Makalipas ang ilang oras,
"Sige po uuwi na kami baka po kasi hinahanap na ang batang ito ng daddy niya."
"Um...salamat ha? Baby, paalam ka na sa kanila."
"Opo mommy." Niyakap niya naman niya si Kelly at sinabing "Visit po kayo ulit dito samin ah?"
Yumuko naman si Kelly at sumagot ng "oo pangako kung gusto mo pwede ka rin samin bumista para makapaglaro din kayo ni Jacob kung anong oras o araw mo gusto."
"Talaga po?"
"Um...di ba baby boy?"
"Ah...eh...opo andoon lang naman ako sa amin Snow online class kasi ako eh."
"Ohhh...I see maybe tomorrow?"
"Haha...baby tomorrow agad?" Ang sambit naman ni Ryan.
"Pero uncle."
"Hehehe...wag kang mag alala sasamahan kita."
Patrick smirked at sa isip-isip niya "Tsss...mukhang gagamitin niya pa si Snow para mapalapit sa Kelly ko ah. Hindi ako papayag. Huh!"
"Sige na Ryan ihatid mo na sila Kelly."
"Ah...hindi na ate ako ng maghahatid kila Kelly at Jacob andiyan naman na yung kotse ko."
Bumulong naman si Kelly kay Patrick at sinabing "Anong pinagsasabi mo? Eh wala pa nga sila dine eh may nakikita ka bang hindi namin nakikita?"
"Tsss...andiyan na sila."
"Honk....honk..."
"See, andiyan na..."
"What the!! Anong nangyare sa kotse mo?"
Paglingon ni Patrick nakita niyang puro gas-gas na ang kaniyang kotse at nawawala pa ang isang side mirror ito. "Anak nang!!!"
Pagkababa naman nila Dave "H---Hi Du—Dude..." Ang kinakabahan niyang sambit.
At hilong hilo naman sila Vince at Harvey noong bumaba at nag suka sa likod "Paano ba yan dude mukhang ako nalang maghahatid kila Kelly at Jacob ang ganda kasi masyado ng kotse mo sa sobrang ganda nakakatakot ng sakyan. Huh!" Ang pabulong na sabi naman ni Ryan.
Kaya lalong nag init ang ulo ni Patrick na animo'y nanggagaliiti na at ano mang oras ay sasabog na parang bulkan "DAVEEEEEEEEEE!!!!"
"Du---Dude...le---let me explain..."
***
At si Ryan na nga ang naghatid sa dalawa ni Kelly at Jacob "Salamat sa paghatid samin nakatulog na si Jacob napagod siguro sa paglalaro nila ni Snow kanina." Tinignan nila si Jacob sa likuran na tulog na tulog nga.
"Wala yun kami nga dapat mag pasalamat sayo eh kasi tinulungan mo kami kay Snow."
"Nako, wala yon maliit na bagay sige bababa na ko at tatawagin ko muna si kuya Keith para buhatin si Jacob hindi ko kasi kaya yang bata na yan ako mababalian ng buto eh. Hehe...tapos hindi kasi basta-basta yan nagigising tulog mantika kasi yang batang yan."
"Ahh...sige ko ng bahala."
"Ha? Pero mabigat yan eh."
"Haha...sanay na ko nag papabuhat din kasi si Snow sakin minsan kaya keri lang. Hehe..."
"Oh...okay...ikaw bahala."
"Ahm...bago tayo bumaba pwede bang mag tanong?"
"Um...ayos lang basta wag math ha? Hehe..."
"Ahh...haha...hindi naman math pero ahm...kayo na ba ni Patrick?"
"Ha? Hindi magkaibigan lang kami."
Ngiting ngiti naman si Ryang nung narinig niya ang sagot ni Kelly "Talaga? At wala ka ring boyfrired ngayon?"
"Oo wala pero may special friend ako."
"Special friend?"
"Um...mahirap paliwanag eh pero I like him."
"Him? Lalaki yung special friend mo?" bigla namang nalungkot ang mukha ni Ryan.
"Ahhh...wag na nating pag usapan yun baka gabihin ka pa sa daan tara tutulungan na kitang ibaba si Jacob."
"Ah? O—oo sige." Inisip ni Ryan na wala na syang pag asa kay Kelly dahil alam niya at kutob niyang ang special friend na iyon ay si Patrick.
"Ryan? Ayos ka lang ba?"
