Sa DLRU,
"Bro, balita ko'y may fiancé ka na raw eh." Ang sabi ni Harvey kay Patrick na kararating lang kasabay si Dave.
"No! Wala akong fiancé ni wala nga akong girlfriend tapos fiancé?"
Ang sama naman ng tingin ni Vince habang nakaupo at papaupo pa lang din naman noon sila Patrick at Dave. "Tsss..wag ka ng tumanggi pa nasa bulletin board."
"Ano? Sino namang may pakana?"
"Nako, baka yung nag fe-feeling na fiancé mo dude."
"Bakit ano ba talagang verdict sa inyo nung Honeygrace?" Ang sabi naman ni Harvey.
"Wala silang relasyon gusto nung girl si dude pero ayaw nman sa kaniya ni dude."
"Bakit hindi nalang ikaw yung maging fiancé ano? Mas marami ka pang sinasabi dun sa victim eh."
"Hahaha...na kwento lang kasi sakin ni ate May ang mga yon ate sya ni Patrick, right dude?"
"HEH! Pero pre Vince, tulungan mo naman akong magpaliwanag kay Kelly galit na galit sakin yun kagabi eh nag walk out at hindi na bumalik."
"Wait, nagkita kayo ni Kelly? Wala pa naman sya dito sa school kaya sure akong hindi niya pa nakikita yung bulletin board."
"Oo inimbitahan din sila Master at yung mga kapatid niya doon sa pinuntahan nila dude kagabi."
"Soooo...you mean iisang event lang ang dinaluhan niyo ni Kelly?" Anila Vince at Harvey.
Nakaupo at dismayado ang mukha ni Patrick "Oo mga pre at wala akong ka alam-alam lalo na yung lintek na fiancé thingy na yon bwiset kasi yung babaeng yun feelingera."
"Pero sino ba yung Honeygrace bakit ang sweet niyo dun sa picture na nasa bulletin sa labas hindi niyo ba napansin nung pumasok kayo dine?"
"Saan? Ahhh...dun sa pinagkakaguluhan ba ng mga students? Hindi na kami nakiusyoso dun ni dude kala kasi namin late na kami yun pala hindi pa tara tignan natin?"
"Wala ako sa mood ikaw nalang."
"Pero paano pag nakita ni Master yon? Lalo pang madadagdagan yan kasalanan mo."
"Oo nga tama si Dave kung gusto mong hindi ka niya ma misinterpret unahin mo ang pagtanggal non."
"Sandali nga hindi ba dapat mga SC ang nanganagsiwa sa bulletin ng school?"
Napatingin naman yung tatlo kay Harvey "Ah...eh...wa----wala akong alam diyan mga pre nung dumating ako dito sa school naka post na yung poster niyo sa bulletin board."
"Haissst....bwiset!!!" At tumayo na nga si Patrick "Saan ka pupunta?"
"Saan pa bilisan niyo diyan at tanggalin natin ang lintek na basurang poster na yon."
At nauna na ngang lumabas si Patrick "Ano ba kasi ang totoong nangyare?" Ang sabi ni Harvey.
"Ikukwento ko sa inyo habang naglalakad tayo bilisan niyo na."
"Kayo nalang iintayin ko nalang dito si Kelly baka magtaka yun madatnan niyang wala tayo dito."
"Ah...sige pre."
"Um..."
Samanta,
Kababaa lang nila Kelly at Kevin sa kotse "Sunduin nalang namin kayo dito mamaya." Ang sabi ni Kian.
"Si Kelly nalang kuya may duty ako mamaya sa DLRH eh."
"Ahhh...ganun ba okay sige Kellang text mo kami ni Kim pag uwian na kayo ha?"
"Oo kuya pero half day lang kami ngayon kasi may longtest lang naman."
"Ay, whole day ako eh ikaw ba Kim?"
"Whole day din ako bro sumabay ka nalang kay Vince."
"Oo nga sumabay ka nalang mag taxi nalang kayo pauwi."
"Sige kuya ako ng bahala."
"Siya sige na mauuna na kami sa inyo."
"'Sige bro, ingat kayo ako ng bahala kay Kelly."
"Sige." At umalis na nga sila Kian lulan ng kanilang saksakyan.
"Halika na baka late ka na ang bagal kasi kumilos lagi."
"Tsss...sino kaya?"
"Aba at sino pa? Bilisan mo na nga."
Nagmadali naman sa paglalakad yung magkapatid "Goodmorning manong guard." Ang bungad ni Kelly.
"Magandang umaga."
"Sige manong nagmamadali kami eh good moring."
"Um..."
Pagkapasok nung magkapatid napansin nilang may pinagkakaguluhan doon sa may bandang unahan nila kung saan nakalagay yung bulletin board kung saan nilalagay yung mga announcement ng school "Kuya anong meron doon?"
"Aba anong malay ko sabay lang tayong pumasok dine ako tatanungin mo ng ganyang bagay."
"Ay...oo nga naman ang HB mo wagas."
"Anong HB?"
"Nurse ka hindi mo alam yon?"
"Itatanong ko ba kung alam ko? Pilosopagn to." He bonked Kelly.
"HB means highblood....ba naman yan kuya tanders ka na rin ba gaya nila kuya Kian at kuya Kim?"
"Tsss...ewan ko sayo lumakad ka na nga at baka malate ka pa."
"Pero gusto kong tignan yung bulletin board."
"HEH! Late na nga makikichismis ka pa lakad na!"
