Sa sala ng condo ni Patrck,
"Wait, ang ibig mong sabihin hindi ka talaga binusted ni Master kagabi?"
"Um...hindi."
"Tapos sabi niya sayo kung mahihintay mo sya sa tamang panahon baka maging kayo?"
"Um..."
"Wow...ALDUB ang peg? May pa tamang panahon lola nidora lang?"
Bineltulkan siya ni Patrick "Ano namang masama sa tamang panahon? Ha! Aber?"
"Wala naman ang sakin lang dude aba'y paano kung 50years old ka na pag dumating ang tamang panahong yon? Anong gagawin mo?"
"Hindi ko pa iniisip ang ganyang mga bagay ang importante alam kong may pag asa ako kay Kelly."
"Well, you have a point naman so ibigsabihin ipagpapatuloy mo pa rin ang panliligaw sa kaniya? Ano sa bahay na naman nila? Aba! Hindi na kita sasamahan nakakatakot ang mga kuya ni Master."
"Hinde!"
"Anong hinde? May baril nga sila tapos mga barako pa dude ayoko pang mamatay. Kaya hindi mo na ako maasahang sumama sayo na umakyat ng ligaw kila master."
"Oo na!!! Ako mismo ang gagawa nun ng walang kasama."
"Weh???? Kaya mo mag isa???"
Binato siya ni Patrick ng unan "Hindi ko naman sinabing in person eh kaya kumalma ka!"
"Ha? What do you mean hindi in person?"
"Manalig ka lang!"
"Bahala ka!"
Kinabukasan,
Sa hapagkainan,
"Kelly!!!" Ang sabi ng mga kuya niya.
Tinapik naman ni Faith si Kelly na inaantok habang nakain "Baby, tawag ka ng mga kuya mo."
"Sir, yes sir."
"Ano? Kelly!!! Bakit ba parang puyat na puyat ka? Nag online games ka na naman ba?" Ang sabi ni Kian.
"Ah? Hin---hindi po kuya."
"Daddy, wag ka na po magalit kay tita Kelly nag review po siya kagabi."
"Totoo ba yon?"
"Ah? O---oo kuya may longtest kasi kami mamaya."
"Sigh...sige na kainin mo na yang umagahan mo matulog ka nalang mamaya sa sasakyan."
"O---opo kuya."
Bumulong is Keith kay Kevin "Bakit parang may kakaiba kay babysis."
"Ha? Bakit?"
"Hindi ba dapat galit siya satin?"
"Ayaw mo nun hindi na siya nag tatampo."
"Pero kasi parang may mali eh."
"Hoy! Kayong dalawa anong pinag uusapan niyo diyan at para kayong mga bubuyog?" Ang sabi ni Kim.
"Wa---wala kuya." Anila.
"Nga pala, sa weekend iniimbitahan ako ni Fred sa kanila kaya wala ako dito." Ang sabi ni Kian.
"Si Fred? Ininvite niya rin ako kasal niya." Ang sabi ni Kim.
"Ahhh...ininvite ka ba? Wala pa kasi sakin ang invitation abay ka rin?"
"Um...isa raw ako groomsmen."
"Aba'y parehas pala tayo sabay nalang tayo."
"Sige bro."
"Sa weekend may duty rin ako sa DLRH kaya wala ako dito." Ang sabi naman ni Kevin.
"Ohhh...mga busy pala kayo kami naman ni Faith pupunta lang sa OB sa Saturday kaya di naman kami masyadong busy."
"Ohhh...okay yan may maiiwan naman pala dito kay Kelly at Jacob." Ang sabi ni Kian.
"Pero daddy weekend po na kay mommy po ako."
"Ahh...oo ng apala sorry baby nalimutan ni daddy uuwi ba kayo ng Bulacan?"
"Um..sabi po ni mommy eh."
"Ahhh..sige ingat kayo."
"Kelly!!!"
"Ku---kuya?"
"Sa weekend wala kang gagawin?"
"Ah---ahm...hindi ko pa sure pero may kailangan kasi kaming gawin na project para kay Prof. Mina."
"Kay Mina?" Ang sabi ni Kevin.
"Um...gusto niya na gumawa kami ng miniature eh."
