Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 146 - Kabanata 146

Chapter 146 - Kabanata 146

Breaktime,

Wala pa din sa mood yung tatlo nila Mimay kaya ang nakasama nalang ni Kelly kumain sa Cafeteria ay sila Patrick at Harvey "Anong gusto mong kainin? Ako nalang ooder para sayo mag hanap ka nalang ng table and chairs para sating tatlo." Ang sabi ni Patrick kay Kelly.

"Pinagsasabi mo? Ano ko bata? Umorder ka ng sayo baka mamaya lagyan mo pa ng gayuma pagkain ko!" Ang tugon naman ni Kelly at iniwanan yung dalawa.

"A---ano raw? Gayuma? Huh! Hoy!!!" Ang pagalit na sabi ni Patrick na wari'y gustong sugudin si Kelly pero pinigilan siya ni Harvey. "Pre, bitawan mo ko namumuro na yang si Kelly sakin eh!"

"Kumalma ka nga para namang hindi ka pa sanay sa ugali niya."

Pero nag pupumiglas pa rin si Patrick at sinabing "Pre, bitawan mo ko tuturuan ko lang ng leksyon ang babaeng maton na yon!"

"Wag na nga sabi!"

"Bitawan mo ko Pre!!!"

"Okay, sabi mu'y!" Binitawan naman niya si Patrick at na out of balance ito.

"Aray! Bakit mo naman ako biglang binitawan!"

"Ehh...hindi ba yun ang sabi mo edi ayan say hi to sahig." At iniwan niya si Patrick.

"Hoy!!! Intayin mo ko!!!!"

May bigla namang lumapit sa kaniyang isang babae at ang sabi ay "Ayos ka lang ba? Gusto mo ba ng tulong?"

"Ah? Hindi na kaya ko naman." Tumayo namang ka agad si Patrick.

"Yung pants mo ang dumi."

"Ha? Tsk...ang dumi naman nag sahig dito."

"Sandali at pupunasan ko." At pinunasan naman nung babae yung pants ni Patrick.

"Ah...ah...eh..." Umiwas naman ka agad si Patrick "You don't need to do that Ms."

"I'm Janica you can call me Anica." Iniabot niya kay Patrick ang kamay nya na para bang gustong maki pag shake hands at nakita naman ito ni Harvey kaya kinulbit niya si Kelly at sinabing "Mukhang ang prince charming mo eh may princess na nabighani."

"Huh! So what?"

"Talaga lang ha?"

"Heh! Tabi nga hindi ko makita yung menu." Nasilip silip naman siya pa kunwari kila Patrick habang nakatingin sa menu.

"Asus...kunwari pa kasi saan ka naman nakatingin don."

"Heh! Ewan!"

"Hala, mukhang kinukuha ni ate girl yung number ni Patrick...tsk...baka magkaroon na sila ng communication tapos magiging mag friend na sila. Hala!!!!"

Napatingin naman ng masama si Kelly kila Patrick at dun sa babae at sumugod "Huh! Edi hindi rin siya nakatiis." Ang pabulong bulong na sabi ni Harvey.

"Hoy!" Ang paglit na sabi ni Kelly at tinapik niya ang balikat ni Patrick.

"Ke---kelly!!!" Ang pagulat namang tugon ni Patrick pag lingon niya.

"Oh? Eh bakit naman gulat na gulat ka diyan? Na para bang nakakita ng multo ha? Aber?" Hindi pa maipinta ang mukha ni Kelly na animo'y gigil na gigil.

"Ah...eh...so---sorry naman."

"Hi!!!" Ang sabi ni Anica pero hindi siya pinansin ni Kelly.

"Ah...eh...Kelly si Janica nga pala isang student journalist dito sa DLRU."

Nakataas ang kilay ni Kelly habang sinasabi niya ang mga linyang ito na para bang nang aasar at nang gagalaiti sa galit na may kasamang selos. "Ohhh...So, magkakilala na pala kayo childhood friend? Highschool friend? O chat friend? O baka naman fling fling friend."

"Ano?" Ang nasabi nalang ni Janica at ni Patrick na animo'y nagtataka kung ano yung huling sinabi ni Kelly.

"Haha...Nako, gutom na kasi talaga itong si Kelly kaya wag mo ng pag papansin Janica, right? I'm Harvey."

