5pm,
"Tita Kelly!!! Welcome back po."
"Hi baby, pagod si tita eh maya nalang tayo play ha?"
"Ahh... O— Opo sige po."
At tumaas na nga si Kelly papunta ng kaniyang kwarto "Oh, wag ka ng malungkot andito naman si Tito Kevin hayaan mo na muna si Tita Kelly mo mukhang nahirapan siya sa exam niya kanina eh."
"Ohhh... ganun po ba pero kasi kaninang umaga ang sigla-sigla niya naman po eh. Ayos lang po ba talaga sya?"
"Oo wag mo na syang alalahanin halika may uwi akong icecream tara kanin natin? Pero asan pala si ate Faith? Sino ang kasama mo dine?"
"Ahhh... Ako lang po."
"Ano? Ikaw lang? Pero bakit wala kang kasama? Hindi pa ba nadating ang daddy mo at ang iba mong tito?"
"Chill lang po kayo si Tita Faith po kasi biglang sumakit ang tyan kaya dali-dali po nila daddy dinala siya sa hospital, ehhh... sa sobrang panic po ata nila nakalimutang andito po ako. He... He..."
"Hala! Eh ano? Kumain ka na ba? Ano bang oras sila umalis?"
"Kaaalis lang naman po nila nung kayo eh dumating ni Tita Kelly kaya okay lang po."
"Ahhh... Buti naman kala ko eh kanina pang tanghali pag ganyan tatawagan mo ko ha? O kaya si Tita Kelly mo para makakauwi kaming agad dine sa bahay may landline naman at naka sulat naman doon sa notepad yung number naming lahat don tinuraan ka naman namin kung paano gumamit nundi ba?"
"Sorry po alam ko naman po kasi na pauwi na rin kayo tsaka malaki na po ako kaya ko na po sarili ko."
Pinisil ni Kevin ang pisnge ni Jacob "Anong kaya mo na ang sarili mo ang bigat bigat mo kaya."
"Tito Kevin naman eh!!!"
"Hahaha... joke lang sya halika na baka matunaw pa ireng icecream."
"Hindi po ba natin tatawagin si Tita Kelly para kumain?"
"Hindi na mamaya na sya sure akong matutulog muna yon."
"Oh... kung gano'n tara na po at kumain."
"Yeah!"
Sa kwarto ni Kelly,
"Ano? Bakit naman biglang sinabi sayo yun ni Vince?" Ang sabi ni Mimay habang ka video call niya si Kelly na noon ay nag hihilamos ng mukha.
"Ewan ko nga ba dun na buraot nga ko kaya hindi na ko nag punta sa parking lot ang drama na naman kasi bigla."
"Ganun na ba sya dati pa sayo? Yung sobrang protective?"
Kinuha ni Kelly ang cellphone niya at ipinatong sa may gilid ng kaniyang kabinet habang sya naman ay naghahanap ng kaniyang damit na pambahay "Protective naman sya parang sila kuya kasi nga eh parang kuya ko na rin sya pero hindi ko inaasahang magiging OA naman siya."
"Hmmm... nagkaroon na ba ng girlfriend non si Vince?"
"Ha? Hindi ko alam bakit mo naitanong?"
"Ahm... wala naman pero parang wala pa nga ata noh? NGSB ata yun."
"No Girlfriend Since Birth?"
"Oo, sa tingin ko hindi siya sanay na ang bestfriend niyang pinsan ay may boyfriend na kaya siguro ganyan siya sayo."
Habang nagbibihis si Kelly nakasara yung pintuan ng C.R at patuloy naman syang nag sasalita "Anong ibig mong sabihin?"
"I mean, tignan mo simula pagkabata ikaw na ang tumayong bff niya sanay kayong dalawa na laging mag kasama di ba?"
Lumabas na ng C.R si Kelly at kinuha yung cellphone niya at naupo na sa kaniyang kama "Oo tapos?"
"Wait, hindi ka naligo?"
"Hinde nag punas lang ako wala ako sa mood maligo siguro mamayang gabi nalang."
"Ohhh... parehas tayo anyways, balik tayo sa usapan ang ibigsabihin ko baka nakikita ka ni Vince bilang sa kaniya lang."
"Ano? Mims, ang creepy ng mga sinasabi mo ha? Baka nakakalimutan mo mag pinsan kami ni Vince at hindi kung ano lang."
"I know! Syempre babae ka at lalaki sya."
"So?"
"Eto naman eh ang aking opinyon lang baka kasi may gusto na sayo si Vince."
"ANO???"
