Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 167 - Kabanata 167

Chapter 167 - Kabanata 167

Kinahapunan,

Sabay-sabay ng lumabas ng kanilang classroom ang tropa na ang lulungkot ng mga mukha at habang naglalakad papalabas ng DLRU hindi nila napapansin na pinagtitinginan sila ng kapwa nila estudyante. "Ang astig ni ate girl ang popogi ng mga kasama niya." sabi nung isang estudyanteng babae sa kapwa niya estudyante rin.

"Oo nga eh para silang yung sa "meteor garden" kaso bakit naman ganun yung girl naka hoodie tinatago niya ba ang mukha niya at nakatungo pa sya kung ako yan magiging proud ako kasi pinaliligiran ako ng nag gugwapuhang mga nilalang."

"Hindi ba yung isa dun yung anak ng may ari ng SM?"

"Ay...oo siya si Patrick ang cute niya...may gf na kaya sya?"

Pinag uusapan sila Kelly at ang tropa niya ng mga estudyanteng makakakita sa kanila karamihan ay naiinggit kay Kelly at nagulat na lang sila ng may biglang lumapit kay Patrick na isang babae na may dalang maliit na box ng regalo. "Hi, my name is Honeygrace Tuazon." nagulat ang lahat lalo na si Patrick.

"I'm a fan of yours and I have small gift for yah! Please accept." Hindi malaan ni Patrick ang gagawin niya kaya napatingin siya kay Dave at sumenyas naman ito sa kaniya ng "Sige kunin mo."

"Ha?"

"Kunin mo na nakakahiya ang daming tao."

"O---okay?" kinuha nga nya yung regalo ni Honeygrace. "Sa---Salamat?"

At yung sumunod na nangyare ay talagang kinawindang ni Patrick at ng lahat lalo na ni Kelly "Welcome." Hinalikan niya si Patrick sa kaliwang pisnge tapos kumaripas na siya ng takbo.

"Wadda hek?" Ang na sambit ni Dave at nag patuloy naman na sa paglalakad si Kelly at iniwanan yung apat.

"Ke---Kelly!!!" Ang pahabol na sabi ni Patrick pero pinigilan siya ni Vince at sinabing "Ako na...mukhang na misinterpret niya." At hinabol nga ni Vince si Kelly.

"Pe---pero..." ang naging tugon nalang ni Patrick lumapit naman at inakbayan siya nila Dave at Harvey "Alam mo minsan nakakainggit din talagang maging "ristkid" right Dave?"

"Oo pre mapapa SANA OL ka nalang talaga."

"Yeah..." at nag patuloy silang mag lakad samantala hindi pa rin maintindihan ni Patrick ang nangyayare.

"He---hey!!! Anong ibigsabihin niyo don?" napatingin siya sa paligid niya at nakita niyang ang daming kababaihan sa paligid niya bigla "Gu---guys...in---intayin niyo ko!!!" ang kinakabahan niyang sambit at hinabol niya sila Dave at Harvey.

Habang natakbo naman si Kelly patuloy parin naman siyang hinahabol ni Vince "Hoy!!! Tumigil ka nga!!! Pagod na ko Kellang!!!" huminto naman si Kelly bigla at nasubsob sa harapan ng bag niya si Vince "Aray...bakit naman bigla-bigla ka nalang humihinto?"

"Sabihin mo nga! Anong nakikita ng mga kababaihan sa lintek na si Patrick na yon?"

Nagulat si Vince sa sinabing iyon ni Kelly habang naka hawak siya sa ilong niyang namumula dulot ng pagkakasubsob niya sa bag ni Kelly. "Ano? What do you mean by that? Bakit mo naman biglang naitanong?"

Nagpatuloy naman sa paglalakad si Kelly papuntang waiting shed "Hey...intay naman."

"Sa waiting shed lang ako pupunta bakit ba kasi sunod ka ng sunod diyan?"

"Syempre nag aalala ako sayo baliw ka?"

"Tsss..." at naupo siya sa may waiting shed.

"Nga pala hindi ka ba sasabay kay kuya Kevin mo?"

"Makikita mo ba ako dineng mag aabang ng sasakyan kung sasabay ako kay kuya?"

