Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 228 - Kabanata 228

Chapter 228 - Kabanata 228

"Goodbye class, mag ingat kayo sa pag uwi."

"Kayo rin po Prof." Ang sabi ng buong klase kay Prof. Gina.

Pagka alis ni Prof. Gina sabay-sabay namang nag ayos ng kani-kanilang mga gamit ang klase nila Kelly "Pis, sasabay ka ba sakin o kay kuya Kevin?" Ang sabi ni Vince kay Kelly.

"Hinde mamaya pa si kuya may work pa sya sa DLRH. Kaya sumabay nalang daw ako sayo susunduin nalang ako nila kuya Kim sa kanto sa may amin."

"Ohhh... sige pero dumaan muna tayo sa butika ha? May pinabibili kasi si ate Alice sakin nakakahiya nga eh."

"May sakit si ate Alice?"

"Wala pero nag papabili siya sakin ng PT! Wagas nga eh ako pa talaga."

Nagulat si Kelly kaya napasigaw siya "PT?"

Pandalas namang tinakpan ni Vince ang bibig ng pinsan niya "Wag kang maingay!"

"Mmm...mmm..."

Nakaagaw pansin naman iyon ng atensyon ng mga kaklase nila at isa na roon nga sila Patrick at Dave "Ano daw yon dude? PT?"

Nakamasid lang naman si Patrick kay Kelly "Oo narinig ko hindi ako binge."

"Pero hindi ba ang PT ay pregnancy test?"

"Aba malay ko kung yun nga ang pinag uusapan nila."

Nanlaki naman ang mga mata ni Dave at mapahawak ito sa kaniyang bibig "Dude!"

Bineltukan naman siya ni Patrick "Ungas! Walang nangyayari samin ng gaya ng nasa isip mo gung gong!"

"Pero.. Bakit na sabi ni Master yung salitang pinagbabawal?"

"Pinagbabawal?"

"Oo yung PT nga!"

"Paano naman naging ipinagbabawal yun? Baliw!"

"Eh kasi syempre once na nag ganun ang babae mag ready na ang boyfriend o hubby niya."

"Dami mong alam! Hindi naman lahat ng PT ay pregnancy test ang ibigsabhin tanga!"

"Ehhh... baka lang kasi."

"Mag tigil ka na nga! Parang di mo naman kilala si Kelly tsaka kahit naman may away kami di niya ako ipagpapalit sa iba."

Pabulong bulong si Dave "Tsss... di daw pagpapalit kung ako si Master di ako mag tsatsaga sayo."

Binatukan siya ni Patrick "Narinig kitang bwiset ka!"

"Ha... Ha... biro lang naman yun dude. Pero maiba tayo ano na ang nangyare kay Jenanv baliw? Di ka pa rin nakikipag usap kay Master?"

Tumayo at kinuha ni Patrick ang bag niya "Wala akong time sa mga taong makikitid ang utak kaya kung gusto mo ikaw nalang makipag usap sa kaniya dahil ako uuwi na pagod na ko!"

"Ha? Pe... Pero dude..."

Umalis na nga at di man lang pinansin ni Patrick si Kelly habang hinahabol naman siya ni Dave "Master! Una na kami ha?"

"Di ka na talaga pinapansin ni Patrick?" Ang sabi ni Vince kay Kelly.

Kelly rolled her eyes and said "I don't care wala akong panahon sa mga taong manloloko maging masaya sana sila ni Jena! Tsss..."

"Ha? Akala ko ba naunawaan mo na si Patrick hindi ba at nakita mo na nga yung cctv footage?"

"Huh! Hindi sapat ang record kung nakita mismo ng mga mata ko!"

"Eh? Pis hindi kita maintindihan."

"Wag mo nalang kasing intindihin! Tara na nga!"

"O— okay? Pero kwento mo sakin habang nag lalakad tayo ha?"

"Ewan!"

Iniwanan na ni Kelly si Vince "Kelly!!!"

