Kinaumagahan sa bahay nila Patrick,
"Knock... Knock..."
"Dude, buksan mo ang pintuan alam kong gasing ka na tara mag exercise"
"Tantanan mo ko! Umuwi ka na wala ako sa mood!"
"Pero Dude, nasa labas si Vince."
"So? Ano pakialam ko? Edi kayong dalawa ang mag exercise matutulog pa ako."
"Sige ikaw rin, alam mo namang nitong mga nakakaraang araw eh mag kaaway sila ni Master at eto na yung way para mapag bati mo sila at pag napag bati mo yung dalawa edi papansinin ka na uli ni Master."
Pandalas namang binuksan ni Patrick ang kaniyang pintuan at pag labas niya nakabihis na syang pang work out "Tara na!"
"What the? Kanina ka pa ba bihis?"
"Ang dami mo pang satsat diyan! Halika na wag nating paghintayin ng matagal si pinsan Vince." At nauna na nga syang bumaba kay Dave.
"Pinsan? Kailan mo pa naging ka dugo ang mga Dela Cruz?"
Habang pababa ng hagdan yung dalawa nakasalubong nila si Richmond "Oh? Mag exercise kayo?"
"Oo gusto mong sumama weekend namam tara." Ang sabi ni Patrick.
"Next time nalang sige mauna na ako sa inyo."
Paglagpas ni Richmond bumulong si Dave sa kaniya "Dude, di ba wala namang laging night shift sa company niyo? Bakit ngayon lang sya umuwi ng bahay niyo?"
Inakbayan sya ni Patrick na animo'y sasakalin niya ito "Kalalaki mong tao napaka tsismoso mo halik na nga! Hayaan mong si ate May ang umasikaso kay kuya Richmond."
"Oo na bitawan mo na ko sinasakal mo na ko dude."
Binitawan na sya ni Patrick at iniwanan sya "Dude! Intay naman"
Paglabas nung dalawa nandoon nga si Vince sa labas at nakaupo sa may hagdan "Pre, bakit di ka pumasok?" Ang sabi no Patrick.
"Ahhh... Hindi na lalabas din naman ano ready na ba kayo?"
"Oo naman we born ready ni Patrick." Ang sabi ni Dave.
"Nasan ang bike niyo?"
"Bike?" Ang pagulat na sambit ng dalawa.
"Oo magbaba bike tayo ayaw niyo ba?"
Nagkatinginan yung dalawa ni Patrick at Dave "Ha... Ha... syempre gusto sandali lang kukunin muna namin ni Dave yung bike."
"Pero dude hindi ka marunong mag ba..."
Tinakpan ni Patrick ang bibig ni Dave "Ano yon?" Ang sabi ni Vince.
Habang nag sasalita si Patrick hinihila na niya papasok si Dave habang nakatakip ang kanang kamay niyadito "Wa— Wala wag mo nalang syang pansinin sandali lang ha? Babalik kami"
"Okay?"
Pagkapasok nung dalawa binitawan na ni Patrick si Dave "Dude pano na yan? Hindi ka naman marunong mag bike."
Hindi iniintindi ni Patrick si Dave dahil may kausap ito sa kaniyang cellphone "Okay with in 5minutes andito ka na naiintidihan mo? Bye."
"Sino yung kausap mo?"
"Si Fred ang assistant na binigay sakin ni Daddy."
"May assistant ka? Woah... lakas talaga pero ano naman ang iniiutos mo don't tell me nagpabili ka ng bike?"
"You'll see in 5mins."
Samanatala sa bahay naman nila Kelly,
Nakain na ng agahan ang pamilya Dela Cruz,
"Nasan na ang Tita Kelly mo Jacob?" Ang sabi ni Kian.
"Ahm... mamaya na daw po sya kakain Daddy."
"Bakit masama ang pakiramdam?" Ang sabi naman ni Keith.
"Ah... hindi po inaantok pa daw po kasi sya wala naman daw po syang pasok ngayong Sabado."
"Ohhh... nga pala mga tol, mauuna na ako sa inyo sumunod nalang kayo sa hospital kung may time kayo."
"Ako'y sasabay na sayo dun ang duty ko ngayon." Ang sabi ni Kevin.
"Ako pagkatapos ng seminar ko." Ang sabi ni Kim.
"Susunod nalang kami nila Jacob at Kelly dun mamaya wala naman akong schedule ngayon." Ang sabi naman ni Kian.
"Okay sige text o chat niyo nalang ako." Ang sagot no Keith.
"Morning mga kuy's!" Ang bungad naman ni Kelly.
"Oh! Kala ko inaantok ka pa daw sabi ni Jacob?" Ang sabi ni Kevin.
