Sa Classroom,
Habang busy ang lahat mag sulat ng kanilang takdang aralin nakatingin lang si Patrick kay Kelly na noon ay busy sa pagsusulat at napatingin naman bigla si Vince sa likuran nila at doon nakita niya si "Patrick? Huy!!!" Aniya.
"Ha?"
"Anong ginagawa mo? Bakit hindi ka diyan magsulat? Busy ang lahat sa pag sunod sa sinusulat ni Prof. Mina ohh...tapos ikaw nakatulala lang ay...wait, nakatitig ka kay Kelly noh?!"
"Ano yon?" Ang sabi ni Kelly.
Tinakpan naman ka agad ni Patrick ng kamay niya ang bibig ni Vince "Wa---wala lang yun sabi niya ang ganda mo raw mag sulat."
"Ano? Eh mas maganda pa nga mag sulat sakin yang tukmol na yan. Look oh!" pinakita niya nga ang notes niya at talaga namang hindi ka aya-aya ang itsura ng kaniyang penmanship.
"Ahhh...ha---ha---ha...oo nga."
"Mmm...Mmm..."Ang reaksyon naman ni Vince pandalas namang tinanggal ni Patrick ang kamay nya dito.
"Anong bang ginagawa niyong dalawa?"
"Ha? Wa—wala."
"Nako, mag sulat na nga lang kayo diyan."
Nagkatinginan yung dalawa at nag kasensyasan "Mag uusap tayo mamaya!!!" Ang gigil na gigil na sambit ni Patrick.
"Ah...eh..."
Kinatanghalian,
"Saan tayo kakain?2pm pa naman ang balik natin eh." Ang sabi ni Dave.
"Ako kahit san."
"Syempre yayamanin ka naman."
"Tsss...ewan...bakit ayaw mo ba ng libre ngayon?"
"Syempre ayoko...ayokong huminde. Dude!! Libre yan at hindi tinatanggihan ang blessings."
"Huh! May kakapalang taglay ka talaga eh no?"
Habang busy naman si Vince at Kelly sa kanilang gamit lumapit si Harvey at sinabing "Yow, saan kayo kakain? Sa Canteen ba?"
"Wala kang meeting?"
"Wala bro."
"Ohh...kaya pala andine ka hahaha...hindi na kami sanay andine ka eh bakit ba kasi laging may meeting kayong SC tatakbo naman ba kayo sa government officials?"
"Luko! Madami lang talagang gawain malapit na rin di ba ang new elections of SC dahil malapit na matapos ang school year."
"Yeah...at 1 month and 2weeks nalang gagrad na tayo..."
"Umm...nakakamiss na nga agad ang school."
"Nakakamiss? Ang school o ang aircon ng classroom?"
"Hehe...you know me talaga Kelly belly."
"Baliw!!! Namamayat na nga ako anong belly dyan ha Mr. Class Pres?"
"Ahahaha...tuh naman di na mabiro."
"Pero master namamayat ka nga nag dadiet ka ba?"
"Hindi naman nung nakaraang araw kasi di ba nag kasakit ako nawalan kasi ako ng panlasa kaya hindi ako nakakain ng ayos."
"Talaga? Bakit hindi mo sinabi sakin?" Ang pagulat na reaksyon at sambit ni Patrick napatingin naman yung tatlo sa kaniya.
"Ba---bakit ko naman sasabihin sayo? Nanay ba kita?"
"I---I mean sana tinext mo man lang ako para napadalhan kita ng foods sa inyo."
"Huh! Binge ka ba o tungaw? Nawala nga panlasa ko paano mo naman ako gustong kumanin ha aber?"
Inakbayan naman siya ni Dave si Patrick at sinabing "Nga naman dude sana ako nalang tinanong mo kung gusto ko ng foods di ako tatanggi diyan."
"Tsss...dyan ka magaling." Tinanggal naman niya yung braso sa kaniya ni Dave.
"Oh, saan na tayo kakain gutom na ko eh." Ang sabi naman ni Harvey samantalang may napansin si Vince sa galawan nila Kelly at Patrick at sa isip-isip niya "Bakit kakaiba ata ang pakikitungo ni Kelly dine kay Patrick sa pagkaka alala ko mag kaaway sila at hindi nag papansinan dahil dun sa muntik ng mangyareng aksidente. Eh bakit parang walang nangyare hmmmm...I think something is really not right here I need to find out soon."
"HUY!!!" Ang sabi ni Kelly sa kaniya
"Ano? Makasigaw wagas!!"
"Bakit ba tulala ka kasi diyan?"
"Ha? Wala may iniiisip lang."
"Halika na nauna na yung tatlo sa labas."
"Ah? Oo san ba tayo kakain?"
"Ewan ko sabi ni Patrick treat nya raw at pag ibre lalong masarap."
"Sighh...minsan talaga kinakahiya kong pinsan kita."
"Aba't!!! Bakit naman? Baluga ka!!!"
"Ang hilig mo kasi sa libre siguro nga kung ililibre ka ng bahay at lupa tatanggapin mo ka agad kahit illegal pa ang kapalit."
Bineltukan siya ni Kelly at tumakbo at sinabing "Oo tatanggapin ko lalo't kung ikaw ang hinihinging kapalit. Gung gong!"
"Ano? Hoy!!! Bumalik ka dito!!!"
Sa Bahay ng mga Santos,
Busy na mamili at sinusukatan ng damit sila Mrs.Patricia at May samantalang busy naman sa pag lalaro ng chess sila Mr. Ricardo at Richmond " Mom, why it must be so bongga ang kailangang damit natin? It's just a party though."
