Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 179 - Kabanata 179

Chapter 179 - Kabanata 179

Hinahabol ni Patrick si Kelly sa labas hanggang sa naabutan niya na ito sa pagliban ng kalsada dahil saktong nag red ang kulay ng stoplight kaya na hawakan niya ang braso nito at sinabing "Kelly!!! Huminto ka nga muna at makinig sakin."

"Bitawan mo ko!!!" ang pag pupumiglas na sambit ni Kelly napatingin naman sakanila yung mga tao ring liliban.

"Makinig ka nga muna pinaiiral mo na naman kasi yang init ng ulo mo!"

"Huh! Bakit kasalanan ko ba? Ikaw ang nauna pinahiya mo ko!"

"Ano? Anong pamamahiya sa sinabi ko? Gusto ko lang namang ibagay ang gusto mo para maging masaya ka."

"Patawarin mo na girl." Ang sambit bigla ng mga taong nandoon at kinagulat naman iyon nung dawala.

"Hindi porket mayaman ka kaya mo ng bilhin ang lahat."

"Oo nga naman." Sumegundo na naman yung mag taong nakapaligid sa kanila.

"Pero gusto ko lang naman ipakita at ipadama kung gaano kita ka mahal."

"Ahhhhhh...how sweet." Ang tugon na naman ng mga taong tsismoso at tsismosa at tinitigan naman sila ng masama ni Kelly at bigla namang nag go na yung stoplight kaya naiwan nalang yung dalawa.

"Bitawan mo ko kung ayaw mong samain sakin!"

Niyakap siya ni Patrick from the back "Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo ko pinakikinggan."

"Hindi ka ba!!! ANG SABI KO BITAW!!!!" nag pupumiglas si Kelly ng biglang may "Honk....honk..." ang busina ng 10wheeler truck kaya hinila ka agad ni Patrick si Kelly napayakap naman sila sa isa't isa at panandaliang tumigil ang mundo nung dalawa at nagkatinginan, nadidinig nila ang tibok ng puso nila na para bang sila'y tumatakbo at hinahabol ng isang halimaw o kaya naman ng mabagsik na lion sa bilis ng tibok ng puso nila. Napaisip si Kelly "Sino nga ba ang lalaking ito para sakin? Bakit pag nakikita ko siya bumibilis ang tibok ng puso ko, at hindi ko na mapigilan ang aking tuwang nararamdaman. Kapag hindi ko naman sya nakikita sobrang lungkot ang aking nadarama na para bang dinudurog ang puso ko. Pero bakit? Bakit nga ba ako nagkakaganito? Hindi ko na maintidihan ang nararamdaman ko ayokong umamin na may pagtingin na ako sa kaniya dahil ako mismo hindi ko matanggap na hulog na ang loob ko sa lalaking ito. Kelly! Bakit ka ba ganyan? Normal lang naman ang ma-inlove! Kinakausap ko na naman ang sarili ko pero sana huminto muna ang oras kahit sandali gusto ko pang makasama sya at maramdaman ang init ng kaniyang pagyakap sakin."

Samanatala ganoon rin naman si Patrick napaisip rin siya bigla habang nakatitig at yakap-yakap niya si Kelly "Minsan gusto ko na syang sabunutan dahil napaka manhid niyang babae kung pwede nga lang wag ng gumalaw ang oras ganito nalang kami gusto kong malapit lang sya sakin. Pero ano nga ba ang nakita ko sa babaeng ito at patay na patay ako sa kaniya? Samantalang boyish naman sya tapos isip bata pa gusto niya sya lagi ang masusunod hindi naman siya yung tipo kong babae pero...wala tinamaan talaga ako sa lintek na ito. Sigh...Patrick!!! Bakit sya pa kasi? Nakakabaliw nga siguro ang mag mahal dahil pati sarili ko kinakausap ko na. Pero sana kahit sandali huminto ang oras para makasama ko sya kahit man lang sa ganitong sitwasyon at least ramdam kong at sigurado akong napalapit na ako sa puso nya."

