Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 137 - Kabanata 137

Chapter 137 - Kabanata 137

Sa may pool,

Ready na ang mga boys para mag langoy "Nice, sana all may abs." Ang sabi ni Vince.

"Syempre mag gym ka kasi." Ang sabi ni Dave.

"Tss...I'm not talking to you! Asan ang abs mo pre? Baka ab kamo gunggong!"

"Ka-kakain ko lang kasi medyo busog pero mamaya makikita mo."

"Heh! Tulak kita diyan eh! Pre Patrick, lagi ka bang nag bubuhat?"

"Hindi naman nag daiet lang ako tsaka mahilig nga kasi ako mag langoy exercise na din."

"Ohhh...sana all may swimming pool din sa bahay ako kasi batya lang. Ahahaha..."

"Batya?" Anila.

"Ahhh...sa probinsya kasi yun ang tawag sa malaking palanggana yung pinaglalabahan ng damit."

"Ahhhh..." Anila.

"Yeah...mga ritskid kasi kayo. Tsss..."

"Hindi ah...si Patrick lang talaga nakiki ritskid lang ako."

"Heh! Tantanan niyo nga yang "ritskid" thing na yan."

"Ayoko kasi...Halika na lumabas ka na diyan." Ang sabi ni Mimay na hinihila si Kelly.

"Mimay, ako rin nahihiya."

"Sigh...ayos lang yan buti nga hindi tayo naka 2 piece lang."

"Girls!!! Anong gingawa niyo pa diyan? Tara na dine." Ang sabi ni Dave.

"Mukhang nahihiya si Kelly." Ang sabi ni Vince.

At nung napilit na ni Mimay sila Kelly at Nimpa "Wow...grabe yung hubog ni Master kitang kita." Ang sabi ni Dave at nabeltukan siya nila Vince at Patrick.

"Aray naman! Pero mas malupet si Nimpa bababoom!"

"Manyak ang putek!" Ang sabi ni Vince at itinulak niya si Dave sa pool.

"Pre!!!!"

"Heh!"

Sinalubong naman nila Vince at Patrick yung girls "Sigh...kaya ayoko talaga ng ganireng kasuotan feeling ko wala akong suot." Ang sabi ni Kelly.

"Ayos lang yan baby girl wala rin namang makikita."

"MIMAY!!!!"

"Ahahaha...at least hindi ako flat iron."

"Ano???? Are you looking down on me?"

"Pffft..ahahaha....pero Nimpa ang sexy mo grabe."

"Ah? Nakakailang nga eh hindi ako sanay sa ganito."

"Ayos lang yan kesa sa isa diyan na sobrang flat iron."

"MIMAY!!! Hindi ka ba talaga titigil itutulak na kita diyan sa pool."

"Pffft...ahahahaha...sabi ko naman kasi sayo lagyan na natin ng pandesal yan."

"Heh!"

.

.

Author: Hi geysh...Sorry for the word "flat iron" I think you girls knows what I'm talking about. Pffft...ahahahah...comment down below. Ahihi...hindi po tayo r18 kaya I make comedy nalang dahil romcom po ang genre natin. Nyahahahaha...

.

.

"Hi Kelly." Ang sabi ni Patrick.

"Tsss...maka hi naman parang di tayo nagkita ng isang linggo oa ha?"

"Hehe...ano simulan na natin?"

"Hindi ba dapat mag stretching muna?"

"Ah? Oo sige sabay sabay na tayong lahat."

"Eh? Bakit nasa pool na agad yang bugok na si Dave?" Ang sabi ni Mimay.

"Ahhh...hayaan mo nalang yan deserve niyang malunod." Ang sabi ni Vince.

"NARIRINIG KITA PRE!!!! SINONG NALULUNOD? Tsss..." Ang sabi ni Dave habang nag lalangoy na.

"HEH! Wag ka na ngang maingay diyan MANYAK!"

"ANO?? SINO???AKO???"

"Manyak?" Ang sabi ni Mimay.

"Ahhh...wala yon nag bibiruan lang kami right Patrick?"

"Ah? O---oo." Tugon ni Patrick habang pinapanood lang si Kelly nag mag tali ng buhok.

Lumapit at bumulong naman si Vince kay Mimay "Mims, buang na talaga si Patrick sa pinsan ko."

"Mukha nga napansin ko rin pero alam mo yung nakakauma?"

"Ano?"

"Ang lapit mo masyado!!!" Ang pagalit na tugon ni Mimay at tinulak niya si Vince sa may pool.

"MIMAY!!!!"

"Pffft...ahahahaha...ano ka ngayon pre?" Ang panunuksong sabi ni Dave.

