Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 287 - Kabanata 287

Chapter 287 - Kabanata 287

"Wag kayong mag alala healthy si baby basta misis kailangan mong mag doble ingat okay?" Ang sabi ni Dra. Jinzel.

"Yes doc. salamat po."

"At mister wag nyong hahayaang ma stress si misis para okay ang baby."

"Opo doc."

"Oh sya sige kita nalang tayo sa susunod na check up."

"Salamat doc." Anila at umalis na si Dra. Jinzel.

"Oh, narinig mo angs abi ni doc mag doble ingat wag ka ng takbo ng takbo." Ang sabi ni Kevin.

"Oo na kuya bakit nga pala andito ka pa? Di ba duty ka?"

"Oo duty ako dito mismo sa E.R."

"Eh?"

"Anyways, ikaw na ang mag hatid sa kaniya Patrick hindi pa kasi tapos ang work hours ko."

"Oo kuya ako ng bahala."

"Pero paano ang meeting mo?"

"Ayos lang susunod nalang ako mamaya mabuti ng sure akong safe kang nakauwi sa bahay."

"Pero gusto ko muna sa bahay naming."

"Ha? Pero…"

"Tama si Kelly hayaan mo na muna sya sa bahay wala naman syang kasama sa inyo kung hindi ang mag maid niyo kung dun samin mababantayan sya nila ate Faith at ate Rica ng ayos."

"Pero kasi kuya…"

"Hindi na kuya uuwi na muna ako samin sa weekend nalang ako uuwi satin."

"Pero…paano ka?"

"Ayos lang andun naman sila Manang Tina tsaka alaga naman nila ako dun."

"Oo kuya wag kang mag alala may nurs akong hinire para sa asawa ko."

"Nurse? Sakin? Bakit hindi ko alam."

"Oo di ba kuya?"

"Ha? Ako ba?"

"Oo hindi ba sinasabi sayo ng superior mo?"

"Ha? Totoo? Ako? Pero bakit hindi ko alam."

"Ngayon ko lang halos kasi sinabi pumayag naman si ate May."

"Eh?"

"So, dun na muna satin si kuya?"

"Um…for time being na buntis ka."

"Pero…bakit sya?"

"Ano naman yang inaasal mo ha? Parang sinasabi mong namang ayaw mo sakin. Hoy! Kuya mo ko at wala kang karapatang tumanggi."

"Tsss…wala naman akong sinasabi pero kahit naman na kuya kita mas okay pa din kung babae nalang ang titingin sakin lalo na kung manganganak na ko kahit naman kuya kita lalaki ka pa rin."

"Well, may point ka naman pero eh ano naman? Kuya mo ako at propesyon ko ang pagiging nurse kaya hindi mo kailangang mahiya sakin."

"Ah basta! Kapag nanganak na ko gusto ko babae maging nurse ko!"

Kevin sighed "fine ako ng bahala umasikaso sa kapag malapit ka ng manganak."

"So, it's a deal na kuya ikaw na ang personal nurse ni Kelly?"

"Um…gusto ko rin naman syang bantayan 24/7. Ngayon na ba ako magsisimula?"

"Ah…eh kung pwede sana oo kuya."

"Ohhh…Okay inatayin niyo nalang ako sa kotse at may kukunin lang ako."

"Sige kuya."

Pagkalabas naman ni Kevin ng E.R kinausap ni Kelly si Patrick na bakit ang kuya niya ang kinuhang personal niyang nurse "ehhh... yun rin kasi ang sabi ni ate May alam mo naman yun patay na patay kay kuya Kevin sabi niya kasi sakin may umaaligid dawn a babaeng trainees kay kuya kaya yun gusto nyang si kuya Kevin nalang ang kunin kong personal nurse mo total kuya mo naman sya at mapagkakatiwalaan."

"Ohhh…ganun pala pero bakit kasi nag plano ka pang kumuha ng personal nurse ko eh samantalang ang dami na ngang kasambahay sa bahay niyo."

"Ayos lang yun gusto ko lang siguraduhin na nasa maayos kang kalagayan at ang magiging baby natin kapag wala ako sa bahay."

"Okay, ahm…pwede bang kumain tayo bago umuwi? Gutom na ko eh."

"Gutom ka na naman? Eh kakain lang natin ng lunch di ba?"

"Pero gutom pa ko alam mo namang may hindi nalang ako ang nakain dalawa na kami ng anak mo."

"Okay sige na pero wag sa fastfood ha? Bawal sayo ang mamantikang pagkain."

"Pero gusto ko ng firies."

"Okay sige mag order nalang tayo dun sa resto nila Chollo."

"Ayoko dun hindi naman masarap ang fries nila dun eh."

"Ha? Pero dib a dati gustong gusto mo yun kasi nga hindi masyadongmamantika at vegetable oil ang ginagamit nila kaya safe."

"Kahit na! Ayoko dun."

"O—Okay, gusto mo bang mag paluto nalang tayo kay Manang Tina?"

"Hmm…ikaw nalang."

"Ha? A---Ako?"

