Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 169 - Kabanata 169

Chapter 169 - Kabanata 169

Mag-iisang oras ng nakaluhod si Kelly sa munggo sa kanilang sala habang may nakabalanseng dalawang libro sa kaniyang magkabilang kamay. Habang nag-iinuman naman ang mga kuya nya sa kanilang terrace lkasama niya naman sila Faith at Jacob na walang magawa kung hindi maupo nalang at kausapin si Kelly para hindi ito mabagot at hindi maramdaman ang sakit at ngalay "Babysis, ayos ka lang ba talaga? Hindi na ito makatarungan!!!"

Nararamdaman na ni Kelly ang ngalay pero nakukuha parin niyang ngumiti para hindi sa kaniyang mag-alala yung dalawa lalo na si Jacob na iyak rin ng iyak "Tita Kelly!!! Sorry po pero ayaw ni daddy makinig sakin."

"Ayos lang si tita sanay na ako sa ganito parusa na ito samin ni Mama hindi ba dati lumuhod rin kami nila kuya sa ganito nung nagalit sya samin"

"Opo pero hindi po kayo pinaluhod sa munggo sila daddy lang po at sila tito dahil sa unan naman po kayo pinaluhod ni Mamsie kaya baka pagod ka na po."

"Kasalanan din kasi ni tita eh kaya wag mo na akong alalahanin matulog na kayo ni ate Faith."

"Pero babysis, wala kang kasama dito."

"Ayos lang po talaga ako ate wag na po kayong mag alala baka makasama pa yan kay baby Tum-Tum."

"Pero babysis..."

Na out of balance naman si Kelly "Babysis!!!" ang nag-aalalang sambit ka agad ni Faith "Tita Kelly!!!" naman ang sabi ni Jacob na tinulungan ka agad ang kaniyang tita.

"Ayoko na!!! Hindi na ko makakatiis bahala na kakausapin ko na ang mga kuya mo!!!"

"Wag na ate gusto ko rin namang pagdaanan ang ganito."

"Pero tita Kelly namumutla ka na hindi ka pa pinapakain nila daddy sobra na po sila!!!"

"Okay lang baby diet naman ako eh. Hehe..."

"Tita Kelly!!! Bakit ba gusto niyong pagdaanan ang ganito hindi niyo namang kasalanan na madumihan ang uniform niyo at magkaroon kayo ng galos! Bakit ganyan nalang kayo parusahan nila daddy!!! Ang unfair po nila hindi ko sila bati!!!"

Kahit na namumutla si Kelly at medyo nahihirapan na sa kanyang sitwasyon nagagawa niya paring tumawa "Haha...bakit hindi mo na sila bati?"

"Kasi inaaway po nila ikaw kaya galit na rin po ako lalo na kay daddy isusumbong ko po siya kay mommy!"

"Haha...ihahanap mo ako ng kakampi sa mommy mo? Kampihan kaya niya ako kung malaman niyang muntik na akong makapatay?"

"Po?"

"Wa—wait, babysis ano ang ibigsabihin mo roon? Si---sinong muntik ng makapatay? I---ikaw?"

"Baby, pwede mo ba akong ikuha ng tubig?"

"Si—sige po."

"Wag kang gagawa ng ingay ha? Para hindi ka marinig nila kuya."

"Opo...promise."

"Sige na."

"Um..."at dahan-dahan ngang naglakad si Jacob patungong kusina nila samantala tinanong ulit ni Faith si Kelly about doon sa sinabi nitong muntik ng makapatay "Babysis?"

"Wag nyo nalang pong sasabihin kila kuya o kahit kay Mama naitulak ko kasi kanina ng medyo may kalakasan si Patrick sa kalsada at muntik na syang masagasaan ng malaking truck."

Napasigaw si Faith ng "ANO?" napatingin naman sila Kian pero hindi na nila inintindi pa iyon dahil busy silang mag usap kasama si Ethan habang nag iinuman "So---sorry babysis na carried away lang ako pero bakit? Ano bang nangyare?"

