Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 188 - Kabanata 188

Chapter 188 - Kabanata 188

Sa Classroom,

Nagulat si Vince dahil nung dumating si Kelly ay buhat-buhat na ito ni Patrick kinagulat rin naman iyon ng iba nilang mga kaklase "Anong nangyare?"

Iniupo naman ni Patrick ng dahan-dahan si Kelly "Kelly, umiyak ka ba? Bakit? Sinong may kagagawan? Lintek!" Napatayo si Vince na animo'y susugod pero bigla namang dumating ang kanilang guro "Good morning class, Vince, Patrick upo!"

"Yes po Ma'am."

Bago umupo si Patrick binigyan niya si Kelly ng yema candy. "Here, kainin mo para kumalma ka comfort food ko yan." Kinuha naman ni Kelly at nag pasalamat siya at ngumiti.

Samantala dumating naman na noon din sila Dave at Harvey "Dude!!!" nagulat silang andoon na pala yung teacher nila "Harvey! Dave! UPO!!!"

"Ye—yes Ma'am."

Pandalas naman yung dalawa nagtungo sa kani-kanilang upuan at bumulong naman si Dave kay Patrick pagupo nito. "Dude, ano ayos lang ba si Kelly?" Aniya at nakatingin naman noon si Patrick kay Kelly "Dude!!"

"Ha?"

"Sabi ko kung ayos lang ba si Master?"

"Hindi ko alam pero nag-aalala ako sa kaniya."

"Ano bang nangyare? Yung pekeng fiancé mo ang may kasalanan eh!"

"SHHHHH..." Ang reaksyon ni Prof. Gina.

"Wag ka na ngang maingay diyan!"

"Sorry..."

Sa magkaparehong oras,

Sa DLRU Clinic,

May dalawang lalaking nasa clinic na ginagamot ni Kevin ang sugat nung isang lalaki na may sugat sa tuhod nito. "Oh, ayan bumalik ka nalang dito kapag natanggal yang bandage mo para malagyan ko ulit mag dahan-dahan kasi kayo varsity pa naman kayo ng school malaking kawalan kapag may na injured na isang player."

"Sige po Sir salamat."

"Yan sabi ko naman sayo bro wag kang tingin ng tingin kung saan-saan."

"Maaari ko bang tanungin kung saan mo nakuha yang sugat mong yan?"

"Nagkaroon po kasi ng tulakan kanina at nahulog po ako sa may hagdan buti hindi po malalim yung nabagsakan ko. May gulo po kasing naganap sa may malapit sa I.T department."

"Ano? Saan doon? Sino?"

"Hindi po namin kilala pero sabi yung Honeygrace daw yung nag simula nung away."

"Wait, Honeygrace? Tuazon ba yung tinutukoy nyo?"

"Opo Sir yung muse ng Engineering dept."

"Teka lang hindi po ba may kapatid kayong babae dito?"

"Oo meron si Kelly bakit?"

"Parang ang na dinig po kasi naming name yun nga Kelly di ba bro?"

"Opo yun ang narinig namin."

"Ano? Anong ginawa nila sa kapatid ko?"

"Hindi na po namin alam pero sabi po yung Honeygrace daw talaga ang may kasalanan."

"Tsk...sige maiwan ko muna kayo."

"Sige po."

Papalabas na sana ng clinic si Kevin ng dumating naman si Mina "Oh? Saan ka pupunta?"

"Kay Kelly kakamustahin ko sya napaaway daw."

"Ano? Baket??"

"Hindi ko rin alam nabanggit lang nila sandali lang ikaw na munang bahala sa dalawa pupuntahan ko muna ang kapatid ko."

"O---Oo sige."

At nagmadali ngang nag tungo si Kevin sa classroom ni Kelly para kamustahin ang kaniyang bunsong kapatid "Kelly!!!" Aniya at kinagulat naman iyon ng buong klase na noon ay seryosong nakuha ng kanilang pagsusulit. "Is there something wrong nurse Kevin?"

"Ay...so—sorry po Prof. Gina pwede po bang i-excuse yung kapatid kong si Kelly?" hindi naman noon natingin sa kaniya ang kapatid pero ramdam niyang umiyak ito dahil napansin niyang namumugto ang mga mata ni Kelly.

"Hindi na ba yan makakapag antay? May exam sila ngayon."

"Sorry po hindi ko alam sige po mag aantay nalang po ako dito."

"Okay sige."

Makalipas ang ilang minuto,

"Okay class pass your papers finish or not finish."

Pandalas namang nag pasa ang buong klase "Intayin niyo nalang ang inyong susunod na Prof. at mag review kayo."

"Yes, Ma'am." Then Prof. Gina left at nakipagusap siya kay nurse Kevin "Sige na pwede mo ng kausapin ang kapatid mo."

"Thankyou Ma'am."

"Sige, mauna na ko."

"Opo, see you around."

"Um..."

Pumasok namang ka agad si Kevin sa loob at kinamusta ang kapatid na noon ay namumutla "Bunso, ayos ka lang ba?"

