Habang nagpapahinga ang lahat at nakaupo sa may pool side nakaisip si Dave ng isang laro at nag laro sila ng "truth or dare"
"Okay, sino gustong mauna?"
"Ayoko wag ako." Anila.
"Hmmm...okay, intayin niyo ko dito."
"San ka pupunta?" Ang sabi ni Patrick.
"Kukuha lang ng bote spin the bottle nalang para walang turuan kung sino mauuna."
"Eh? Sino naman mag uutos?" Ang sabi ni Mimay.
Habang pabalik si Dave na may dalang bote "Edi spin the bottle din."
"Well, masaya nga yon." Ang sabi ni Patrick.
"Kelly!!!" Ang sabi ni Vince kay Kelly na nakatulala lang.
"Ano??? Ano na namang problema mo?"
"Wala bakit ba nakatulala ka diyan?"
"Wala din wala kang pake!"
"Tsss..."
"Okay simulan na natin."
"Alright." Anila maliban kay Kelly na nakasandal pa kay Nimpa.
"Kelly mag start na daw ayos ka lang ba?" Ang sabi ni Nimpa.
"Um...narinig ko hindi pa naman ako binge."
"Ay...so---sorry.."
"Sige na simulan na yan bored na ko!" Ang sabi ni Kelly.
"Tsss...wag kang aangal sa mga utos." Ang sabi ni Vince.
"Tse! Edi bring it on!"
"Sige na pre simulan mo na ng magkaalaman na gusto ko si Kelly agad. Humph!"
"Heh!"
"Okay, sisimulan ko na ang unang tatapatan ng bote ay ang gagawa ng "truth or dare" at ang pangalawang matatapatan naman ay ang mag uutos. G ba kayo?"
"G!!!!" Anila.
"Okay, let's the BOTE begins."
"Ano? Anong bote?" Ang sabi ni Mimay.
"E kasi bottle ang bote di ba?"
"Sigh...nag tanong pa ko! Sige na simulan mo na!"
"Um..okay..." At sinumulan na nga ni Dave paikutin yung bote at ang unang tinapatan nito ay siya mismo.
"Ahahaha...wala ikaw lang din pala'y." Ang sabi ni Vince at nag tawanan ang lahat.
"Haist...ayoko na nga mag paikot pero kung sino ang tatapatan yun ang mag papaikot para siya mismo ang pipili sa mag co-command sa kaniya."
"Nice dude! Umaandar ang utak mo ngayon parang nahawa ka naman bigla kay Nimpa." Ang sabi ni Patrick.
"Tsss...syempre laro eh gagana talaga. Ahahaha..."
"Daming daldal sige na paikutin mo na." Ang pagalit na sabi ni Mimay.
"Galit ka?"
"Huh! Bakit naman?"
"Tsk...oo na paiikutin ko na." At pinaikot na ngang muli ni Dave ang bote at tumapat naman ito kay Vince.
"Ahahahah...sorry pre ako ang mag uutos sayo."
"Hoy! Wag naman kung ano tsaka tanungin mo muna ko kung "truth o dare"."
"Oo na game truth or dare?"
"Ahm...Dare nalang baka kung ano pa ang itanong mo."
"Tsss...KJ!"
"Ano na?"
"Hmmm...tumalon ka ng 3 times sa pool."
"Yun na yon? Sisiw naman."
"Hinde tumalon ka ng 3x sa pool habang sinasabing "gung gong ako" pffft...bago tumalon."
"Ano?"
"Ahahahaha...nice one bruh." Ang sabi ni Mimay at nagtawanan silang lahat maliban kay Dave.
"Taena! Okay, gagawin ko. Humph...humanda ka pag ako naman ang nakabawi."
"Hahahah...Just do it pre. Muwahahahahaha..."
"Buset ka!" At ginawa nga niya yung iniutos ni Vince at tawang tawa naman silang lahat.
Hingal na hingal si Dave at basang basa pagbalik niya "Oh? Happy? Mga buset kayo!"
Binigyan naman siya ka agad ni Nimpa ng towel "Here mag punas ka."
"Ah? O—oo salamat." Napatingin naman sila Mimay at natahimik.
"Okay, next sino gusto mag spin?" Ang sabi ni Vince.
"Sige ako na mag spin!" Ang sabi ni Mimay.
"Sige...mag isip na kayo ng gusto niyong ipagawa para mabilisan na." Ang sabi ni Vince.
"Tsss...sayang saya ka naman." Ang sabi ni Dave.
