Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 165 - Kabanata 165

Chapter 165 - Kabanata 165

Sa hardin ng DLRU nakaupo sa damuhan sila Kelly at Mimay at doon sila nag uusap "Ano? Bakit kailangan mong lumipat ng school kung kailan naman malapit na tayo magtapos?"

"Di ko nga rin alam baby girl si Mommy kasi at si Daddy nag away na naman."

"Tsk...no comment ako diyan family problem niyo yan eh pero bakit naman pati pag aaral mo eh madadamay 2months nalang naman at ga-graduate na tayo sabihin mo sa parents mo na i-consider naman yun. Tsaka na kamo sila mag away ulit pag tapos kana sa kolehiyo. Char...ahahaha..."

Napangiti naman si Mimay sa sinabing iyon sa kaniya ni Kelly "Edi ngumiti ka rin hindi ako sanay na hindi ka nangiti pag kausap ako eh."

"Salamat baby girl kaya sayo ko ito unang sinabi eh pero hindi ko mapipigilan si Mommy eh si Daddy kasi nangaliwa na naman."

"Tsk...sakit na talaga yan ng mga lalaki eh ang mambabae buraot!"

"Hindi naman lahat pero kasi si Daddy kung kailan naman dalaga na ko tsaka pa humarot kaya si Mommy galit na galit yun pala'y matagal na syang may kabet hindi namin alam."

"Paano nyo nalaman I mean ni tita paano niya nalaman na may kabet si tito?"

"Nakita niya si daddy kasama yung kabet niya sa isang restaurant kung saan may ka meet up si Mommy na client."

"What the F!? Anong gingawa ni Tita? Kung ako yun nako kakalbuhin ko yung babae."

"Ganon nga din ang sabi ko kay Mommy eh pero hindi yun ang ginawa niya."

"Eh ano pala?"

"Wala lang kalma lang sya mas importante ang client kesa ang lintek na kabet ni daddy."

"Well, client is a big money."

"Yeah...mas inuna ni Mommy ang client kesa sa buraot na kabet dahil malaking client ang ka meet up niya naging professional nalang siya work is work hindi dapat sinasali ang personal matter."

"Oh? Sure sa bahay bumawi si Tita no?"

"Oo, kalmado lang din si Mommy pero may nakahanda na syang divorce papers pag uwi niya sa bahay."

"Woah...Hindi naman masyadong prepared si tita ano? He---he---he..."

"Yeah...masyadong wise si Mommy kaya nga mana ako sa kaniya."

"Ahhh...talaga lang ha?"

"Umo-oo ka nalang kontra pa eh kwento ko naman ito ngayon."

"Luka! Bahala ka eh paano pinirmahan ni tito?"

"Hinde ayaw ni daddy makipag divorce kasi iniisip niya daw ako. Huh! Iniisip daw ako pero nakuha namang mangaliwa."

"Yeah..."

"Tapos ayun mag iisang buwan na silang hindi nag papansinan hindi na rin pinaghahanda ng pagkain ni Mom si Dad ako nalang ang inaasikaso niya kahit sa kwarto katabi ko si Mom sa pag tulog."

"Ohhh...I see eh anong plano nyo ni tita bakit kayo aalis sa bahay niyo?"

"Hindi na kasi matagalan ni Mommy kasi nakita na naman nya yung kabet ni Dad na talagang kinagalit niya dahil dinala ito sa bahay namin!"

"ANO?"

"Oo kaya gigil na gigil na talaga si Mom kay Dad!!! Nag wala na si Mommy hindi niya na pinigilan pa ang sarili hindi ko alam ang tunay na kwento nabanggit lang sakin ni tita Elena kasi kapitbahay namin eh narinig niya lang daw at nakita na pinalabas ni mommy sa bahay namin yung kabet ni daddy na walang saplot!"

"Pffft....ahahaha...talaga? ginawa yun ni tita?"

"Oo sa gigil ni mommy."

"Eh anong ginawa ni tito?"