Dumako naman tayo sa bahay ng mga Dela Cruz,

Nag uusap usap sila Kian, Keith at Faith sa sala kasama rin si Jacob na nanood lang ng tv at tahimik na nakain ng lollipop "Ohhh...so, birthday pala nung kapatid ni Vivian?"

"Oo sabi niya pumunta daw tayo sa Wednesday."

"Sino si Vivian?"

"Ay sorry babe hindi ko pa nga pala sya nabanggit sayo siya yung mabait na matalik na kaibigan ni kuya Kian right bro?"

"Um..."

"Babae?"

"Oo, hindi ba pwedeng magkaroon ng kaibigang babae ang lalaki?"

"Hindi naman sa hindi pwede pero parang di lang ako sanay."

"Yeah...kuya paano mo nga ba nakilala si Vivian?"

"Bakit Vivian lang ang tawag mo? Ate Vivian!"

"Ay, sorry naman hindi ko narin yun nakikita ang yaman kasi di na ma-reach."

"Mayaman? Bakit gaya rin sila nila Patrick na may ari ng malls?"

"Babe, hindi lang mayaman talagang mayaman alam mo yung Tuazon Aviation sakanila yon."

"Woah...Talaga?"

"Oo at meron na rin silang travelling agency at school na pinapatayo."

"Wow...bigtime."

"Oo kaya nga bigtime talaga yang si kuya eh yayamanin ang bff."

Binato naman siya ni Kian ng unan "Sira ulo ka!"

"Hahaha...pero di ba niligawan mo sya naging kayo ni ate Vivian di ba?"

Napatingin naman ka agad si Jacob at sinabing "Daddy?"

Tinitigan naman ng masama ni Kian si Keith at para bang sinasabing "Ang daldal kasi gupitin kong yang dila mo eh!" pa yuko-yuko namna si Keith sa takot "Daddy, ano po yung sinasabi ni tito Keith?"

"Ah? A---ano kasi wala lang yon manood ka lang diyan."

"Siguraduhin niyo lang po dahil hindi ko kayo tutulungan kay mommy."

Sineysan naman ni Kian si Keith na animo'y naiinis "Ha...ha...ha...oo baby wala lang ito masyado lang talagang matabil ang dila ng tito mo right Keith?" pinandilatan niya ng mga mata si Keith.

"Ahh...ehh...o---oo baby bff lang talaga ni daddy mo si tita Vivian kaya wag kang maingay kay mommy mo ha?"

"Tsss...siguraduhin niyo lang po talaga yan daddy, tito Keith dahil isusumbong ko talaga yang mga naririnig ko kay mommy."

"Hahahaha...nakakatuwa ka talagang bata ka sana maging katulad mo si baby Tum-Tum pag lumaki siya bantayan mo rin si tito Keith mo ha para sakin?"

"Ha? Bakit naman babe? Behave lang ako."

"Tsss...talaga lang ha!"

"Don't worry po tita Faith akong bahala kay baby Tum-Tim ite-train ko po syang maging hokage."

"Ho---hokage?" Ang sabay na sambit naman nila Kian at Keith.

"Pfft...ahahahaha...mga tanders na kasi kayo kaya hindi na kayo nakakasabay sa mga kabataan ngayon. Yung hokage sa anime yun mula sa "naruto" right, baby boy?"

"Opo."

"Hahaha....sorry hindi ko lang mapigilang tumawa...pffft...ahahaha...hindi nila alam yung hokage, baby boy...pfft...ahahahaha..."

"Opo nga eh buti nalang po napanood ko po yun pero hindi ko pa po natatapos eh."

"Nako, baby malayo pa ang tatahakin mo ang daming episode nun."

"Opo nga eh may movie pa raw po sabi ni tita Kelly."

"Um..."

Bumulong si Kian kay Keith "Bro, pigilan mo ko napatol ako sa babaeng buntis."

