Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 166 - Kabanata 166

Chapter 166 - Kabanata 166

Biyernes ng Umaga,

Dumating na si Kelly sa kanilang classroom at nadatnan niyang malungkot sila Vince na para bang may mali dahil pagkatapos ipatawag ni Prof. Mina noong hapon ng Martes hindi na pumasok pa si Mimay ng kanilang klase at ang buong akala ng lahat ay may sakit lamang ito. "Mornin' Kelly..." Ang walang ganang sabi ni Harvey kay Kelly na noon ay may headphone sa kanyang tenga.

"Ha? Ano yon?"

Sumenyas si Harvey na tanggalin ni Kelly yung headphone niya "Ay...oo nga pala sowie ano yung sabi mo at bakit parang wala kayong lahat sa mood? Ah...si Mims wala parin? May sakit parin siya? Sabi ko naman sa inyo..." Hindi na niya natapos pa ang sasabihin coz Vince interrupts her "Hindi na papasok pang muli dito si Mimay."

Natigilan naman si Kelly at sumabat naman si Dave "Brad!!!"

"Ano? Bakit? Hindi ba totoo naman? Malalaman at malalaman din naman ni Kelly kaya bakit kailangan pa nating ilihim sa kaniya?"

Napaupo nalang si Kelly na para bang nawala sya sa sarili inalalayan naman ka agad siya ni Patrick at sinabing "Ayos ka lang?"

"Ye---Yeah..."

"Eto yung sulat na binigay ni Prof.Mina samin kanina lang gusto mo bang basahin ko nalang para sayo?"

"Sulat? Kanino galing?"

Sabay-sabay namang sinabi nila Patrick na "kay Mimay." Hindi naman mawari ni Kelly ang kaniyang magiging reaksyon kung kaya't nanahimik nalamang siya.

Napatingin naman yung apat sa isa't isa na para bang naaawa kay Kelly kaya binasa nalang ni Patrick ang sulat ni Mimay para dito "Dear Everyone,

Kamusta na kayo? Miss na miss niyo na ba ako? Ayiee...Hahahaha...aminin niyo bawal sinungaling nga pala kung nababasa niyo na itong sulat na ito syempre wala ako diyan mga kupal. Ahahahaha...Ang arte eh noh? May pa sulat ang old fashion ahahahaha...bakit ba? Gusto ko eh wala kayong paki dahil babasahin at babasahin niyo parin naman ito dahil wala kayong choice kasi nga miss niyo na ako. Nyahahaha...bayan bakit habang sinusulat ko ito eh natawa at naiyak ako? Kakauma ha!

Ahm...geysh...una sa lahat salamat dahil napasaya niyo ang college days ko at siguro naman napasaya ko rin kayong mga kupal kayo.Ahahaha...baka naman kayo'y umiyak pa wala akong pa tissue diyan letter lang ang binigay ko kay Prof. Mina.

Ayokong mag paalam ng personal kaya gumawa ako ng letter hindi ko na inisa isa pa pangka lahatan na ito ganoon rin naman ang sasabihin ko eh alam niyo naman ako tamad mag sulat.Nyahahaha...Pero wag niyong ibu-bully si Kelly ha? Dahil siya nalang ang nag iisang babae sa tropa nakikita ko kayo may mata ako diyan."

"Luka talaga si Mims kami pa nga ang mabubully niya." Ang sabi ni Harvey.

"Hey!!!" Ang sambit nung tatlo nila Patrick maliban kay Kelly na tahimik lang at walang kibo.

"Ha...ha...ha...ang akin lang naman eh..."

"Sshshhh...sige dude pag patuloy mo na bakit ang ganda palang pakinggan pag may nagbabasa parang damang dama eh para akong nakikinig sa radio."

Binato naman ni Patrick si Dave ng ballpen "Manahimik ka!"

"Feeling ko nga para tayong nasa "Dear Charo..." o kaya naman "ngayon, bukas at magpakailanman."