"Tsss...KJ."
"Hoy! Alam ko ang ibigsabhin niyang KJ kala mo diyan."
Pabulong bulong naman is Kelly malamang "Lumang word naman na yung KJ."
"Kelly!!!! Naririnig kita!!!
"Ay...sorry kuya...bleeehhh..KJ!!!" At kumaripas na sya ng takbo papalayo sa kuya niya.
"Lagot ka sakin mamaya!!! Lintek na bata ito...pero ano nga kayang meron doon at di magkanda mayaw ang mga estudanteng iyon."
Habang nagtatakbo naman si Kelly dahil akala niya hinahabol siya ng kuya niya kaya patingin-tingin siya sa likod kaya hindi niya nakita na may makakabanggan siya "Ouch!!! Are you blind?"
"So---sorry...ikaw?"
"Ohhh..the hoodie girl Kelly."
At ang nakabanggan nga ni Kelly ay si Honeygrace kasama nito ang bestfriend niyang si Curl "Sorry, pero malelate na ako sa klase ko." Paaalis na sana sya ng bigla siyang hinakawakan ni Honeygrace sa braso niya at pinigilan "I'm not done talking to you bitch." pinuwersa niya si Kelly para bumalik kung saan siya nakatayo kanina.
"Grace, chill wag mo ng patulan."
"Yah...I know pero gusto ko lang pamukha sa kaniya na..." lumapit siya ng unti-unti kay Kelly habang nagsasalita "hindi siya nababagay sa lipunang ginagalawan namin ni Patrick kaya wag layuan mo sya!!!" at tinulak niya si Kelly gang sa napaupo ito at dumami naman bigla ang mga estudyanteng nakikitsismis.
"Grace, tama na!"
"No, don't stop me gusto kong pamukha sa babaeng gold digger na ito kung sino ang kinakalaban niya."
"Pero Grace...this is too much gumagawa ka na nag commotion dito."
"I don't care gusto kong mapahiya ang babaeng yan dahil inagaw niya sakin si Patrick."
Nagbubulong bulungan na ang mga estudyanteng nakakakita sa gulong ginawa ni Honeygrace at nanumbalik kay Kelly yung mga naganap noong siya ay limang taon gulang pa lamang kaya hindi sya makatayo dahil pakiramdam niya pinagtutulong tulungan siya ng mga ito. Bumabalik ang pagiging matatakutin niya sa mga tao kaya tinakluban niya na lang ang kaniyang mukha ng hood at tinakpan niya rin ang tenga niya dahil noong mga oras na iyon ay takot na takot na sya at hindi niya malaman ang kaniyang gagawin. "Daddy tulungan mo ko...."yun lang ang nasabi niya habang kinukubli ang sarili.
Habang pabalik naman sila Patrick sa kanilang classroom nakita nilang may nagkukumpulan na naman sa dako paroon kung nasasaan si Kelly "Ano na namang commotion ang nadoon?" Ang sabi ni Harvey.
"Baka kung ano lang bilisan na natin baka late na tayo." Ang sabi naman ni Dave.
Habang naglalakad yung tatlo at papalapit doon sa may nag kukumpulang mga estudyante nakita naman niya ka agad si Honeyrace na pinapahiya si Kelly pero hindi niya pa noon alam na si Kelly yon pero ang lakas ng kutob niyang may mali kaya nagmadali siyang lumapit doon. "Hey!! Dude!! Saan ka pupunta?"
"Tara bilis sundan natin SC officer nga pala ako baka mamaya may karambulan na doon."
"Oh? Buti naman at alam mong SC ka."
"Muntik na nangang hindi eh.Pffft...bilisan mo na."
"Oo na!"
Nagmadali na nga si Patrick at hindi na ininda yung mga estudyanteng nakakabangga niya at nilapitan ka agad si Kelly "Pa---Patrick?" Ang gulat na gulat na reaksyon ni Honeygrace pero hindi naman siya pinansin ni Patrick.
"Ms? Ayos ka lang ba?" Ang sabi ni Patrick at pag tunghay nung akala niyang babaeng kung sino lang nakita niya yung mukhang naiyak ni Kelly "Ke---Kelly?" at niyakap naman siya nito ka agad.
"Pa---Patrick do---don't get me wrong I---I did..."
"SHUT UP!!!" Ang sigaw ni Patrick at kinagulat iyon ni Honeygrace at ng mga estudyanteng mga tsismosa at pandalas naman na ring lumapit sila Dave at Harvey sa dalawa. "Kelly ayos ka lang ba?" dagdag pa ni Patrick na alalang-alala kay Kelly dahil noon niya lang nakitang naiyak ito.
"Please, ilayo mo ako dito."
"Oo sige wag kang mag alala." Binuhat naman niya si Kelly at umalis sa lugar na iyon at habang naglalakad tinignan niya ng masama si Honeygrace.
"Pa—Patrick..." pinigilan naman na siya ni Curl "Halika na umalis na tayo dito."
"Okay, okay dear fellow students tapos na po dramarama sa umaga kaya magsibalik na kayo sa kani-kaniya niyong classroom." Ang sabi ni Harvey at bumulong naman sa kaniya si Dave "Pre, hindi ba dapat dramarama sa hapon yon yun yung sa GMA7 di ba?"
"Wag ka ngang gung gong kita mo ngang umaga ngayon eh tsaka tigil tigilan mo na yang pag hit-hit mo ng katol."
"Gago ka pre."