"Sige lang bro ihanda mo yang mukha mo sa mga body builder niyang kapatid at yang tenga mo para sa bungangera nating nanay."

"Ah...ang akin lang naman...HEH!"

"Pfffft...hahahaha...wala ka pala tol eh."

"Tantanan mo ko kung ayaw mong masapak!"

"Tsss..."

"Ahem...anyways, aatttend tayong lahat ng birthday party ng kapatid ni Vivian sa Wednesday. Kaya mag handa kayo ng sususotin niyo."

"Pero kuya kung mayaman yung Vivian syempre mayaman din ang friends nila kaya dapat bongga mga damit natin."

"Babe, don't worry aling Charing will provide."

"Who's Aling Charing?"

"Sya lang naman ang sikat na may ari ng rent to own gown and suit dito."

"Ohhh...yung bang nasa labas ng subdivision na ito yung sa may gilid katabi nung isang salon?"

"Yep! Yuna mismo na tumbok mo."

"At marami doong makikitang iba't ibang kasuotan kaya pumunta na tayo doon mamayang hapon pagkauwi nila Kelly."

"Teka, paano yon hindi nga pala nag susuot ng gown si Kelly, tol."

"Akong bahala sisigurduhin kong hindi syang makakatanggi." Ngumiti sya na para bang may masamang binabalak napabulong naman si Faith kay Jacob "Yung daddy mo minsan parang si Orochimaru noh?"

"Opo nga po tapos si tito Keith naman ang dakilang taga sunod na si Kabuto."

"Pfffttt...ahahahaha...oo nga ano.ahahahaha..."

Extra,

Sa Korean restaurant kung saan kumain sila Kelly at ang tropa niya "Mga pre, isang subo nalang ng bingsu at wala na kailangan na nating mag bayad wala pa rin sila Patrick at Master ano ng gagawin natin?" Ang paiyak ng sabi ni Dave habang balisa na rin naman sila Harvey at Vince at hindi malaan ang gagawin dahil ang laki ng bill nila na kahit pag sama-samahin ang baon nilang pera hindi parin ito sapat.

"Hindi ko rin alam pre." Ang tugon naman nung dalawa.

"Paano kaya kung tumakas nalang tayo?"

"Sira ka ba? Nakikita mong ang daming cctv dito at bawat pintuan ay may security guard paano tayo tatakas dito? Mag aala invisible tayo ganon? Kunwari hindi nakikita? Tungaw!!!" Ang sagot naman ni Harvey.

"Eh ano? Paano tayo aalis dito? Ang laki ng bill natin 5k? Tapos ang pera lang natin 2586.75? May putal pang 8pesos yung bill mga pre paano na? Ayokong makulong gagraduate pa ako ng college."

"Sigh...puro kayo sat-sat mag isip nalang kayo ng ibang paraan para makabayad tayo dito wala namang limit ang pamamalagi dine kaya baka may mautangan tayo na kaibigan na malapit lang dito kaya Dave tawagan mo na ang mga sugar mommy mo at ikaw naman Harvey sa mga ka SC mo ng mapakinabangan naman sila."

"Baliw ka pre, wala akong sugar mommy luko!"

"Wala rin akong gaanong close sa mga kapwa ko SC tsaka nakakahiya pre."

"Aba'y paano na? Tawagan nalang kaya natin ang mga magulang natin?"

"Hmmm...Alam ko na!!!" Ang sabi ni Dave.

"Ano yon?" Tugon nung dalawa.

"I will call my two friends."

"May kaibigan ka pa?"

"Ano namang akala nyo sakin loner? Na kayo lang ang friends? Hoy! Hindi lang basta-basta mga tatawagan ko dahil they're "ritskid" kala niyo dyan."

Nagkatinginan sila Harvey at Vince na para bang may pag dududa "Ahhh...ritskid pala daw."

"Huh! Kala niyo diyan mamaya makikita nyo. Humph.."

"Tawagan mo nalang dami pang sat-sat."

"HEH!"