Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 176 - Kabanata 176

Chapter 176 - Kabanata 176

Kinagabihan sa bahay ng mga Santos,

Habang nakain ng kanilang dinner ang pamilya hindi naman maikubli ni Patrick ang kaniyang sayang nararamdaman ng gabing iyon. Kaya habang nilalaro lang ang kaniyang pagkain pangiti-ngiti itong parang baliw at napansin naman ito ng ate May niya at napabulong kay Richmond "Anong nangyayare sa isang yan?"

"Ano?"

"Si Patrick, nahihibang na ata ano namang nakakatawa sa hapunan natin ngayon?"

"I don't know baka dahil may saging yung nilagang baka ni Manang Tina?"

"Tungek! Matagal naman ng nag lalagay ng saging na saba si Manang sa nilagang baka niya ah.."

"Tsss...eh sa ayaw ko nga."

"Anong pinag bubulungan nyong dalawa?"

"Nothing dad, but your youngest son is getting crazy."

"What are you talking about May?"

"Look dad."

At nakita nga ni Ricardo ang anak na ngiting-ngiti napatingin rin naman si Mrs. Santos "Son? Patrick!!!"

"M---Mom?"

"Anong nangyayare sayo? Hindi ka naman nakain eh hinahalo mo lang ng hinahalo yang pagkain mo."

Ngumiti si Patrick at sinabing Busog pa po kasi talaga ako Mommy sige po mauuna na ako sa kwarto ko." Bago sya umalis bumeso muna sya sa mommy at ate May niya "Una na ko dad, kuya.."

"Um..."

Pagkaalis ni Patrick "Anong nangyayare sa batang yon?"

"Baka nag bibinata dad."

"Hmmm?"

"Ganyan din po ako nung binata ako."

"Luh! Binata ka parin naman kuya hanggang ngayon."

"Tsss...I mean nung kasing age ako ni Patrick baliw!"

"Ahhh...yun ang sabihin mo bakit kasi ayaw mo pang ligawan ulit si Ms. Maricar malay mo ngayon sagutin ka na."

"At paano mo naman nalaman na nanligaw ako sa kaniya?"

"Duh!!! Naglasing ka lang naman noon kuya at nag wala nung binusted ka ni Ms. Maricar."

"Heh!"

"By the way, May sa Thursday ngayon right?"

"Yes Mom is there something you need from me?"

"No, actually sa inyong lahat."

"Ano pong meron?"

"We need to attend birthday party this coming Wednesday."

"Where?"

"Sa mga Tuazon our new biggest investors kaya we need to come as a family."

"But mom alam niyo namang ayaw ni Patrick sa ganyan."

"But we need to come nakakahiya kung hindi tayo dadalo ng kumpleto. Tsaka...si Patrick rin ang request nung birthday girl."

"WHAT?"ang pagulat na tugon nila May at Richmond.

"Um...your heard it right and wala na kaming nagawa dahil kapipirma lang nila satin ng contract so we agreed."

"But dad, alam niyo namang hindi mahilig sa mga gatherings si Patrick tsaka bakit ba sya yung gusto nung birthday celebrant ang dami namang pwedeng bilhin eh."

"Huh! Hindi mo parin gets? May gusto yung birthday girl sa kapatid natin."

"WHAT?"

"Well, hindi naman sinabi ni Mr. Tuazon ang dahilan kung bakit gustong makita nung anak nila si Patrick."

"Pero daddy, mommy bakit naman pati personal matter eh sinama na sa pag pirma ng contract ngayon?"

"Hindi naman sa ganun but business is business."

"Sigh...nakakawala na po ng gana."

Tumayo na rin si May at umalis "May!!!"

"Hayaan niyo nalang muna dad makiki tsismis lang din yan kay Patrick."

"NARIRINIG KITA KUYA!!!"

"Tsss..."

Samantala sa kwarto ni Patrick,

Pagulong-gulong at pabalik balik sya sa kaniyang kamang hinihigaan na animo'y kinikilig "Wahhhhh...eto na ata ang pinakamasayang araw sa buhay ko."

"Ano na kayang ginagawa niya?"

Bumangon siya at naupo tapos kinuha ang phone niya sa may side table "Tawagan ko kaya sya?"

"Pero baka galit parin siya sakin dahil dun sa nangyare."

"Pero..aksidente naman yun at sya nga yung bigla nalang bumangon ng walang pasabi tapos..."

"Buksan mo ang pinto Patricio." Ang sabi ni May.

"Si ate?" pinagbuksan niya naman ka agad ng pintuan ang kanyang ate.

"Oh? Tatayo ka na lang ba diyan? Alis papasok ako." itinulak niya ng bahagya si Patrick na noon ay wala talagang balak patuluyin sa kwarto niya si May.

"Ano na naman ba ang kailangan mo ate?"

