Makalipas ang ilang araw noong nagkaroon ng alitan ang magkakapatid hindi nila inaasahang magkaka sakit si Kelly. Nilagnat sya at sinipon at pangatlong araw na rin siyang absent sa school at hindi rin siya nakakuha ng exam kung kaya't nakiusap ang kuya Kevin niya sa mga Prof.nito na bigyan si Kelly ng special exam pag galing niya.
"Okay lang po kuya Kim ingat kayo ni kuya Kevin."
"Um...sige aalis na kami." Anila at hinalikan nila si Kelly sa noo at nung papalabas na yung dalawa sa kwarto nakita nila na nakikinig si Kian sa labas "Bro?"
"Bakit ka ba nandi'yan? Ayaw mong pumasok at bisitahin si Kelly." Ang sabi ni Kim.
"Eh...kasi..."
Tinapik ni Kevin si Kian sa balikat "Miss ka na niya kaya wag ka ng ma pride lakad na kamustahin mo na ang lil' sis natin. Sure naman akong miss na miss mo na rin siyang kausap." Aniya.
"Pero...nahihiya ako eh hindi ako naging mabuting kuya sa kanya at sa inyo."
"Tsss...ang drama mo bro hindi bagay!"
"Kaya nga ang drama eh lakad na at kami ni Kevin eh lalayas na baka malate pa kami."
"Okay sige ingat kayo."
"Wala ka bang klase ngayon? Thursday lang ah."
"Meron pero mamaya pang 10 kaya hindi pa ako nagbibihis uniporme."
"Oohh...sige na una na kami."
Habang pababa ng hagdan yung dalawa "Wag ka ng mahiya si Kelly lang yan hindi yan si ate Rica." Anila na para bang nanunukso.
"Ewan ko sa inyo! Mga buset!"
"Hahahaha...ge goodluck bro alis na kami."
"Gege...mga mamaw!"
"Mas mamaw ka!" Pahabol pa nilang sagot habang nag mamadaling lumabas ng pintuan.
"Mga luko!"
Samantala, nagising naman na noon si Jacob at nakita niya si Kian sa labas ng kwarto ng tita Kelly niya na pa silip-silip "Daddy?"
"Ba---by..."
"Ano pong ginagawa nyo diyan?"
"A---Ano kasi..."
"Gusto nyong kamustahin si tita Kelly noh?"
"Ah...eh..."
Hinawakan ni Jacob ang kamay niya at hinila papasok ng kwarto ni Kelly "Tita Kelly si daddy po may sasabihin sa inyo."
"Tsk...baby naman...ah---ahm...a---ano kasi..."
"Tsss...at last nagpakita rin ang magaling naming kuya. Oh, siya sige ikaw na ang mag pakain kay Kelly bro at ako'y bababa na muna."
"Si---sige."
"Siopao halika sumama ka muna sakin at tulungan natin si tita Faith mo na magligit ng plato."
"Kagigising ko lang po tito Keith mag liligpit agad? Di ba po dapat kakain muna? Tsaka hindi ko pa po abot ang lababo." Binuhat na siya ni Keith kahit na nabibigatan siya dito "Wagas, hindi ka pa nakain pero parang pang isang linggo na ang kinain mong bata ka."
"Daddy!!!"
"Halika na!!!!" at lumabas na nga silang mag tito sa kwarto ni Kelly at naiwan nalang yung dalawa. Hindi naman malaman ni Kian ang sasabihin o ang gagawin niya dahil hindi rin naman siya kinakausap ni Kelly na busy sa pagkain ng kaniyang agahan "A---ahm....babysis...ah...a---ano...kasi..." Ang pautal-utal niyang sambit.
Napabuntong hininga si Kelly "Sigh...Kuya!!!" Ang sigaw niya nag panic namang bigla si Kian at lumapit sa kanya at sinabing "Ba---Baket??? May masakit ba sayo??? Saan? Sabihin mo kay kuya gusto mo ba dalhin na kita sa ospital?"
"Waaahhhhh..."
"Ba—bakit??Ano bang nararamdaman mo? Sabihin mo!"
Niyakap siya ni Kelly at kinagulat nya ito "Kuyaaa.....miss na miss na kita bakit hindi mo man lang ako dinadalaw sa kwarto ko? Alam mo namang may sakit ako bakit ngayon ka lang ilang araw na akong nilalagnat eh."
"Ah...eh...kasi...inisip ko na baka ayaw mo akong makita dahil galit kayo sakin ni Kevin ayoko namang palalain ang sakit mo baka lalong tumaas yang lagnat mo eh."
Itinulak sya ng bahagya ni Kelly at sinabing "Sus...ewan ko sayo kuya ang pride mo kasi gumamit ka nga minsan ng tide."
"Ano? Anong tide pinagsasabi mo diyan?"
"Haist...KJ hindi gets yung joke."
Pinisil ni Kian ang pisnge niya "Mukhang ayos na ang babysis namin ah umaandar na naman kasi ang wala niyang kwentang jokes."
"Tsss...ewan ko sayo kuya..."
"Asus...tampo ka na? May regalo pa naman sana ako sayo."
Bigla namang naging clingy si Kelly at naging hyper "Ano yun kuya?"
"May eggpie sa ref peace offering ko sayo dapat kagabi pa eh kaso tulog ka na daw sabi ni Kim."
"Yown! Miss ko ng kumain ng eggpie eh."
"Pero ayos na ba yung throat mo hindi na sumasakit?"
Tumayo si Kelly sa kama at nag tatalon "I'm feeling okay na kuya!!! Kaya let's go!!!!" pumasan siya sa likod ng kuya niya "Kuya piggyback mo ko pa baba."
"Ano? Ang laki-laki mo na eh tsaka baka hindi na kita kaya tatawagin ko nalang si Keith."
