Kinatanghalian,
"Sir, naka ready na po ang pananghalian." Ang sabi ni Manang Tina.
"Sige po salamat...Guys, tara kumain na muna tayo ng lunch." Ang sabi ni Patrick.
"Ayos, kanina pa nga ko nagugutom tara Nimpa?" Ang sabi naman ni Dave.
"Ah? O---oo sige."
Samanatla pabulong bulong naman si Mimay "Tsss...at talagang si Nimpa pa ang inuna nya imbes na ako."
"Bakit selos ka?" Ang sabi naman ni Vince.
"Huh! Asa naman ang akin lang..."
"Ang sayo lang ay sayo lang right?" Ang sabi naman ni Kelly.
"Baby girl naman pati ba naman ikaw?"
"Ahahaha...chill down ako lang to."
"Kelly, tara kumain na tayo." Ang bungad namang sabi ni Patrick.
"Tsss...lumayo ka nga! Nakakaasiwa kanina ka pa dikit ng dikit sakin masasapak na kita!"
"Ayieee..." Ang panlolokong reaksyon nila Vince at Mimay.
"HEH!" Ang tugon naman ni Kelly at iniwan sila hinabol naman sya Patrick.
"Ahahaha...mahilig mag biro pero pag siya naman ang biniro napaka pikon." Ang sabi ni Mimay.
"Yeah..ahahaha...ganyan talaga yang si Kellang bata palang kami."
"Pero tignan mo parang nag kakasundo na sila ni Patrick."
"Na dapat kong pigilan." Napatayo at susugod na sana si Vince pero pinigilan siya ni Mimay.
"Hep! Saan ka sa tingin mo pupunta?"
"Binilin sakin si Kelly ng mga kuya niya kaya hindi ako papayag na maging malapit sila."
"Eh? Ang KJ mo hayaan mo lang sila andito naman tayo'y tsaka kilala naman natin si Patrick wala syang gagawing masama kay baby girl."
"Sigh...oo boto naman ako kay Patrick para sa pinsan kong si Kelly pero kasi...."
"Ayos lang yan wala naman ang mga kuya ni Kelly dito eh."
"Well, you have a point naman pero ikaw paano ka?"
"Ha? Anong paano ko? Ano gang pinagsasabi mo?"
"Tignan mo yung dalawa ni Dave."
Napatingin naman si Mimay dun sa dalawa ni Dave na animo'y ang sweet "Huh! Hayaan mo hindi ko nga siguro deserve yang bugok na Dave na yan."
"Eh? So, ayaw mo na sakaniya?"
"Ewan ko parang hindi naman namin talaga gusto ang isa't isa ang shunga niya ako naman mainitin ang ulo feeling ko hindi talaga kami ang itinadhana. Gusto mo ba tayo nalang?"
Napalayo naman sa kaniya si Vince "Hahahaha...ang oa ng reaction ha? Di ako maiinlove sayo tsaka lam kong patay na patay kay kay Aliyah. Kung ikaw lang tatanda nalang ako ng dalaga sa torpe mong yan?!Naku po! No thanks nalang." Dagdag pa ni Mimay.
"Heh! Hindi ako torpe!!! Gusto mong itry?"
"Whoa!!!! Baliw ka na! Ako nga eh tantanan mo makakain na nga lang....Kelly!!!!" At iniwan niya si Vince.
"Tsss...mga babae talaga pag seryoso na ang usapan hindi na makatagal sa usapan. Torpe pala ha?! Let see..." At sumunod na rin siya kay Mimay at sa iba pa.
Samantala,
"Bro, may manliligaw ba ng tanghaling tapat?" Ang sabi ni Daniel kay Chollo na nag do-doorbell sa gate nila Kelly.
"Walang pinipiling oras ang panliligaw kaya manahimik ka nalang nga dyan at hawakan mo yang bulaklak ko para sa mahal kong prinsesa."
"Tsss...Baliw ka na talaga."
"Honk...honk..." Ang busina nang isang motor.
"May paparating bro."
"Alam ko nakikita ko may mata ko di ba?"
"Tsss...sorry ka na lang pag yang bumabang yan eh karibal mo din kay Kelly buset ka."
"Edi shing."