"Pffft....ahahahaha... Pake mo?"
"Sige na tama na yan sisimulan ko ng paikutin ireng bote." Ang sabi ni Mimay at pinaikot na nga niya nag bote at tumapat ito kay Vince.
"Ahahaha...taena ka sana ako mag command sayong lintek ka!" Ang sabi ni Dave.
"Putek ka! Mimay ayusin mo pag ikot!"
"Aba bakit ako? Ahahaha..." At pinaikot niya ng muli ang bote at tumapat iyon sa kaniya.
"Eh? Ako?"
"Hoy! Ayusin mo."
"Ahahaha...wala pa nga ang oa mo."
"Tsk..."
"Go Mims pahirapan mo yan." Ang sabi ni Kelly.
"Yes baby."
"Hoy! Tumigil nga kayo!"
"Ahahaha...game ano truth or dare?"
"Tsk...Truth nalang ayokong mapagod."
"Ay...Kj!" Ang sabi nila Kelly at Mimay.
"Heh! Ewan ko sainyo."
"Weaklings ka pala pre." Ang sabi Dave.
"Edi wow."
"Okay, ano kayang magandang itanong?" Ang sabi ni Mimay at bumulong naman sa kaniya si Kelly.
"Ano? Ayoko baby girl."
"Ayos lang yan."
"Ano na naman yan Kellang??!!!"
"Ahahahaha...sige na Mimay."
"Tsk...baby girl naman eh."
"Sige na, sige ka magagalit ako sayo.Ahahaha..."
"Baby naman."
"Hahaha...Bahala ka."
"Tsk...sige na nga."
"Hoy Kellang!!!" Ang pagalit na sabi ni Vince.
"Ahahaha...bakit ba? Wala namang masama sa itatanong ni Mimay."
"Sigh...si Kelly talaga gumawa nito kaya wag kang ano diyan."
"Bayan bakit kasi si Kelly? Ang daya hindi naman sa kaniya tumapat yung bote."
"Pero humingi siya ng suggestion sakin."
"Wow...huminge? Eh ikaw lumapit kay Mims."
"Tsk...basta sagutin mo nalang ge na Mims."
"Sigh...okay...eto na...Um...an—ano kasi...NAGKAROON KA BA NG PAGTINGIN SAKIN? HINDI BILANG KAIBIGAN LANG.
Natahimik si Vince at tawang tawa naman si Kelly "Pffft..ahahahaha...nice Mims."
"Tsk...babay naman eh."
"Ano Vincey! Sagutin mo! Alam mo naman siguro kung ano ang ibigsabihin nun."
"Tsk...oo na! Sigh...siguro dati."
"Ayiee...ahahahah..." Ang panunuksong sabi ni Kelly at sumunod na rin namang nanukso sila Dave at Patrick.
"Pre, ikaw ha!" Ang sabi ni Dave.
"Hey! Dati pa yun nung highschool ang ganda niya kasi nung prom namin."
"ANO? So, nun lang ako maganda?" Ang pagalit na sabi ni Mimay.
"Ah...eh...ano hindi naman sa ganon don't get me wrong."
"Tsk...sus..."
"Wait, hindi ba noon ay kayo ang prom king at prom queen nun nung panahon na yon?" Ang sabi ni Kelly.
"HEH! Anila.
"Ahahahaha...chill!"
"Okay, ako naman mag try mag paikot ng bote." Ang sabi ni Patrick.
"Game!" Ang sabi ni Kelly.
"Okay, eto na," At pinaikot na nga niya yung bote at tumapat naman ito sa sarili niya. "Anak nang!"
"Ahahahaha...ganyan din ako kanina eh kaya ayoko na mag paikot." Ang sabi ni Dave.
"Hahaha...ge na paikutin mo na uli tignan natin kung sino ang mag co-command sayo." Ang sabi ni Kelly.
"O—okay...pero guys have mercy on me okay?"
"Well...let see." Anila.
"Wow ha?" At pinaikot na nga niyang muli yung bote at tumapat iyon sa sarili niya.
"WTH? Bakit sayo? Ahahahah...tanungin mo na sarili mo. Nyahahaha..." Ang sabi ni Kelly.
"Ba! Hindi pwede yon Master ulitin yan ako nga mag papaikot." Ang sabi ni Dave.
At pinaikot nga iyon ni Dave at tumapat yung bote kay Nimpa "Eh?" Anila.
"Hala...wala akong maisip na pwedeng itanong o iutos." Ang sabi ni Nimpa.
