Tanghali na at nagluto si Patrick ng pananghalian nilang dalawa ni Kelly at may doctor na ring nag check up.
"Knock... Knock... Kelly ako ito papasok na ko ha?"
"Ungas talaga alangan namang ibang tao eh kami lang ang nandito sa condo niya." Ang pabulong na sambit ni Kelly habang naka talukbong ng kumot.
"Hmm? Kelly, are you asleep?"
Inilagay muna ni Patrick sa mini table yung dala niyang sopas at fried chicken at dahan-dahan niyang tinanggal yung kumot pero di niya ito maibaba dahil pinipigilan siya ni Kelly "Bitawan mo!!! Kailangan mong kumain dahil sabi ng doctor kailangan mong uminom ng pain reliever at kailangan may laman ang tyan mo."
"Ayoko!!! Umalis ka na!!!"
"Hindi ako aalis dito hangga't di ka kumakain!!!"
Mga isang minuto rin nakipagtalo si Patrick kay Kelly hangga't sa nakulitan na ito sa kaniya "Ano ba! Sabi na ngang ayokong kuma..." bago pa man matapos ni Kelly ang sinasabi niya sinalpakan na agad ni Patrick ang bibig niya ng manok.
"Mmmm...."
"Kailangan mo ngang kumain dahil iinum ka ng gamot!"
Nanguya pa si Kelly ng sya ay sumagot kay Patrick "bakit ba ang kulit mo? Sabi na ngang..."
Hindi na naman natapos ni Kelly ang sinasabi niya dahil sinundan ni Patrick ng kanin ang bibig nito "kumain ka na nga lang ang dami mo pang sinasabi eh."
Pero hindi nag patalo si Kelly kay Patrick pero at the same time kumakain sya kahit na nanenermon "Masarap ba yung sopas? This is my first time na magluto niyan kaya ayos lang kung sasabihin mong di masarap."
"Ayos naman pero hindi parin tayo bati!"
Napa tingin si Kelly sa kamay ni Patrick na may bandage "ano ang nangyari sa kamay mo?"
Itinago naman ni Patrick agad ang kamay niya sa likuran "wa— wala ito wag mong pansinin kumain ka nalang diyan."
Pero dahil nga reyna ng kakulitan si Kelly hindi sya nag paawat hangga't di niya nakita ng malapitan ang kamay ni Patrick na nagkaroon ng paso dahil sa pagmamadali niyang magluto "bakit ganyan? Napaso ka?"
"Ah... Eh... kasi... wag mo na ngang itanong kumain ka na lang diyan."
Tumayo si Patrick at naupo sa upuan malapit sa kama "bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito?"
"Ha?"
"Hindi mo ko maalala pero bakit ka diyan? Ano bang gusto mo?"
"Ikaw."
"TUMIGIL KA NA NGA! Pinahihirapan mo lang ako sa ginagawa mo ayoko ng masaktan uli kaya please lang wag kang pa fall!"
Niyakap ni Patrick si Kelly para kumalma ito "may amnesia ako pero ang puso ko hindi nakakalimot kaya kung ma fall ka man sasaluhin kita at hindi ko hahayaang mahulog ka sa iba."
"Puro ka banat! Gusto mong bantan kita?"
Patrick kissed Kelly's forehead "I really care for you kaya wag ka ng ano diyan."
Kelly laughed out loud "Eh? What's funny? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
"Hahahaha... wala naman pero naalala ko lang nung college tayo hindi ka ganyan sakin."
"Hmm?"
"Alam mo ba ikaw yung unang taong nakaaway ko bukod sa mga kuya ko at kay Vince."
"Oh? Sorry... but what did I do to you?"
"No, its okay dahil nga sa ginawa mong yun nawala ang pagka introvert ko natuto akong makipag usap sa mga kaklase natin at sa ibang tao. Lumaki kasi akong nag online school nung nag College lang ako tsaka ako nag aral sa actual na school at doon nga nakilala at nagkaroon ako ng kaibigan gaya niyo nila Dave, Harvey at Mimay at marami pang iba."
Patuloy lang na nag kwento si Kelly at patuloy lang din naman na nakikinig sa kanya si Patrick na titig na titig lang sa kaniya "sa wakas nag opened up na rin siya sakin sana ganito nalang kami parati wag na sana syang mag sungit." Pabulong na sambit ni Patrick.
