Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 232 - Kabanata 232

Chapter 232 - Kabanata 232

Kinaumagahan,

Sa hapagkainan ng mga Dela Cruz...

"Morning babysis halika at kumain ka na nagluto ako ng paborito nyong magkakapatid na tapsilog at syempre walang itlog kay kuya Kian at baby Jacob." Ang masayang sambit ni Faith.

"Tita Faith hindi ba dapat po tapsi na lang ang tawag dun samin ni daddy kasi wala pong itlog yung samin eh. Hehe."

Pinisil naman ni Faith ang pisnge ni Jacob "Ikaw talagang bata ka ang cute cute mo kaya nga gusto kong kain rin ng kain si baby Tum- Tum para maging gaya mo."

"Pero babe baka naman ma high blood na agad ang anak natin kung igagaya mo sya kay Jacob the Siopao." Ang sambit ni Keith at siniko naman siya ni Faith.

"Heh! Mag tigil ka nga!"

Samantala nakaupo naman na si Kelly at tahimik lang na nakain na para bang tamad na tamad "Babysis are you okay?" Ang sabi ni Kevin.

"Hindi mo ba na gustohan yung pagkain babysis? Gusto mo bang magluto ako ng iba?" Ang sambit agad ni Faith.

"Ha? No, ayos lang po medyo wala lang po akong gana kumain ngayong umaga."

"Walang gana o tinatamad ka na namang kumain? Ha! Kelly Ann Marie?!" Ang pagalit na sambit ni Kian.

"Kuya..." Ang nag aalalang sambit ni Kevin.

"Umayos ka Kelly kapag hindi mo inubos yang pagkain mo hindi kita papakainin ng isang linggo! Nag titimpi lang ako sayo kaya umayos ka!"

"Kuya!"

"Okay! I'm done papasok na po ako." Ang sambit ni Kelly at tumayo na sya.

"KELLY!!!" Ang galit na galit na sambit ni Kian.

"Ano?!"

"Aba't sumasagot ka na?!" Napatayo na rin naman si Kian at inawat naman ka agad siya ni Kevin.

Bumulong namang agad si Faith kay Keith "Huy! Anong ginagawa mo? Bakit kumakain ka parin diyan? Umawat ka kaya!"

"Kumain ka na rin bago pa magising ang anak natin."

Bineltukan siya ni Faith "Kahit kailan ka talaga!"

"Mas mabuti pa ngang wag kumain kesa makasabay ang gaya niyong puro pag mamando ang alam!" Ang sambit ni Kelly at nasampal naman sya ni Kim at doon na umawat si Keith.

Napahawak si Kelly sa kaniyang pisnge at nangilid ang mga uha niya "Ano? Masaya na kayo? Sige pa! Sampalin niyo pa ako tutal para naman akong aso sa inyo dahil gusto niyo nakatali lang ako sa mga palad niyo."

"Anong sabi mong bata ka? Sumosobra ka na talaga!" Ang pagalit na sambit ni Kim at akmang sasampalin niya ulit si Kelly pero inawat na siya ni Kian "Tama na yan!" Aniya.

At tumakbo ng papaalis si Kelly at hinabol naman siya ka agad ni Kevin "Bunso!!! Sige ako ng bahala sa kaniya."

Napaupo nalang si Kim bigla "Kuya, hindi ko naman sinasadya..."

Kian sighed "Hayaan mo na, ako naman ang nauna kausapin nalang natin sya mamayang gabi."

"Pero pano yon sigurado akong mag susumbong yun kay Mama."

At napatingin silang lahat sa nakaupong si Jacob na hawak ang kaniyang cellphone "Ha... Ha...Wa— Wala po akong ginagawa..." Itinago niyang agad sa likod ang cellphone niya "Promise hindi ko po sinabi kay Momsy na sinampal at sinigawan niyo si tita Kelly."

"Siopao!!!" Anila.

Samantala naabutan na ni Kevin si Kelly sa pagtakbo...

Hingal na hingal si Kevin at napa hawak nalang sya sa braso ni Kelly "Babysis, stop na pagod na si kuya."

Huminto naman si Kelly at naupo sa may gutter ng kanilang nilalakaran "Bakit ba kasi hinabol mo pa ko kuya?"

Piningot ni Kevin ang kanang tenga ni Kelly "Awww... kuya!!!"

"Alam mo bang hirap na hirap akong paputiin yang palda mo tapos uupo ka lang diyan? Tumayo ka diyan!"

At tumayo naman ka agad si Kelly at binitawan na sya ni Kevin "Kaya ba laging madumi yang palda at jogging pants mo kung san-san ka nalang makasalagmak ng upo!"

