Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 290 - Kabanata 290

Chapter 290 - Kabanata 290

"Talaga po? Isasama nyo kami sa outing?" Ang pagulat na sambit ng mga kasambahay ng mga Santos.

Sumegundo naman agad si Manang Tina "Pero Rick, hindi ba parang sagabal lang kami sa inyong mag asawa?"

"Hindi po Manang nakita kong masaya si Kelly kapag kasama kayong lahat kaya naisip kong mag outing tutal matagal naman na nyang gustong umuwi sa Batangas at alam ng lahat na marami doong mga beaches kaya sulitin na natin kaya bukas na bukas aalis tayo."

"Pero Rick, paano ang kumapanya nyo?"

"Wag ka ng mag alala don Manang ako ng bahala gusto ko lang mapasaya ang asawa ko."

"Tama po Sir kapag andito si Ma'am Kelly tapos wala kayo sobrang lungkot nya."

"Wena!"

"Pero Manang yun naman po ang totoo madalas lang syang tumambay sa hardin o sa balcony dun sya ilang oras at nakatulala lang."

"Ganun ba?"

"Ye—Yes Sir."

"Ano pa ang ginagawa nya dito habang wala ako?"

At ikinuwento ng mga kasambahay ng mga Santos kay Patrick kung ano ang ginagawa ng Ma'am Kelly nila kapag mag isa lang ito.

"Wait, sigurado ba kayong Ryan yung name yung nag punta dito nung isang araw?"

"Yes Sir ako po kasi ang kasama ni Ma'am Kelly nung nag bukas ng gate."

"Teka lang bakit si Kelly ang nag bukas ng gate?"

Nag katinginan naman yung mga kasambahay "Ah…eh kasi po Sir ayaw pa alam sa inyo ni Ma'am Kelly na umoorder sya sa sa LaZhopee. Magagalit raw po kasi kayo sa kanya oras na malaman niyo na marami na syang na order."

"Wena!"

"Sorry Manang."

"Pati kayo Manang?"

"Eh kasi alam mo naman mahirap hindian ang asawa mo kilala mo naman si Kelly at kapag humihingi sya ng pabor para syang…"

"Okay I get it na Manang pati pala kayo ginamitan nya ng best actress charm nya pero sandali ano ba nag mga inoorder nya sa LaZhopee?"

"Mga kung anu-ano lang po kapag kasi may nakita syang mura o kaya promo bibili po sya kahit hindi naman po kailangan pero madalas po mag hoodies para sa baby niyo." Ang sabi ni Wena.

"Really?"

"Opo Sir sobrang saya nya po kapag naorder sya ng mag damit ni baby ayaw nuya pong sabihin sa inyo kasi sa online sya nabili samantalang may ari naman kayo ng mall."

"Ha…Hahaha…si Kelly talaga napaka ewan kung minsan."

"Pero cute po sya di ba?"

"Yeah…kaya nga hindi ko sya matiis kahit na may meeting ako ngayon pumunta ako dito."

"Ano?!"

"Wena!"

"Sorry Manang nadala lang po ng bugso ng damdamin."

"Pasensya ka na kay Wena madalas kasi talag silang mag kasama ni Kelly kapag andito sa mansion."

"I understand Manang natutuwa rin naman akong may naging kaibigan dito ang asawa ko."

"Nako Sir, sino ba naman ang di matutuwa kay Ma'am Kelly sobrang perfect nya po kaya kung lalaki nga po ako liligawan ko sya."

"Wena!!!" Ang na gagalit na ngang sambit ni Manang Tina.

"Ah… Eh…Sir hindi ko naman po sinasadyang sabihin yun ang akin lang naman po eh kung lalaki po ako liligawan ko po si Ma'am Kelly kung sya eh single pero kung may asawa na po promise hindi ko po sya liligawan kahit anong mangyare."

"Pffft….kahit pala dito may nag kakagusto sa kanya na babae?"

"Sir?"

