Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 262 - Kabanata 262

Chapter 262 - Kabanata 262

Kinabukasan,

Maagang nagising si Kelly pero mas maagang nagising sa kaniya si Patrick na nagluluto na ng almusal.

"Oh! Bakit ka nag lakad?" Ang sambit ni Patrick at iniwan muna ang niluluto niya at tinulungan si Kelly.

"Wag mo na nga akong tulungan paano ako makakarecover kung hindi ako mag lalakad? Tsaka may paa ako kaya paano naman ako hindi maglalakad? Anong akala mo sakin may pakpak?"

"Ang akin lang baka kasi matumba ka kailangan mo ng gabay."

"Tsss! Layo! Kaya ko mag lakad di ako weak na gaya mo!"

"Ayan ka na naman eh! Kala ko ba okay na tayo? Bakit nambubully ka na naman?"

"Huh! Who told you na were okay na? As if naman. Chu!!! Amoy sunog na. Yung niluluto mo!"

"Ay oo nga wait lang maupo ka muna diyan sa sofa."

Pandalas naman na nag tungo si Patrick sa kusina habang nag patuloy naman sa paglakad nya si Kelly.

"Ano ba kasi yang niluluto mo? Ang aga mong nagising para lang magluto?"

Naglalagay na ng asin si Patrick sa corn soup niya "oo baka kasi bigla kana lang lumayas tapos na kasi ang quarantine days natin eh."

Naupo sa May kitchen si Kelly ng dahan-dahan "lumayas? Ikaw na nga may sabi na di ako makalakad ng ayos eh tungaw ka ba?!"

"Mabuti na yung prepared nga pala papunta na dito si ate May sabi niya intayin mo daw sya at gusto ka daw niya makita at makausap."

"Hmm? Bakit? Hala!!!"

"Baket? May masakit ba sayo?"

"Yung phone ko!!!"

"Kala ko naman kung ano na."

Bumaba sa kinauupuan niya si Kelly "simula nung na lockdown ako dine sa buset mong condo di na ako naka pag update kila kuya nako!!!"

Inalalayan naman ni Patrick si Kelly "ako ng kukuha saan mo ba nilagay?"

"Tumabi ka nga!!! Bakit parang chill na chill ka lang diyan? Panigurado akong papunta na din dine sila kuya ano na ang gagawin ko?"

"Maupo?"

Sinipa naman ni Kelly ng kaliwa niyang paa na di injured si Patrick "Sira ka talaga! Yung pag upo ko pa talaga ang inalala mo? Yang buhay mo iligtas mo!"

"No need they made a decision."

"Ano? Anong decision pinagsasabi mo? Mapapatay ka talaga nila!"

"It's okay bring it on. Nag pasya na ko di na ko papayag na malayo sayo."

"Ano? Hoy tigilan mo nga ko sa mga banat mo! Babanatan talaga kita eh. Ang mga kuya ko hindi mo kilala, pag yung mga yon nagalit para talagang mga animal! Lalo na si kuya Kian mala lion yun kaya kung ako sayo umalis ka na!"

Hinawakan ni Patrick ang mga kamay ni Kelly at sinabing "hindi kita iiwan dahil I will take the responsibility alam na rin naman nila ang ginawa ko sayo eh."

Bineltukan sya ni Kelly "Alam mo kumag ka talaga eh! Hindi mo kilala sila kuya jusme mawawalan ka talaga ng ngipin ay mababali mga buto mo! Kaya sige na umalis ka na!"

"Hindi nga ako aalis dahil alam na nila yung ginawa ko."

"Ano?"

"Ding... Dong..."

Nag panic na si Kelly at pinapatago na nya si Patrick "bilisan mo mag tago ka na baka sila kuya na yan!"

"Hindi nga ako mag tatago dahil bahay ko ito."

"Hayyysss... bahala ka na sa buhay mo!"

"No, you will take care of me."

