Ang pagpapatuloy,
Nagkatitigan yung dalawa na wari'y maglalapit na ang kanilang mga labi ngunit "Hep, No! Ang sabi ni Kelly at napatayo at lumayo kay Patrick.
"So—sorry I didn't mean it I...I just..."
"ENOUGH!!!"
"So---sorry..."
"Hindi na tama ang mga inaasal natin."
"Ano?" Napatayo rin si Patrick at lumapit kay Kelly pero nilayuan naman siya ka agad nito.
"I know may something na kakaiba sating dalawa pero ayokong ipagpatuloy."
"What?"
"Hindi pa ako ready!"
"Saan ba?"
"Yung ano...yung...you know..."
"Ang alin ba hindi kita maintindihan."
"Sigh...basta yung cheesy na romantic eklabu."
"Huh....hahahaha..."
"Baliw ka na? Bakit ka natawa diyan mag isa? Luko!"
"Aminin mo nalang kasi na may pagtingin ka na din sakin."
"Tsss...asa ka!"
Lumapit siya kay Kelly ng sobrang lapit "Bakit ka namumula? Kung wala lang ako sayo sa tuwing nalapit ako sayo para kang namumulang kamatis diyan."
Napaatras naman si Kelly "Ba---bakit mo naman nasabi? Kapal mo!" atras siya ng atras dahil lapit naman ng lapit sakaniya si Patrick hanggang sa napatid siya sa isang bato at parehas na silang na out of balance at natumba.
"Awww...." pumailalim si Kelly kay Patrick.
"Ayos ka lang?"
Nagkatitigan yung dalawa at sa isip-isip ni Kelly "Grabe, ang kinis ng mukha niya daig niya pa ata ako sa pakinisan ano kayang ginagamit nireng sabon? Grabe, gusto kong hawakan ang pisnge niya at gusto kong ma feel kung gaano ka soft ang skin niya. Mapapa sana ol ka nalang talaga sa lalaking ito."
Taliwas naman ito sa inisip ni Patrick sa kaniya "Kailan ko kaya mapapa amin ang diyosang ito? Hindi na ako makakapayag na may maging karibal na naman ako sa puso niya hindi na talaga!!!"
Naririnig ng dalawa ang mabilis na pag tibok ng kanilang puso "Kinakabahan ka ba?" ang sabay pa nilang sambit.
"Ah...so—sorry..."
"Aw..."
"Anong masakit?"
"Yung kamay ko kasi nasa likod mo?"
"Ha?" sa hindi inaasahan bumangon ka agad si Kelly ng hindi nag iisip kaya nag kiss sila at parehas nila itong kinagulat kaya pandalas naman silang humiwalay sa isa't isa at biglang dumating naman si Jacob na nag tataka kung bakit ang pula ng pisnge nung dalawa.
"A---ano pong meron sa inyong dalawa? Bakit ganyan po kapupula ang mga mukha niyo?"
"Wa---wala naman ito mainit lang talaga...sige baby pasok na ako at nakalimutan ko iinom pa nga pala ako ng gamot." At pandalas naman ng kumaripas ng takbo si Kelly papasok sa loob ng bahay nila.
"Eh? Nyare?"
"A---ahm...Jacob aalis na rin ako may nalimutan kasi ako may pinabibili nga pala sakin si ate May baka inaantay niya na. Sige ha? Bye..." pandalas na rin namang umlis si Patrick.
"Hey!!!! Anong nangyare sa dalawang yon? Hmmm...mukhang may something fishy akong dapat imbestigahan dito."
Makalipas ang ilang minuto nung umalis si Patrick dumating naman sila Kim at Kian "Eh?"
"Bakit?"
"Kuya, hindi ba umalis sila Keith at Faith?"
"Oo sila Kelly at Jacob lang ang naiwan dine anong problema?"
"Bukas kasi ang pinto hindi ba binilin na natin kay Kelly na lagi nyang ila-lock ang pinto?"
"Hmmm...malalaan tara at pumasok na tayo."
"Um..."
At pag pasok nung magkapatid nakita nilang nag iimis ng pinag kainan si Jacob sa may sala nila "Oh? Siopao!"
"Tito Kim? Daddy? Andito na po pala kayo." Binaba niya muna ang kaniyang mga dalahin at nag mano sa dalawa.