"Ano yon? Makinig ka nag kukwento ako!"
"Ha... ha... O— Oo nakikinig naman ako sige kwento ka lang."
"Tsss!"
Sa magkaparehong oras,
Kinausap ni May si Kevin sa isang café at kinuwento ang sinabi sa kaniya ni Patrick kaninang umaga.
"Ma— May nangyare?"
"Oo pero hindi pa malinaw kasi biglang nawala sa linya si Patrick eh nung kausap ko sya."
Kevin made a facepalm "jusmiyo! Ang bata pa ni Kelly. Hindi pa rin akong handang makitang may sarili ng pamilya ang bunso naming kapatid."
"Me either ako na rin ang humihingi ng tawad para sa ginawang perwisyo ng kapatid ko sa pamilya niyo. Pero pangako alagaan namin si Kelly at hindi pababayaan."
"No Ma'am hindi niyo naman kailangang humingi ng tawad hindi n'yo naman kagustuhan ang nangyare sa dalawang bata. Pero... kapag nalaman ito ng mga kapatid namin hindi ko talaga mapapangako na walang mangyayaring masama sa kapatid niyong si Patrick dahil kahit ako baka di makapag pigl sa galit!"
Hinawakan ni May ang kamay ni Kevin "I know kaya nga sana makipag tulungan ka sakin."
Nakatingin lang si Kevin sa kamay ni May at distructed "Tulungan mo akong itakas yung dalawa."
"ANO? Ah... Ahm... sorry po Ma'am nagulat lang po ako sa sinabi niyong itakas."
"Pero di ako nagbibiro gusto kong itakas si Kelly at Patrick sa mga kapatid mo at sa mga magulang namin."
"Ho? Pero..."
"Dahil sa nangyare gusto nila mom and dad na magtrabaho na si Patrick sa kumpanya namin as new chairman."
"Ho? Pero hindi po ba kayo na yung bagong chairman simula nung nag abroad ang parents niyo at si Patrick?"
"No, noon pa man hindi ko na gusto ang mag trabaho sa family business namin dahil gusto ko lang mag travel around the world using my own income. At higit sa lahat gusto ko lang maging normal na tao hindi bilang isa sa mga Santos."
"Talaga? Gusto ko rin mag travel around the world yun kasi ang pangarap naming magkakapatid nila Kelly."
"Oh? Ang saya siguro ng pamilya niyo."
"Ho? Ah... eh... hindi naman po masyado may awayan din na nagaganap madalas pero we learn from that argument. Masaya rin kami kapag parati kaming sama-sama lalo na si Kelly gusto niyang parating sabay-sabay kaming nakain ayaw niya kasi na maiiwan siyang mag isa."
"That's why I like Kelly sobrang family oriented niya at maganda rin kasi ang pagpapalaki niyo sa kaniya."
"Salamat po Ma'am naging mabait rin kasi syang bata samin."
"Ang swerte talaga ni Patrick kay Kelly kaya nga sana tulungan mo ko para maitakas natin silang dalawa sa parents namin. Dahil oras na bumalik si Patrick samin di na sya makakapag enjoy sa buhay at ayokong masaktan si Kelly."
"Sa totoo lang gusto nila kuya na ipadala si Kelly sa Canada at doon muna manirahan kasama ang Nanay namin at pababalikin lang sya dito sa Pilipinas kapag 28years old na sya."
"Ano?"
"Yes Ma'am ayaw kasi ni kuya na masira ang buhay ni Kelly dahil lang sa maagang pagpapakasal. Hindi ko naman sinasabing mali ang piliin si Patrick pero kasi bata pa si Kelly para sa married life kaya yun ang napagpasyahan nila kuya at mama."
"Pero paano naman si Kelly? Paano ang gusto niya? Hindi pwede ang ganun hindi ako papayag! Kaya dapat mag tulungan tayo para maitakas silang dalawa laban sa pamilya natin. G ka ba?"
"G! Ayoko rin kasing makitang malungkot si Kelly alam ko namang mahal niya si Patrick kahit di nya sabihin undeniable person kasi yun."
"Parang ikaw?"
Hindi nakasagot si Kevin at nahiya sa pag titig sa kaniya ni May.
Tumayo si May at hinawakan ang kamay ni Kevin "Lets go?"