"Nako!!! Napaka pilisopa mong lintek ka!"

"Tsss...Slow ka lang! On call si kuya sa DLRH kaya hindi niya ako maisasabay."

"Ahhh...oo nga pala nurse din siya sa DLRH pero mabalik tayo sa tanong mo bakit bigla ka naman na curious? Bakit selos ka? Ayieee..." tinutukso niya si Kelly at nung napatingin ito sa kaniya ng masama "A---ano kasi ang akin lang naman..." biglang nabahag ang buntot ng lukong si Vince.

"Subukan mo lang talagang mag gaganyan tatamaan ka talaga ng di oras sakin!"

"Oo na chill! Para itong others ikaw naman ang nagtanong eh ikaw pa itong galit? Napaka HB lagi eh."

"Wala kang pake!!!"

"Tsss...pero yung babaeng lumapit kay Patrick kanina cute siya alam ko muse yun ng...Engineering department nakita ko kasi yun last year nung nag intrams tayo siya yung inilaban eh."

"Ohhhh..."

"Pero hindi naman sya yung nanalo...eh?bakit ba yun ang pinaguusapan natin?"

"Ba malay ko sayo!"

"Ikaw kasi eh!!! Pero kung ako ang tatanungin about sa personalities ni Patrick okay naman sya good looking, kind, well generous sya satin ewan ko lang sa iba pero over all likable naman talaga siya."

"Crush mo na rin?"

"Baliw ka!!!!"

"Ahahahaha...masyado ka kasing seryoso kalalaki mong tao yun ang sasabihin mo sa kapwa mo lalaki?"

Bineltukan niya si Kelly "Tuleg! Tinanong mo di ba? Kaya sinagot lang kita gung gong!"

"Weh??? Umamin ka na! Promise hindi ako magagalit susuportahan pa kita. Nyahahahaha..."

"Luka ka!!! Straight ako no!!! Baka kamo ikaw ang may gusto sa kaniya."

"Tungaw ka!"

"Sino ang may gusto? At kanino?" Ang bungad naman ni Patrick kasama yung dalawa nila Dave at Harvey.

Nagulat naman yung dalawa at namula ang mukha ni Kelly bigla "Ma---Master? Ayos ka lang ba? Bakit ang pula ng mukha mo?"

Napatingin naman yung apat sa kanya kaya nilapitan ka agad siya ni Patrick "May masakit ba sayo? Gusto mo dalhin na kita sa ospital?" hinawakan niya si Kelly sa pisnge at lalo pa itong namula kaya sa sobrang kaba ni Kelly napatulak niya ng malakas si Patrick ng biglang "Beep...beep..." may truck na mabilis ang takbo.

"Patrick!!!!" Ang sigaw nila lalo na si Kelly na mabilis hinila ka agad si Patrick para hindi ito masagasaan.

Ang bilis ng tibok ng puso nung lima lalo na si Patrick dahil muntik na siyang masagasaan pero salamat kay Kelly na ang bilis kumilos kaya nailigtas niya ito. "Ayos ka lang ba kayo?" Ang sabi nila Vince dun sa dalawang nakahandusay sa gilid ng kalsada.

Bumangon namang ka agad si Kelly at kumaripas ng takbo "Kelly!!!!" Anila at bumangon namang ka agad si Patrick para sundan sana si Kelly pero naka sakay na ito sa jeep.

Napabuntong hininga nalang si Vince at sinabing "Hayaan mo na pre she need space natakot yun panigurado kaya nag tatakbo."

"Pero kasalanan ko ata na offend ko sya."

"Dude, alam mo...." bineltukan niya si Patrick "Ano ba Dave?!!!! Ang sakit nun ha!"

"Sorry dude...gung gong ka kasi eh!"

"Ano?" Ang pagalit niyang sagot.

"Hep...tama na yan alam mo pre tama si Dave eh yung moment na mumula ang mukha ni Kelly nag uusap kami tungkol sayo kaya ayun kinabahan yung bata ko tapos lumapit ka pa at hinawakan siya kaya ayan naitulak ka ng di oras."