"Babato ko sayo ang librong ito kapag hindi ka pa tumigil diyan."

"Tsss..KJ!"

"Kelly, ayos ka lang ba?" Ang sambit ni Vince.

"Um...pwede bang tumahimik muna kayo?"

"O---oo sige." Anila.

"Pwede mo na bang ipagpatuloy Patrick?"

"Ah? O—oo eto na."

At ipinagpatuloy nga niya ang pagbabasa ng liham ni Mimay sa kanila "Hindi na ko magugulat kung sa part na ito ay nagtalo kayo. Ahahaha...tama ako ano? Dahil madalas naman kasi si Kelly ang nambubully oh...wag na kayong mag react dahil wala naman kayong panalo kay baby girl. Yan ang mamimiss ko kaya hindi ko na talagang nagawa pang mag paalam ng personal eh baka kasi hindi ako makaalis kung makikita ko pa kayo.

Noong pinatawag ako ni Prof. Mina sa teacher's office doon niya na ako kinausap kung itutuloy ko ba ang paglipat ng school kasi nga naman 2months nalang at magtatapos na tayo ng college wala naman akong magagawa kung hindi sumunod sa nanay ko. Pero desisyon ko na rin naman ang lumayo pakiramdam ko kasi may kulang sakin hindi ko alam pero I feel empty for some reason don't get me wrong I'm happy that I had a chance to be part of your life guys. Wag kayong mag alala siguro after 3years babalik ako ng Manila na ngako naman si Mommy na babalik kami kaya magkikita kita pa tayo pero nag bago na ako ng number at nag delete na rin ako ng social media accounts ko ayoko muna kasi madidistract ako at lalo ko lang kayong mamimiss.

Mahaba na ba? Wag kayong epal maiksi pa ito hahaha...Ahm...Harvey, wag kang eepal diyan I know sisingit ka na naman kilala kita lagi kang kontrabida sa buhay ko pero mamimiss ko yang ka manhidan mo. Ayiee.."

Napatingin naman sila Kelly kay Harvey "Oh? Bakit? Makatingin naman kayo wagas. Pag patuloy mo na nga lang pre."

"Sure ka? Hindi ka ba naiiyak?"

"HEH!"

"Ahahaha...Okay...okay."

At ipinagpatuloy muli niya ang pagbabasa "and to Vince and Dave mga buset kayo!!! Oh...ang mag react pagsasaktan ng tyan!"

"Ahahaha...lukaret talaga yang si Mimay." Ang sabi ni Dave.

"Buang na nga kala mo naman nakikita tayo." Ang sabi naman ni Vince.

"Shhhh..." Ang reaskyon ni Kelly.

"Sorry..." Anila.

Aaminin ko noon ay may crush ako sayo Vince pero nung highschool lang yun at nung nag confess ka sakin nung lasing ka? Kinabahan talaga ako doon kaya hindi na kita pinansin simula noong araw na yon ohhhh....Dave ang mata mo! Alam kong mag rereact ka diyan pero wag kang mag alala dahil ikaw naman ang pinipili ko.

"Wa---wait...dude...ulitin mo nga uli yun."

"Ang alin?"

"Yung line na yon yung last line na sinabi mo."

"Tsss...bahala ka kakatamad na mag basa oh...ikaw naman ." At iniabot naman ni Patrick kay Dave nga yung letter.

At binasa nga ni Dave muli yung last line "Wag kang mag alala dahil ikaw ang pinipili ko."

"Waaahhhhh...narinig niyo ba yun? Lalo ka na Vince?"

"Tsss...Oo na! Tsaka wala naman akong gusto talaga kay Mimay ewan ko ba nitong mga nakakaraang araw distracted ako dahil nga siguro dun sa sinabi ko sa kaniya. Pero napagtanto ko rin naman na kaibigan at bestfriend lang talaga ang tingin ko sa kaniya."

"Talaga?"

"Oo pre kaya sayong sayo na sya!"

