Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 216 - Kabanata 216

Chapter 216 - Kabanata 216

Kinagabihan,

"Andito na ako." Ang sabi ni Keith at nag tungo agad sya sa sala at nakita niya doon na nag lalaro ng scrabble sila Kian, Kevin at Kim.

"Oh? Andiyan ka na pala may niluto na ko dun kuya kumain ka na nakakain na kasi kami." Ang sabi ni Kevin lumapit naman sakanila si Keith.

"Kanina pa ba kayo naglalaro? Lumindol ah di n'yo naramdaman?"

Focus at hindi na tingin sa kaniya yung tatlo at sabay-sabay lang ang mga ito na umiling at sa isip-isip niya "Nagaaksaya lang ako ng laway sa nga re' mga manhid nga pala mga ito."

"Nga pala sa isang araw pwede ng makauwe ang mag ina ko."

"Oh? Buti naman para naman makita na namin si baby Tummy." Ang sabi ni Kevin.

"Oo, at Tum- Tum hindi tummy! At tsaka bakit ba parang seryosong seryoso kayo diyan scrabbles lang naman yan."

"May pustahan!" Ang sabay sambit nung tatlo.

"Ahhh... kaya naman pala nasan si Kelly at Jacob?"

"Si Kelly nasa kwarto niya nag papahinga si Jacob nasa mommy niya bukas pa balik." Ang sabi ni Kevin.

"Ohh... Okay, sige maiwan ko na kayo diyan balatuhan niyo nalang ako."

"Heh!" Anila.

"Ding... Dong..."

"Oh? May inaantay kayong bisita?"

"Wala." Ang sabay sambit nung tatlo kay Keith.

"Okay? Sige ako na mag bubukas mukhang no choice naman nakakahiya naman kasi sa inyo ano?"

Habang papalabas si Keith pabulong bulong siya "Yung tatlong yun talaga di matinag kapag naglalaro ng scrabbles."

"Ding... Dong..."

"Oo andiyan na sandale!"

Pag bukas niya ng pinto nagulat siya sa dala nung delivery boy na mga pagkain at bulaklak "Eh? Sorry pero mukhang hindi dito yan."

"Pero eto po ang naka sulat na address niyo."

Tinignan ni Keith yung dala nung boy na papel "Oo dito nga yan pero kanino galing?"

"Kay Mr. Eric Salcedo"

"Eric? Pero para kanino?"

"Kay Ms. Kelly po andiyan po ba sya?"

"O— Oo...andito sya."

"Sige po pakibigay nalang po at pakipirmhan ito."

"Si— Sige."

Pag ka alis nung delivery boy pumasok ka agad si Keith sa loob ng bahay nila at tinawag yung mga kapatid niya "Mga Tol!!!"

"Busy kami bahala ka diyan!" Ang sabi ni Kian.

"Pero may nag padala ng pagkain at bouquet of red roses kay bunso."

Sabay-sabay na napalingon yung tatlo kay Keith ay sinabing "Ano?"

"Oo at galing sa lalaki."

"Kanino?"

"Di ko kilala eh pero sabi Eric daw."

"Eric? Ano surname Salcedo ba?" Ang sabi ni Kevin.

"Ah... Oo yun nga bakit kilala mo classmate ba ni bunso?"

"Tsk... hinde classmate ko ning College."

"Ano?" Ang pagulat na sambit naman ning tatlo kay Kevin.

"Sandali sya ba yung nasa hospital?" Ang sabi ni Kim.

"Sinong Eric yan bakit hindi ko kilala?" Ang sambit naman ni Kian.

"Ah... eh kasi kuya nakabanggaan siya ni babysis sa hospital nun eh mukhang tinamaan ang luko sa kapatid natin simula kasi nun na nakaalitan niya si Kelly lagi niya na akong kinukulit gusto niyang manligaw."

"Ano? Hindi pwede!"

"Wow, kanino yang mga dala mo kuya Keith?" Ang bungad ni Kelly habang pababa ng hagdan.

Nagkatinginan naman ang mga kuya niya "Ah... ano galing kay Ethan." Ang sabi ni Kian tiningnan niya ng masama yung tatlo para at sumenyas na sumanga yon sa kaniyang tinuran.

"Ahhh.... O— Oo galing nga sakaniya pinabibigay sayo kasi nabanggit namin na masama pakiramdam mo." Ang sabi ni Kevin.

"Eh? May flowers pa? Di ba alam ni kuya Ethan na ayaw ko ng flowers na roses?"

Siniko ni Kian si Kim "A— Ano kasi..."Ang kinakabahang sambit ni Kim di na niya natapos dahil sinalo na sya ni Keith " Ano kasi para kay Faith ito oo ganun nga di ba mga tol para sa asawa ko?"

"O— Oo para nga sa kaniya."

"Ohhh... okay, sige nauuhaw kasi ako iinum kang ako tapos kainin natin yan ah wag niyo ko uubusan."

"Oo naman. Ha... ha... ha..." Anila kay Kelly at pagkaalis nito sabay-sabay yung apat na napabuntong hinga ng malalim.

"Bakit ba hindi natin sinabi na hindi nmn ito galing kay Ethan?" Ang sambit ni Keith.

"Hayaan mo ayokong may manliligaw na naman kay Kelly kaya Kevin sabihan mo yang colleague mo kung ayaw mong ako ang humarap diyan." Ang galit na sambit ni Kian.

"O— Oo kuya."

"Salcedo? Hindi ba parang isa sa mga ninong at ninang yung mga yon sa kasal ng kapatid ni Patrick? Baka nanay At tatay yun ni Eric di kaya?" Ang sambit ni Kim.