"Um...ayos lang ako...ha---ha---ha..."
Kinabukasan ng tangahali,
Nagmamadali ng umalis si Kelly dahil malelate na siya sa klase"Ate, kuya aalis na ko."
"Sandali, mag bibiyahe ka nalang ba? Hindi mo na iintayin si Kevin?"
"Oo kuya hindi na malelate na ko eh mamaya pa daw si kuya Kevin eh hindi pa sya out sa DLRH kaya mauuna nako."
Inihabol naman ni Faith kay Kelly yung binake niyang cookies "Oh, baunin mo para may kinakain ka habang nag eexam ka."
Kinuha naman ka agad ni Kelly at sinabing "salamat ate yoda best."
"Hehe...sige na ingat ka at baka malate ka."
"Ihatid na kaya kita sa labasan?"
"Wag na kuya babagal lang ako mabilis ako mag lakad pag ako lang mag isa."
"Tsss..bahala ka nga mag ingat ka."
"Um...bye na alis na ko si Jacob nanonood sa kwarto ko eh puntahan niyo nalang dun."
"Oo sige na mag ingat ka."
"Um...bye bye..."
At umalis na nga sya "sundan mo na kaya si Kelly, babe."
"Ayos lang yan mabilis nga yun maglakad mapapagod lang akong humabol dun mauma rin yun sakin pag humabol pa ako sa kaniya."
"Pero kasi parang may mali eh."
"Mali?"
"Oo hindi kasi ako sanay na ganun si Kelly masyado syang jolly pati si Jacob ibinilin niya satin eh di ba pangkaraniwan hindi naman sya ganun kasi alam naman niya na tayo na ang nag aalaga sa bata tapos sinabihan nya rin akong the best daw ako tapos naka ilang babye sya babe."
"Ha? Ganun naman talaga yun si Kelly masayahin kaya wag ka ng mag alala."
"Pero naalala mo kanina nakabasag ka ng baso tapos may pusang itim dun sa likod na nakita ni Kelly habang pinapakain niya yung kambing."
"Tapos?"
"Para kasing badluck at ano mang oras ay parang may masamang mangyayare."
"Wala yan babe masyado ka na namag nagiging paranoid sige ka magiging stress na agad yan si baby Tum-Tum."
"Pero sige na hindi ako mapalagay eh sundan mo na sya."
"Tsk...oo sige na nga matahimik ka lang."
"Gamitin mo na yung bike sa likod para mahabol mo sya."
"Oo sige."
***
Sinundan nga ni Keith si Kelly at gaya ng sinabi ni Faith nag bike na ito para mahabol niya ang kapatid "Oh...ayun si Kelly..." Binilisan niya ang pag padyak para maaubutan niya ito na noon ay kadadaan na ng guard house at papalabas na ng kanilang subdivision.
Hingal na hingal na si Keith "Wagas, kailan nga ba ako ulit nag bike? Nakakapagod wagas...ang bilis naman nire ni Kelly na mag lakad eh." Tatawagin niya na sana si Kelly ng biglang may nadaanan syang bato kaya na out of balance sya at bumagsak. "Haysss...asar naman..." pandalas naman siyang bumangon at nung pag tunghay niya nakita niyang may black na kotse ang tumigil sa harapan ni Kelly "Hmmm? Sino naman kaya yung lulan ng kotse na yon?"
Nakita niyang umiiwas si Kelly sa kotse na para bang hindi naman nito kilala yung may ari nun at nagulat siyang may biglang bumabang dalawang lalaki "Teka lang!!! Anong...KELLY!!!!" nakita niyang dinadakip ang kapatid niyang nagpupumiglas at isasakay na sa itim na kotse na animo'y nawalan na din ng malay. "MANONG GUARD!!! YUNG KAPATID KO KINIKIDNAP!!!"ang sigaw niya habang nag mamadaling tumakbo narinig naman sya ng mga gwardya kaya pinigilan nila ang mga kumikidnap kay Kelly pero hindi nila ito na abutan pa dahil naisakay na ka agad si Kelly sa kotse at humaruruot na ng pagkabilis bilis.
"KELLY!!!!!" Ang sigaw ni Keith na hingal na hingal at may kasamang paghihinagpis kaya hindi na nya na pigilang mapaupo sa kalsada sa kaniyang pagka dismaya. "BUNSO!!!!"