"Um...medyo nahihilo lang ako kuya."

"Ano? Vince ano bang nangyare?"

"Sorry kuya hindi ko rin po alam si Patrick ang may dala sa kaniya dito."

Ang sama naman ng tingin ni Kevin kay Patrick at kinuwleyuhan niya ito "Anong ginawa mo sa kapatid ko?"

"Wa---wala po Sir."

"Kuya..." Ang hinang-hina an sabi ni Kelly kumalma naman bigla si Kevin at lumapit sa kapatid "Tsk...dala mo ba yung gamot mo?"

"Hindi po."

"Sigh...Okay halika muna sa clinic..." binuhat niya si Kelly "Vince, ikaw ng bahala magsabi sa susunod niyong Prof.okay? At ikaw!!!!" Tinignan niya ng masama si Patrick "Mag uusap tayo pagtapos ng klase niyo!"

"O---opo."

At umalis na nga si Kevin buhat-buhat si Kelly "Mas nakakatakot pala si nurse Kevin kapag galit kala ko yung ibang kuya lang ni Master akala ko mild lang siya pero kanina woah...dude parang gusto ka niyang ibaon ng buhay."

"Ano ba kasi ng nangyare sa labas?" Ang sambit ni Vince.

"Si Honeygrace ang may kasalanan!" Ang nanggigil namang sagot ni Dave.

"Sino? Yung pekeng fiancé mo pre?"

"Oo humanda siya sakin lintek lang ang walang ganti."

"Anong gagawin mo?"

"Dude, don't tell me makikipagsabunutan ka?"

Bineltukan naman ni Harvey si Dave "Sabi ko naman sayo tigil tigilan mo na yang kakasinghot mo ng katol masama yan."

"Buang ka! Ni hindi nga ako nga kami na gamit ng katol samin dahil hindi naman malamok sa bahay."

"Gung gong talaga! Nilitereral mo naman?! Joke yun tungaw!"

"Ha? Joke? Hindi ako natatawa pre."

"Slow ka lang!"

"Tumahimik nga kayong dalawa Patrick anong balak mo?"

"Ipapamukha ko lang sa babaeng yun na mali sya ng binangga."

"Yown!!! Yan si dude ang angas."

"Yeah..."

Kinatanghalian,

Nakatulog na si Kelly sa bed clinic habang binabantayan sya ni Kevin "Baby, ano ayos lang ba si Kelly?" Ang bungad ni Prof. Mina.

"Oh, andiyan ka na pala wala ka na bang klase?"

"Wala na, lunch na kumain ka na ba?"

"Hindi pa inaatay ko pang magising si Kelly eh."

"Hayaan mo na muna syang magpahinga para pag gising niya may lakas sya halika muna at kumain tayo."

"Oo sige."

Habang inaayos ni Mina ang kanilang mesa at yung baon nilang kakainin "Nasabi mo na ba sa mga kuya niyo ni Kelly ang nangyare?"

"Hindi pa baka mag over react sila lalo na si kuya Kian."

"Oo nga baka magwala yun dito pag nalamang inapi ang kaptid nyo."

"Nanggagalaiti nga rin ako sa galit eh! Bwiset na mayayaman yan kala mo kung sino."

"Wag kang mag alala sigurado naman akong may gaganti para kay Kelly tsaka narinig kong napahiya naman yung si Honeygrace dahil pinagkalat nyang fiancé niya si Patrick yun naman pala'y hinde."

"Oo nasabi na rin yan samin ng mga parents ni Patrick kagabi andoon din kasi sila sa event na pinntahan namin."

"Really? Wow ang liit talaga ng mundo nyo."

"Oo nga eh at alam mo ba gustong gusto ng mga parents ni Patrick si Kelly kaya pati kami gusto rin nilang makilala pero hindi pumayag si kuya Kian."

"Ha? Bakit naman makikipag kilala lang eh."

"Oo andoon na yung point pero parang lumalabas din kasi na pumapayag na kaming ligawan ni Patrick si Kelly na hindi pwedeng mangyare dahil mga bata pa sila."

"Ehh...oo nga pero ligaw lang naman eh ano namang masama don?"

"Wala, pero mahirap na mabuting magtapos muna sila ng college bago yang ganyang ligaw-ligaw na yan.

"So, payag na kayong ligawan si Kelly pag nakatapos na siya ng college?"

"Um...pwede naman na siguro? Mabait naman si Patrick at alam naman naming maalagaan niya ng ayos ang Kelly namin."

"Waahhhh...kinikilig ako."

"Sssshhhh...baka magising si Kelly."

"Ay, oo nga sorry...sorry."

Ang hindi alam nung dalawa ay nagising na rin noon si Kelly at narinig ang kanilang pinaguusapan kaya napangiti ito ng hindi nag papahalatang gising na at sa isip-isip nya "Kaya naman pala nila ako pinalalayo kay Patrick kasi gusto nila na mag focus muna ako sa pagaaral at yieee...payag na sila kuya na ligawan ako...emeged."

Related Books

Popular novel hashtag