"Anong klaseng miniature?"
"Hindi ko pa alam pero about sa computers."
"Gusto mo ba ng tulong babygirl?" Ang sabi ni Faith.
"Ah...oo I.T rin ang natapos ng ate Faith mo humingi ka sakaniya ng mga pointers." Ang sabi n Keith.
"Sige po pero may groupings po kasi kami."
"Sino ka grupo mo? Si Vince ba?" Anila.
"Ah...eh....hindi po."
"ANO?" Anila.
"Rumble lang kasi yung bunutuan actually di yun groupings eh by partner."
"So, sino ang ka partner mo?" Anila.
"Ah...eh...kasi mga kuy's ano...."
"SINO NGA?" Anila.
"Si---si..."
"SI?"
"SI PATRICK!!!!!"
"ANO?" Ang pagalit na sabi ng mga kuya niya.
Makalipas ang ilang araw,
Weekend na at ang daming bilin nila Kian kay Kelly "Oo na nga mga kuy's hindi lang naman kami ni Patrick ang nandun sabay sabay kami nila Vince gumawa ng project namin sa bahay nila."
"Mabuti na yung sure." Anila.
"Hayaan niyo na mga bro kasama naman pala si Vince eh." Ang sabi ni Faith.
"Kahit na!" Ang sagot ni Keith.
"Galit ka???"
"Hi---hindi naman babe ang akin lang..."
"Tsss..."
"Ding....Dong..."
"Oh si Vince na yan alis na ko."
"Hep! Kevin, papasukin mo si Vince." Ang sabi ni Kian.
"Eh? Di na kuya ako nalang lalabas."
"Heh!" Anila.
"Tsk...bahala nga kayo tataas muna ako at kukuhanin ko yung bag ko. Humph..."
Samantala,
"Dude, buti nalang dito tayo sa inyo mag gagawa ng project." Ang sabi ni Dave habang nakain ng apple at si Patrick naman ay busy mag cellphone.
"Dude!!!"
"ANO???"
"Ano ba kasi ang ginagawa mo sa cellphone mo?"
"Basta kumain ka na nga lang dyan!"
"Tsss...bahala ka."
"Ding...Dong..."
"Baka sila Mimay na yan tara salubungin natin Dude."
"Hindi na."
"Ano? Bakit naman."
"Maaga pa at sure akong hindi yan sila Mimay yan yung order ko."
"Order?"
"Mag intay ka nalang! Ang dami mong daldal para kang manok."
"Manok?"
"Oo putak ka ng putak!"
"Ikaw!!!!"
"Oh? Bakit? Lalaban ka na?"
"Wa---wala naman akong sinabi."
"Tsss..."
"Sir!!!" Ang bungad ni Manang Tina.
"Po?"
"Sir Patrick dumating na po ang order niyo."
"Ohhh...yeah I know pakilagay nalang po sa may pool side."
"Sige po papadala ko nalang po doon."
"Um...salamat po."
"Sige po."
"Dude, ano ba talaga yung inorder mo?"
"Mga pagkain lang."
"Pagkain? Eh sandamukal ang pagkain niyo sa ref tsaka hindi pa ako gutom nakain nga ako ng apple oh."
"Bakit sinabi ko bang sayo?"
"Ha? Eh para kanino?"
"Tinatanong pa ba yan? Edi para sa reyna ko."
"Reyna? Kay tita Patricia?"
Binato sya ni Patrick ng unan "Gung gong! Iba si Mommy inang reyna yon! Si Kelly malamang."
"Tsss...iba talaga ang nagagawa ng love sa tao."
"Heh!"
"Kasi nga dude hindi ka ganyan kaya nakakasuka!"
"Aba't!!!! Gusto mong masapak?"
"Hahahaha...kalma tu naman masyadong highblood."
"Tsss...Heh! Tumulong ka nga don kunin mo yung mga pagkain kong inorder."
"Aba! Ayoko!"
"Hindi ka tutulong? Wag ka ring kakain!"
"Eto na nga oh tatayo na!"
"Yan! Good boy."
"Hoy! Hindi mo ko aso ha."
"Tss...ewan sige na tataas muna ako sa kwarto ko para maligo baka biglang dumating na ang reyna ko eh."