"Tanungin mo muna sya kung truth or dare." Ang sabi ni Mimay.
"Ah...o---okay truth or dare?"
"Sigh...dare nalang sige iutos mo na kahit ano bahay naman namin ito kaya okay lang. Bring it on."
Bumulong si Dave kay Nimpa "Hoy! Dave!!!"
"Ahahaha...wala naman akong sinasabi."
"Pero wala talaga ko maisip na pwedeng iutos pwede ba kuha mo nalang ako ng tubig?"
"Yun lang?" Ang sabi ni Kelly.
"Oo nga weak wag ganun Nimpa." Anila Vince
"Pero wala talaga ko masisip nakakahiya din kasi."
"Wag kang mahiya tayo tayo lang dito." Ang sabi ni Dave.
"O---okay ahmm...kuhanin mo nalang ang pinaka importanteng bagay sayo dito sa bahay niyo."
"Ohhh...seems interesting." Ang sabi ni Kelly.
"Oo nga ge na pre kunin mo na pangurado may ginto. Ahahahah..."Ang sabi ni Vince.
"Pero marami akong bagay na gusto sa bahay na ito pero may isang bagay ako na pinakagusto talaga."
"Ano?" Anila.
"Hindi ano kung hindi sino"
"Sino?" Anila.
"Ayiiiee....don't tell me si Master.." Ang panunuksong sabi ni Dave.
Bineltukan naman siya ni Kelly "Bakit ako? Kailan pa ko naging bagay? Tao ako bungol!" Sinabunutan niya si Dave.
"Ahhhh...Master sorry na."
Habang nag kakatuwaan naman sila Kelly dumating naman na ang daddy at mommy ni Patrick na hindi nila alam "Maligayang pagbabalik po Sir, Madam." Ang salubong na sabi ni Manang Tina.
"Um...Anong ingay yon? May bisita tayo?" Ang sabi ni Patricia.
"Opo Madam, mga kaklase po ni Sir Patrick nagawa po kasi sila ng project pero ngayon mukhang nag kakatuwaan po sila."
"Ohhh...mukhang ngayon ko nalang uli narinig na tumawa si Patrick." Ang sabi ni Ricardo.
"Oo nga po Sir nakakatuwa nga po sila may isa nga po doong babae mukhang nililigawan po siya ni Sir Patrick."
"Nanliligaw na si Patrick?" Anila.
"Sa tingin ko po kasi umorder siya ng pagkain at narinig ko puro daw po iyon gusto nung isa niyang babaeng kaklase kaya sa tingin ko po nag papa-impress si Sir Patrick."
"Ohhh...I see honey silipin natin?" Ang sabi ni Ricardo.
"Pero pagod na ko mamaya nalang ikaw nalang muna."
"Sigurado ka?"
At papataas na ng hagdan si Patricia "Oo mamaya na gusto ko lang muna mag pahinga."
"Okay, sisilipin ko lang sila saglit."
"Um..."
"Sige Manang samahan mo ko sa kanila."
"Sige po Sir."
At nagtungo na nga sila Ricardo at si Manang Tina sa may pool "Ahahaha...ang daya bakit ako na naman? Ang taya?" Ang sabi ni Dave.
"Weaklings ka raw kasi." Ang sabi ni Kelly at sakto namang dumating ang daddy ni Patrick na si Ricardo at nagulat ito sa nakita "Pa---Paula?" Aniya.
Napatingin naman ang lahat kay Ricardo "Daddy?" Ang sabi ni Patrick kaya tumayo ka agad siya at sinalubong ito.
"Sino raw daddy?" Ang sabi ni Mimay.
"Oo siya yung daddy ni Dude hindi niyo pa ba siya nakikita?" Ang sabi ni Dave.
"Nakita na syempre sikat sila eh." Ang sabi ni Vince.
"Pero kakaiba pala pag live na noh Grabe kamukha siya ni Patrick." Ang sabi ni Mimay.
Tinapik naman si Vince si Kelly "Huy! Kelly! Bakit?" Aniya.
"Ah? Wa---wala naman bigla ko lang na missed si Daddy eh."
At lumapit naman sa kanila sila Ricardo at Patrick sa kanila "Ahm...guys meet my dad."
"Hello po." Anila at nahihiya naman si Kelly bigla.
"Feel at home lang kayo dito wag kayong mahihiya lalo ka na. Ms. Kelly." At niyakap niya si Kelly bigla na kinagulat ito ng lahat "Da----daddyy..." Ang sabi ni Patrick na hindi malaman ang gagawin.