Pagkauwi ni Kelly sa bahay nila wala siya sa mood at hindi niya rin masayang sinalubong si Jacob "Tita Kelly!!!!"
"Hello baby."
"Eh? May sakit ka po tita?"
"Ah? Wala pagod lang si Tita sige mamaya nalang tayo maglaro papahinga lang ako ha?" Hinalikan niya si Jacob sa noo at tumaas na sa kwarto niya.
"Hmmm...ano kayang problema ni tita Kelly?"
"Oh? Siopao kala ko ba andito na si tita Kelly mo?" Ang bungad ni Faith at nilapitan si Jacob.
"Opo ayun na po siya oh."
Napalingon naman si Faith "Oh? Hindi ka pinansin?"
"Pinansin naman po kaso sabi niya pagod raw po sya eh kaya mag papahinga lang daw po muna sya."
"Ohhh...baka may exam sila kanina at nahirapan ang tita Kelly mo hayaan mo sabi naman niya ata sayo maglalaro kayo mamaya di ba?"
"Opo pero feeling ko po may mali eh."
"Ha?" Pinsil niya ang pisnge ni Jacob "Ikaw talaga kabata bata mo pa para ka ng mature kung mag isip. Halika gawan nalang natin ng miryenda si tita Kelly para maging happy siya."
"Opo gusto ko pong maging happy si tita Kelly."
"Oh? Edi tara na sa ating favorite place?"
"Yeah...Kusina here we go!!!"Ang tuwang tuwang sambi ni Jacob at gumawa sila ng sandwitch para kay Kelly at kumuha rin ng icecream si Faith na paborito ni Kelly at hinatid nila iyon sa kwarto nito.
"Knock...knock..."
"Tita Kelly!!! Si Jacob po ito kasama ko rin po si tita Faith may dala po kaming miyenda niyo may icecream po dito."
"Baby, hindi ba ikaw lang naman ang bata pa dito bakit kailangan mo pang mag pakilala?"
"Hehe...nasanay lang po yun po kasi sabi ni tita Kelly sakin ang laging mag papakilala kapag nakatok para alam nung nasa loob kung sino ang pagbubuksan nila."
Napangiti naman si Faith "Ahhh...nga naman ang bait naman talaga ng baby Jacob na yan napaka masunurin."
"Wag po kayong mag alala tuturuan din po ni tita Kelly si Tum-Tum pag pinanganak niyo na siya."
"Hehe...oo nga excited na nga siguro si Tum-Tum na makita ang tita Kelly niya at syempre ikaw."
"Opo. Hehe..."
Binuksan naman na ni Kelly ang kaniyang pintuan "Oh, sorry medyo na tagalan nasa c.r kasi ako naligo."
"Ohh...kaya pala ayos lang pwede ba kaming pumasok ni Siopao?"
"Opo nga tita Kelly may dala po kaming miryenda niyo."
"Ahhh...oo naman baby halika pasok kayo ni ate Faith."
"Okay po." Ang tuwang tuwang sabi ni Jacob at pumasok na nga sila ni Faith sa kwarto ni Kelly at pinatong ang dala nilang miryenda sa maliit na table na nandoon sa kwarto.
"Upo kayo gusto niyong manood ng movie? May bago po akong download na anime ate Faith."
"Oh? Ano? Hindi ko pa tapos yung season ng fairytail eh meron ka diyan?"
"Ah...opo gusto nyo?"
"Sige."
"Baby ikaw gusto mo?"
"Opo kahit ano."
"Okay, iseset up ko lang."
Habang inaayos ni Kelly yung tv "Ahm...sabi ni Siopao pagod ka raw hindi ba kami nakakaistorbo sa pag papahinga mo?"
"Ahm...hindi naman teh ayos lang.
"Gusto mo bang pag usapan?"
"Ah...eh..."
Napatigil sa pag kukutingting si Kelly sa kaniyang tv at naupo "Ahm...ate paano ba malalaman kung na fall ka na sa isang tao?"
"Fall? As in Fall in love?"
"No way!!! Tita na fall in love ka na? I mean po?"
"Ahahahaha...batang ito talaga bakit hindi ba pwedeng ma fall in love si tita Kelly mo? Tao lang siya may puso."
"Ah...eh...wala naman po akong sinabing hindi tao si tita Kelly pero kasi..."
Lumapit sakaniya si Kelly at pinisil ang pisnge "Ang cute cute mo talagang bata ka... pero wag kang mag alala alam ni tita Kelly ang ginagawa niya."
Napangiti si Faith at sinabing "That's our baby girl."
"Yeahhh...hehe..."
"Pero kung sakaling na fall in love ka na nga ang maipapayo ko lang eh wag mong ibagay lahat. I mean wag kang ma fall ng sobra sa taong yon para sa huli hindi masakit kapag hindi ka niya sinalo."
"Opo ate....hindi parin naman po talaga ako sigurado sa feelings ko pero ang alam ko pag nakikita ko siya ang saya ko tapos gustong gusto ko siya na inaasar kasi gusto kong nakikita yung mukha niyang naaasar. Ang ayoko lang yung pag may kinakausap siyang ibang babae bukod sakin."
"Sigh...dalaga na nga aming baby girl."
"Ehhh...ate naman."
"Hehe...alam mo part ng buhay ang love life kaya ayos lang yan suportado ka ni ate right Siopao?"
"Ho? Ah...eh...hindi ko pa po alam ang love life bata pa po ako.
"Asus...oo naman matagal pa pero pag nag binata ka wag kang mananakit ng damdamin ng mga girls ha? Isipin mo ang mommy mo at kami ng tita Kelly mo at syempre si Mamsie pag nanakit ka ng feelings ng mga girls para mo na din kaming sinaktan."