"Bibi girl, listen I know it's wrong pero lalaki sya at alam mo na hindi talaga normal tignan ang babae at lalaki na magkasama parati well, okay lang siguro kung kapatid pero kahit naman siguro pinsan mo ko at lalaki ako baka iba narin ang maging pagtingin ko sayo pag masyado na tayong close."
"Pero... Mims, para na kaming magkapatid ni Vince, pang limang kuya na nga ang tingin ko sa kaniya bukod kila kuya Kian."
"Well, yun naman eh opinyon ko lang I know it's awkward pakinggan pero sa panahon kasi natin ngayon sobrang nakakabaliw na kaya siguro yun ang naisip ko."
"Hmmm... pero asa namang mas higit pa sa mag pinsan ang tingin sakin ni Vince sobrang lapit namin sa isa't isa oo pero yung GF and BF thingy bruh no way! Sa tingin ko gaya lang sya nila kuya na sobrang overprotective sakin at hanggang doon lang yon."
"Ewan ko, sabi ko nga opinion ko lang naman yon at hindi naman kita hinihimok na paniwalaan ang nga sinasabi ko."
"Yah, ayan tuloy natakot na ko bigla kay Vince."
"Sira! Sabi mo nga baka sadyang overprotective lang sya sayo gaya ng mga kuya mo baka ako lang talaga itong naging OA."
"Pero..."
"Ganito nalang bakit hindi natin sya tawagan?"
"Ha? Pero nag away nga kami kanina."
"Okay sige ako ang tatawag sa kaniya at diyan ka lang at makinig."
"Um..."
"Wait lang lipat muna ako sa laptop cp kasi gamit ko eh para ma-contact ko si Vince tapos tsaka tayo mag video call pag okay na."
"Sige."
Sa magka pareho ng oras,
Kasamang nag ba-bike ni Vince si Ethan at tumigil sila sa isang tindahan at naupo roon "Senior, anong gusto mo soft drinks or tubig"
"Tubig nalang."
"Okay..."
At bumili na nga si Vince ng dalawang bote ng tubig "Here."
"Salamat! Hiningal agad ako eh ang hirap mong habulin masyado kang sabik sa daan parang may gusto ka bang takbuhan?"
"Wala, sino namang tatakbuhan ko? Ni minsan wala pa kong naging utang siguro kay Kelly lang pero mabait yun at hindi niya na pinababayaran."
"Masyado kayong malapit sa isa't isa ano?"
"Ahhh... Oo bata palang kasi kami magkasama na kami sakin na kasi siya ibinilin nila kuya Kian eh kaya nga nauma ako."
"Nauuma ka? Kay Kelly? O sa mga kuya niya dahil ibinilin siya sayo?"
"Both."
"Eh?"
"Don't get me wrong senior pero ang ibigsabihin ko lang sa both ay in a good way naman."
"Ohhh.. then why?"
"Kasi simula nung una palang naging responsibility ko na si Kelly ni hindi na nga ako nagkaroon ng gf dahil sa kaniya madalas kasi kaming mapagkamalang mag jowa."
"Ahahaha... Oo kung hindi ko nga kilala ang mga pamilya nyo baka ganoon na din ang iisipin ko."
"Minsan ayos na nasa tabi ko si Kelly lalo na kung hindi ko naman bet yung girl at ayos lang din naman sakin na wala akong girlfriend pero ngayon pakiramdam ko napagiiwanan niya ako."
"Ha?"
"Ang hirap palang maging masaya kung ang inaalagaan mong aso ay ipapaampon mo na sa iba."
"Wait, hindi kita magets bro si Kelly pa rin ba ang pinag usapan natin dito o yung aso niyong si Oreo?"
"Para ka na ding si Ate Alice ang slow niyo."
"Sa tingin mo ba sasagutin na ako ng ate mo?"
"HEH!"
"Ito naman di na mabiro pero ang maipapayo ko lang sayo hindi masakit ang magparaya lalo na kung alam mong masaya naman yung aso mo sa pagbibigyan mo. Minsan mas masakit pa nga ang panatilihin mo sya sa tabi mo tapos hindi mo naman pala sya kayang alagaan na. Kaya mas okay ng mag let go para sa ika sasaya ng lahat."
"Bakit di niyo i-try nag teacher?"
"Edi ba nga at P.E teacher niyo na ako ano pang sinasabi mo dyan?"
Sumakay na si Vince ng kaniyang bike at iniwanan si Ethan pero bago sya umalis nag iwan muna sy ng nga kataga "Sometimes letting go is a good choice but never a way to give up."