"Hindi ko kasi na control ang sarili ko kanina pero nailigtas ko naman siya ka agad."

"Ohhh...buti naman kaya ba nag dumi ang uniform at nagkaroon ka ng sugat sa siko mo?"

"Opo ate pero hindi ko talaga gustong umacting na magpapakamatay hindi ko kasi talaga alam kung paano ko sasabihin kila kuya ayoko na kasi mag sinungaling sa kanila."

"Oo nga babysis pero tignan mo yan ikaw ngayon ang nahihirapan pwede mo namang i-explain sa kanila kung ano ang totoong nangyare sigurado naman akong maiintindihan ka nila."

"Pero ate pag nalaman nilang dahil iyon kay Patrick baka hindi na nila ako papasukin ng school ayoko ng mag online class."

"Sigh...hindi ko na alam ang gagawin ko sayo."

"Sorry ate."

"Tsk...na fall ka na ba talaga kay Patrick?"

"Ahm..."

"Sinong na fall?" Ang bungad ni Kevin na noon ay kararating lang at sa likod bahay nila dumaan "At bakit ka naka luhod di'yan? Ano na namang ginawa mong kasalanan? Teka! Ano yang sugat sa siko mo?" Pandalas naman siyang lumapit sa kapatid.

"Ku—kuya..."

"Anong nangyare? Nasan sila kuya?"

Hindi na nga napigilang umiyak ni Kelly "Kuya!!!!"

"Sigh...sige na halika na tumayo ka na diyan wag ka ng umiyak."

"Pero magagalit sila kuya Kian."

"Ate Faith anong oras pa nakaluhod si Kelly dine?"

Napatingin si Faith sa wall clock at sinabing "Isang oras na ngayon kasi 7pm sya sakto pinaluhod ng kuya Kian mo eh alas otso na."

"Ano?! Sigh...sige na babysis tumayo ka na dyan ako ng bahalang mag paliwanag kila kuya."

"Pero kuya baka magalit rin sila sayo."

"Wala akong pake! Tignan mo yang itsura mo oh? Ang putla putla mo na kumain ka na ba ng dinner?"

"Hindi pa siya pinapakain ng kuya Kian mo sabi ko nga hind naman ata tama yon."

"Tsk...sigh...sige na halika na tumayo ka na diyan ako ng bahala kaya mo bang tumayo?"

"Namamanhid ang tuhod ko kuya at ang sakit na rin ng braso ko."

"Okay sige bubuhatin nalang kita." At binuhat na nga nya si Kelly ng bigla namang pumasok si Kian.

"Kevin!!!"

Napalingon si Kevin at nagulat "Ku—kuya..."

"Anong gagawin mo? Ibaba mo si Kelly!"

"Pe—pero kuya isang oras na siyang nakaluhod tapos hindi niyo pa sya pinapakain ng dinner? At yung sugat niya hindi nyo man lang nilagyan ng bandage paano kung madumihan? Baka lumala pa!"

"Kuya..."

"Shhh...ako ng bahala." Ang pabulong niyang sagot sa kapatid.

"Huh! Ayan...puro ka kunsinte! Kaya lumalaki ang ulo ng batang yan eh! Ini-spoiled mo kasi!"

"Spoiled? Kuya? Huh! Coming from you? Kuya baka nakakalimutan mo bunso at nag iisa nating kapatid na babae si Kelly kaya dapat lang na alagaan natin sya! Hindi yung papaluhudin sa munggo at hindi papakainin? Huh! Ewan sa inyo mga nakakatanda pa naman kayo tapos hindi niyo magampanan ang pagiging kuya sa kaniya?" Pailing-iling siya at iniwan ang mga ito habang buhat buhat si Kelly.

"KEVIN!!!! IBALIK MO SI KELLY DITO!!!"

"Kuya..." Ang sabi nila Keith at Kim na para bang sinasabing "tama na."

