw bata ka talaga nakakahiya. Pasensya na ha? Sige po mauuna na kami sa loob baka kung ano pa ang masabi ng batang ito." At binuhat na nga ni Nico si Jacob na hirap na bigat na bigat dahil mas mabigat pa sa kanya ang pamangkin.
"Eiii…si Wena." Ang panunukso sa kanya ng mga kasamahan niya maliban kay Manang Tina.
"Magssi tigil nga kayo sige na at ipasok nyo na ang mag gamit sa loob mainit na dito baka kailangan na tayo nila Sir."
"Yes Manang."
"At ikaw namang bata ka tigilan mo na yan bitbitin mo na ang mga gamit mo."
"Opo Manang."
"Eii…Wena." Ang panunukso namang sambit ni Elsie.
"Tantanan mo nga ko!"
Dumako naman tayo sa mag kapatid ni Kelly na nasa terrace kasama pa ang iba pa nilang mag pinsa "buti naman at nakabalik na kayo ulit dito ano dating gawi mamaya?" Ang sabi ni Joshua ang kapatid ni Shai na asawa ni Harvey at pinsan nila Kelly gaya ng alam ng lahat.
"Mamaya na sobrang init tirik na tirik ang araw gusto mo na agad uminom ng lambanog? Gusto mo bang tamaan agad kami?" Ang sabi ni Keith.
Sumulpot naman si Jacob kasama si Nico "daddy!!! Si uncle Nico may gf na."
"Ha" Ang reaksyon ng lahat.
"Opo meron na syang napupusuan."
"Haysss…itong batang ito talaga ni hindi ko pa nga kilala yung Wena na sinasabi mo girlfriend na agad yang nasa isip mo."
"Si Wena yung kaibigan ni Kelly?" Ang sabi ni Kevin.
"Kilala mo sya tito Kevin?"
"Oo naman si Wena ang teacher ni Kelly pagdating sa pagluluto."
"Marunong ng magluto si Kellang?" Ang sabay-sabay sambit ng mga pinsan nila.
"Oo dahil yun kay Wena mabait syang bata mag kasundong mag kasundo sila ni Kelly siguro kasing edad mo nga rin sya Nico kasi sabi ni Manang Tina mas matanda lang daw si Wena kay Kelly ng isang taon eh."
"Eiii…sabi ko sayo uncle eh meant to be talaga kayo ni ate Wena."
"Kuya Kian ano bang tinuturo mo sa anak mo at marunong na sa mag reto?" Ang sabi naman ni Nico.
"Nako, yang kuya Keith mo ang kausapin mo kung anu-ano na naman ang kinukwento dyan kay Jacob."
"Wala kong kasalanan. Diba baby?" ang pag dipensang sabi ni Keith pero kumindat pa sya kay Jacob.
"Opo walang kasalanan si tito Keith kaalaman ko lang din po yun."
"Sus…ikaw bata ka para ka ng tita Kelly mo mahilig yun sa reto eh."
At speaking of Kelly nakita nilang pasan-pasan ni Patrick ito sa likod…
"Anong nangyare?" Ang nag aalalang sambit ng mga kuya ni Kelly.
"No need to worry mga kuy's ayos lang po sya."
"Eh, bakit hindi nag lalakad yan?" Ang sabi ni Kian.
"Ayaw po kasi nyang mag lakad eh."
"ANO?" Anila.
"Oo kuya wala ako sa mood mag lakad kaya tabi dadaan kami ang init-init." Ang nag iinarte namang sambit ni Kelly.
"Excuse po." Ang sabi ni Patrick at nag bigay daan naman sila Kian.
"Aba't talagang under itong si pinsan Patrick." Ang sabi ni Joshua.
"Kow! Nag salita ang hinde." Ang sabi ni Keith.
"Talaga sinong under ako? Asa naman!"
"JOSHUA!!!"
"Si Mabel ba yung na sigaw?" Ang sabi ni Kevin.
"Sya nga."
"JOSHUA!!! Nasan ka ba?"
"A—Andito ako mahal."
"Umuwi ka muna lalabas lang ako at may bibilhin baka magising yung kambal."
"O—Oo sige."
"Bilisan mo!"
"Oo andiyan na."
Napatingin naman kay Joshua ang lahat at tinukso sya "hindi pala under ha?"
"Haysss!!!! Kainis!"
"JOSHUA!!!"
"Oo andyan na."
At nag tawanan ang lahat ng makaalis si Joshua.