"Saan mo nakita?" Ang sabi ni Keith.

Bineltukan naman siya ni Kim "Malamang sa invitation hunghang!"

"Malay mo naman eh ka apelyido lang oa mo naman."

"Heh!"

"Pero malapit talaga si Eric kay May dahil may position ang mga Salcedo sa DLRH na pag mamay ari ng mga Santos." Ang sabi ni Kevin.

"Kahit sino pa sya hindi maganda ang pakiramdam ko sa Eric na yan kaya bukas siguraduhin niyong hindi mawawala sa paningin niyo si Kelly. Nagkakaintindihan ba tayo?" Ang seryosong sambit ni Kian.

"Oo tol." Anila.

"Oh? Anong problema niyo? Bakit masyadong seryoso ang mga mukha niyo diyan? Tara na kainin na natin yan." Ang bungad ni Kelly habang may dalang baso na may lamang tubig.

Kinuha naman ni Kian ang hawak ni Keith na mga pagkain "Hindi ito pwede sayo kaya umakyat ka na at ioorder nalang kita ng iba."

"Ha? Pero kuya gusto ko ng crabs mukhang masarap eh."

"Hindi nga pwede!"

"O— Okay, hindi mo naman kailangang sumigaw eh. Humph! Maka taas na nga."

Padabog na naakyat ng hagdan si Kelly "Wag kang magalala oorder kita ng isang box ng egg pie." Ang pahabol na sambit ni Kian.

"WAG NA!"

"Sige dalawa?"

"Humph... okay fine may kasamang pizza."

Napangiti naman ang mga kuya niya "Oo promise bibilhin kita."

"Siguraduhin mo yan kuya kung ayaw mong magalit ako talaga."

"Oo na."

Pagtataas ni Kelly "Bakit di mo binigyan si Kelly tol?" Ang sabi ni Keith.

"Mabuti na yung sure baka kung ano pa yung nilagay ng mokong yon sa mga pagkaing ito."

"Bawal rin naman yan kay Kelly baka mangati sha puro seafoods ang nga yan." Ang sabi ni Kevin

"Ano ng gagawin nagin diyan?" Ang sabi ni Kim.

"Ilagay sa basurahan." Ang walang pag aalinlangan na sambit ni Kian.

"Ano?" Anila.

"Pero kuya sayang naman." Ang sagot ni Keith.

"Wala akong pakialam hangga't hindi ko nakikita o nakikilatis yung tao hindi tayo tatanggap o kakain ng galing sa kaniya. Naiintindihan niyo?"

Napalunok nalang yung tatlo "O— Oo sige."

"Sige na Kevin ikaw na ang magtapon nito."

"Si— Sige kuya"

Iniabot ni Kian kay Kevin yung mga pagkain "Sige kukuhanin ko lang ay telepono para maka order ng pagkain ni Kelly."

"Oo kuya." Anila.

Nagkasenyasan naman yung tatlo "Sige kuya tatapon na namin." Ang sabi ni Kevin.

"Oo."

Pandalas naman yung tatlo na nag punta sa kusina at dali-dali rin nilang binuksan yung mga pagkain "Wow! It looks good mga tol gutom pa naman ako" Ang sabi ni Keith.

"Pero sabi ni kuya itapon na pero nakakpanghinayang ang lalaki pa ng mga hipon tapos it's smell so good nakaka gutom rin." Ang sabi naman ni Kevin.

"Baka pwede naman tayong tumikim kahit kapiraso." Ang sabi ni Kim.

"Oo nga konti lang naman eh." Ang tugon ni Keith.

"Okay sige tapos yung matitira natin ilagay natin sa ref pero lagay natin sa hindi obvious nalalagyan para naman si masayang ibigay natin sa mga nagugutom sa kalye." Ang sambit ni Kevin.

"Oo sige." Anila.

Kinaumagahan,

Kagigising lang ni Kian at nakita niyang nagbabasa ng dyaryo at nagkakape na yung dalawa ni Keith at Kim "Aba, ang aga niyo atang dalawa."

"Morning tol." Anila.

"Asan si Kevin gising na rin ba?"

"Baka parating na rin yon." Ang sabi ni Keith.

"Saan nag punta? Ang aga pa ah at Sunday rin ngayon walang pasok."

"Andito na ako." Ang bungad ni Kevin.

"Saan ka galing?"

"Ha? Ah... Eh nag jogging lang kuya."

"Really huh? Jogging ikaw?"

"O—Oo nga kuya para healthy lifestyle. Ha... Ha..."

Sinenyasan niya sila Kim at Keith "Wag mo ng pansinin yan tol halika mag kape ka sandali ipagtitimpla kita." Ang sabi ni Keith.

"Wag na baka imbes na kape eh maging asukal sa tamis lang yung tubig."

"Ikaw bahala."

"Tsss... nga pala na sabihan mo na ba yung Eric na yon ha Kevin?"

"Ah... ah... Oo kuya kakausapin ko rin sya bukas may duty kasi ako sa DLRH."

"Mabuti kung ganon at siguraduhin mong titigilan na niya si Kelly!"

"O— Oo kuya."

"Nga pala, anong nangyari sa inyong tatlo at mga naka shades na kayo diyan kala mo napakataas ng araw dine sa loob ng bahay."

"Ah... A— Ano kasi kuya.." Ang kinakabahang sambit nung tatlo ng bigla sumigaw naman si Kelly.

"Aahhhhhhh!!!!"

"Si Kelly!!!" Anila.