"Tsss..." Ang reaksyon ni Kelly.

"Ohh...I know you from student council right?"

"Ah? Kilala mo ko?"

"Oo naman bilang student journalist kailangan kong kilalanin ang mga bawat student na nag aaral dito sa DLRU. Well, hindi naman lahat ang importante talaga eh yung mga athlete para makagawa ako ng scoop. And I know you Kelly you are the youngest sister of Nurse Kevin right?"

"Yeah...sorry but I don't know you and I'm hungry na...Kaya Patrick halika na!" Hinawakan niya ang kamay ni Patrick at hinila "Bye!!! Nice to meet you again." Ang pahabol na sabi ni Patrick.

"Okay, you take care always."

"Yeah..."

Makalipas ang ilang minuto hindi parin kumakain si Kelly at animo'y wala sa mood nilalaro niya lang yung kaniyang pagkain "Pre, anong problema niyan?" Ang pabulong na sabi ni Patrick kay Harvey.

"Tinatanong mo pa?"

"Ano nga? Hindi ko talaga alam."

"Malamang kung ako rin naman si Kelly magagalit rin talaga ako!"

"Ha? Bakit naman?"

"Tungaw ka rin eh! Nanliligaw ka na nga kay Kelly kung sino-sino pa ang kinakausap mong random girl? Dapat stick to one lang pre."

"Ha? Pero accidentally lang naman yung pagkikita namin ni Janica kanina ikaw nga may kasalanan."

"Aba! At ako pa ang nasisi sa ka baliwan nya."

"Wait, ibigsabihin ba nito nag seselos siya?"

"Nadale mo!"

"Talaga?" Ang tuwang tuwang sagot ni Patrick.

"Oo nga syempre babae si Kelly syempre emosyonal yan tamo nga hindi na niya makain yung pagkain niya sa selos niya kaya lagot ka!"

"Ha? Bakit?"

"Anong bakit ka diyan? Malamang galit na galit yan ngayon."

"Ha? Hala!! Wa---wala naman akong ginagawang masama eh."

"Tsk...anong wala? Ano yung binigay mo dun kay Janica na papel? Number mo?"

"Ha? Hinde!"

"Eh ano pala yon?"

"Tinanong nya lang yung brand ng pantalon na suot ko tapos sinulat niya sa isang papel para hindi niya malimutan."

"Ha? Bra---brand ng pantalon mo?" WTH!!!"

"Oo sabi niya kasi ang ganda raw gusto niya raw bumili para sa kapatid niyang lalaki na dito rin nag aaral."

"Ano?"

"Oo yun lang naman yun ano bang akala niyo ni Kelly binigay namin sa isa't isa ang number namin?"

"Ah...eh...a---ano kasi..."

"Sandale!!! Ikaw ang nag palala ng galit sakin ni Kelly no?!"

"Ah...eh...Naalala ko nga pala may meeting ang SC ngayon sige maiwan ko na muna kayong dalawa diyan." Ang nag mamadaling sabi ni Harvey at kumaripas na ng takbo.

"HARVEY!!!!"

"Ang ingay!!!" Ang sabi ni Kelly.

"Ay...so—sorry."

"Tapos na ko mauna na ko sayo sa classroom."

"Pe---pero hindi mo naman ginalaw ang pagkain mo."

"Huh! Ano bang pake mo? Hindi ba wala ka namang pake sakin?"

"Ano? Hindi yan totoo syempre I care for you."

"Huh! Care? For me? Tsss..." Pagkatapos sabihin ni Kelly ang mga linyang yon iniwan na rin nya si Patrick sa cafeteria na mag isa.

"Ke---Kelly!!! Inatyin mo ko!!!"

Pagkatapos ng klase nila hindi parin pinapansin ni Kelly si Patrick at naging parang badtrip na ang buong tropa maliban kay Harvey. "Anong nangyayare sa mga ito? Nung umaga lang yung tatlo lang nila Mimay yung mga mukhang hindi maipinta ang mga pagmumukha ngayon pati na rin itong sila Kelly at Patrick. Sigh..."

"Class Pres. pinapatawag ka ni Prof. Gina sa teacher's office." Ang sabi ng isa nilang kaklaseng lalaki.