Naupo naman na si Kelly at kumuha na ng kaniyang pagkain "Nagising na rin naman ako mahirap ng makatulog."
"Wala ka bang schedule ngayon?" Ang sabi ni Kian.
"Wala kuya, gusto kong bumisita kay ate Faith ayos na ba sya kuya Keith?"
"Ahhh... ayos naman sya pero kailan parin niya matignan ng mga doctor parati masyado kasing maselan ang pagbubuntis niya ngayon dahil malapit na syang manganak."
"Pero sabi naman ni Doc Jelly safe naman daw si baby Tum-Tum at si ate Faith yun nga lang kailangan talagang sa hospital muna sila para laging ma check." Ang sabi naman ni Kevin.
"Salamat Bro sa laging pag check sa mag ina ko."
"Wala yon para san pa at nag nurse ako right Kelly?"
Busy si Kelly sa pagkain niya "Ha? Oo."
"Bakit ba parang gutom na gutom ka naman dyan Kelly?" Ang sabi ni Kim.
"Lately kasi puro exam nalang ngayon nalang ako nakabawi ng ayos sa kain at tulog ayoko na ngang pumasok."
"Sige wag ka ng pumasok wag ka na ring grumaduate." Ang sabay-sabay na sambit nang mga kuya niya.
"Wag ka pong tamarin Tita Kelly malapit naman na po ang graduation mo kaya aja fighting!"
"Aja What?" Ang sabi ng nga Tito at Daddy niya.
"Pffft... Hahaha... sa kdrama kasi yun mahilig kasi kami ni Jacob manood ng Korean Novelas manood rin kasi kayo para gets niyo mga sinasabi ni Siopao."
"Heh!"
"Ako'y tapos kumain alis na ko, Kevin ikaw?" Ang sabi ni Keith
"Sandali laang sasama ako kuya Keith kay ate Faith ga kayo pupunta?"
"Kumain ka lang mamaya pa tayo pupunta doon." Ang sabi ni Kian.
"Oo mauuna lang ako at baka hanapin na ako ng ate Faith mo sya lang kasi doon umuwi lang ako para kumuha ng pagkain at ilang damit pa niya."
"Ahhh... okay basta punta kami dun maya pakisabi nalang kuya kay ate."
"Oo... Kevin lika na."
"Okay, Oh una na kami mga kapatid."
"Sige ingat kayo." Ang sabi nila Kian.
At pagkaalis nung dalawa nag patuloy sa pagkain si Kelly tumayo na rin naman si Kim at Kian "Tapos na rin kayo?"
"Aba'y opo kamahalan di kami gaya mong kada subo ng pagkain eh isang oras ata nginunguya bilisan mo diyan!" Ang sabi ni Kian.
"Luh! Di noh! Pero sabi kasi 30seconds po talaga ang time interval ng pag nguya ng pagkain."
"Ewan! Lilinisin ko na muna ang sasakyan tapos kayo ni Jacob ayusin niyo na yang pinagkainan ha? Tapos maligo na kayo para makasunod na din tayo kay Keith."
"Okay po." Ang tugon nung dalawa.
"Ako naman mauuna na sa inyo may seminar pa ako." Ang sabi ni Kim.
"Hindi ka sasama kuya?"
"Mamaya pa ko susunod nalang ako."
"Ohh... sige ingat kuya."
Hinalikan siya ni Kim sa noo at ganoon din kay Jacob "Oh alis na ko kuya sunod nalang ako."
"Okay sige ingat."
Pagkalabas ni Kim ng pintuan "Bilisan mo sa pagkain Kelly!"
"Oo na po kuya maglinis ka na nga kasi ng sasakyan."
"Tsk... pagbalik ko dine at andiyan ka parin iiwanan talaga kita."
"Oo na po! Humph!"
"Umayos ka Kelly!" At umalis na nga si Kian at naiwan nalang yung nag tita.
"Ang bagal niyo po talagang kumain tita Kelly."
"Binabagalan ko tlaga."
"Po?"
"Ayoko kasing mauutusan. Hahahaha..."
"Good technique po ah... Ahm.. tita pwede po bang mag tanong?"
"Oo naman basta wag lang math well hate naman yun talaga ng nakararami."
"Di po math about po ito sa puso niyo."
"Puso? Wala naman akong sakit."
"Wala nga po pero inspired naman kayo at lalong bumibilis ang tibok niyan tama po ba ako?"
"Ha?"
"Gamay ko na po kayo at di ako pwedeng mag ka mali kayo na po ni Tito Patrick right?"
Naubo naman bigla si Faye sa gulat sa mga sinabi sa kaniya ni Jacob.