Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 186 - Kabanata 186

Chapter 186 - Kabanata 186

Kinabukasan,

Nagaagahan na ang mga Dela Cruz at si Kelly at tamad na tamad paring gumalaw at antok na antok "Kelly!!!"

"Ay kalabaw! Ano ba?"

"Kumain ka na at tayo eh malelate na!" Ang sabi ni Kian.

"O—oo kuya." At pandalas namang kumain si Kelly "Oh, dahan-dahan baka naman ika'y mabulunan na di'yan."

"Mmm...mm..."Ang reaksyon ni Kelly na punong puno ang bibig ng pagkain.

"Nga pala, sino yung Ryan na kasama nyo ni Jacob kagabi? Bakit sobrang close nyo?" Ang sabi ni Kim nasamid namang bigla si Kelly " Bunso naman oh ere uminom ka ng tubig." Ang sabi ni Kevin.

"Thankyou kuya."

"Nguyain mo kasi ang kinakain mo wag subo ng subo di ka naman aagawan eh." Ang sabi naman ni Keith.

"Bagong maniligaw mo ba yung Ryan babysis?" Ang biglang sabi naman ni Faith at napabuga naman si Kelly ng kaniyang ininom na tubig at nabasa niya si Jacob na noon ay naka pajama pa at nakatabi sa kaniya "Ay...so---sorry baby..."

"Tsk...tita Kelly..."

"So---sorry na nagulat kasi ako sa tanong ni ate Faith eh."

"Sorry baby boy halika na maligo na ka?"

"Sighh..sige na nga Faith paki tulungan si Jacob."

"Sige kuya ako ng bahala....baby halika na."

"Opo..."

"Bye baby sorry ha?"

"Sige po wala naman akong choice eh pero nextime lunukin niyo nalang po ah?"

"Ha---ha---ha...oo sorry ah? Sige na ate Faith."

"Oo ako ng bahala." At tumaas na nga yung dalawa.

"So, tell us sino yung Ryan na kasama mo kagabi?" Ang sabi naman ni Kian.

"Kaibigan ko nga lang yun sinabi ko na kagabi di ba?"

"Wait, naalala ko na sya ba yung uncle ni Snow na sinasabi mo?" Ang sabi ni Kevin.

"Ohhh...yung batang napadpad dine? Yun ba?" Ang sabi naman ni Kim.

"Aha! Nadale mo kuya."

"Ohh...kaya ba close kayo?"

"Ah...eh...hindi naman po sa ganun."

"Kelly!!!" Anila.

"Hindi nga! Kaibigan ko lang talaga sya."

"Humph...siguraduhin mo lang yan tsaka yang si Patrick layuan mo yan ha?!" Ang sabi ni Kian.

"Yeah...ayoko ng mapalapit sa may sabit. Tsss...fiancé pwe..."

Nagkatinginan naman yung mga kuya niya dahil hindi nila sinabi na nakausap nila ang mga magulang ni Patrick "Ahem...bilisan mo na diyan at aalis na tayo late na."

"Um..."

Kagabi sa El Calyejon,

Kinakausap nila Mr. and Mrs. Santos ang mga kuya ni Kelly "So, mga teacher pala ang mga kapatid ni Kelly at ikaw ang naman yung nurse sa DLRU at sa DLRH?"

"Yes po Ma'am."

"Ohh...I see but don't call me Ma'am call me tita."

"Ho?"

"Yes, and were inviting all of you to our house this coming Sunday."

"Sorry po pero bakit?" Ang sabi ni Kian.

"Nothing important gusto lang namain kayo makilala."

"Makilala? Bakit po?"

"Actually, we like Kelly so much para na rin namin siyang anak kaya gusto rin namin kayong makilala."

"Sandali lang po parang anak? Are you even close to our sister?"

"Bro..." Ang sabi ni Kim na para bang pinipigilan si Kian at napatingin rin naman siya kila Kieth at Kevin.

Kinagulat rin naman iyon ng mga magulang ni Patrick sa sinabing iyon ni Kian "Ah....ahm...hindi naman ganoong ka close but we knew Kelly as Patrick's friend and classmate."

"Ohh...I see, pero didiretsuhin ko na po kayo bilang ako po ang panganay samin at ang guardian ni Kelly hindi po kami pumapayag na maging malapit po ang anak niyo sa bunso naming kapatid."