Napahinto naman si Kevin "Bakit kuya? Para ano? Paluhurin ng buong mag damag yung bata? Ano bang gusto mong gawin sa kaniya? I-torture? Kuya! Baka nalilimutan mo panganay ka sating magkakapatid kaya dapat ikaw mismo ang nakakaalam ng tama sa mali! At ang ginagawa niyong ito kay Kelly at maling mali!" At nag patuloy na siya sa pag akyat ng hagdan patungong kwarto ni Kelly at hindi na pinakinggan pa ang tawag sa kaniya ni Kian. "KEVIN!!!" sumunod namang ka agad sila Faith at Jacob kila Kevin.

"Kuya! Tumigil ka na!" Ang pagalit na sabi ni Kieth.

Napaupo nalang si Kian na para bang nawalan ng lakas "Ku—kuya!!!"

"Sigh...kumalma na muna kasi kayo dinadaan niyo kasi sa init ng ulo hindi niyo naman pinakinggan kanina si Kelly kung ano ba ang dahilan niya." Ang sabi naman ni Ethan.

"Tama si Ethan kuya hindi natin hinayaang magpaliwanag si Kelly kung bakit niya nagawang mag panggap na magpapakamatay siya. Kilala naman natin si Kelly hinding-hindi niya naman gagawing mag pakamatay siguro nga nag overreact ka lang." Ang sabi naman ni Kim.

"Huh! So, ako lang pala ang dapat sisihin dito? Ako nalang ang may kasalanan? AKO LANG??? OO AKO NA ANG MASAMANG KUYA!!! BWISET!!!!" at nag walk out sya.

"Bro..." Ang pahabol na sabi nila Kim at Keith.

"Sigh...sige na puntahan niyo na si Kelly at ako ng bahala kay Kian."

"Salamat tol." Anila.

"Um...sige na."

Samanatala sa kwarto ni Kelly,

Kinumutan ni Kevin si Kelly at naupo sa tabi nito "Wag ka ng mag alala ako ng bahala kila kuya matulog ka na kung ayaw mong kumain."

"Opo pero kuya baka ikaw naman ang parusahan nila kuya Kian."

"Hindi na yun mangyayari dahil umalis si kuya." Ang sabi ni Kim.

"Babe, ilabas mo muna si Jacob mag uusap lang kaming mag kakapatid dito."

"Sige..."

Lumabas na nga muna sila Faith at Jacob at nag usap-usap ang magkakapatid ng wala si Kian "Tita Faith, ayos lang po kayang iniwan natin sila?" Ang sabi ni Jacob habang pababa sila ng hagdanan ni Faith.

"Oo baby, mukhang kalmado naman na ang mga tito mo eh kaya wag ka ng mag alala hayaan na muna natin silang magkakapatid."

"Sige po."

Sa magkaparehong oras sa bahay nila Ryan,

"Knock...knock..."

"Uncle Ryan, are you in there?"

Pinagbuksan ni Ryan ang matabang batang babae na naiyak sa labas ng kaniyang silid "Oh? Snowie..."

Niyakap siya ka agad nito at umiyak pa ng malakas "Uncle!!!!"

"Why are you crying? Did your kuya fight you again? Or you are the one who tease him?"

"No! But mom and dad fought."

"Sigh...nag away na naman sila?"

"Um...they always making away and mom said she want to divorce dad."

"What?! Tsk...nasan ang kuya Zac mo?"

"In his room playing computer games again and he not making pansin me."

"Yung kuya mo talagang yan kahit kailan di maasahan."

"Uncle...what are we going to do? I don't want mom and dad make away lagi."

"Don't worry kakausapin ko ang daddy at mommy bukas pero ngayon kumain muna tayo ng icecream you want that right?"

"Yes...yes...yes..."

"Let's go." bubuhatin niya sana ang pamangkin pero "Ah----ahm...baby girl did you eat the whole sack of rice during dinner?"

"Pardon?"

Sa isip-isip ni Ryan "Ano bang pinapakain ng kapatid ko dito sa batang ito? Limang taon palang pero parang isang kabang bigas na ang timbang. Wagas!"