Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 215 - Kabanata 215

Chapter 215 - Kabanata 215

Huling araw bago ang kasal ng ate ni Patrick na si May,

"Knock... Knock..."

"Tita Kelly si Jacob po ito buksan niyo po ang pintuan."

At agad naman binuksan ni Kelly ang pinto ng kaniyang kwarto "Baby naman ang aga aga pa tsaka bakit ba sa tuwing kakatok ka nalang kailangang nagpapakilala ka pa? Samantalang ikaw lang naman ang natawag sa akin tita dine kaya malamang sa alamang ikaw nga yan pambihira."

"Ah... ha... ha... sorry po sabi po kasi ni mama ganun daw po ang tamang way eh para hindi magulat ang mag bubukas ng pinto."

Sa isip-isip ni Kelly "Ang sakit ng puson ko."

"Tita Kelly? Ang putla mo po ayos ka lang ba? Tsaka wala ka po ba sa mood?"

"Ha? A— ayos lang ako medyo masama lang pakiramdam bakit mo nga pala ako tinatawag may kailangan ka ba?"

"Um... kakain na po kasi tayo ng breakfast at sabi nila Daddy tawagin na daw po kita eh. Nagising po ba kita ng wala sa oras?"

"Ah... hindi naman medyo wala lang din kc ako talagang energy bumangon. Sigh... ang hirap talagang maging babae kaka buset na."

"Po?"

"Wala sige na bumaba na tayo."

"Sige po pero sigurado ka po bang ayos ka lang?"

"Oo ayos lang lika na."

"Opo."

Samantala sa mag dining area,

"Bakit ang tagal naman ni Kelly magising pati si Jacob eh wala pa dine." Ang sabi ni Kim.

"Nga pala mga Brad dadalo rin ba tayo sa kasal ng kapatid ni Patrick?" Ang sabi ni Keith.

"May invitation naman kaya pwede tayong dumalo." Ang sabi ni Kevin.

"Kahit walang invitation pupunta tayo." Ang sambit ni Kian habang nainum ng kape at saktong dumating na rin naman sila Kelly at Jacob.

"Bunso? Anong nangyayare? Bakit ang putla mo?" Ang pagulat na sambit ni Kevin.

Naupo nalang si Kelly sa tabi ni Kevin at si Jacob naman ay sa tabi rin nito "Ayos lang ako kuya."

"Sigurado ka ba? Bukas na ang kasal nung kapatid ni Patrick."

"Kung hindi mo kaya wag ka ng umattend." Ang sabi naman ni Kian na para bang galit.

"Ayos lang ako kuya kaya ko."

Bumulong naman si Kevin kay Kelly "Meron ka?"

"Um..."

"May gamot ka?" Ang sambit ng nga kuya niya.

"Gamot po? Anong sakit ni tita Kelly?" Ang sabi ni Jacob.

"Haysss... napaka niyo talaga!" Ang nahihiyang sambit ni Kelly kya napatayo sya at aalis na pero pinigilan siya ni Kian "Umupo ka at ipagluluto kita ng lugaw."

"Ha?"

"Maupo ka na kami ng bahala sayo ako ng kukuhanin ng hot compress." Ang sabi ni Kim.

"Ako ng bahala sa pads may natira pa ang Ate Faith mo eh di pa naman niya magagamit kaya bibigay ko na sayo." Ang sabi naman ni Keith.

"Pe.. Pero..."

"Hayaan mo na sandali lang at kukuhanin ko sa kwarto ko ang gamot mo alam kong mangyayari ito kaya prepared na ako."

"Pero kasi mga kuys..."

Sabay-sabay na tumingin ang mga kuya niya sakaniya at ganoon rin ang sagot nila "Maupo ka na at kami ng bahala sayo."

"O... Okay."

At sabay rin yung apat na umalis para gawin ang mga sinabi nila kay Kelly samantalang mag tatang naman si Jacob "So, you... you have ano po?"

"Um... kaya sorry baby kung medyo wala ako sa mood kanina masakit lang kasi talag puson ko ang hirap maging babae di ba? Tapos ang mag aasikaso pa sakin nga lalaki ang awkward di ba?"