"Hmm? Saan po tayo pupunta Ma'am"
Pinisil ni May ang pisnge ni Kevin at sinabing "May na nga lang matanda lang naman ako sayo ng 2months and 10days kaya call me by my name nalang."
Gulat na gulat naman itong si Kevin sa sinabing iyon ni May sa kaniya "Hey! You okay?"
"Ye— Yes Ma'am... ay May sorry po di po kasi ako sanay."
"Wala ngang Ma'am pero may po naman don't worry masasanay ka rin dahil from now on we're partners in crime na."
At hinila na papalabas ng cafe ni May si Kevin "Sa— Sandali lang po..."
"Don't worry akong bahala sayo."
Samantala sa bahay naman ng mga Dela Cruz,
Nasa terrace sila Kian at Kim at nainum ng tsaa "Tol ano, ako na susundo kay Kellang?" Ang sabi ni Kim.
"Hinde, ako mismo ang susundo kay Kelly gusto ko ring makita ang hinayupak na si Patrick."
"Gusto ko rin makita ang lintek na yon sasama ako tol."
"Mabuti pa nga tayo ang sumundong lahat para malaman ng lalaking yon na di tayo basta-basta na pumapayag na makuha niya si Kelly satin ng ganun-ganun nalang."
"Oo kuya kailangan talagang mata
uruan ng leksyon ang kumag na yon."
Habang nag uusap naman yung dalawa sa terrace nasa loob naman sila Faith at Keith at nag uusap rin patungkol dun sa dalawa "kawawa naman si Patrick sa inyo nag mahal lang naman sya."
"Babe naman bakit parang kinakampihan mo pa yung kumag na yon? Kami nga ang na agrabyado dito dahil wala syang paalam na pinakasalan niya si Kelly ng walang permiso namin ang kapal ng mukha niya."
"Sus! Ngayon ka na lang! Bakit nung nalaman mo yan kay Kevin di ka naman nag ka ganyan? Boto ka pa nga kay Patrick di ba?"
"Noon yon pero na badtrip ako sa pamilya ng kumag na yon lalo sa kuya niya ang epal feeling naman kaya niyang bilhin lahat porket mayaman sila."
"Sus! Malay mo naman na misinterpret niyo lang yung tao tsaka di talaga nila sasaktan si Kelly kasi nga kamukha ito ng nawala nilang kapatid."
"Ano yon babe?"
"Si Kelly kamukha ng namatay na kapatid nila Patrick."
"ANO?" Ang pagulat na sambit ni Keith at narinig din yon nila Kim at Kian kaya napa second demotion sila.
"Ano yung sinabi mo Faith?" Ang sabi ni Kian.
"Ah... Eh... A— Ano kasi kuya..."
Sa isip-isip ni Faith "Haysss... Bakit kasi napaka daldal ko lalo ko pang dinagdagan ang problema ni Kelly at Patrick."
***
6pm sa condo Patrick,
Gustong mag cr ni Kelly dahil naiihi na sya kaya tinangka niyang tumayo pero bago pa man sya makatayo nakita na sya agad ni Patrick na ka papasok palang ng kwarto at may dala ng dinner "Kelly!"
"Ano na namang problema mo?"
Ipinatong naman ni Patrick ang dala niyang tray ng pagkain para kay Kelly "Ano ba ang gagawin mo? Alam no namang di ka pa pwedeng maglakad kailangan mo daw munang ipahinga yang paa mo sabi ni Doc."
"Alam ko pero naiihi na ako at gusto ko mag cr kaya wag kang epal diyan."
Nagulat naman si Kelly na binuhat sya ni Patrick "Ano bang ginagawa mo? Ibaba mo ko!"
"Wag ka na ngang malikot at ako ng bahala sayo."
"Ano? Sabi ko mag cr ako kaya bakit sasamahan mo pa ko? Pervert ka talaga!"
"Wag ka nga! Kung pervert ako edi sana di lang buhat ang ginawa ko sayo."
"Pervert!!!"
"Wag ka na ngang makulit! Ihahatid lang kita sa cr para di ka na maglakad tapos tawagin mo ko pag okay ka na para maihatid kita sa kama."
"Tsss!"
"Oh, baka naman gusto mo talagang sumama ako sa loob ng cr?"
"PATRICK!!!!"
"Pffft... Ang cute mo talaga."
"Pervert! Ibaba mo na ko!"