At yung bumaba sa motor ay si Miggy "Huh! Ano ka nga ngayon bro kasabay mo na naman yang lalaking yan."
"Tsss...wala akong pake ako ang nauna kaya ako ang unang makikipag usap kay Kelly."
Lumapit si Miggy kila Chollo at Daniel "Yow, bakit hindi kayo mag doorbell? Ang init dito."
"Tsss..sa tingin mo hindi pa namin ginawa yon? Ganoon ba kami ka bobo sa tingin mo?"
Pabulong bulong si Daniel "Bro! Chill down sabi mo wala kang pake di ba?"
"Pero bakit kasi lagi nalang akong may kasabay nakaka uma na!"
"Can you please excuse me?" Ang sabi ni Miggy at sya naman ang nag try mag doorbell.
"Huh! Alam mo bang nakailang doorbell na kami diyan? At walang nalabas kaya kung ako sayo umalis ka na."
Ang sama naman ng tingin ni Miggy kay Chollo at lumapit siya dito at sinabing "Don't ever, talk to me like that! Hindi mo kilala ang kausap mo man! Huh!"
"Tsss...wanna fight? Let's see what you've got."
"Chollo!" Ang pagalit na sabi ni Daniel.
Nagkakairingan na yung dalawa ng may biglang dumating na taxi at ang sakay nito ay sila Keith at Faith "What are you guys doing here?" Ang sabi ni Keith at bigla namang nag bago ang mood nung dalawa at bumati ng "Magandang tanghali po." Anila Miggy at Chollo.
Samantala,
Habang nakain naman sila Kelly "Napansin ko lang bakit parang puro paborito ni Kelly ang mga kinakain nating ito?" Ang sabi ni Vince.
Samanatala busy naman si Kelly sa pagkain at si Patrick naman ay nasa loob "Ba! Oo nga ngayon ko lang napansin puro pork ang mga ito at ang daming barbeque na gustong gusto ni baby girl." Ang sabi ni Mimay.
"Talaga? Mahilig ka pala sa barbeque Master?" Ang sabi ni Dave.
"Well, I like lahat ng luto sa mga pork's pero pinaka fav ko talaga ay...."
"BARBEQUE" Anila Mimay at Vince.
"Yeah...indeed."
"Wow...kaya naman pala ganyan lahat ng inorder ni Dude now I know kung bakit sa pinaka mahal na resto sa mall pa nila yan inorder."
"EH? PARA KAY KELLY?" Anila Mimay at Vince.
"Um...para sayo Master."
"Ha? Ba---bakit ako? Don't tell me papabayadan niyang lahat ng ito sakin?"
"No! Hinding hindi yun mangyayare libre ng lahat ng yan para sayo.." Ang bungad na sabi ni Patrick habang dala yung tray ng eggpie.
"Ha?" Ang reaskyon ni Kelly naubo naman kunware si Dave "Ahem...ahem..."at napatingin kay Patrick.
"Ah? I---I mean para sating lahat kaya mag paka busog kayo. Ha---ha---ha..."
"Oh? Really? HuH?!" Ang nagdududang reaksyon at tugon nila Vince at Mimay.
"Nga pala, may eggpie rin tayo."
Nagkatinginan naman sila Mimay at Vince "A—Ahm....para satin lahat kaya wag niyong bigyan ng kahulugan alam naman nating paborito ni Kelly yan pero kasi yan lang ang kaya i-bake ni Manang Tina." Dagdag pa ni Patrick.
"Ohhhhh..." Ang reaksyon nila Dave maliban kay Kelly na animo'y walang pakialam basta sya ay nakain.
"Kelly!!! Narinig mo ba yun may eggpie raw! Bakit ba busy na busy ka sa pagkain diyan?" Ang sabi ni Vince.
"Bakit ba? Sa gutom ako'y! Kumain na nga lang kayo nakakaistorbo kayo sa pagkain ko."
"Sigh.."Ang reaksyon nila.
"Mamaya na nya maappreciate ang eggpie mo pre mas fav niya kasi talaga nag pork barbeque kaya..." Napatigil si Vince sa pag sasalita dahil na pansin niyang nakangiti lang si Patrick at nakatitig kay Kelly.