"Heh!"

"Mga buset kayo!!!" Ang sabi ni Mimay.

Nag dahan dahan naman si Kelly at tinulak niya si Mimay "Adios Mims." Aniya.

"AHHHHHH...BABY GIRL!!!!!"

"Pffft...ahahaha...ang ingay niyo kasi."

"Kelly naman! Ayoko pa nga mag langoy eh."

"Ahahaha....ayos lang yan..." Ang sabi ni Vince at hinila niya si Mimay sa ilalim.

"He—Hey!!!!"

"I wanna join guys..."Ang sabi ni Dave at sya ang hinila sa ilalim nila Mimay at Vince.

Samantala, si Nimpa nakaupo lang sa may pool side "Hey!!! Want to join them?"

"Ha? A---ah...eh...mamaya nalang Kelly."

"Ohhh...okay tawagin mo lang ako at itutulak rin kita."

"Ha?"

"Ha---ha---ha...I mean sasamahan kitang mag lublob."

"Ahhhhhh...okay."

"Silly..." Ang sabi naman ni Patrick na may dalang slice ng eggpie at kumakain.

"Eggpie ba yan?"

"Oo? Gusto mo ba ikukuha kita?"

Kumagat na si Kelly sa hawak ni Patrick na eggpie "Um...the best talaga ang eggpie."

Namula naman bigla ang mukha ni Patrick at sa isip-isip niya "A---ah...ano yung ginawa niya? Ku----kumagat siya kung saan ako kumagat? Oh GOD!!! In direct kiss ba yon?!!!!!"

"Huy!!! Ayos ka lang ba?"

Nakatulala lang si Patrick sa kaniya "Huy!!! Ano ga? Hmmm..." Itinulak niya rin si Patrick sa pool.

"Ke---Kellyyyy!!!!"

"Ahahaha...you guys all wet I'm leaving na."

"ANO???" Anila.

"Ahahahaha...boring na eh kayo basa na ako hindi pa kaya I'm going out na Nimps tara?"

"Ha? Pero basa na rin ako."

"Eh?"

"Guys? Ready?" Ang sabi ni Mimay.

"Yeah..." Umahon sila Vince sa pool.

"He---hey!!! A----anong binabalak nyo? Sinasabi ko sa inyo!!! Ayokong mag swimming!!!!"

"Oh? Really!" Ang reaksyon ni Vince.

Napapaatras si Kelly pero may binabalak yung tatlo sa kaniya "Ho---Hoy!!! Tumigil kayo sinabi ko ng hindi ako marunong mag langoy!!! Kaya tantanan niyo ko!!!!"

"Pero tuturuan nga kita." Ang sabi ni Patrick.

"Yes master halika na." Ang sabi naman ni Dave.

"Guys, let's do this!!!" Ang sabi naman ni Vince.

"AHHHHH....VINCE!!!!"

"Pffft...ahahhahaha...ganyan ka pag ikaw ang nag bibiro ang saya mo pero pag ikaw na ang binibiro napipikon ka na. Sigh...nako Kelly!" Ang sabi ni Vince.

"Pero, ayoko nga!!! Wag niyo ko itulak!!!"

"Hahaha...hindi naman eh ilublob ka lang namin tara na Master."

"Ayoko nga!!!"

"Ayaw mo talaga????" Ang sabi ni Patrick at binuhat na si Kelly.

"He---hey!!! Ibaba mo ko!!!!" Ang sabi ni Kelly na nag pupumiglas.

"Kapag hindi ka umayos makakatikim ka talaga ng bagsik ni Patricio!!!"

"A---ano?"

"Pffft..." Ang reaskyon nila Vince at Dave.

"Wag kang mag alala hindi kita pababayaang malunod...." Ang sabi ni Patrick at bumulong "Dahil lulunurin kita sa pagmamahal ko."

"Ano? Ano yon?"

"Wala!! Sabi ko mag swimming na tayo!!!!" At hinakawan niyang mabuti si Kelly at tumalon silang mag kasama sa pool.

"AHHHHH!!!!"

"Buksan mo na ang mga mata mo hindi ka naman malulunod hawak kita."

"Ehhhh...ayoko!!!" Ang sabi ni Kelly at sobra ang hawak niya kay Patrick.

"Silly! Iisipin kong gusto mo lang akong yakapin pag hindi mo pa ako binitawan."

Binuksan naman ka aagd ni Kelly ang mga mata niya " Huh! Kapal mo! Vince halika nga tulungan mo ko!!!"

"Ayoko nga!!!"

"Ano? Isusumbong talaga kita kila kuya buset ka!!!"