"Bakit ayaw mo? Mag tatampo nyan si baby sige ka."

Patrick sighed "sya sige na magluluto muna ako bago ako bumaliuk sa company."

"Joke lang sige na bumalik ka na sa company kay kuya nalang ako sasabay mag taxi nalang kami pauwi satin."

"Ha? Ayoko ihahatid kita at ipagluluto pa kita ng fries."

"Hindi na nga kailangan kaya ko namang mag luto ng fries niloloko lang kita."

"Pero…"

"Ayos nga lang kasama ko naman si kuya kaya wag ka ng mag alala sige na mauna ka ng umalis."

"Hindi ka galit?"

"Hinde naiitindihan naman kita eh alam ko madami kang iniisip ngayon kaya ayos lang na mag punta ka na ng company ayoko naman ng dahil samin ng anak mo bumagsak ang matagal na pinaghirapan nila dad and mom."

"Okay, pero ayos lang talaga? Actually may 3meetings pa akong dapat puntahan at late na late na talaga ako."

"Yeah…umalis ka na ako ng bahala mag paliwanag kay kuya Kevin."

"Okay, pero wag kang aalis dito basta na hindi mo kasama si kuya Kevin ha? Ibibilin kita sa mga nurse dito at sa mga security guard."

"Oo na sige na."

"Okay sige mag ingat kayo ha?"

"Um…ikaw rin ingat kayo ni Mr. Sensen.

"Oo."

Hinalikan ni Patrick si Kelly sa noo at umalis na at makalipas ang ilan pang minuto bumalik si Kevin.

"Oh, sabi ng guard andito ka pa raw kaya naman pala wala na dun ang kotse ni Patrick sa labas."

"Umalis na sya may meeting pa kasi eh. Tara na gusto ko ng mag pahinga." Ang walang ka gana ganang sambit ni Kelly.

"Sa---Sandali lang."

***

Nang makauwi sa Santos Residence inaya ni Kelly na mag laro rila ni Kevin ng scrabble habang nakain ng fries na niluto ni Manang Tina.

"Ang bagal mo naman lapag na." Ang sabi ni Kevin na ganadong ganado na mag laro dahil sa unang pagkakataon na ungusan niya si Kelly ng limang puntos.

"Ayoko na."

"Ha? Pero ang dami pa nating tiles dito sumusuko ka na ba agad?"

"Hindi noh! Kailan ka ba nanalo sakin dito ha kuya?"

"Aba't! Ikaw!!!"

"Ang boring na lahat ng malalaking numbers ng tiles na sakin na kaya pag ibinaba ko ito wala ka na tapos na ang laban."

"Ikaw!!!!"

"Gusto kong mag bake kuya tara?"

"Ha? Ba—Bake? Kailan ka pa natutong mag bake?"

"Sino bang may sabi na marunong akong mag bake?"

"Ano?"

"Ipag bake mo ko ng cake gusto ko kasing kumain eh."

"Ano? Umorder nalang tayo."

"Ayoko! Gusto ko yung carrot cake na binebake mo nung bata pa ako."

"Ha? Kelly naman! Alam mo bang kung ilan taon ka na?"

"Syempre naman! 24years old na ko at next month birthday ko na kaya gusto ko ipag bake mo ako ng carrot cake ngayon rin."

"Haysss….pasaway ka talagang bata ka alam mo bang 20years na rin akong hindi nag ba-bake nag cake tsaka nurse ako at hindi mo ako katulon g noh! Tsaka kuya mo ko at bunsong kapatid kita kaya kung may uutusan dito dapat ikaw!"

"Okay, edi sasabihin ko kila kuya Kian na hindi mo ko pinapakain at kapag nalaman nila na di mo ko pinapakain ano kaya ang magiging reaction nila kapag naging malnourish ang anak ko."

"KELLY ANN MARIE!!!"

Tumawa naman ng tumawa itong si Kelly dahil napikon na naman niya ang kuya Kevin niya na niloloko nioya lang naman na mag bake ng cake dahil alam naman nitong hindi na naga ito nag ba-bake.

"Nakakatuwa silang pagmasdan ano?" Ang sabi ni Elsie na isang kasambahay rin sa Santos residence.

"Oo nga eh kahit buntis si Ma'am Kelly ang ganda niya parin kahit wala syang make up sobrang blooming niya siguro girl yung magiging anak nila ni Sir Patrick." Ang pagsangayon naman ni Helga na gaya ni elsie ay kasambahay rin sa mag Santos.

"Oo nga eh ang gandang lahi pag nagkataon maganda si Ma'am tapos gwapo naman si Sir perfect combination talaga sila."

"Sana ako rin."

"Hoy, hoy, anong pinag tsitsismisan nyong dalawa dito ha?" Ang sabi naman ni Caleb na isang tubero sa mga Santos.

"Ano ang ginagawa mo ditto? Hindi ba at sa kusina ka naka assigned? Bakit andito ka sa taas ha?" Ang sabi ni Helga.

"Oo nga dun ka nga!" Ang pagsangayon naman ni Elsie.