Pa ngiti-ngiti pa si Patrick na para bang di talaga nag aalala sa kahihinatnan niya nag lakas loob pa syang buksan ang pinto "PAK!"

"Ate!!!! Bakit mo naman ako sinampal?"

Hinila ni May si Patrick papasok "Sampal yun ng pagka miss ko sayo bwiset ka!"

"Baliw ka na talaga!"

"Bilisan mo at mag impake ka na dahil iaalis ko kayo dito ni Kelly."

"Ano? Bakit? Saan kami pupunta?"

Bumati naman si Kelly kay May "He— Hello po."

"What happened to your ankle? Bakit may bandage?" Ang sambit naman ni May at dali-daling lumapit kay Kelly.

"Ah... Ahm... ayos lang naman po ako."

Tumingin naman ng masama si May kay Patrick "Wa— Wala akong ginawa Ate."

"Haysss... anyways, kailangan na nating mag madali bago pa mahuli ang lahat."

"Ha?" Ang tugon nung dalawa kay May.

"Basta kapag naabutan tayo ng kuya ni Kelly dito hindi na kayo magkikita ng 7years."

"Ano?"

"Oo mahabang istorya mamaya ko na ikukuwento sa inyo sa biyahe ngayon kailangan na nating mag madali Patrick kunin mo nalang pala yung maleta dun sa kabinet mo may ready na dun na damit mo yung kay Kelly naman naiayos na yun ng kuya Kevin mo."

"Si kuya?"

"Ate ano ba talaga ang nangyayare?"

"Mamaya na kayo mag tanong kailangan na nating mag madali!!!

"Pero..."

"Sige na!!! Gusto niyo pa bang mag kitang dalawa?"

Nagkatinginan yung dalawa nila Kelly at Patrick "O— Oo." Tugon nila.

"Hindi mo na ko kinaiinisan?" Ang sambit agad ni Patrick kay Kelly.

"Ha? Wag ka ngang ano dyan! Inis pa din ako sayo pero hindi naman ibig sabihin nun eh... ayaw na kitang makita."

"Oh, yun naman pala eh kaya bilisan na natin bago pa mahuli ang lahat sa inyong dalawa!"

"O— Okay."

Mga ilang segundo lang ang lumipas at paalis na sila Patrick ngunit nalimutan nung mag kapatid na di pa nga pala nakakalakad ng ayos ireng si Kelly "Ah... Eh... paano po ako?"

"Ay oo nga pala, sige na Patrick pasanin mo na si Kelly sa likod mo."

"Oo na ate kahit di mo sabihin."

Pinasan nga ni Patrick si Kelly sa kaniyang likuran "Okay lets go na." Ang sabi ni May at pagkabukas nya ng pintuan laking gulat nila na andun na sila Kian maliban kay Kevin.

"Ku— Kuy's..." Ang ninenerbyos na sambit ni Kelly.

"Saan kayo pupunta?" Ang sabi ni Kian at nakatingin silang tatlo nila Kim at Keith sa maleta na hawak ni May at Patrick.

"Ah... Eh... ipapasyal ko lang sana yung dalawa. Kasi syempre alam niyo naman kalalaya lang nung dalawa sa pagkaka lockdown nila dito. Ha... Ha... sige ha?" Ang sambit naman ni May na kinakabahan dahil ang sama ng tingin ng mga kuya ni Kelly.

"Put her down!!!" Ang pagalit na sambit ni Kian.

"Ah... Ahm... iuuwi ko rin naman si Kelly wag kayong nag alala. Ha... Ha... Ha..."

"I said PUT HER DOWN!!!!" Sumigaw na si Kian pero di pa rin ibinababa ni Patrick si Kelly.

"Pasensya na po pero kailangan ko po itong gawin." Ang sabi ni Patrick at nag tatakbo na pasan pa rin si Kelly sa kanyang likuran.

"PATRICK!!!!"

Pabulong bulong naman si May "Go baby Bro."