"Tuazon's our biggest investors now so we need to dress up so elegantly."
"Ohhh... I see ano po ba ang business nila?"
"What? You didn't know Tuazon Aviation?"
"Waitttttt....mom your lying aren't you?"
"No! Bakit naman ako magsisingungaling? Sila nga ang bago nating investors hindi ko rin alam bakit sila biglang nag invest sa negosyo natin samantlang ang layo ng Aviation Industry sa Mall Industry. Right?"
"Yahhh...hmmm...now I'm thinking is this because of Patrick?"
"Why?"
"Mom, you and dad said the birthday celebrant want my brother to be in her party right?"
"Then?"
"So, meaning that girl the birthday celebrant really likes Patrick!!"
"No way!!! But Patrick likes Kelly di ba?"
"And you like Kelly to my baby bro right?"
"Ahm...oo kasi mabait na bata si Kelly at may respeto at kitang kita naman natin na gustong gusto sya ng kapatid mo."
"Well, I liked Kelly for baby bro but what if Mr. Tuazon proposed a deal?"
"Like what?"
"Gaya po ng mag sign sila ng maraming contract for investment ulit satin pero ang kapalit arrange marriage. Anong gagawin niyo?"
"Syempre hindi na kami papayag ng daddy mo diyan I like Kelly for Patrick and sya lang ang gusto ko para sa kapatid mo."
"Dahil kamukha po siya ni Paula? Mom, Kelly is Kelly not Paula."
"I know but I do really like Kelly for Patrick."
"Well then cut our ties with the Tuazon's mom."
"What? But why?"
"I'm thinking na baka sa huli magipit tayo I mean baka maipit po tayo sa sitwasyon."
"What' s the matter? Bakit ang seryoso niyong dalawa dito? Hindi ba maganda ang mga damit niyong sinusukat?"
"We're talking about the Tuazon's, dad."
"What about them?"
"Your daughter said we need to cut our ties with Tuazon's."
"What?"
Sa magkaparehong oras,
Nakarating na sa isang Korean restaurant ang tropa at ready na rin ang kanilang pagkain at ang daming inorder ni Patrick "Woah...ang dami nito dude grabe parang busog na ko agad kahit hindi pa ako nakain." Ang sabi ni Dave na katabi naman si Vince at Harvey sa iisang upuan samantala nasa harapan naman nila sila Patrick at Kelly na magkatabi rin sa upuan.
"Tsss..edi ayaw mo na? Lakad umuwi ka na!"
"Ikaw naman di na mabiro let's dig in!!! KAINAN NA!!!"
"SHHHHH..." Anila.
"Ang ingay mo kumain ka na nga lang ng tahimik diyan."
"Vince, ipagluto mo ko ng strip ng pork then lagyan mo ng maraming cheese okay?"
"Tsss...opo mahal na reyna mag dahan-dahan ka nga sa pagkain ng mamantika kagagaling mo lang."
"KJ!!! Wala pa nga ako nakakain kung hindi a'reng lettuce laang na're."
Inabutan naman siya ni Patrick ng bowl "Here, I will cook the noodles for yah."
"Luh! Nakulo na nga oh...tska luto na yan bilis bigyan mo na ko."
"Ah...oo sige." At ikinuha na nga niya ng noodles si Kelly at napatingin naman si Vince doon sa dalawa.
"Huy!!! Bakit napatigil ka diyan? Kumain ka na rin tignan mo yang si Dave baka maubusan ka niyan sige ka." Ang sabi naman ni Harvey na busy rin sa pag nguya.
"Ah? O—oo sige."
"Wow...korean noodles is really the best kumpara sa noodles natin."
"Oo naman master yung instant noodles satin ang papayat ng strips wagas."
"Yeahh...and I really like spicy noodles."
Binigyan naman ka agad sya ni Patrick ng bottled water at binuksan niya pa ang takip nito "Um...eto uminum ka muna ng tubig baka mabigla yung tyan mo sa anghang."
"Okay...thanks."
"Welcome."
Ngiting-ngiti naman si Patrick habang tinatambakan niya ng pagkain sa plato nito si Kelly at sa hindi inaasahan napatingin na naman siya kay Vince at pinandilatan siya ng mga mata nito. "Ahem....Kelly!!"
"Hmmm?"
Nakatingin pa rin siya kay Patrick habang kausap si Kelly "Eto na yung karne mo at hinay-hinya ka lang sa pagkain!!!"
"Oo na!"
"Tsaka ano nga palang gusto mong flavor ng bingsu? Meron kasi sila dito right Parick?" tinaasan niya ng kilay ito.
"O—oo meron teka oorder ako."
"Ah...hinde tayo ng dalawa ang umorder ako ng mag babayad."
"Ha? Hindi sagot ko na."
Tinitigan niya ng masama si Patrick na para bang ang sinasabi niya ay "Wag ka ng kumontra pa dyan."
"O—Okay."
"Cholate flavor sakin." Ang sabi naman ni Harvey
"Oo ako rin." Ang sambit naman ni Dave.
"Akin, yung pinakamahal na flavor ng bingsu na meron sila libre pala ni Vince eh....minsan lang yan...baka uulan mamaya."
"Aba't!!! Lukang toh ah..."
"Sige na orderin mo na."
"Oo na Patrick samahan mo ko!"
"Ha? Pwede naman tayong tumawag ng..." Hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil hinila na siya ni Vince at bumulong "Sumama ka na at may kailangan tayong pagusapan."
"Pe---pero..."
"Halika na!!!"