Nagkatinginan naman sila Mr. and Mrs. Santos "Don't get us wrong pero bata pa po si Kelly para sa mga iniisip niyo tsaka may fiancé na po ag anak niyo kaya hindi na po siguro dapat pang..." hindi na niya naituloy ang sasabhin because Mr. Santos interrupts him "Wait, what are you talking about? Fiancé?"

"Our son is having a fiancé? But Who? Hindi namin alam."

Nagtaka naman yung magkakapatid dahil narinig nila at nakita mismo na sinabi ni Honeygrace na fiancé nya si Patrick "Opo Ma'am yun po ang sabi Ms. Honeygrace kanina na fiancé niya si Patrick, right guys?"

"Um..."

"But, our son is still single at wala syang fiancé."

"Po?

Samantala,

Sa side naman nila Patrick "Huh! Patrick let's go wala kang mapapala sa mga ito." Papaalis na sana yung magkapatid pero humarang si Honeygrace sa kanila "Grace...tantanan mo na sila." Ang sabi naman ni Vivian.

"Aha, makinig ka sa kapatid mo tsaka kababae mong tao pinipilit mo yung sarili mo sa kapatid ko? Huh!"

"Pero gusto ko lang po malaman bakit si Kelly at hindi ako?"

"Bakit? Tinatanong mo pa? Syem..." napatigil si May sa pagsasalita dahil si Patrick na ang sumagot dito "Dahil si Kelly simpleng babae lang hindi gaya mo na..." tinignan niya mula ulo hanggang paa si Honeygrace "Siguro masasagot mo naman na yung tanong mo dahil baka masaktan ka lang kung magsasalita pa ako. Let's go ate were wasting our time here."

May smirked and she said "Huh! Yeah..." then the two left.

Nagwala naman si Honeygrace "Ahhhh...I hate you!!!" Nagtitinginan naman na sa kanila yung mga bisita kaya pinakalma sya ni Vivian "Grace calm down!!! Nakakahiya sa mag bisita sabi ko naman sayo tantanan mo na sila."

"No ate!!! Hindi ako papayag na hindi ko makukuha ang gusto ko."

"Sighh...okay fine but please umayos ka nakakahiya wag kang mag wala dito."

"Whatever!!!" at nag walk out sya.

"Tsk....Honeygrace!!! Come back here!!!

Samantala,

Kararating lang nila Kelly sa El Calyejon at tinulungan pa siya ni Ryan bumaba sa kotse nito "Salamat."

"Um.."

Pandalas namang bumaba si Jacob at hinawakan ang kamay ng tita niya "Tita Kelly bilis baka naiwanan na tayo nila daddy."

"Ayos lang pwede ko naman kayo ihatid."

"Tsss...pasikat na naman ang isang ito." Ang pabulong-bulong na sabi ni Jacob pinandilatan naman siya ni Kelly ng mata dahil narinig siya nito."

"Ha---ha...nako, hindi na sure naman akong nasa loob pa sila kuya sige mauna na kami sayo ha?"

"Hindi sasabay na ko sa inyo titignan ko rin sila mom at dad."

"Ohhh...Okay tara?"

"Um..."

Pabulong bulong na naman si Jacob at sinabing "Tsss...sasama na naman ang tukmol na ito."

Pero habang papasok sila nakasalubong naman na nila sila Kian "Daddy!!!!" Ang bunagd ni Jacob at lumapit sa daddy niya na ang sama naman ng tingin kay Ryan.

"Sobrang layo pala ng cr dito at hindi kayo ka agad nakabalik ha Kelly Ann Marie?"

Sa isip-isip ni Kelly "Si'ya! Buong buo na naman ang name ko mukhang galit na si kuya Kian at ang mga mata nila nanlilisik na naman kailangan ko ng ilayo si Ryan sa mga ito."

"And you? Who are you?"

"Ah...Ahm...ako ho?"

"Sino pa sa tingin mo?" Ang sabi ng mga kuya ni Kelly na ang sama ng tingin kay Ryan.

"Ah---eh..a---ano po..."

"Sigh...siya po si Ryan kaibigan ko." and her four brothers smirked. "Tsss..."