"Tinakot ni Mom si Dad na kapag sinundan niya yung kabet niya hinding hindi niya na ako makikita."

"Ohhh...so hindi nga sinundan ni tito yung kabet niya?"

"Oo, pero galit parin si Mom kasi ba naman sa kwarto nila niya nakita yung buset na kabet ni daddy na nag lalambuntsingan? Sa bahay talaga namin? Ang daming motel o hotel putarages!!!"

"Ba'y oo nga pero paano saan kayo lilipat ni tita?"

"Sa ngayon nasa bahay parin kami pero sabi ni Mom sa probinsya niya kami uuwi dun sa lolo ko sa Capiz."

"Ahhh...ha? ano? Ang layo naman."

"Oo nga eh dun ko na din daw ipagpatuloy ang pag aaral ko baka maging irreg.student nalang ako."

"Ehhh...bakit hindi nalang muna kayo lumipat ng bahay para magtapos ka muna dine?"

"Yun nga eh hindi ko alam kay Mommy ayaw niya na ako ipakita kay daddy eh."

"Eh paano ka? Anong desisyon mo?"

"Wala naman akong magagawa kung hindi sumunod kay Mom ayoko na din kay Dad dahil sinira na niya ang pamilya namin at nawala na rin ang tiwala ko sa kanya."

"Yeah...kung ako rin naman ang nasa kalagaya mo ganun din ang mararamdaman ko pero bruh...kahit anong mangyare baliktarin mo man ang mundo tatay mo parin siya at hindi na yun mababago."

"Oo alam ko naman yun pero ayokong maiwan kay daddy kaya kay mommy ako sasama."

"Pero bruh...2months nalang naman at gagraduate na tayo tapusin mo muna."

"Bahala na baby girl hindi ko na rin talaga alam gulong gulo ang isip ko ngayon."

Niyakap siya ni Kelly "Wag kang mag alala andito lang kami para sayo lalo na sila Vince at Dave."

"Sira! Andun na eh patulo na luha ko eh bumalik tuloy!"

"Ahahahaha...masyado kasi tayong madrama eh. Wahahaha..."

"Pero salamat ha? Mamimiss kita pag nasa Capiz na ko."

"Syempre ako rin wala ng tatawag saking baby girl sama nalang kaya ako?"

"Baliw! Ang layo ng Capiz noh! Tsaka bakit ka naman sasama sakin dun edi na miss ka ni Patrick."

"Ayyy...yan tayo eh bawian?"

"Ahahaha...nahalata mo rin?"

"Luka ka talaga!"

"Bati na kayo?"

"Ahhhhm...."

"Aba...mukhang ikaw naman ang kailangan mag kwento."

"Ha? Wa---wala naman."

"Kellyyyyyy..."

"A---ano kasi..."

Kinuwento ni Kelly ang nangyare kagabi dahil inisip niyang si Mimay naman ay mapagkakatiwalaan niya dahil siya ang babae niyang bestfriend at madalas naman silang nag sasabi ng mga secret sa isa't isa. Pero ang hindi niya alam may hindi sinabi sa kaniya si Mimay na inaayos na ng mommy niya ang mga papeles niya sa DLRU para sa paglipat niya sa ibang University sa Capiz. Dahil alam nyang malulungkot ito pag umalis siya kaya sinikreto niya ito sa matalik niyang kaibigang si Kelly na tinuring na rin niyang nakababatang kapatid. Inisiip niya rin na hindi nalang mag paalam dito at sa tropa nila para hindi na siya mahirapan pang mag paalam pa sa kanilang lahat kaag umalis na siya.

"Goodbye Class, yung project nyo sa Friday ko na kukuhanin kaya siguraduhin niyong tapos niyo na yan sa Thursday para wala na kayong maging problema."

"Yes po Prof. Mina." Ang sagot ng buong klase.

"Okay sige maaari na kayong umuwi at wag ng kung saan pumunta pa tapusin niyo na ang dapat niyong tapusin."

"Yes Prof."

"Goodbye class."