"No! Pag di mo ginawa hindi na kita papansinin susumbong din kita kay Mama about dun sa munggo."
"Sigh...Okay fine, oh kumapit ka baka mahulog ka."
"Aye...aye...captain."
"Para kang bata."
"Bakit? Baby pa naman ako kuya ah kaya nga tawag niyo sakin babysis."
"Tsss...namilosopa na naman siya."
"Bilis na kuya tara na sa kusina."
"Okay, your wish is my comman my lil' princess."
"Yieehaa..."
"Ginawa mo naman akong kabayo.."
"Ahahaha...bilis na kuya."
"Oo na! Lintek na bata ito."
Kinatanghalian,
Nanonood na ng Tv sila Kelly at Jacob samantala papaalis naman sila Faith at si Keith "Oh? May pupuntahan kayo?"
"Oo babysis eh nalimutan naming sabihin sayo na may checkup ako sa OB ko."
"Ohhh...I see..."
"Kaya ikaw na muna dito sa bahay uminom ka nalang ng gamot mo ha? Okay ka naman na wag ka nalang masyadong mag gagalaw di'yan baka mamaya mabenat ka sige lalagnatin ka na naman mag iisang linggo ka ng absent sa school."
"Oo na kuya! Ayoko rin naman gumalaw nakakatamad manonood lang kami dine ni Siopao right baby?"
"Opo."
"Siya, siya aalis na kami at baka malate pa kami sa appointment ingat kayo dine."
"Um...ingatan mo si ate Faith."
"Haha...oo babysis sasabunutan ko sya pag hindi niya kami iningatan ni baby Tum-Tum."
"Babe naman."
"Don't forget our pasalubong."
"Sus...di'yan ka magaling!"
"Ate Faith oh..."
Bineltukan ni Faith si Keith "Babe naman maalog na utak ko sa kaka beltok mo eh."
"Baket? May reklamo ka?"
"Wala! Tara na nga umalis na tayo."
"Okay babysis ingat kayo dine."
"Um...kayo rin po."
Ilang minuto na ang nakalilipas nung naiwan nila Keith yung mag tita sa bahay at hindi nila alintana ang bukas na gate ng kanilang garahe dahil busy sa panonood ng cartoons sila Kelly at Jacob ng may biglang "KA BANG!!!" na gulat yung dalawa at nagkatinginan.
"Tita Kelly ano po yon?"
"Hindi ko alam parang may nahulog na kung ano sa labas dito ka muna at titignan ko."
Pinigilan siya ni Jacob "Baka po mag nanakaw yun tumawag na po tayo ng security."
"Parang hindi naman...ako ng bahala dito ka na muna okay?"
"Pero tita Kelly...sasama po ako."
"Tsk...sige basta sa likuran lang kita ha?"
"Opo."
Nagtungo ka agad yung mag tita sa may garahe at hinanap kung may iba pang tao sa doon pero wala naman silang nakita kaya nag pasya yung dalawang pumasok ng muli sa loob pero bago sila pumasok sinigurado muna ni Kelly na nakalock ang kanilang gate sa labas. "Okay na baby nailock ko ng lahat dine baka pusa lang yun ng kapitbahay baka nahulog banda dine sa garahe."
"Baka nga po."
"Siya halika na."
At pag pasok nila sa loob laking gulat nilang may isang matabang batang babae na animo'y ang dungis na nanood sa kanilang sala at feel at home pa kung maupo. "AHHHHHHHHHHH...." ang reaksyon nung tatlo dahil nagka gulatan na sila.
Samanatala,
Busy naman na mag dikit sa pader at poste ng mga papel na may nakalagay na
"Missing Person"
HELP BRING SNOWIE BALLISTINE WANG HOME!
Last seen last March 8, at Spring Ville Village wearing white dress.
For any information that can help find her
please contact her family Teleponone #: (046) 414-419 Cellphone #: 0965-328-7893
Reward: 5,000,000
sila Ryan at ang iba pa nitong kasamahan na mimigay rin ng mga papel na may nakalagay na missing person. Tumigil muna sila sa isang gilid at nilapitan ni Ryan yung kapatid niyang babae na si Aina Wang kasama rin ang bayaw niyang si Noc Wang "Sis, Bro may nakapagsabi samin na isang matandang lalaki na may nakita raw siyang isang batang babae pero hindi niya sure kung iyon nga si Snowie."
"Where? Bro, I need to find my baby!!! Ilang araw na siyang nawawala baka hindi na siya nakakakain ng ayos. Honey...yung anak natin...." Ang mangiyak ngiyak na sabi ni Aina at niyakap naman siya ng asawa niyang si Noc para kumalma ito "Honey, magiging ayos rin ang lahat makikita rin natin si Snow tiwala lang."
"Yes ate tama si kuya mabuti pa mag pahinga na muna kayo sa sasakyan ako na munang bahala dito. Pupuntahan namin ng team ko yung subdivision kung saan nag tatrabaho si Manong Street sweeper kung saan niya rin nakita yung batang babae."
"No, Ryan gusto kong sumama!!! Gusto kong ako mismo ang unang makita ng anak ko."
"Pero Honey, tama si Ryan you need to rest ilang araw ka ng walang tulog."
"Honey, hindi rin ako makakapag pahinga kung wala si Snowie!!!"
"Sigh...Sige pero sa kotse ka nalang at kami na ang sa labas mahirap na baka bumigay ang katawan mo gusto mo bang may sakit ka pag nakita natin si Snow?"
"Ayoko, pero honey ipangako mo at ni Ryan na makikita natin si Ineng."
Hinalikan sya ni Noc sa noo at sinabing " Oo pangako."
"Wag kang mag alala ate makikita natin ang pamangkin ko."
"Um...salamat."