Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 233 - Kabanata 233

Chapter 233 - Kabanata 233

Dumating na ang araw ng blind date...

"Ding... Dong..."

Nanonood ng cartoons sa may sala sila Kelly at Jacob ng biglang may nag doorbell "Ako na mag bubukas baka delivery na yan ng diaper ni Tum-Tum." Ang sabi ni Keith.

"Pati ba diaper inoorder na din?" Ang sabi ni Kian at na naupo na rin sa sofa sa sala nila.

"Lahat naman po ngayon pwede ng i-order pati nga po mga school supplies eh di ba tita Kelly?"

"Ha? O— Oo."

"Pupunta raw dito si Vince ngayon nag chat sa sakin ka gabi mag pagpaalam daw aalis kayo. Bakit wala kang nabanggit samin?"

"Ah... Kasi kuya ano di ko naman talaga..."

At bigla namang sumingit sa usapan si Vince "Magandang araw sa mga nagwagwapuhan kong pinsan mula sa mas gwapo sa kanila. Hahaha..."

Bineltukan naman siya ni Keith "Unga ka! Akala ko order na namin ni Faith yung dumating ikaw lang palang buset ka."

"Hehe... sorry naman malay ko bang may inaantay kayong order. Hehe..."

Akma namang bebeltukan ulit siya ni Keith pero nambubuyo lang pala ito sa kaniya at dumating na rin naman sila Kevin at Kim "Yow!" Ang bungad ni Vince sa kanila.

"Aba! Anong meron at nagawi ka rine Vincente?" Ang sambit ni Kim.

"Kuya Kim naman buong buo eh ang lakas maka lumang tao ng Vincente eh."

"Sus..."

"Ahhh... ngayon na ba yung lakad niyo ni Kellang?" Ang sabi naman ni Kevin.

"San?" Ang sabi ni Keith.

Nagkatinginan sila Kelly at Vince na para bang nag kaka sensyasan ng mga sasabihin nila "Ahem... Maupo ka nga muna dine Vince." Ang sabi ni Kian.

"O— Oo sige kuya." Naupo sya sa tabi ni Kelly pero pinatayo rin sya agad ni Kian.

"Sinabi ko bang diyan ka umupo?"

Pandalas naman nga ng tayo itong si Vince at umupo sa bakanteng sofa "Ha... Ha... sabi ko nga dito ako uupo. Ha... Ha..."

Naupo na rin naman sila Keith, Kim at Kevin na katabi ni Kian na para bang mag iinterogate "Tita Kelly aalis ka po?" Ang pabulong na sambit naman ni Jacob.

"Ahh... Eh... di nga sana eh mukhang mapapasama na din yang tito Vince mo kasi sure akong mag iinarte yan kapag di ako sumama."

"Ganun po ba..."

Bigla namang na lungkot si Jacob "Oh, wag ka ng sad hayaan mo sasama kita kung papayagan ka ni kuya."

"Talaga po?"

"Um. Kung yun eh papayag sila kuya na sumama ako kay Vince."

"Hmmm... papayag po yan kasi kasama niyo ako hehe.@

Seryoso naman ang mga kuya ni Kelly na nakikipagusap kay Vince "Sa mall? Dun lang kayo pupunta, for what?" Ang sabi ni Kian.

"To... To unwind?" Ang kinakabahang sambit ni Vince na pa tingin-tingin kay Kelly.

"To unwind?" Ang sabay-sabay na tugon ng mga kuya ni Kelly.

"O— Oo mga bro tsa...tsaka may inuutos din kasi sakin si Ate Alice alam niyo naman buntis yon kaya ang daming pina..."

Hindi na naituloy ni Vince ang sinasabi niya dahil nagulat yung apat sa sinabi niyang iyon na buntis si Alice "ANO?" Anila.

Pa bulong bulong si Vince kay Kelly kahit na di sila magkatabi "Hindi mo sinabi na buntis si ate?"

"Hindi mo naman sinabi."

Vince make a facepalm "Sino ang naging asawa ni Alice? Bakit wala syang nababanggit sakin? Yung babaeng yon lagi sya sakin." Ang sabi agad ni Kevin.