"Hindi lang kasi ikaw ang ganyan sa asawa ko alam ko namang pefect talag sya pero syempre wala na kayong magagawa kasi ako ang pinili nya."

At biglang naging awkward ang atmosphere na para bang may dumaang anghel dahil ang tahimik ng lahat at walang gustong mag salita "ha…ha…ha…sige a—akyat na ko bago pa maisip ni Kelly na mag layas na naman."

"Si—Sige po Sir." Anila.

Tumaas na nga si Patrick at ng makalayo layo na ito nag taka si Wena bakit hindi man lang tinanong ng Sir nila kung bakit wala itong tinanong about kay Ryan.

"Baka naman ayaw lang ni Sir na mag kagalit sila ni Sir." Ang sabi ni Elsie na isa ring kasambahay.

"Pero kasi parang may something." Ang sabi naman ni Wena.

"Tigilan niyo na nga yang kaka tsismis nyo hala sige mag impake na kayo ng mag damit nyong dadalhin bago pa mag bago ang isip kong wag kayong isama!"

"Manang naman!" Anila.

"Heh!"

Samantala sa SM Corp.office…

Paglabas ni Vince sa conference room bumungad agad sa kanya si Dave na excited "Ano na naman bang problema mo? At saan ka galing? Bakit ako ang pinaattend mo ng meeting ni Sir Patrick?"

"Ehh…kasi nga nag chat sakin si dude."

"Ano na naman daw ba yang palusot nya? Buti nalang at napakiusapan ko yung bagong investor na pumirma kahit wala ang pasaway nating Mr. Chairman."

"Wag ka ng ma badtrip dyan dahil bukas na bukas pupunta tayo ng Batangas para mag outing."

"Ano?! Baliw na ba talaga sya? Naisipan nya pang mag outing? Eh tambak nga ang gawain nya dito."

"Hayaan mo na! Lately naman kawawa talaga si dude eh kasi wala na syang ginawa kung hind imaging workaholic dahil sa iniwang gawain sa kanya ng daddy nila kaya hayaan mo naman syang makapag pahinga kasama si Master."

"Well, may point ka naman pero paano yung mga gawain nya dito kung gusto nyang mag lagalag? Nakalimutan na ba nyang sya na ang Chairman ng SM Corp?"

"Syempre naman hindi gusto nya kasing mapasaya si Master kaya naisip nyang umuwi muna sa Batangas."

"Haysss…bahala nga sya tapos ipapasa nya satin ang trabaho na naman?"

"Binasa mo na ba yung chat na sayo?"

"Chat? Paano ko naman mababasa eh may meeting nga!"

"Basahin mo na muna kasi bago ka dyan may dadada."

At habang kinukuha naman ni Vince ang cp nya sa bulsa salita pa nga rin ito ng salita "kayo talagang mag dude sakit kayo sa ulo."

"Sige na basahin mo na muna kasi."

"Oo na! Excited?"

"Oo bro at sure akong matutuwa ka talaga gaya ko."

"Tsss…siguraduhin mo lang kung ayaw mong itapon ko yang phone mo."

"Yung parati ngang sinasabi ni Master "for you to find out" kay bilis na."

"Tsss! Oo na ere na oh bubuksan na yung message."

At pagkabasa ng ani Vince natulala sya at hindi naka pag salita "see, sabi ko naman sayo eh matutuwa ka tignan mo hindi ka na nag makapag salita eh."

"Pa—Paano nya nagawa ito satin?"

"Ha? Ano ba ang pinagsasabi mo?"

"ANO BANG SINASABI MONG MATUTUWA AKO?"

"Ha? Ba—Bakit ano ba kasing sinabi nya sayo?"