Lumapit naman si Harvey kay Vince "Pre, sabay nga ko sasabay ba si Kelly?"

"Oo teka akala ko may meeting ang SC?"

"Di natuloy di kasi na sabi agad eh nag uwian na ang ibang SC member kaya yun bukas nalang daw ng umaga."

"Ohhh... sya tara si Kelly eh nang iwan na."

"Nga pala, balitang balita na sa buong campus yung dala dalang babae ni Patrick sa clinic."

"Ano?"

***

Ang pangyayari kanina sa Clinic,

Nakahiga sa kama at na titig na titig si Jena kay Kevin habang nilalagyan ng cold patch nito ang kaniyang noo "Mag relax ka muna para bumaba ang temperatura mo masyado kasing mainit sa labas kadalasan talaga madaming nagkaka ganyan kapag summer na."

Naiilang si Kevin sa titig ni Jena kaya naiwas siya ng biglang hinawakan pa nito ang kamay niya "Doc, yun lang ba talaga ang nangyari sakin?"

Inilagay pa ni Jena ang kamay ni Kevin sa pisnge niya na para bang gusto pa nireng halik halikan "Ah... eh...A...Ano..."

Napabuntong hininga si Patrick kaya lumapit na sya kay Jena at pinandilatan niya ito ng mata "Ha... Ha... Ha... Nurse siya hindi doktor." Hinila niya ang kamay ni Jena na naka hawak kay Kevin.

Umatras at kinuha ni Kevin ang kaniyang panyo at ipinunas sa kanyang noo na medyo pinawisang dahil sa nerbiyos.

"Umayos ka! Nakakahiya kapatid siya ni Kelly!" Ang pabulong na dagdag pa ni Patrick kay Jena.

"Tsk... epal ka talaga lagi!"

"Ahem... Sige na Patrick maaari ka ng umalis may klase ka pa maaari mo namang iwanan dito si Ms. Jena."

"Po? Pero..."

Napatingin at pinandidilatan pa din ni Patrick si Jena ng palihim "Oo nga besh sige na iwanan mo na ako dito baka malate ka pa sa klase mo." Nangingiti naman si Jena na para bang inaasar si Patrick.

"Sige na Patrick baka malate ka pa."

"Sige po."

Habang papaalis si Patrick pabulong bulong pa siya kay Jena "Umayos ka! Wag kang maharot!"

"Bye Beshie!!!"

"Lagot ka sakin mamaya!"

"Patrick?"

"Ha... ha... si— sige po aalis na..."

Nang asar pa si Jena at dumila pa ito habang papaalis si Patrick "Ahem... Ms. Jena ano ang nararamdaman mo ngayon?"

"Aw... Ang sakit ng ulo ko." Ang pag inarteng sambit ni Jena.

Hinawakan naman ni Kevin ang noo ni Jena "San pa masakit?"

Hinila na naman ni Jena ang kamay ni Kevin at ipinatong niya pa ito sa dibdib niya "Dito po masakit... sobrang sakit."

Kinagulat naman ni Kevin ang ginawang iyon ni Jena sa kamay niya kaya sobrang namula ang kaniyang mukha. "Ah... Ahm... Si— Sige parating na rin naman si Doc dito kaya mag intay ka muna di— dito." Pandalas naman niyang hinila ang kamay niya sa pagkakahawak sa kaniya ni Jena.

"Ikaw, are you okay lang ba?"

"Ha?"

"Namumula ang mukha mo gusto mo bang lagyan din kita ng cold patch?"

Mabilis na tumayo at lumapit si Jena kay Kevin "A...Ano a— ayos lang ako."

Lumapit ng lumapit si Jena kay Kevin hanggang sa napaupo na ito sa sofa "Are you sure, you okay?"

Ang lapit ng mukha ni Jena kay Kevin "Ye— Yes I... I'm okay."

Pandalas namang tumayo si Kevin sa kaba hanggang sa na out of balance si Jena at na subsob ang ilong nya sa may sofa.

"Ms. Jena!!!"