"Eh? Wala na ito na baliw na talaga siya kay Kelly! Sigh..." Dagdag pa ni Vince.
Makalipas ang ilang oras,
"Wahhhh...ayoko na! Wala na itong patutunguhan wala akong maisip!!!" Ang sabi ni Kelly.
"Ayos lang yan 2 weeks naman ang binibigay na palugit satin ni Prof. Mina kaya makakaisip pa tayo." Ang sabi ni Patrick samantala sila Mimay at yung iba at busy na sa kanilang project.
"Hoy! Guys! Baka naman may iba pa kayong naiisip bigyan nyo naman kami ni Patrick ng idea."
Pero walang sumasagot sa kanila "Hoy!!! Mga binge na ba kayo?" Dagdag pa ni Kelly.
"Mag search na lang tayo."
"Tsss...wala din kwenta kung mag sesearch sabi ni Prof. Mina yung naging memorable daw. So, bakit ka mag sesearch?"
"Well, ang akin lang naman para hindi ka na mahirapang mag isip."
"Ayiiie..." Ang reaksyon nila Vince.
"Heh! Pag ganyan active na active kayo buset! Hey, Ms. Top 1."
"Ah? A---ako?" Ang sabi ni Nimpa.
"Yeah...sino ka nga ulit?"
"Ha?"
"Sigh...nako, medyo mahina ang memory ni Master pagdating sa mga name kasi kaya pag pasensyahan mo na siya...Master, naman siya si Nimpa!"
"Ahhh...sya yung nerdy na girl sa classroom right? Aba'y ganda mo naman pala ganyan ka nalang dapat palagi."
"Ah? O---oo sige salamat."
"Wala yun now, give me some idea."
"Ah? A---ano kasi eh..."
"Sigh...Kelly! Wag ka ngang manakot diyan para kang baliw." Ang sabi ni Vince.
"Tsss...anong pananakot dun? Nanghihingi lang ako ng idea right Mims?"
"Ha? O---oo."
"Bakit ba nakatulala ka diyan Mims?"
"Ako?"
"Ay hinde ako nalang ako yung nag tatanong di ba?"
"Baby girl naman!"
"Hahahaha...I'm bored na talaga let's play wag niyo na muna yang tapusin."
"Oo nga tama si Master maglaro muna tayo matagal pa naman ang pasahan nito." Ang sabi ni Dave.
"Pero ano namang laro?" Anila.
"Hmmm..." Ang reaksyon ni Kelly.
"Alam ko na!" Ang sabi ni Dave.
"Ano?" Anila.
"Let's swim."
"Swim?"
"No way! I can't swim tsaka wala naman tayong dalang damit." Ang sabi ni Kelly.
"Hindi ka marunong mag langoy?" Ang sabi ni Patrick.
"Oo hindi yan marunong takot kasi yan sa tubig." Ang sabi ni Vince.
"Ano? Binato ni Kelly si Vince ng papel na nilukot.
"Aray!!! Hindi ka naman talaga marunong lumangoy naalala mo yung nalunod ka kamo sa hanggang tuhod lang na tubig?"
"Pffftt...hahahaha...Ano?"Anila.
"Tsss...epal ka talaga!!!"Binato niya ng binato si Vince ng mga nilukot na papel.
"Ahahaha...that's cute." Ang sabi ni Patrick at natahimik naman silang lahat.
"Eh? Anong cute naman don?" Ang sabi ni Vince.
"Ganun din kasi ako nung bata ako kahit ang babaw nalulunod ako pero ngayon may license na ko bilang diver."
"Really?" Anila.
"Um...right Dave?"
"Yeah...lodi yang si Dude pag dating sa sisiran.Pffft..."
Binato ni Mimay ng papel ring nakalukot si Dave "Bakit ba??"
"Watch your words!"
"Ha? Wala naman akong ibang meaning dun ah."
"Tsss..talaga lang ha?"
"Oo nga!"
"Kow!!! Tigilan mo ko bakit may "pffft" sa huli? Humph!"
"Sigh...wala nga! Oa nire."
"Okay, that's enough! Kelly, if you want I will teach you how to swim." Ang sabi ni Patrick.
"Ha? Ah...eh..."