Kinuha ni May yung Rubik's cube ni Parick sa study table nito at umupo rin "Bakit masama bang makipag usap sayo ngayon?"

"Hi---hindi naman pero busy ka hindi ka ba mag papahinga?"

Binato ni May ng nilalaro niyang rubik's cube si Patrick pero nakailag ito "Makapag sabi ka ng hindi ka ba magpapahinga parang gusto mo na akong i-tegibumbum ah. Baliw na ito!"

Pinulot ni Patrick ang binato sa kaniya ng ate niyang rubik's cube "Sisirain pa eh kabibili ko lang nito nung last week eh."

"Tsss..bili ka ng bili niyan ni isa nga wala akong nakikitang nabubuo mo."

"Mag antay ka lang pinag aaralan ko pa."

"Bahala ka! Nga pala kamusta naman kayo ni Kelly? Sinagot ka na ba niya kaya ika'y masayang masaya ngayon?"

"Ha? H—Hindi pa

"Ang bagal mo naman bilisan mo at baka may dumating kalaban."

"Kalaban?"

"Hmmm...hindi pala kalaban mo kalaban ni Kelly."

"Ha? What do you mean by that ate?"

"Sa Wednesday night mo nalang malalaan sa ngayon sige i-enjoy mo lang yang kinasisiya mo at ako eh inaantok na." At umalis na nga si May napaisip naman si Patrick "Anong meron sa Wednesday?"

Kinabukasan sa bahay naman ng mga Dela Cruz,

Busy pa sa kani-kanilang ginagawa ang mga kuya ni Kelly habang siya ay naka pam P.E uniform na "Oh? Ang agad mo ata ngayon?" Ang sabi ni Kevin.

"Um...nag review ako kagabi at feeling ko kuya mapepefect ko ang exam."

"Aba dapat lang natigil ka na sa top 3 sa klase niyo eh bumawi ka para sa graduation mo may medal ka."

"Opo gagalingan ko mamaya sa pagsasagot."

"Morning babysis..." Ang sambit ni Faith na may dalang mga palato at kutsara kasunod naman niya si Keith na dala yung kanilang agahang lahat na tapsilog.

"Good morning din po ate aba kuya Keith lately ang aga ng gising po ah."

"Heh! bakit parang energetic ka eh agang aga pa."

"Of course every morning is a blessing."

"Sus..."

"Kelly, yung exam mo pagbutihin mo okay? Mag focus ka sa exam hindi yung kani-kanino."

"Opo kuya Kian focus po ako wag kayo mag alala."

"Siguraduhin mo lang."

"Oo nga."

Makalipas naman ang 45mins,

Iniintay ni Patrick si Kelly sa labas ng kanilang classroom at nung dumating na nga ito para bang sa paningin niya si Kelly lang ang nandoon at hinahangin pa ang buhok nito na parang model sa isang brand ng shampoo. Hindi niya na nga namalayan na nasa harapan niya na ito "Are you okay?"

"Ha? O---oo naman ikaw okay ka ba? Yung kahapon...galit ka ba?"

Tinakpan naman ni Kelly ang bibig nito at hinila sa isang tabi "Shhhh...wag kang maingay nakakahiya sa mag makakarinig baka matsismis pa tayo lagot ako nire kila kuya."

Hinawakan naman ni Patrick ang kamay nito "Hoy!!!!" Ang reaksyon ni Kelly at pandalas namang lumayo.

"Ang lambot ng kamay mo parang bulak pwede ng unan sa lambot."

"Heh! Subukan mo lang talagang ikwento sa iba yung nagyare kahapon malilintikan ka talaga sakin." Lumapit naman bigla sa kaniya si Patrick at nagulat siya "Don't worry Ms. Beautiful our secrets is my treasure."

"Heh! Luamyo ka nga nakakasiwa ka!"

"Uyyy...namumula na naman ang mukha niya inlove ka na talaga sakin no? Aminin mo na kasi hindi naman ako magagalit eh baka mahimatay lang ako sa kilig Ayieee..."

Namumula nag aang pisnge ni Kelly pero kino-control niya ang sarili "Lubayan mo nga akong buset ka!!!"

"Asus...kunwari pa." Lumapit siya kay Kelly at hinalikan niya ang pisnge niti at kumaripas ng tatakbo sa loob ng classroom nila.

"PA---PATRICKK!!!!!" hinabol niya si Patrick sa loob ng kanilang classroom at ang hindi nila alam may nanonood sa kanilang ginagawa si Honeygrace kasama ang kanyang bestfriend na si "Curl! Let's go!!!"

"Akala ko ba kakausapin mo si Patrick about sa birthday mo?"

Habang nag hahabulan yung dalawa sa loob nakatanaw naman si Honeygrace sa di ka layuan na wari'y nag seselos "No need, I have a new plan."

"Ano yon?"

"You'll see."