"Ah... Eh... kasi kuya... si Ate kasi..." Sa pangalawang pagkakataon di na naman natapos ni Vince ang kaniyang sinasabi dahil biglang dumating si Ethan.

"Mga repakol! Pumasok na ako bukas kasi ang gate niyo." Ang sambit ni Ethan at napalingon siya kay Vince "Oh? Andito ka rin pala baby bro?"

Napatingin sila Kian kay Vince at sabay-sabay nilang sinambit "Baby bro?"

"Ah... Ahm... sya kasi yung ano ni ate..."

"ANO?" Ang pagulat na namang sambit ng mga kuya ni Kelly.

Lumapit namang agad si Vince kay Kelly sa takot dahil napatayo yung apat sa gulat at mukhang iinterogate nila si Ethan "Ah.. Eh... mga bro le... let me explain???" Ani Ethan na umaatras na sa kaba na para bang gusto ng tumakbo papalayo.

"ETHAN!!!!" Anila.

Hinila naman na ni Kelly si Vince papunta ng kusina nila kasama si Jacob "Hayyyy... nakakatakot talaga ang mga kuya mo pis."

"Opo tito lalo na nung sinampal ni tito Kim si tita Kelly nung nakaraang araw."

Tinakluban naman agad ni Kelly ang bibig ni Jacob "Siopao!"

"Pis? Totoo ba yon? Pero paano? Bakit?"

"Wag mo ng tanungin past is past."

Tinanggal naman ni Jacob ang kamay ng tita Kelly niya "Pero gang ngayon po di pa din sila ayos nila daddy lalo na ni tito Kim."

"Jacob!!!"

"Bakit? Dahil ba yan kay Patrick?"

"Ano? Bakit naman na damay ang kumag na yon?"

"Kuuuuu!!! Wag ako kilalang kilala na kita bakit nalaman ba nila na nag break na kayo?"

"Shhhhh..."

"Ay sorry..."

"Nag break na po kayo ni tito Patrick?" Pandalas namang tinakpan ni Kelly ang bibig ng kaniyang pamangkin.

"Mmm... Mmm..."

"Baby ang daldal mo naman eh!!!"

"Wag mo na nga munang tanggalin ang kamay mo sa bibig ng batang yan."

"Ikaw kasi!"

"So, ano sasama ka ba sakin ngayon? Nag paalam ka ba?"

"Hinde, sabi mo ikaw mag pagpaalam ah."

"Ano? Di mo man lang nabanggit?"

"Hindi tinatamad kasi ako."

"Ikaw talaga m!!! Sige na sumama ka na mukhang ayos lang naman kila kuya Kian eh tsaka busy sila kay kuya Ethan di na nila mapapasin kung aalis ka."

"Kuya Ethan?"

"Heh! Alangan namang senior o teacher eh asawa na sya ng ate ko buti nga at nakausap siya nila kuya Kian para malaan niya na di tayo basta-basta Dela Cruz ata ito kaya wag syang mag tatanggakang saktan si Ate Alice kung hindi mata niya lang ang walang latay."

"Sus... kala mo naman talagang... ewan ko sayo sige na mag bibihis muna ako baby lika na." Tinanggal na ni Kelly ang kamay niya kay Jacob.

"Sandali lang!"

"Bakit?"

"Sasama mo si Jacob?"

"Oo para sure na papayag sila kuya kapag gusto ni Jacob na sumama sure akong papayag na din sila kuya na aalis ako. Kaya ayos lang yan para naman makagala na din si Siopao."

"Pero..."

"Tita Kelly parang ayaw naman akong isama ni tito Vince."

"Vince!"

Pinisil pisil ni Vince ang pisnge ni Jacob "Ha... Ha... syempre gusto kong isama si baby Jacob."

Pero iba ang nasa isip ni Vince "Tsk... hindi pwede ito kailangan kong umisip ng paraan para mailayo mamaya si Jacob kay Kelly para makapag usap sila ni Patrick."