Sa bahay ng mga Dela Cruz,
Umuwi ka agad sila Kian nung nabanggit ni Keith na nakidnap si Kelly tinawagan din nila si Ethan dahil isa itong pulis para ma ireport ng kaagad ang pagkawala nito. "Wag kayong mag alala pinacheck ko na yung cctv dito sa subdivision nyo sinabihan ko na rin ang iba ko pang kapwa pulis pati si Papa para sa seguridad niyo dito at sa paghahanap kay Kelly."
"Salamat bro." Ang sagot naman ni Kevin habang hindi naman mapakali si Kian.
"Bro, maupo ka nga muna nahihilo ako sayo eh."
"HINDI AKO MAPAPAKALI KUNG ALAM KONG NAWAWALA ANG KAPATID NATIN!!!"
"Daddy..."
"Tsk...sorry guys...sigh...hindi ko kasi lubos maisip kung bakit ki-kidnapin si Kelly ni hindi nga iyon na labas ng bahay kakaunti lang din ang kakilala nun."
"Kumalma ka bro once na may lead na kami tatawagan ko kayo ngayon kumalma muna kayo at mag hintay kung may hihingi ba ng ransom."
"Ransom? Hindi kami mayaman bro para sa ganyang drama." Ang sabi ni Kim kay Ethan.
"Oo nga bro pero hindi natin alam kung ano ba ang pakay nung kumidnap kay Kelly."
Lumapit naman si Kian kay Keith at kinuwelyuhan ito "Kasalanan mo ito kung hinatid mo sana sya hindi sya mawawala ngayon!"
Inawat naman ka agad siya nila Kevin at Kim pati na rin ni Ethan "Sorry bro, hindi ko naman kasi alam na ganoon ang mangyayare ngayon pa ba tayo mag sisisihan?"
"Puro kasi pagpapalaki ng katawan ang inaatupag mo hindi mo naman magamit sa oras ng panganib."
"SIGE SISIHIN MO KO GANYAN KA NAMAN EH!!! Mahilig kang manisi."
"Huh! Anong gusto mong palabasin ngayon?"
"ENOUGH!!!!" Ang sigaw ni Faith "Hindi malulutas ng pag aaway niyo ang pagkawala ni Kelly."
"Tama si ate Faith mga bro imbes na mag away kayo diyan umisip tayo ng pwedeng maaaring kung sino ang nag padukot sa kapatid natin."
"Tama si Kevin guys tumigil na kayo kung ayaw niyo ikulong ko kayo ng walang dahilan."
"Ding...dong..."
"Baka sila Vince na yan ako ng mag bubukas." Ang sabi ni Kevin.
"Bakit pinapunta niyo dito mga kaklase ni Kelly?"
"Oo bro makakatulong sila sa paghahanap ako tumawag sa kanila." Ang sabi ni Kevin.
***
Habang nag hihintay ng update nakaupo ang lahat na animo'y hindi na makapag hintay sa magiging balita "Hindi ko na kaya mag intay hanapin na natin si Kelly." Ang sabi ni Kian.
"Pero bro wala pa tayong lead." Ang sabi ni Kim.
"Sabi ni Ethan tatawagan nalang daw niya tayo kapag may lead na." Ang sambit naman ni Kevin.
Samanatala nag bubulungan naman sila Patrick "Dude, tumawag ka na ba ng mga tauhan niyo?"
"Oo sinabihan ko na sila ate na mag talaga ng mag security sa bahay nila Honeygrace?"
"HONEYGRACE?" Ang pagulat na sambit ng tatlo nila Dave, Vince at Harvey kaya nakatawag naman ito ng pansin sa mga kuya ni Kelly.
"Sino? Sino yung sinasabi niyo?" Ang sabi ni Kian.
"Ah---ahm...sa tingin ko po kasi si Honeygrace ang may pakana ng lahat ng mga ito."
"Sandali lang yung pinakilalang fiancé mo?" Ang sabi ni Faith.
"Na hindi niya po talaga fiancé nag feeling lang po si ate girl." Ang sagot naman ni Dave.
"So, you guys telling us na baka yung Honeygrace ang may pakana ng pag kidnap kay Kelly dahil sayo Patrick?" Ang sabi ni Kim.