Sa isip-isip ni Kelly "Kailan pa naging puti ang palda ko? Blue kaya ito na may white lang at mas lamang pa nga ang blue!"

"Gusto mo bang mag Jolibee?"

Ngiting ngiti naman si Kelly agad "Talaga kuya?"

Kevin patted Kelly's head "Hayssss... ikaw talaga kahit dalaga ka na gustong gusto mo pa din kumakain dun."

"Syempre po all time favorite kaya yun libre mo ko kuya ah yung may 2piece chicken at may spaghetti at burger ah."

"Okay, basta sasabihin mo sakin kung ano ang nangyayari sayo."

"Hmm?"

"Wag mo akong ginogoyo kilala kita at alam kong may problema kang bata ka kaya sige tell me break na kayo ni Patrick?"

"Kuya?"

Pinitik ni Kevin ang tenga ng kapatid "Tumigil ka na sa pag maang maangan mo kaya naiinis sila kuya sayo eh bumabalik ka na naman sa dating ikaw."

"Kuya, anong pakiramdam nung sinabi sayo ni Prof. Mina na hindi pa sya handang mag pa kasal?

"Ha?"

"Kuya... Wag ako! Sabi mo nga kilalang kilala mo ako kaya ganoon rin ako sayo at alam kong hindi ka sinagot ni Prof. Mina nung nag propose ka sakaniya."

"Pa... Paano mo nalaman? Kahit sila kuya hindi yun alam."

"Nakakatampo ka nga kasi nag lihim ka sakin sabi mo bawal ang secrets satin?"

"Wow! Nag salita ang hindi nag lilihim. Sino kaya satin ano? Kaya pala naging kayo na ni Patrick hindi mo ako sinabihan kung hindi ko pa na halata sayo. Tapos ngayon ano break na kayo?"

"Oo na! Break na kami at FYI! Sabay kaming nakipag break sa isa't isa."

"What? Paanong sabay? Kelly umayos ka anong nangyare?"

"We decided na hindi pa kami ready magkaroon ng commitment."

Kevin patted Kelly's shoulder "Halika na nga lilibre na kita habang maaga pa bago pa tayo parehong malate."

"Thankies kuya."

"Alright lika' na."

"Um."

Sa magkaparehong oras,

"Ayoko nga sumama sa inyo! Kailangan kong umuwi agad." Ang sabi ni Patrick habang nag dadrive ng kaniyang kotse kasama si Dave.

"Pero dude sabi ni Vince magagandang chix daw ang ka blind date natin kaya sige na!"

Nag break naman si Patrick bigla at napasubsob ang ilong ni Dave sa may aircon ng kotse "Sabi ngang ayoko!"

"Dude naman sasabihin mo naman kung mag bebreak ka baka maging pango ang matangos kong ilong."

Sa isip-isip ni Patrick "Para namang ang tangos ng ilong niya."

"Dude, don't tell me di ka pa makaget over kay Master."

"Ano?! Asa ka!"

"Sus... kaya nga ayaw mong sumama eh kasi mahal mo pa rin si Master. Pero alam mo ba na kwento samin ni Vince na may bumibisita raw kay Master."

"Talaga? Sino daw? At anong ginawa?"

"Balita ko kasamahan sa trabaho ni nurse Kevin isa ring nurse sa DLRH at alam mo ba dude nung una ayaw daw ng mga kuya dun ni Master pero nung nakilala na nila ito araw-araw daw kasi nadalaw kaya yun pinag bigyan ng manligaw kay Master."

"ANO? Ligaw? At pumayag rin si Kelly?"

Napainum ng tubig si Patrick ng di oras sa kaniyang nararamdamang galit.

"Sabi ni Vince parang oo na parang hindi raw eh. Pero madalas daw kausap yun ni Master gawa sa online game kaya ayun baka na develop na."

Sa galit ni Patrick na kupi niya yung bote ng tubig na wala ng laman "Sige sasama na ko!"

"San?"

"Sa blind date na sinasabi mo!"

"Talaga Dude?"

"Oo baka kailangan na rin talagang makalimot!"

Sa sobrang gigil ni Patrick yung bote niyang kinupi ay pinilipit niya pa at napalunok nalang si Dave ng kaniyang laway sa sobrang nerbyos.

"Mukhang na sobrahan ata ako sa suhol sa kaniya." Ang pa bulong na sambit ni Dave.

"May sinasabi ka?"

"Wa— Wala naman Dude. Ha... Ha..."

Pero sa isip-isip ni Dave "Buti nalang at na uto ko sya kung hindi mahihirapan kami na mapagkita sila ni Kelly."