"Po? Pero hindi ko po kayo sasaktan."
"Hehe...ang ibigsabihin ni ate Faith kapag may sinaktan kang isang girl para mo na din kaming sinaktan kasi girls din kami kaya lagi mong iisipin na dapat nirerespeto ang mga kababaihan at hindi sinasaktan."
"Opo promise hindi po ako mananakit ng feeling ng girls."
"Yan..misan talaga mas okay ka pang kausap kesa sa tito Keith mo."
"Hehehe...Sana po hindi mag mana sakaniya si Tum-Tum."
"Ahahahaha...ang talino mo talagang bata ka."
"Hehehe...Baby ha! Lagot ka niyan kay kuya Keith."
"Ayos lang po takot naman siya kay daddy at kay tita Faith."
Pinisil ni Faith ang pisnge ni Jacob "Nako,...ang cute cute mo talagang bata ka!!!"
"Hala, naglilihi pa din ba kayo tita Faith?"
"Hindi naman na pero nakakagigil ka kasi."
"Ahahaha...ang cute mo kasi.." Ang sabi ni Kelly at hinalikan niya sa pisnge si Jacob at kiniliti.
"Ahahahaha...tita Kelly nangingiliti na naman kayo."
"Ahahahaha..."
Samanatala,
Hindi alam nung tatlo na andoon sa labas ng kwarto yung apat ni Kian at nakikinig sa kanilang usapan "Nanggigil ako diyan sa anak mo kuya Kian!!!"
"Ahahaha...kuya kalma bata yon." Ang sabi ni Kevin.
"Tsss...tumigil ka nga! Tara na kayo sa baba." Ang sabi ni Kian.
"Hindi ba tayo mag papakita sa kanila?" Ang sabi ni Kim.
"Hindi na hayaan na muna na natin sila mukhang kailangan ni Kelly ang ate Faith niya para payuhan siya."
"Ohhh...sabagay." Anila.
Habang pababa yung apat "Mga bro, sa tingin niyo nagiging mahigpit na ba tayo kay Kelly?" Ang sabi ni Kian.
"Hindi ko rin alam basta ko suportado ko si Kellang kung saan siya masaya." Ang sabi naman ni Kevin.
Bineltukan naman siya ni Kim "Gagawin ko palang naunahan mo lang ako bro." Ang sabi ni Kian.
"Ang sakit naman non."
"Ramdam kong dapat beltukan ang lukong yan eh."
"Pero, buti nalang talaga andito si Faith no?" Ang sabi ni Keith.
"Oo nga eh salamat bro." Ang sabi ni Kian at nag diretso sila sa kusina at kumain ng sandwitch na tinira sa kanila nila Jacob at Faith "Mabuti talalagang may babae sa bahay para kay Kelly." Ang sabi ni Kian.
"Oo, hayaan nyo papakasal na rin ako. Ahahaha..." Ang sabi ni Kevin.
"Baliw! Tumigil ka nga! Uunahan mo pa si kuya Kian." Ang sabi ni Keith.
"Ano? Ako na naman ang nakita mo!"
"Hahaha...bakit kasi ayaw mo pang manligaw uli kay ate Rica para di na kayo naghahati sa custody kay Siopao."
"Hindi pa nga sya handa tsaka hindi ako ang topic dine si Kelly! Banatan kita'y!"
"Hehe...baka lang naman makalusot."
"Heh!"
"Pero napansin niyo nagiging open si Kelly kay ate Faith kaysa satin." Ang sabi ni Kevin.
"Sus...selos ka naman?" Ang sabi ni Keith.
"Bakit naman ako mag seselos eh mas kilala pa rin naman natin si Kellang kaya mas gugustuhin niya parin tayong makausap."
"Tsss...umandar na naman yang pagka batang isip mo! Ang kailangan ni Kelly ngayon ay kapwa niya babae para nakakapag kwento siya oo kapatid niya tayo pero kung ako rin naman si Kelly hindi ako mag kukwento sa mga kuya ko kasi matatakot ako." Ang sabi ni Kim.
"Bakit naman?" Anila.
"Ano ba namang klaseng tanong yan mag bro? Malamang kung satin sasabihin ni Kelly yung ganong topic mahihiya siya at oo nga matatakot syempre kikilatisin na natin agad yung lalaki."
"Well..."
"Pero, dapat parin naman niyang sabihin satin yun dahil mga kuya niya tayo para makasigurado tayong safe sya dun sa lalaking nagugustuhan niya." Ang sabi ni Kian.
"Oo nga kuya pero ngayon sa tingin ko si Faith lang talaga ang kailangan niyang kausap kasi nag kakaintindihan sila dahil parehas silang babae."
"Yeah..." Reaksyon nung tatlo.
"Na miss ko bigla ang limang taong Kelly." Ang sabi ni Keith.
"Ahahahaha...oo nga hindi kasi siya humihiwalay satin gusto niya lagi tayong nakikita at kasama kulang na nga lang sumama siya sa school natin." Ang sabi ni Kevin.
"Yeah...Sigh..."
"Ngayon dalaga na ang baby sis natin na dati'y ayaw humiwalay satin ngayon kulang nalang itaboy tayo." Ang sabi ni Kian.
"Parang ang OA naman nung itaboy kuya. Ahahaha..."Ang sabi ni Kevin.
"Hahaha...oo nga no? Hahahaha...pero kasi tignan niyo dati gusto niya tayong laging kausap ngayon nahihiya na siya at ni ayaw na nga tayo kausap minsan."
"Hehe...sabagay ngayon may manliliagw na ang mahal nating prinsesa at marunong na ring ma in love." Ang sabi naman ni Kim.
"Sigh...Ang bilis talaga ng panahon." Anilang lahat.