"Well, in my humble opinion okay nga po yun eh."

"Ha? Paano naman naging okay yun baby sa ganireng situation?"

"Kung kapatid niyo rin naman po ako gagawin ko rin ginagawa nila daddy na pag aalala sa inyo ano naman po kung lalaki kami? At least concern po kami sa inyo at wala pong awkwardness na mararamdaman dun kasi mahal namin kayo at wala pong kinalaman doon kung lalaki kami o babae."

Sa isip-isip ni Kelly "Sa speech na iyon ni Jacob pwede na syang maging love adviser nakakaloka talaga ang batang ire daig pa niya ang mga ka edad ko."

***

Sa Santos Hotel,

Nakaupo at nag rerelax lang si May kasama ang kaniyang Nanay na si Patricia at ang iba pa niyang bridesmaid na sila Wena at Pia ng biglang dumating si Patrick "Mom..."

Bigla syang napatigil dahil nagulat siyang di lang pala nanay niya at si May ang nandoon sa hotel room na exclusive lang sa kanila "Oh, Brother where have you been? Halika at ipapa facial rin kita." Ang sabi ni May.

"Ahm... No need may sasabihin lang ako kay mommy pero... sige mamaya nalang."

"No honey, halika dito sabihin mo na baka importante yan."

"Sure akong tungkol yan kay Kelly."

"Si ate lagi ka ng Kelly."

"Sus... patay na patay ka nga eh alam niyo ba nga sis napakaganda ng gf niyan."

"Ate!!!"

"Sandali lang, kayo na ni Kelly?" Ang sabi ng mommy nila.

"Tsk... ah... eh... kasi Mom... I gtg..."

"Patrick!!!"

"Mom let him go babalik rin yan mamaya nahihiya kasi."

"Sigh... yung batang yun talaga."

"Sya na ba si Patrick? Kamukha sya ni tito." Ang sambit ni Pia.

"Oo nga healings eh swerte naman ng gf niya." Ang sabi naman ni Wena.

"Mas swerte sya kay Kelly kasi Yang kapatid kong yan sobrang pasaway talaga pero nung nakilala niya na si Kelly nag bago sya at naging responsable."

"Bakit hindi mo na banggit sakin na sila na ni Kelly?"

"Ah... eh... kasi mommy usapan kasi namin yun actually hindi ko pa rin talaga sigurado kung sila na nadulas lang talaga ako kanina."

"Ohhh... I see mabuti kung ganon sisiguraduhin kong magiging sila na nga talaga bukas."

"Mommy?"

Nagkatitigan sila May at ang Nanay niya at base sa tinginan nila mukhang may namumuong plano yung mag ina.

Habang naglalakad naman si Patrick sa may hotel nakasalubong niya si Richmond "Rick!"

"Oh! Pupunta ka rin ba kila Ate? Wag muna nay girls bonding sila."

"Ahhh... Oo balak ko sanang puntahan si May pero sige mamaya nalang gusto mo mag kape?"

"Okay lang."

"Tara!"

"Um..."

Mabalik tayo kila Kelly,

Nakahiga na si Kelly at nakapalibot sakaniya ang mga kuya niya "Ayos lang ako gawin niyo na nga ang mga gagawin niyo."

"No! Hangga't di ka nakakatulog di kami aalis dito." Ang sabi ni Kian.

Sa isip-isip ni Kelly "Paano naman ako makakatulog halos kagigising ko lang tapos patutulugin na nila ako? Haysss..."

"Nga pala, anong ireregalo sa kapatid ni Patrick?" Ang sa ni Keith.

"Di niyo na kailangan mag abala pa ayos lang daw na wala basta ang importante mag punta daw tayo." Ang mabilis na sagot naman ni Kelly at tinitigan naman siya ng mga kuya niya.

"Ba— Bakit?"

"Don't tell me bff na kayo nung kapatid ni Patrick." Ang sabi ni Kim.

"Ah... Ahm... hindi naman kuya mabait lang talaga si ate May sakin."

"Ate May?" Ang sabay-sabay sambit ng mga kuya niya.

"Ah... eh... syempre mas maganda sya sakin kaya ate alangan namang kuya?"

"Kelly!!!"