5pm,
"Andito na po ako." Ang sabit ni Kelly habang nagpapalit ng kaniyang panloob na tsinelas sinalubong naman ka agad siya ni Jacob.
"Welcome back tita Kelly." niyakap niya agad ang kanyang tita Kelly.
"Yow...musta naman ang araw nag baby choy naming yan?" yumuko sya at pinisil ang pisnge ni Jacob "I have something for yah..." kinuha nya sa bag ang icecream niyang uwi para sa pamangkin.
"Wow...thankyou po tita Kelly yoda best pero bakit iba na naman po ang nickname ko?"
"Ha? Ahhh...yung baby choy ba?"
"Opo, siguro...tabachoy no?"
"Ahahahaha...ang talino mo talaga nasan ang mga tukmol kong kuya? At si ate Faith bakit parang wala sila dine?"
"Ahh...sila daddy at tito Keith po asa likod may inaayos po ata sila dun si tito Kim at tito Kevin naman po nasa kani-kanilang kwarto kauuwi rin lang po kasi nila nag bibihis po bakit po pala hindi kayo sumabay sa kanila?"
"Ahhh...hindi na ko sumabay kasama ko naman si Vince eh nasan naman si ate Faith?"
"I'm here..." Ang masayang bungad naman ni Faith na may dalang cookies.
"Wow, ikaw nag bake ate?"
"Um...actually kami ni Siopao."
"Opo tita Kelly tikman niyo po."
"Ah...sige." kumuha siya ng isang pirasong cookie at kinain "Ohhh...masarap moist at hindi dry ang pag ka cookie."
"Sabi ko po sa inyo tita Faith eh okay ang lasa."
"Syempre tayong dalawa ang nag bake eh nga pala babysis mag bihis ka na at aalis tayo ng mga kuya mo mamaya."
"Nani? Saan po pupunta?"
"Sabi po ni daddy dun daw kay Aling Charing."
"Aling Charing?"
"Oo yung may tindahan ng mga gowns sa labas ng subdivision."
"Ohhh...bakit anong meron?"
"Attend tayo ng birthday party!" Ang bungad namang sambit ni Kian na sumulpot sa likuran ni Kelly "Oh? Bakit dyan ka galing kuya kala ko sabi ni Jacob nasa likod kayo ni kuya Keith?"
"May kinuha ako sa garahe eh sige na mag bihis ka na."
"Pero ano bang party-party yung sinasabi mo kuya? Ayoko ng ganyan iwan nalang ako dine."
"Hinde sasama ka at wala ka ng magagawa."
"Pero kuya..."
"Tumigil ka! Ayan ka na naman hindi ka na naman sumusunod."
"Pero kuya hindi naman talaga ako nasama sa ganyan eh di ba?"
"Eh iba nga ito kapatid ito ni ate Vivian mo."
"Ate who?"
"Si ate Vivian yung naging tutor mo nung elementary ka." Ang sabi naman ni Keith habang may dalang basahan at pinupunanasan yung kamay niyang basa mula sa paghuhugas.
"Tama si Keith siya lang naman yung naging tutor mo at kababalik niya lang galing states."
"Oh? Tapos? Hindi naman siya yung may birthday hindi ba? Sabi mo kuya kapatid naman niya kaya bakit pa ko mag eeffort na mag punta."
"Sabi nya nga pumunta tayong lahat!"
"Pero kuya hindi naman ako talaga noon pa man na sama sa ganyan bakit ba pinipilit mo ako ngayon? Ano ba talagang meron?"
"Gusto kang makita ng kapatid niya."
"Ha? Kuya yung Vivian nga na tutor ko ka nyo di ko maalala yung mukha tapos yung kapatid niya pa? Aba! Anong malay ko naman doon."
"Ahhh...Basta! sasama ka sa ayaw mo at sa gusto and that's final kung ayaw mong bawasan ko ang allowance mo!"
"Ano? Kuya naman!!!" nakita naman niyang ka agad si Kevin at Kim na nababa ng hagdan kaya lumapit ito at nag sumbong "Kuya Kevin, kausapain mo nga si kuya Kian pinipilit akong sumama dun sa birthday party eh ayoko naman."
"Babysis wala akong magagawa pag kinampihan kita ako naman hindi makakagamit ng motor alam mo namang kailangan ko ng motor dahil minsan gabi na ako umuwi wala pa sa oras."
"Pero kuya..." lumapit naman siya kay Kim "Kuya Kim...help me...."
"Bunso, wala rin akong magagawa alam mo namang nag titipid ako para sa future kasal namin ni Yannah someday kaya kailangan ko ang laging makisabay sa kotse ni kuya Kian para maka libre ako ng pamasahe."
"Ano? Pambihira, bakit pakiramdam ko pinag planuhan niyo na ito ng wala akong alam? Kuya Keith..."
Nilapitan niya rin ito para makiusap "Kuya, tulong naman alam mo namang ikaw talaga favorite ko eh sige na help me."
"Nako, don't me bunso alam kong si lahat naman kami favorite mo at ganyanka kapag alam mong naiipit ka na kaya wag ako! Tsaka alam mo namang sa bahay na ito si kuya Kian ang na susunod kaya wag ka ng mag himutok pa diyan mabilis lang naman yun."
"Ang daya niyo! Its unfair isusumbong ko kayo kay Mama pinagtutulungan niyo ako."
"Ahm...actually babysis excited si Mama na makita kang naka gown tumawag kasi siya kanina nag video call kami nila Jacob." Ang sabi ni Faith.