"Tsss...reyna...kadiri!!!" Ang pabulong bulong na sabi ni Dave.
"Naririnig kita!!!"
"Ha---ha---ha...charot lang dude ikaw naman...Tssss..."
Sa magkaparehong oras,
"Sige ingat kayo." Ang sabi nila Kian habang papasakay na ng sasakyan si Kelly at Vince.
"Um...sige mga kuya." Ang sabi ni Vince.
"Ikaw ng bahala kay Kelly." Ang sabi ni Kim.
"Oo ako ng bahala wag kayong mag alala bantay sarado yan."
"Ang oa niyong lahat! Tara na nga!"
"Oo eto na...sige na mga kuy's alis na muna kami."
"Um...ingat kayo ang mga bilin wag kakalimutan." Ang sabi ni Kain.
"Oo na kuya!!!" Ang sabi ni Kelly at umalis na sila.
"Dapat ata sumama tayo sakaniya eh."
"Paano sasama eh abay kayo ni kuya Kim sa kasalan ng kaibigan niyo." Ang sabi ni Kevin.
"Oo nga eh pero nag aalala ako kay Kelly."
"Sino ba namang hinde?" Anila.
"Pag kalabas ko sa duty mamaya sa DLRH ako ng susundo kay Kelly."
"Pag tapos ng duty mo eh gabi na ata ang labas mo." Ang sabi ni Keith.
"Ay...oo nga pala. Sandali malelate na ko mauna na ko sa inyo muna."
"Sige mag motor ka nalang." Ang sabi ni Kim.
"Paahiramin mo ko?"
"Oo mag kokotse naman kami ni kuya. Keith sumabay na din muna kayo ni Faith samin mag biyahe nalang kayo pauwi."
"Ah...oo sige sasabihan ko si Faith."
"Sige...sige..."
"Sya, tara na at mag ayos ng dapat ayusin itext at tawagan nalang natin si Kelly oras oras.." Ang sabi ni Kian.
"Okay!" Anila.
Samanatala,
Dumating naman na si Mimay sa bahay ni Patrick "Halika Mims pasok ka." Ang sabi ni Dave.
"Wow....ang laki ng bahay nila Patrick."
"Oo bukana palang yan ng bahay ah pag pasok mo pa napakalaki may pool din sila sa likod."
"Talaga? Astig!"
"Oo cool noh? Nga pala si Harvey?"
"Ahhh...si Alex kasi ang kapartner niya kaya hindi na niya niyakag dito baka araw magkaroon pa ng alitan dito sila Patrick eh."
"Ohhh...sabagay."
"Eh, ikaw si Nimpa nasan?"
"Ahhh...papunta na raw sana lang hindi siya maligaw."
"Muntik na nga rin ako ang lalaki ng mga bahay dito napaka exclusive ng subdivision na ito grabe ang yayaman ng nakaatira eh wagas."
"Yung nag hatid ba sayo daddy mo?"
"Oo bakit?"
"Wala naman kamukha mo kasi si tito."
"Tsss...maka tito ka naman."
"Hehe..."
"Ding...dong..."
"Oh, baka ayan na sila master."
"Eh? Bakit wala pa ba dine sila Kelly at Vince?"
"Waley pa."
"Ohhh...na una pa pala ko kala ko ako na yung late."
"Sir Dave may dumating pa po kayong kaklase ang pangalan niya raw ay Nimpa." Ang sabi ni Manong Berto.
"Sige po manong papasukin niyo na."
"Sige po."
"Speaking of Nimpa ngayon ko lang sya makikitang hindi naka uniform." Ang sabi ni Mimay.
"Ha? What do you mean?"
"Kasi sobrang nerdy kaya gusto niya lang lagi nasa school hindi ko din kasi maalala na nakita ko na siyang hindi naka uniform."
"Ms. Nimpa dito po tayo." Ang sabi ni Berto kay Nimpa na para bang artista ang datingan ang dating nerdy ay biglang naging anghel dahil sa puting puti nitong suot.
"Whoa...hot chic." Ang sabi ni Dave.
"Ano sisiw? Tsss...mga lalaki talaga." Ang pabulong na sabi ni Mimay na wari'y nawala na sa mood.