Ibinigay ni Vince kay Dave yung phone nya at binasa at ang nakalagay ay…

>>>From. Mr. Chairman

Bro, kailangan ko ng tulong nyo ni Dave kaya sana mag overtime kayo mamaya promise dadagdagan ko ang sweldo nya basta tapusin lang natin mamaya yung mag paperworks ko tapos kapag hindi niyo natapos sumunod nalang kayo sa Batangas ipapasundo ko nalang kayo at wag kayong mag alala kasama naman ang asawa niyo at anak kaya wag ka ng magalit at nga pala pumayag na si Aliyah okay lang dawn a mag OT ka mamaya pakisabi na rin kay dude na pumayag na rin si Mimay wag mo nalang sabihin na ibibigay ko yung extra sweldo nya sa asawa niya alam mo naman yun gustong mag pakasigurado gastador kasi ang lukong si Dave. Alam mo na. Kaya mamaya pag dating naman ni Kelly dyan sa company sana makalhati niyo na ni dude yung paperworks ko ha? Alam niyo naman na yung pirma ko marami akong carbon paper dyan gayahin nyo nalang ha? Salamat.

Ps. Sorry kung mahaba para hindi na ko mag paliwanag sa inyo ni Dave mamay pag dating ko at ni Kelly oo kasama ko sya mamaya kasi gusto kong ilibot sya sa company. Kaya sige na gawin nyo na ang pinag uutos ko. Salamat.

>>>>>>>>>>END OF CONVERSATION<<<<<<<<<<

At pagkabasa ni Dave natulala rin sya at natameme "mukhang iba ang sinasabi sayo ng Mr. Chairman natin tama ba ko bro?"

"PATRICK!!!!" Ang pagalit na sigaw ni Dave.

"Mukhang nadala ka na naman nya sa mabubulaklak nyang mag panananlita. Haysss… sa tingin ko wala na tayong choice alam na ng mga asawa na natin yung extra na sahod kaya kailngan nating mag trabaho kung hindi outside de kulambo tayo."

"MR. CHAIRMAN!!!!"

Sa magkaparehong oras magka video call naman sila Aliyah at Mimay…

Aliyah: Ano? Sayo ibibigay yung sahod ni Dave?

Mimay: Aba oo naman mahirap ng kay Dave kilala naman natin yang si Patrick kapag sinabi nyang may extra sahod malaki talaga yun mabuti ng ako ang tumanggap ng sahod bago pa gatusin ng lintek kong asawa.

Aliyah: Hahaha…kawawang Dave.

Mimay: Hayaan mo sya magastos yon mahirap ng sa mag collection na naman mapunta ang sahod nya.

Aliyah: Bakit ano ba ang collections nya?

Mimay: Laruan.

Aliyah: Oh, laruan lang pala eh.

Mimay: Laruan nga Mars pero alam mo ba kung anong laruan?

Aliyah: Ha? Eh ano bang laruan ang collections ni Pars?

Mimay: Yung mga magagarang collectible na mag sapatos.

Aliyah: Laruan ba yung sapatos?

Mimay: Oo dahil yung mag sapatos nyang yon mga naka display lang na parang mga laruan ng anak naming na hindi na ginagamit alam mo ba ni minsan wala sa 20 pairs nyang mga sapatos ang sinuot nya?

Aliyah: Ano? Bumubili sya ng sapatos para lang maging display?

Mimay: Oo! Baliw talaga ang isang yun eh alam mo bang ang mamahal ng sapatos nya?

Aliyah: Eh?

Mimay: Oo at ang pinakamura nyang sapatos na andito sa bahay na naka display yung 5K na puma at ang pinakamahal ay 200K na galing kay Patrick.

Aliyah: ANO?!

Mimay: See, kahit ikaw magugulat kaya ayokong kay Dave mapunta yung sinasabi ni Patrick na extra sahod ni Dave.

Aliyah: Grabe ganun kalaki mag bigay ng regalo si Patrick?

Mimay: Oo dahil magkapatid na ang turingan ng dalawang yun kaya ayokong mabuhay si Dave sa luho.

Aliyah: Grabe napaka generous pala ni Patrick.

Mimay: Oo sobra.

Aliyah: Buti nalang hindi maluho si Vince ko.