"Sus…mag tsismosa kayo pinaayos ni Manang Tina ang lababo dun sa c.r sa guest room kung saan mununuluyan si nurse Kevin wag nga kayo diyan! Igagaya niyo pa ako sa inyong dalawa."

"Tsss…dami mong alam." Anila at piningot nila sa magkabilang tenga si Caleb at hinila pababa.

"A---Aray!!! Bitawan niyo kong dalawa!!!"

","

Bored na bored naman na itong si Kellyt kaya niyakag niya ang lahat ng kasambahay na mag swimming.

"Po—Pool Party po Ma'am?" Anila.

"Opo alam ko kasing pagod na kayong lahat sa gawaing niyo ditto sa napakalaking bahay na ito kaya eto na ang chance niyong mag enjoy."

"Pe---Pero Ma'am baka po kasi magalit sila Sir Parick samin kapag ginawa naming yon. Hindi po kasi kami allowed na mag swimming sa pool." Ang sabi naman ni Wena isa rin sa kasambahay ng mga Santos na malapit kay Kelly.

"Don't worry akong bahala right Manang Tina?"

"Pero Ma'am kasi …"

Niyakap ni Kelly si Manang Tina at kinagulat iyon ng mga kasambahay dahil sobrang down to earth ng kanilang Ma'am Kelly "sige na Manang gusto ko lang naman na maging masaya ang lahat gusto niyo bang maging malungkot ako at si baby?"

"Sye—Syempre hindi po."

"Yun naman pala eh kaya sige na po pumayag na kayo na magdaos tayo ng pool party."

"Pero kasi Ma'am."

"Don't worry walang pagagalitan sasaluhin kong lahat ang parusa."

"Pero hindi naman po ata tama yun kami ang mage enjoy tapos kayo ang parurusahan?"

Sumangayon naman ang lahat kay Manang Tina "wag na kayong mag alala ako ng bahala. Sasaluhin ko ang parusa para sa kapatid ko." Ang bungad naman ni Kevin na galing sa labas at ikinuha ng rosas si Kelly.

"Ayos! The best ka talaga kuya. Kaya sige na mag palit na po kayong lahat dahil itong araw na ito ang pinakamasayang araw niyo kaya mag enjoy tayong lahat."

Tuwang tuwa naman ang lahat pero hindi pa rin na payag itong si Manang Tina sa gusto nung magkapatid "hayaan niyo na po sya kapag kasi may gusto yan hindi sya titigil hangga't hindi nya nakukuha kaya sige na po mag enjoy na rin kayo." Ang sabi naman ni Kevin kay Manang Tina habang pinagmamasdan nilang masyang masaya si Kelly na nakikihalubilo kay Wena at sa iba pang kasambahay.

"Sige na nga po. Ayoko rin namang maging malungkot si Ma'am Kelly. Dahil sobrang saya talaga dito sa bahay simula ng dumating sya saming lahat. Para syang anghel na bumaba sa langit para bigyan ng kulay at buhay ang bahay at ang mga taong nakatira dito."

"Salamat rin naman po at inaalagaan niyo ang kapatid naming yan kahit na pasaway. Hehe…"

"Um…pasaway man sya pero nasa tama parati ang pangangatwiran niya kaya gusto sya ng lahat dito."

"Yeah…and we love our dearest Bunso."

Lumingon si Kelly at sinabing "Kuya, manlibre ka naman ng pizza para sa kanilang lahat pool party ito."

"Ha? O---Okay ako ng bahala."

Pero sa isip-isip ni Kevin "dito ata mauubos ang sweldo kong 6K sa kagustuhan kong makabali ng bagong motor nakailang bale na ko tapos sasabihin pa ni Kelly na man libre ako ng pizza? Pwede namang tinapay nalang sa dami nilang kasambahay kulang pa ang sinahod ko sa dami nila. Pati ata kasambahay ng kapitbahay nila inimbita nya. Jusmiyo ka Kelly hindi ka na naawa sa kakarampot kong sweldo ng kuya mo. Boohoo…"

"Kuya ano? Naka order ka na ba? Gutom na sila."

Kevin smirked "sila ba o ikaw na naman ang gutom?"

"May sinasabi ka kuya?"

"Ha? Wa—Wala sabi ko oo mag oorder na ko."

"Kuya dapat big size ha? Kasi alam mo na kailangan nila na mag enjoy at ikaw rin."

"Ano raw? Enjoy? Eh mamumulubi ako sa ginagawa niya ang dami nila. AYOKO NA TALAGANG MAGING MABAIT!!!"

Bumulong naman si Wena kay Kelly "Ma'am ayos lang po ba ang kuya niyo?"

"Ahhh…oo ayos lang sya natutuwa lang sya kasi ang saya dito."

"Ohh..ganun po pala pero bakit parang hindi naman sya masaya?"

"Wag mo nalang masyadong pansinin ang kuya ko pinaglihi kasi yan sa sama ng loob. Hahaha..."

"O---Oh sige po sabi niyo eh pero pogi parin naman ang kuya niyo."

"Yeah…hahahaha…party…party…"