"Ahm...Sir hindi ko naman po..." Hindi na naituloy ni Patrick ang sinasabi niya dahil sinapak na siya ni Kevin.
"Bro!!!" Ang sabi nila Kian at inawat ang kapatid inalalayan din naman nila Dave si Patrick.
"So---sorry po..."
"Kinausap na kita hindi ba? Hindi ba tayo nag kakaintindihan? Anong magagawa ng sorry mo kung may mangyaring masama na kay Kelly?!!!!!"
"Teka lang Kevin anong ibigsabihin ng mga ito?" Ang sabi ni Kian.
"Dahil kasi dyan sa lalaking yan bumalik ang trauma ni Kelly dahil kinuyog siya nung Honeygrace."
"ANO?" Ang tugon nila Kian."
"Hindi ko na binanggit sa inyo ang sinabi ko lang kay ate Faith noon sumama lang ang pakiramdam ni Kelly kaya umuwi na sya ka agad nung isang araw."
"Oh...oo naalala ko kaya pala hindi masabi sakin ni Kelly ang nangyare."
"Dahil ipinipilit pa rin ni Honeygrace na fiancé sya ni Patrick she even put announcement at naging malaking commotion iyon sa DLRU."
"Pero mga Sir..."
"SHUT UP!!!" Ang sigaw nila Kian kay Patrick.
"Wag kang magsasalita kung hindi hinihingi nag opinion mo."
"Sorry po..."
"Pero mga Sir makikisingit na po ano pero wala po talagang namamagitan kila Patrick at Honeygrace."
"Dave...wag na."
"Hindi Dude mabuti ng alam nila Sir para hindi ka masisi sa kasalanang hindi mo naman ginawa."
"Tama si Dave mga kuya at sorry din dahil hindi ko na bantayan si Kelly noong mga oras na iyon na takot na takot sya." Ang sabi naman ni Vince at natahimik lang naman noon sila Kian.
"Tsaka po hindi rin alam ni Patrick na pinagtitripan na noon at ipinahihiya ni Honeygrace si Kelly pero sya po mismo ang nagligtas sa kapatid niyo he even avenged Kelly to that girl." Ang sabi rin naman ni Harvey.
"Yun nga ang problema baka dahil dun kaya kinidnap nung Honeygrace na yon ang Kelly namin." Ang nanggagalaiting sambit ni Kevin.
"KEVIN ENOUGH!!!" Ang pagalit na sagot ni Kian.
"Pero kuya...kasalanan niya kung bakit wala si Kelly ngayon dito."
"I said ENOUGH!!!"
"Ring...ring..." bigla namang nag ring ang telepono kaya pandalas namang sinagot ito ni Keith na nasa malapit.
"Hello?" naging tahimik naman ang buong paligid dahil alam nilang importante ang tawag sa mga oras na iyon.
"Kung gusto niyo pang makita si Kelly ibigay niyo si Patrick kapalit niya."
"Ano? Sino ka????"
"Hindi na mahalaga 6pm sa likod ng DLRU mag iintay ako wag niyo ng tangkaing tumawag ng pulis kung gusto niyo pang makitang buhay ang kapatid niyo."
"Toot...toot...toot"
"He---hello?? HELLO!!! HOY!!! Binabaan niya na ko...."
"Anong sabi?" Anila na wari'y abang na abang sa sasabihin ni Keith.
"6pm sa likod ng DLRU yun ang sabi wag daw tayo mag sasama ng pulis kung gusto pa daw nating makitang buhay si Kelly."
"Anong kapalit?" Ang sagot ka agad ni Kian.
"Si..." Napatingin si Keith kay Patrick at natahimik ang lahat.
"Okay, I will go."
"Pero Dude...delikado."
"Walang delikado kung para kay Kelly at alam ko namang ako ang tatargetin ng mga kidnapper."
"Salamat at patawad sa mga inasal namin sayo pero wag kang mag alala tatawagan namin si Ethan para makapag plano ng dapat gawin." Ang sagot ni Kian.
"No need I can handle this Sir sigurado akong si Honeygrace ang talagang mastermind sa pagkawala ni Kelly. Kaya ako na pong bahalang kumausap sa kaniya mag intay nalang po kayo dito at ibabalik ko ng matiwasay si Kelly dito."