"Bakit ikaw lang ang nandine? Asan ang tita Kelly mo? Masama pa ba ang pakiramdam?"
"Opo ata daddy."
"Bakit may ata?"
"Ehhh...ewan ko po sabi niya maliligo lang po siya dahil ang init ng pakiramdam niya."
Nagkatinginan yung dalawa ni Kim at Kian "Uminom ba ng gamot ang tita Kelly mo ha nak?"
"Opo daddy siguro na pagod lang po medyo naging kakaiba po kasi ang araw na ito para samin ni tita Kelly eh."
"Hmmm?"
"Mamaya ko na po ikukwento sa inyo dahil liligpitin ko pa po ang mga pinagkanan namin dine."
"Hindi na kami na ng tito Kim mo parang hindi ka pa ata naliligong bata ka anong oras na oh?"
"Ay...opo nga pala sige po maliligo lang po ako."
"Um...sige na kami ng bahala dine."
"Okay po." At iniwan na nga niya ang daddy at ang tito Kim niya habang ibinababa ng dalawa ang kanilang bag.
"Teka, dalawa lang sila dito hindi ba?"
"Oo kuya."
"Eh bakit tatlong platito ang nandine sa lamisita?"
"Aba, oo nga baka may bumisita kay Kelly?"
"Hmmmm...mukhang may kailangan na naman tayong imbestigahan."
"Yeah..."
Samantala,
Habang nagda drive ng kanyang kotse si Patrick huminto siya sa isang tabi at bumaba tapos sumigaw "AHHHHHHHH..."
"KELLYYYYYYYY I LOVE YOU!!!!"
"Hmmmmmha,....OMG!!! Nag kissed kami!!!" ang kinikilig niyang sambit at pasalamat siya dahil walang tao sa lugar kung saan siya nag sisisgaw at abot tenga naman ang kaniyang ngiti at kinuha niya ka agad ang phone niya at tinawagan si Mimay.
"Mimayyyyyy!!!!"
"Hoy!!! Wag kang sumigaw buset!!!"
"So—sorry sobrang excited lang."
"Bakit anong ganap? Hoy! Nga pala kayo lang ni Kelly ang nakakaalam ng number ko na ito kaya pag nalaman ito ni Dave malilintikan ka talaga sakin uuwi ako diyan!!!"
"Tsss...ang layo mo nga tsaka wag kang mag aalala safe samin ni Kelly ang number mo pero wahhhhhh.... kinikilig ako besh..."
"Tsss...maka besh ka naman di'yan!!! Si Kelly ka na ba ngayon? Baliw!!!"
"Ehhhh...kasi nag kiss kami!!!"
"Ohhh...Kiss lang pala eh...ANO???"
Nilayo naman ka agad ni Patrick yung phone niya sa tenga niya dahil napa sigaw ng di oras si Mimay "Oh..kalma!!! Kiss lang yon wagas."
"Pe---pero paano? I mean si---si Kelly hinalikan mo? Wait, bro si Kelly talaga yon? O baka naman nanaginip ka pa diyan ng gising baka unan mo lang na may picture ni Kelly ang naka kiss mong bungol ka!"
"Sira!!! Alive na alive ako dine oh!!! Nasa gilid nga ko ngayon ng kalye."
"Luh! Baliw ka na nga bro at anong ginagawa mo diyan? Don't tell me sumigaw ka na feeling mo nasa Meteor Garden kang palabas at ikaw si Sankay."
"Sino?"
"Basta yung female lead doon wag kang bobo."
"Huh! At ako pa nga daw sira ka talaga!!! Pero oo nga nag kiss kami pero hindi naman kasi yun sinasadya as in 5secs. lang ata ganun ang ka bilis."
"Ohhh...buti naman kung hindi sure akong hindi mo na maigagalaw yang panga mo dahil sure akong na sapak ka na ni Kelly. Ahahahahaha..."
"Yeah...pero anong gagawin ko? Hindi kaya magalit na naman sya sakin?"
"Hmmm...ano bang naging reaksyon niya?"
"Ahm...okay lang?"
"What okay lang?"
"Hindi ko rin talaga alam kasi nga parehas kaming nagulat sa kiss na yon pero besh feeling ko unti-unti ng nahuhulog ang loob sakin ng bestfriend mo."