"Paano? Eh nasa Capiz na si Mimay don't tell me susunod ka dun Dave." Ang sabi ni Harvey.

"Hindi pa ako ganoong ka humaling kay Mimay pero gagawa ako ng paraan para magkaroon kami ng communication. Bakit kasi ngayon lang sya umamin?"

Kinuha naman na ni Kelly yung letter kay Dave at sinabing "Napakadadaldal eh ako'y kararating lang kaya hindi ko pa alam ang laman ng kasulatang ito maka react naman kayo diyan mga buset!"

"So---sorry Master."

"Hindi kasi namin talaga nabasa ng ayos sorry naman." Ang sabi naman ni Vince.

"Tsss...ewan oh, Patrick bilis basa!"

"Ah? O---oo sige." At ipinagpatuloy na nga niya muli ang pagbabasa "At para naman kay Patrick bruh...pigilan mo ang tukmol na yan ayokong makikita yan dine sa Capiz ha. Baka makapunta yan dine buset."

Mag rereact na sana si Dave pero bumanat naman ka agad si Kelly "Subukan niyo lang talagang mag react makakatikim talaga kayo ng lumilipad na sapatos."

Nagkatinginan naman yung boys at nanahimik nalang kaya ipinagpatuloy ni Patrick ang pagbabasa nya "Kung after ng 3years gusto parin ako ng bff mong gung gong edi baka maging kami pero sure naman akong di yan makakatiis mukhang may crush na kay Nimfa ang luko eh."

"Luh..." Ang reaction naman ni Nimfa dahil narinig niya at sabay-sabay naman sila Kelly ng lingon "Ay...so—sorry ang lakas kasi narinig ko."

"Siggh..." Ang reaskyon naman ni Kelly.

"So---sorry sige tuloy mo lang Patrick."

"Ah...okay."

Kinuha nalang ni Kelly ang sulat kay Patrick "Tama na nga ako na lang ang mag babasa mag isa mukhang nakikinig ang buong klase eh. Mamaya ko nalang babasahin paparating na rin si Prof. Arnie."

Napatingin naman sila Patrick sa labas ng classroom nila at pandalas nagsi balik sa kani-kanilang upuan "Morning class nag review na ba kayo may short quiz tayo."

"Yes prof."

Itinago muna ni Kelly ang sulat ni Mimay at ipinagpatuloy ang palagian nilang ginagawa kapag may klase pero habang may klase iniisip niya ang matalik niyang kaibigan dahil kung alam niya lang na aalis na pala ito nag bonding sana sila. Naisip niya na "kaya pala nung huling nasa school si Mimay niyakap niya ako ng mahigpit dahil yun na pala ang paalam niya...Sigh...bakit kasi hindi niya ako sinabihan na pupunta na sila ng mommy niya sa Capiz? Miss ko na sya paano na ako? Wala na akong kakampi." Pinagmasdan niya sila Vince, Dave, Harvey at Patrick at sa isip-isip niya "Sigh...gang dine ba naman sa school apat na lalaki pa rin ang makakasama ko? Mimay!!! Bakit kasi kailangan mo pang lumipat ng ibang lugar?" Hindi naman niya namalayan na nakatitig parin siya kay Patrick kaya napatingin rin ito sakaniya at nagkatinginan sila ng ilang segundo bago sya lumihis ng tingin.

"Ang ganda mo..." Ang pabulong na sambit ni Patrick bago umiwas ng tingin si Kelly sa kaniya.

Nakita naman ni Prof. Arnie na nakatingin si Patrick kay Kelly "Mr. Santos? What are you doing?"

Napangiti naman ng palihim si Kelly habang nahihiyang nasagot si Patrick sa kanilang Prof "No---Nothing Prof."

"Yan kasi kung ano-ano ang pinagsasabi." Ang pangiti ngiting pabulong ni Kelly.

"Ano yon?" Ang sabi ni Vince.

"Wala...mag review ka na nga lang diyan."

"Tsss..."