"Ah? Okay sige salamat."

"Sige...uuwi na ko."

"Um...ingat..."

Inaayos naman na nung lima yung mga gamit nila at nag reready ng umuwi "Ah...eh...guys, hindi ako makakasabay sa inyo pinapatawag pa ako ni Prof. Gina. Kaya mauna na kayo sakin may meeting pa rin kasi kami mga SC."

"Okay." Anila.

"Si---sige ingat kayo." At lumabas na si Harvey ng kanilang classroom dala ang kaniyang bag.

"Ah...eh...Kelly, hatid na kita." Ang sabi ni Patrick.

"Ahm...Mimay, susunduin ka ba ng daddy mo?" Ang sabi ni Kelly at hindi niya pinansin si Patrick.

"Ah? Oo nasa labas na raw siya."

"Ohh...sige sabay mo na ko ayos lang ba?"

"Oo sige tara?"

"Um...Vince una na ko sayo."

"Okay...."

At umalis na nga sila Kelly at Mimay "Sigh...galit na naman sakin si Kelly mga pre."

"Yeah...si Mimay rin." Ang sabi nila Dave at Vince at nag katinginan.

"Pre, tapatin mo nga ko kaibigan lang ba talaga ang tingin mo kay Mimay?" Ang sabi ni Dave.

"Ha? Ah...eh...oo kaibigan matalik na kaibigan "bestfriend" namin siya ni Kelly eh. Ba---bakit mo naman naitanong?"

"Mabuti na yung sigurado dahil ang ayoko sa lahat ang inaangkin ang pagmamay ari ko. Naiintindihan mo?"

"Huh! Pag mamay ari? Mo? Sino si Mimay? In your dreams Pre."

"I knew it! May gusto ka rin kay Mimay tama ba?" Lumapit naman si Dave kay Vince na animo'y nag hahamon ng away. "Hey!!! Tigilan niyo yang dalawa kung ayaw niyong isumbong ko kayo kay Prof. Mina." Ang sabi ni Patrick at pinaghiwalay yung dalawa.

"Sige, mauna na ko sa inyo! Baka hindi pa ko magkapag timpi eh makasapak na ko." Ang sabi ni Vince at kinuha ang bag niya at umalis.

"Hoy! Bumalik ka dito!!! Hindi pa tayo tapos!!!!" Ang pagalit na sabi ni Dave na gustong habulin si Vince pero hinaharangan siya ni Patrick.

"Subukan mong mag wala kukuhanin ko talaga yung motor na binigay sayo ni ate May."

Naupo naman ka agad si Dave at kumalma "Dude, masyado ka namang hot eh kalma wag mong dinadamay yung motor."

"Tsss...diyan ka magaling eh!"

"Sorry na! Hindi ko lang talaga maiwasang manggalaiti sa galit! Alam naman na kasi ni Vince na may pagtingin ako kay Mimay tapos parang gusto niya pang sulutin sakin?"

"Paano ka naman nakasigurado? May narinig ka bang sinabi ni Vince na gusto niya si Mimay kanina?"

"Wa---wala naman."

"Oh, yun naman pala'y may pa sulot sulot ka pang nalalaman diyan. Tara na nga umuwi na tayo nakakapagod ang araw na ito."

"Yeah...sinabi mo pa pakiramdam ko wala akong ginawang buong mag hapon kung hindi maging porker face"

"Oo mukha ka nga raw matalino sabi ni Kelly."

"Eh? Sinabi yun ni Master?"

"Tuwang tuwa ka naman gung gong ka parin naman."

"Minsan talaga hindi ko alam kung bakit ikaw ang napili kong maging bestfriend."

"Ohhh...it's a tie gusto mo bang palitan na kita?"

"Ha? Dude, naman para ka namang hindi mabiro."

"Tsss...Ewan! Diyan ka na!" At iniwan niya si Dave "Hey!!! Intayin mo naman ako dude i-treat mo naman ang bff mo ng comfort food broken yung tao eh."

"Edi bumili ka!!!"

"Dude!!! Wala kong pera!"

"HINDI AKO BANGKO GUNG GONG!"

"PERO RITSKID KA!"

"HINDE!! I'M POOR SA PAGMAMAHAL."

"Talagang nakuha pang humugot ni Tanga!"