"Bye Prof."

"Mimay, sumunod ka sakin sa teacher's office."

"Yes, Prof."

Nag reready na ang lahat sa kanilang pag uwi pagka labas ni Prof. Mina ng kanilang classroom "Bakit kaya pinapatawag ni Prof. Mina si Mimay?" Ang pabulong na sabi ni Vince kay Kelly na nag aayos ng kaniyang bag noong mga oras na iyon.

"Ba anong malay ko?"

"Sus...asa naman."

"Oo nga wala akong alam edi itanong mo kung curious ka."

"Tse! Eh hindi ba kausap ka ni Mimay nung umaga hindi mo pa yun na kukwento sakin."

"Heh! Ano? Kailangan ikukwento ko sayo lahat? Girl thing yon kaya wag kang umasang ikukwento ko sayo maliban nalang kung..." Tinignan niya si Vince na para bang may something.

"Hoy!!! Straight ako! Buang na ito edi sayo na yang kwento mo!"

"Tsss...ewan makalayas na nga!!! Mims, sabay na ko sayo."

"Sige..."

"Hey!!! Hindi ka sasabay sakin?"

"Hinde kay kuya Kevin ako sasabay kaya kayo-kayo nalang ang mag sabay sabay boys...tara na Mims? Babush..."

At umalis na nga yung dalawa "Kelly!!! Pwede naman akong isabay eh napaka talaga."

Inakbayan sya ni Harvey "Tayo tayo nalang mag sabay-sabay hayaan mo na ang mga girls."

"Tsss...girls?hindi naman girl yang si Kelly!"

"Huh! Eh ano pala si Master? Gulay?"

"Ano naman sayo?"

"Ano?" Ang pagalit namang sabi ni Dave.

"Dave!!" Ang sabi ni Patrick.

Inakbayan rin ni Harvey si Dave "Tara munang mag foodtrip para mawala ang init ng ulo niyong dalawa."

"Tsss...sino naman ang mainit ang ulo? Baka yung isa diyan."

"Huh! Talag lang ha? Sino kaya yung usok na ang ilong?"

"Aba't!!!" Pasugod na sana si Dave pero hinila siya ni Patrick "Itigil niyo na nga yang dalawa sasampigahin ko kayo."

"Kaya nga masyadong HB ang dalawang ito. Pre, manlinbre ka nga."

"Tsss...ikaw nga dapat dahil naka perfect ka kanina Mr. Class President."

"Ha—ha—ha...sagot ko nalang ang kwento pre nagtitipid ako ngayon eh "ritskid" ka naman."

"Mukha mo pero sige gutom na rin naman ako okay bilis dun tayo sa paborito kong resto."

"Wait, bakit dun dude?"

"Ayaw mo?"

"Pero dude...hindi naman restaurant yun eh."

Hinila niya na si Dave papalabas ng kanilang classroom at naiwanan yung dalawa "Saan daw?"

"Ewan ko? Tara na kahit saan pa yan pre masarap ang libre kaya wag ka ng mag tanong pa diyan bilis bago pa mag bago ang isip ni Patrick."

"Alam mo dapat nga lang na naging Class President ka."

"Ha? Bakit naman?"

"Kurakot ka kasi."

"Bungol ka!"

"Hoy! Kayong dalawa ano pang ginagawa niyo diyan?" Ang sigaw ni Dave.

"Oo andiyan na!!!"

"Tsss..kala mo naman sya ang manlilibre si Patrick naman. Kapal talaga ng isang yan!"

"Bakit ba ang init ng ulo mo kay Dave? Meron ka ba?"

"Anong pinagsasabi mong meron?"

"Period yung para sa mga babae." At kumaripas na sya ng takbo.

"Hoy!!! Bumalik ka ditong kupal ka!"

"Bahal ka diyan! Sige ka baka mag ka tagos ka sa pants mo. Ahahahaha..."

"BUSET KA!!!!" at hinabol niya na nga si Harvey at bineltukan niya ng malakas nung naabutan niya ito.