Palihim na sinundan nila Patrick at Dave sila Kelly at Vince sa may butika "Ano ba ang ginagawa natin dito?" Ang pagalit na sambit ni Patrick kay Dave na nagtatago sa may gilid ng mga stand sa loob ng butika.
"Sabi ko naman sayo dude yung PT na sinasabi ni Master kanina ay pregnancy test kaya nga sila nandito ni Vince eh para doon at mukhang yun ang binibili nila."
"Tsk... masyado ka na namang overthinking! Tingnan mo pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Halika na! Nakakahiya!"
Hinila na sya ni Patrick pero ayaw paring sumama sa kaniya ni Dave "Halika na!!!"
"Sandali lang tingnan mo yung hawak ni Vince!"
Napatingin nga si Patrick sa hawak ni Vince na isang pregnancy test kit at natutala ito sa nakita niya "Dude?"
Nasa mukha ni Patrick ang pagka galit at nakikita ito sa pag galaw niya ng kaniyang kamao "Dude! Bilis magtago na tayo paalis na sila Master!"
"Ayoko!"
"Dude!!!"
Hindi nga nag tago sila Patrick at Dave at nakita silang dalawa nila Kelly at Vince "Patrick?" Ang nasabi ni Kelly at hinila sya palabas nito.
"Sumama ka sakin!"
"Ano?"
"Dude! Kumalma ka muna!!!"
"A— Ano ba ang nangyayare?" Ang sabi ni Vince at tuluyan na nga silang iniwanan nung dalawa.
Mahigpit ang pagkakahawak ni Patrick sa kamay ni Kelly "Hoy!!! Bitawan mo ko!"
"Kailangan nating mag usap!"
"I said let me go!"
Hindi nakikinig sa kaniya si Patrick hanggang sa nakarating sila sa isang bakanteng upuan sa plaza sa bayan kung saan madalas tambay ang nga mag sising irog "Bitawan mo akong sabi!!!"
Sisipain na sana ni Kelly si Patrick pero napigilan siya nito "Kababae mong tao nakapalda ka pa man din ganyan ka umasta!"
"Ano bang pakialam mo? May short ako sa loob!" Nahihirapan si Kelly sa kaniyang tayo dahil hawak ni Patrick ang kaniyang kaliwang paa.
"Ano ang pakialam ko? Tinatanong mo? Huh! Bakit? Dahil ba may iba ka na?"
Umikot at iniipit ni Kelly ang kamay ni Patrick at tumumba sila "Wag mo akong binabalitad! Ikaw ang nanloko at hindi ako!" Ang gigil na gigil na sambit ni Kelly na para bang gusto ng balian ng buto si Patrick.
Samantalang habang natakbo at hinahanap naman nila Dave at Vince yung dalawa nag uusap sila patungkol sa PT na naging sanhi ng away nila Kelly at Patrick "Bakit naman kasi yan ang sinabi mo kay Patrick? Kahit kailan talaga bugok ka Dave!"
"Ehhh... kasi nga akala ko kay Masyer yung PT na hawak mo alangan naman kasing sayo yon kaya ayun na nga..."
Bineltukan ng malakas ni Vince si Dave "Tanga ka talaga kahit kailan!"
"Masakit yon ha!"
"Gusto mong sapakin na kita?"
"Sorry na nga malay ko bang sa ate mo pala yun sana kasi sinabihan mo ako. Para alam ko na di pala yun kay Master."
"Bwiset ka! Bilisan mo na di'yan baka kung ano na ang ginawa ni Kelly kay Patrick."
"Ha? Hindi ba at si Dude ang galit? Bakit si Master?"
"Kita mo namang mag ka galit na talaga silang dalawa nung isang araw pa tapos nakita pa ni Kelly si Patrick na nakikipag harutan sa isang babae yung Jena ba yon?"
"Ano? Paano? Kailan?"
"Hindi ko alam pero kanina ata nakita ni Kelly yung Jena na yon sa cafeteria ng school natin. Pero sino ba yung Jena? Bff nga ba talaga yun ni Patrick?"
"Oo bff namin siya ni Dude pero baliw yun eh."
"Anong ibig mong sabihin? May mental illness sya?"
"Not literally speaking naman pero kasi may topak ang isang yon gusto niyang sya lang ang babaeng kaibigan ni Patrick."
"Ano? May gusto ba sya kay Patrick?"
"Ewan ko dun pero bata palang kaming tatlo malapit na talaga yung dalawang yun sa isa't isa ang di ko lang alam kung na misinterpret yun ni Jena."
"Nako mahirap yan."
"Yeah..."
Samantala sa bahay nila Kelly,
"Daddy!"
Lumapit si Jacob kay Kian na busy gumawa ng exam paper "Ano yon baby?"
"Bakit wala pa po si tita Kelly?"
"Ha? Wala pa ba? Nasan ang tito Kim mo?"
"Sabi niya po kanina susunduin na niya po sa may kanto si tita pero wala parin po siya eh."
"Ahhh... Baka inaantay pa may kailangan ka ba? May assignment ka?"
"Opo mag papaturo po sana ako sa math."
"Kay Kelly? Math? Sa kaniya?"
"Opo?"
Sa isip-isip ni Kian "Sa pagkakaalam ko ayaw ni Kelly ang math paanong nangyareng si Kellang pala ang nagtuturo ng math dine kay Jacob? Well, basic lang naman ang math ng mga bata kaya yakang yaka nga ni Kelly."
"Daddy?"
"Ano yon?"
"Tawagan na po ka ko natin si tita Kelly."
"Ah... Oo sige sandali lang kukuhanin ko laang muna ang cellphone ko."
"No need daddy eto na po."
"Kinuha mo na pala bakit di mo pa tinawagan?"
"Ehhh... May password po pinalitan niyo na naman eh. May tingago ka po ba daddy?"
"Ha? Wa— Wala ano naman ang itatago ni daddy sayo?"
"Talaga po ba??? Pauwi si Mommy mamaya sige kayo."
"Ha? Wa— Wala nga anak ikaw ha!Nag mamana ka na sa tita Kelly mo. Namimilosopo ka na."
"Di po ah... Bilhan niyo na po kasi ako ng cellphone daddy."
"Ano?"
"Para di na po ako manghihiram ng cellphone sa inyo."
Pinisil ni Kian ang pisnge ng anak niya "Ikaw bata ka mag 6years old ka pa nga lang gusto mo na ng cellphone?"
"Opo ayaw ko na po ng nga laruan boring po kasi. Di na po ako nag eenjoy dahil big boy na po ako."
"Huh! Boring? Hahahaha...."
Tawa ng tawa si Kian "Daddy?"
"Haha... sorry baby naalala ko lang ang tito Keith mo sayo nung bata sya."
"Eh?"
"Ayaw niya na rin kasi nun ng pambatang mga laruan gaya mo sinabi niya rin na bored sya sa mga laruan niya pero nung mga panahon namin di naman masyado sikat pa nun ang cellphone pero ang gusto ng tito Keith mo ay rollers."
"Rollers? Yung sa buhok po?"
"Hahahaha... hindi rollers na gaya ng sa mommy mo yung sapatos na may gulong sa ilalim yun baby."
"Ahhhhh...okay po like skateboard?"
"Well, oo parang ganun sapatos nga lang yun rollers na yon at sikat yun nung time namin at nagkaroon rin kami noon ng skateboard."
"Ohhh... I see... Pero daddy tawagan niyo na sila tita Kelly mamaya na kayo mag story telling diyan."
"Ay oo nga pala sorry... Hahaha..."