Mimay: Yah, dati pa naman matipid talaga yang si Vince sana nga masapian si Dave ng katipiran ni Vince para hindi ako namumublema kakainis.

Aliyah: Hehe…pero buti si Kelly hindi pala sya naiinis kay Patrick grabe ganung halaga sya nagastos para lang sa sapatos?

Mimay: Nung ibinigay naman yun ni Patrick kay Dave hindi pa mag asawa ang KelRick kaya hindi pa alam yun ni Kelly pero ngayon nako lagot yang si Patrick kapag nalaman ni babygirl ang about dun kuripot din kasi yang si Kelly.

Aliyah: Mag pinsan talaga sila Vince at Kelly pag dating sa pag gastos ano?

Mimay: Aba'y oo sobra. Napagkaka kuripot.

Aliyah: Haha..oo nga eh.

***

Kinahapunan pauwi na sila Kelly at Patrick galing sa company…

"Bye Ma'am balik po kayo bukas." Ang sabi ng karamhihang empleyado nila Patrick.

"Um…wag kayong mag alala dadalaw akong ulit dito."

Tumawang tuwa naman yung mga empleyado pero atsa isip-isip ni Patrick "tuwang tuwa talaga ang mga lintek kay Kelly samantalang kapag ako andito ni hindi nga nila ako matignan sa mata pero kapag yung asawa ko kulang nalang mag papicture sila."

At hindi nga inaasahan ni Patrick na may mag papapicture kay Kelly.

"Wha—What the?" Ang naging reaksyon nalang ni Patrick kaya pinigilan na nya yung iba pang empleyado nya na mag pa picture kay Kelly. "Ha…Ha…Ha…sige na guys she needs to rest."

"Pero ayos lang ako."

"Wifey, you need to rest na hindi ba at nagugutom ka na?"

"Ha? Ako? Pero…"

Binuhat na ni Patrick si Kelly at nag paalam na sa mag empleyado nila "ahhhh…ang sweet talagala nila." Ang sabi ng isang babaeng empleyado.

"Oo nga eh sana ganun din kami ng asawa ko." Ang pag sang ayon naman ng isang babaeng empleyado.

"Ang ganda ni Ma'am Kelly no?" Ang sabi naman ng isang lalaking empleyado.

"Oo nga no? Buti nalang may picture na kami ipopost kong agad ito." Ang sabi naman nung unang isang babaeng empleyado aty sumangayon rin naman yung ibang empleyado na nakapag papicture si Kelly at inggit na inggit naman yung ibang hindi nakapag papicture.

Samantala nasa elevator naman ang KelRick…

"I said lemme go!"

"Mamaya na nasa ground floor na dun nalang kita ibababa."

"Haysss…kainis ka talaga!"

"Sinabi ko naman sayo wag kang masyadong mabait!"

"Ano?!"

"Minsan kapag mabait ka sa mag empleyado hindi ka na nila igagalang!"

"Huh! Hindi yan totoo! Naka dipende yan sa ugali yan."

Ibinaba naman na niPatrick si Kelly ng nakarating sila sa kotse "what do you mean by that?"

"Hindi mo maiintindihan kasi hindi ka friendly!"

"Tsk! Pumasok ka na nga! Uuwi tayo!"

"Uuwi? Sabi mo kakain tayo?"

"Hindi na!"

"Edi wag!"Binuksan na ni Kelly yung pinto ng kotse pero bago sya pumasok may sinabi pa sya kay Patrick " ewan ko sayo napaka moody mo naman! Ikaw ba yung buntis?"

At habang nasa biyahe na nga yung dalawa tumigil sila sa isang Korean Restaurant…

"Oh? Kala ko ba uuwi na tayo? Bakit ka huminto?"

"Sabi mo kakain ikaw pala yung moody eh."

"Haysss….baliw ka na talaga Patricio!"

"Ayos lang kung baliw pogi naman."

"Haysss…baliw na talaga!"

"Sige na bumaba na tayo may surprise ako."

"Hmm? Surprise?"