"Ano? Pati ba naman si Mama? Pambihira!" napatingin naman siya kay Jacob at lumapit "Baby, help me to your dad."
Tinitigan naman ng masama ni Kian ang anak niya "Ah...eh...a—ano po kasi tita Kelly wala din po akong magagawang tulong sa inyo kasi nangako si daddy na ibibili niya po ako ng ipad kapag hindi ko kayo tinulungan."
"Ano? Kuya Kian naman! Pati ba naman si Jacob? Kinuntsaba mo? Ano ba kasing gusto niyo bakit kasi kailangan sumama pa ako sa lintek na birthday party na yan?!"
"Magtatapos ka na sa kolehiyo at malaking tulong kung makikihalubilo ka sa ganyang gatherings maraming mga business owners ang nandoon at si Vivian mismo ang magpapakilala sayo sa mag business partners nila malay mo makuha ka na agad na I.T Specialist edi hindi ka mo na kailangan pang mag apply kung saan-saan pag naka graduate ka na."
"Sighh...bahala na nga kayo...aakyat na ko." Malungkot at walang ka gana-gana syang umaakyat ng hagdan sinubukan naman siyang sundan ni Jacob pero pinigilan ito ni Faith "Baby, hayaan mo muna."
"Ay...sige po."
"Kuya, hindi ba parang pinepressure mo naman sa Kelly na maghanap ka agad ng trabaho pag graduate niya? Bata pa naman siya hayaan na muna natin kaya syang magpahinga." Ang sabi ni Kevin.
"Hayaan mo hindi ko naman sya pinepressure na mag trabaho ka agad ang akin lang para masanay sya sa buhay alam niyo namang hindi sa laat ng oras ay kasama niya tayo kaya kailangan na natin siyang i-train humarap sa realidad. Hindi yung puro nalang sya bahay at eskwelahan magtatapos na sya ng kolehiyo kaya kailangan niya ng harapin ang pagiging adult hindi na siya bata para lagi nating subaybayan."
Sumangayon naman ang mga ito sa kaniya habang pinili nalang manahimik nila Faith at Jacob dahil pakiramdam nila naging seryoso na ang reaskyon ng mukha ng mga ito.
Samantala,
Hindi umuwi si Patrick sa bahay nila kung hindi sa kaniyang Condo at laking gulat niya pagbukas niya ng puntuan ang ingay sa loob at nag sasoundtrip pala ang kaniyang ate May. "What the? ATE!!!!"
Nagulat naman si May paglingon niya na noon ay nag mumuni-muni sa may balcony habang nainum ng hot choco na para bang sya yung may ari ng condo ni Patrick "You scared me bro!!!"
"Ang lakas naman ng sounds mo! Tsaka anong ginagawa mo dito? At paano ka nakapasok dito?"
"Huh! Tinatanong mo pa talaga yan malamang may access ako nakalimutan mo na atang Vice Chairman ako dito da building na ito."
"Sigh...yah...pero bakit ka nga nandine? Hindi ba pang malls ka lang at si kuya Richmond dito sa condo."
"Umalis muna ako sa bahay nauuma ako kila daddy at mommy."
"Ha? Bakit? Nag away kayo? Bababa ka na sa position mo? Sino nang papalit? Ayoko ate bahala ka diyan."
Bineltukan siya ni May "Ang dami mong dada nakakaisa palang ako ikaw nakarami na wagas kaya siguro hindi ka parin sinasagot ni Kelly eh dahil sa oa mong ugali."
"Tsss...don't add salt naman ate ang sakit na nga ng puso ko eh."
"Ha? Bakit? Anong nangyare? Hiwalay na kayo?"
"Ikaw itong oa eh hiwalay agad? Wala pa ngang kami!"
"Ay...oo nga pala sorry naman ikaw rin kasi feeling jowa ka diyan."
"Wow...ako pa nga daw."
"Sus...tanggi pa pero ano bang nangyare? At parang wala ka nga sa mood."
Napatingin naman sa malayo si Patrick habang nasa balcony sila ng ate niya "Ate, ikaw ba na inlove ka na?"
"Ha? Bakit naman na punta bigla sakin ang usapan?"
"Wala lang gusto ko lang maghanap ng karamay feeling ko kasi wala talaga kong pagasa kay Kelly."
"What do you mean? Binusted ka na?"
"Hindi pa naman pero feeling ko hindi niya naman talaga ako gusto."
Bineltukan ulit siya ng ate niya "Sira! Ang drama mo ha! Kung hindi ka pa naman nire-reject kumapit ka lang tsaka kami kasing mga girls pa hard to get rin minsan lalo na kung alam naming gusto kami nang guy."
"Hmmm?"
"Oo, pakiramdam ko Kelly is into you pero dahil nga alam niyang gusto mo sya kampante lang sya na nandyan ka lagi sa tabi niya. Kaya kahit na gusto ka na niya hindi nya inaamin kasi nga pa hard to get kaming mga girls well, sa panahon ngayon minsan opposite na rin eh."
"Hmmm...So pwede akong mag pa hard to get din?"
"Bakit naman hindi? Edi gawin mo para naman hindi ka nagiging mukhang aso kakasunod kay Kelly."
"Grabe ka sa aso."
"No sugar coated bruh...para dama mo.ahahahaha..."
"Baliw!"
"Pero bro try mo para may thrill."
"Paano naman yun eh ako yung unang umamin paano pa magiging pa hard to get yun?"
"Easy, pag selosin mo."
"Huh?"