Napatingin naman yung tatlo kay May at ang sama ng mga tingin ng mga ito "Oras lang na may gawing kung ano yang kapatid mo sa kapatid namin pasensyahan tayo sa kulungan talaga ang bagsak niyang si Patrick!" Ang galit na galit na sambit ni Kian.

"Kim, Keith bilisan n'yo sundan niyo ang lintek na yon!" Dagdag pa ni Kian.

"Oo tol." Anila at nagtatakbo na din yung dalawa at nag iba pa ng direksyon para macorner si Patrick.

"Bakit ba di niyo nalang sila hayaan? Kapatid kayo ni Kelly kaya dapat alam niyo kung ano ang ikaliligaya niya." Sagot ni May kay Kian.

"Huh! Kaligayahan? Pwes! KAMI YON! at hindi ang kapatid mong si Patrick!!!!"

"Kung kayo nga yon bakit sumama si Kelly sa kapatid ko? Minsan ang akala niyo ay tama hindi pala. Wag kayong masyadong mahigpit dahil baka hindi niyo alam nasasakal na pala sa inyo si Kelly."

Natameme lang si Kian at pinagmasdan na umalis si May matapos nitong sabihin ang mga litanya niya.

Samantala habang nanakbo sila Patrick sumakay sila ng elevator at dumaan rin sa isang fire exit para iligaw sila Kim ag Keith "San mo ba ako balak dalhin? Sa bagal mo maabutan tayo nila kuya!"

"Hindi ko nga rin talaga alam kung pwede lang papasok na ko isa sa mga unit dito."

"Sa mga unit?"

"Oo ang bigat mo kaya ang hirap tumakbo habang may dala ka akala mo ba madali yon?"

Bineltukan ni Kelly si Patrick "Bwiset ka! Magaan lang ako no! Tsaka bakit ba di nalang tayo mag punta sa secret room mo dito?"

"Eh?"

"Ay, nalimutan ko may amnesia ka nga palang tukmol ka. Bilisan mo sumakay tayo ng elevator at ako ng bahala mag lead ng way."

"May alam ka naman pala pinahirapan mo pa ko."

"Bilisan mo na!!!"

"Opo your highness."

"."

Matapos ang ilang minutong hanapan naligaw rin nung dalawa sila Kim at Keith.

"Ano nakita n'yo?" Ang sabi ni Kian.

"Hindi kuya masyadong malaki ang condominium na ito kulang ang bilang natin para mahanap sila." Ang hingal na bunga na sambit ni Kim.

"Oo nga kung andito lang sana si Kevin baka sakaling naabutan natin sila." Pagsasang ayong sambit naman ni Keith.

"Bwiset!!! Hindi ito maaari! Mukhang may pinaplano ang mga Santos laban satin kaya kailangan nating kumilos! Kim tawagan mo si Uncle Mike siguraduhin mong ngayong araw na ito rin Sila pupunta dito."

"Oo tol."

"Pero mga tol, hindi ba parang magiging agaw atensyon na tayo dito? Oras na may mag puntang pulis dito lalaki pa ang problema natin baka lalo nating di makita si Kelly."

"Eh anong gusto mong gawin natin pabayaan nalang si Kelly sa lintek na lalaking yon? Oras lang talaga na makita ko yon makakatikim talaga sya sakin!!!"

"Pero tol may punto rin naman si Keith ngayon lang natapos ang lockdown dito kapag nagpadala tayo ng mga pulis dito para galugatrin ang buong condominium baka magkaroon pa ng misinterpretation sikat ang mga Santos kilala sila sa buong Pilipinas kaya magkakaroon rin tayo ng problema pag naibalita pa ito sa Tv o radio."

"Oo tol, magiging laman tayo ng balita baka si Kelly pa ang mapag tsismisan kaya mabuting sa atin nalang ito at sa mga Santos pumunta nalang uli tayo sa bahay ng mga lintek na yon at kausapin sila."

"BWISETTTT!!!!"

Related Books

Popular novel hashtag