"Hahahaha...kaya mo na yan hindi naman malalim ang side na ito kaya chill down."

"Oo nga master go!!"

"Tsk..Mimay!!!!"

"Sorry baby sis pero itinulak mo ko kanina."

"Pero kanina pa yon!!!!"

"Ahahaha...bumitaw ka na at tignan mo kung abot mo yung ilalim wag ka ng mag alala hindi ko hahayaang mawala ka sa paningin ko."

"Ayiiie...enebi..." Ang sabi nila Mimay na animo'y niloloko si Kelly.

"Heh!!! Mga buset kayo!!! Dyan kayo magaling...Tsss...biwatan mo nga ko!!!"

"Pero kanina pa ko nakabitaw sayo ikaw ang di nabitaw sakin."

"Ayiiie...Kelly...ahahahah..." Ang panunuksong sabi muli nila Mimay.

"Buset talaga kayo!!!" ang pagalit na sabi ni Kelly at bumitaw siya ng dahan dahan kay Patrick.

"Oh? Ano abot mo ba yung floor?"

"Mag intay ka nga!!! Kabibitaw palang di ba? Exicted??"

"Ah...eh...sorry naman."

"Tsk...mag buset kayo!!!"

"Go Kelly!!!! Ang sabi nila Mimay at "Go Master!" naman ang sabi ni Dave.

Lumapit naman si Nimpa kay Dave sa may pool "Bakit nga pala Master ang tawag mo kay Kelly?"

"Ahhh...yon ba? Ang galing niya kasi sa lahat ng bagay kaya gusto ko siyang maging Master."

"Gaya ng?"

"Kung followers ka niya sa IG makikita mo doon na ang galing niyang kumuha ng mga pictures kaya lodi ko talaga siya. Tapos magaling din si Master sa martial arts pero ang pinaka forte niya ay karate."

"Ohhh...I didn't know that Ms. Dela Cruz is into that thing."

"Yeah...ang astig niya noh?"

"Oo di gaya ko ang weak ko."

"Eh? Ikaw? Pero matalino ka naman at maabilidad kaya hindi ka weak."

"Pero kumpara sa kaniya ibang iba ako."

"Oo Master si Kelly eh...I----I mean kakaiba naman talaga siya kasi hindi siya yung tipo ng babae na tipikal may pusong barako kasi siya bilang lumaki siya sa mga kuya niya. Kaya dapat wag mong ikumapara ang sarili mo kay Master may iba't ibang katangian naman kasi tayong lahat kaya chill lang."

Napangiti naman si Nimpa "Oo sige...salamat."

"Wala yon maliit na bagay.Hehe..."

Napatingin naman si Vince dun sa dalawa "Mims, tignan mo yung dalawa parang may sarili ng mundo."

"Tsss...eh ano naman? Kebs ko?"

"Bahala ka nga!!!!"

"Talaga!!! Lumayo ka nga sakin naaalibadbaran ako sayo!!!"

"Ano?!!! Baka gusto mong..."

"Ano?????Sige sabihin mo!!"

"Tss...nako!!! kung hindi ka lang talaga babae papatulan kita'y!!!"

"Tsss...edi sige gawin mo!!!"

"Aba't!!! Talagang!!!"

"Ahhhhh!!!!" Ang sigaw naman ni Kelly at nagulat naman sila Vince.

"Anong nangyayare?" Anila.

Naka sampa na sa likuran ni Patrick si Kelly "Ha---ha---ha...wala naman guys just do your thing wag niyo nalang syang pansinin." Ang sabi ni Patrick.

Sinabunutan siya ni Kelly "Wag pansinin!!! Buset ka!!!"

"Aray!!! Yung buhok ko!!!"

"Sabi ng wag mo kong dalhin sa malalim buset ka!!!"

"Hindi na nga sorry na!!"

"Pffft...hahaha...." At nagtawanan sila Vince.

"Hahaha...Baby baka naman makalbo na nyan si Patrick maawa ka."

"Tsss...hindi dapat kinakaawaan ang gaya nitong buset!"

"Aray!!! Guys tulong..."

"Bahala kayong dalawa diyan." Anila at umahon.

"Guys!! Saan kayo pupunta??"

"Papanoorin kang makalbo." Anila.

"Ano??? Maawa naman kayo."

"Tsss...anong akala mo sakin sadista?? Bilis ayoko na dito gusto ko na rin umahon."

"Ha? Pero hindi ka pa natututo mag langoy."

Sinabunutan siya uli ni Kelly "Aahon na tayo o kakalbuhin kita?"

"O---oo sige na.Haist..."

"Poor Patrick..." Anila Vince.