"Ha? Pero wala naman akong ginagawa ah hinawakan ko lang ang pisnge niya at..." napahinto sya sa pag sasalita dahil na naisip niyang "may gusto ba si Kelly sakin?"

"Yeah..." Ang sagot nung apat sumingit namang ka agad si Harvey at umakbay kay Patrick "Pre, minsan ang mga babae kasi hindi yan umaamin kumbaga ipinanganak silang mahiyain kay dapat tayong mga boys ang mauna na mag confess para sumunod sila."

"Pero, umamin na ako sa kaniya."

"Yes and alam na yun ng lahat pero...ibahin mo ang pinsan ko pre dahil matalino sya pag dating sa ibang bagay pero bobo naman sya pag dating sa love."

"I know kaya nga yun ang isang katangian niyang nagustuhan ko ang pagiging naive niya kung minsan."

"Well, si Master kasi boyish siya at isip bata tapos may pagka manhid din kaya dude goodluck sayo kung mapa amin mo sya ng feelings niya para sayo." Ang sabi ni Dave at napaakbay din siya kay Patrick.

"Pinsan ano ba sa tingin mo ang dapat kong gawin?"

Napalingon si Vince sa kanan at kaliwa niya "Pinsan? Ako ba ang tinutukoy mo?"

"Yes..." Ang sagot naman nila Harvey at Dave.

"Aba! Kailan pa kita naging pinsan pre? Hindi kami mayaman no!" napa smirked naman yung dalawa at naintindihan na niya ang gustong ipahiwatig ni Patrick "Ohhh...yeah...mukhang nag hang ako sa part na yon pre."

"So, ano? Tutulungan ba natin ang pinsan mong ito." Ang sabi ni Dave.

"Oo nga gusto ko na ring ma settle ang tambalang KelRick eh."

"KelRick?" Anila.

"Ano ba namang ang s-slow niyo yun ang ship ko "Kelly at Patrick" sa tingin ko nga number one fan niyo na kong dalawa. Kaya nga "KelRirck" ang ginawa kong LT niyo ayos ba?"

"Huh! Karapat dapat ka lang talagang maging class president ang dami mong alam." Ang sabi ni Vince.

"Pero magandang pakinggan "KelRick" dude mukhang kayo na ang tatalo sa tambalang "KathNiel" right guys?" Ang sabi ni Dave at nagtawanan silang apat.

"Gung gong ka! Kung sakin ayos lang pero kay Kelly baka ayaw niya ng mga ganyan baka nga pag naging kami ang call name namin "Hoy" o kaya naman "buset" yun kasi lagi niyang tinatawag sakin masayang masaya na nga ako pag tinatawag niya pa ako sa name ko."

Nagtawanan naman yung tatlo "Ahahaha...oo nga kala ko ako lang nakakapansin nun pero kahit naman sino satin laging naka "hoy at buset" and that's..."

"Kelly!" Ang sabay-sabay nilang sambit at nagtawanan.

"Pero kahit na ganun ang ugali niya gusto ko parin siya at hindi na yun magbabago kailanman." At napangiti si Patrick habang nagkatinginan naman yung tatlong luko "Ang cheessyyyyy..." Anila.

"Buset kayo!!!"

"Ahahahaha..."

Tinutukso nung tatlo si Patrick habang nagtatawanan at ang hindi nila alam may nakikinig sa kanilang usapan at ito ay si Honeygrace na wari'y nang gagalaiti sa galit dahil nagawa niyang mapisa ang hawak niyang coke in can ng isang kamay lang habang nasa loob ng kotse at nag mamasid "Mi---Miss, aalis na po ba tayo? Nag text na po kasi ang daddy niyo." Ang kinakabahang sabi ng kaniyang driver na si Merwin na isa ring college student na partime job ang pagiging driver dahil siya ang humalili sa kaniyang tatay na nag ka sakit na dating driver sa pamilya ng mga Tuazon kung saan nagmula si Honeygrace.

"Sige Manong."

Sa isip-isip ni Merwin "Ano raw? Manong? 20years old nga lang ako!!! Nako!!! Kung hindi lang dahil sa tatay ko na may sakit hindi kita ipagda-drive spoiled brat!"