Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 132 - Kabanata 132

Chapter 132 - Kabanata 132

Sa kwarto parin ni Kelly,

"Baby sis, andito lang ako kung gusto mo ng kausap."

"Alam ko naguguluhan ka sa mga inaasal ng mga kuya mo sayo pero wag kang mag alala naranasan ko rin yan sa mga kuya ko kaya wag kang umiyak. Mas malala pa nga yung sakin hindi talaga pinapasok nila kuya yung mga manliligaw ko I mean mga kaibigan kong lalaki sa bahay namin."

"Naiinis rin ako noon kila kuya kaya gaya mo umiyak rin ako pero na realized ko rin na pinoprotektahan lang naman nila ako kasi ako yung nag iisang kapatid nilang kapatid na babae tapos bunso pa. Kaya responsibility nila ako dahil sa kanila ako ibinilin ng mga magulang namin."

Bumangon at naupo si Kelly "Boohooo...pero kasi ate bakit ang harsh nila kuya."

Niyakap naman siya ni Faith "Ayos lang yan sa una lang yan maiintndihan mo rin sila pag nag tagal kung bakit ganyan sila kahigpit sayo."

"Boohoo...I hate my kuya's..."

"Wag mo silang kamuhian love ka nila kaya ganyan ka nila pinag hihigpitan bata ka pa naman kaya wag ka na muna mag bf."

"Hindi naman po yun ang point ko eh bakit kasi kailangan pa nila kuya ipamukha kila Patrick na ganun sila ka bad."

"Makinig ka dalaga ka na kaya gusto nilang protektahan ka ginagawa nila yun para sa ikabubuti mo. Siguro sa tamang panahon baka hindi ka na nila pag higpitan pero dahil nasa puder ka nila wala kang mag gagawa kung hindi sumunod."

"Um?"

"I mean dumedepende ka sa mga kuya mo di ba? Kaya kailangan mong sumunod sa mga nais nila."

"Pero bakit po kasi kailangan pa nilang maging ganoon ka bad sa harapan ng mga kaibigan ko nilabas pa ni kuya Kian yung baril ni daddy."

"Peke yun."

"Ha?"

"Oo peke yun hindi mo ba nahalata? Plastic gun lang yun."

"Kala ko yun yung calibre 45 ni kuya Kian."

"Hahaha...hindi pero mukhang hindi na halata nung isang manliligaw mong kumaripas na ng takbo pero yung dalawa mukhang na halata."

"Ah...opo pulis rin kasi ang daddy ni Miggy."

"Oh? Kaya pala yun yung pangalawang umalis eh tama?"

"Um....sya nga po kababata ko po sya sa Batangas."

"Yung Miggy? Kababata mo?"

"Opo pinakilala po siya sakin noon nila Vince kaklase po kasi nila noon sa highschool si Miggy."

"Eh ikaw? Hindi mo sya kaklase?"

"Nope, online education po kasi ako simula pag kabata ngayong nag college lang po ako naka pasok sa totoong school at nagkaroon ng kaklase."

"Oh...yes I remembered na naikwento nga pala yun sakin ng kuya Keith mo. Pero ngayon kaklase mo na yung si Miggy?"

"Ah...hindi po."

"Eh? Bakit ibang yung kurso niya sa inyo ni Vince?"

"Hindi lang po sa iba malayo naman po kasi siya samin."

"Ha? What do you mean?"

"Ahm...nung nasa batangas pa po kasi kami umalis siya ng walang paalam nabalitaan nalang namain na nasa Cebu na pala ang pamiya nila."

"Oh? Bakit raw?"

"Hindi ko na po noon tinanung dahil nasaktan ako nung umalis siya."

"Wait, naging kayo ba nung Miggy?"

"Eh? No way, hindi po ah..."

"Sorry, pero bakit ganyan nalang ang naging reaksyon mo?"

"Kasi po naging matalik ko siyang kaibigan."

"Ohhhh...I see."

"Tapos nag tangka rin siyang manligaw noon sakin at siya yung kauna-unahan kong manliligaw nung 15 years old palang po kami nun."

"Ohhh...ganoon pala."

Limang taon na ang nakaraaan,

"Kelly!!!!" Ang bungad ni Miggy habang nasa tabing ilog silang dalawa.

"Oh? Bakit?" ang tugin ni Kelly habang nakaupo.

"Wala ka man lang talagang emosyon ano?"

"Bakit? Ano bang gusto mong maging emosyon ko?"

"Tsk...di bale na nga lang."

"Bakit tayo lang nandito? Kala ko ba susunod rin sila Vince?"

"Ahhhh...eh...mamaya raw...eto may dala nga pala akong turon."

"Turon?"

"Bakit ayaw mo ba ng turon?"

"Hindi naman sa ayaw pero hindi kasi ako mahilig sa saging."

"Ohhh...sorry hindi ko alam."

Kinuha naman ni Kelly yung turon at kinain "Tsk...oh? Happy na?"

Napangiti naman si Miggy "Ahm...may sasabihin nga pala ako."

"Sige ano yon? Wag lang hihiram ng pera ha? Hindi kita matutulungan diyan bahala ka online classes lang meron ako wala pa akong work."

"Oo na! Ano namang tingin mo sakin poor?"

"Wow...heavy edi ikaw na mayaman."

"Sira!! I didn't mean that way naman pero cut the crap na nga hindi iyon ang ibigsabihin ko."

"Ang dami pa ga namang pasa kalye sasakalin kita'y direstohin mo nalang kasi."

"GUSTO KITA!!!!" Ang sigaw ni Miggy at na samid naman si Kelly.

"Ahem...Ahem..."

"Kelly? Ayos ka lang? Nagulat ba kita?"

Bineltukan siya ni Kelly "Bobo ka ba? Pahinging tubig!!!!"

"Ah? O---oo eto." At inabot naman ni Miggy kay Kelly yung water bottle at ininom.

"Buset ka!Gusto mo ba akong patayin?"

"Ha? Syempre hinde."

"Napaka literal mo naman kasi hindi naman porket sinabi kong diretsuhin mo eh ibabagsak mo ng isahang bagsakan nalang jusmiyo!"

"So---sorry na pero kasi "gusto talaga kita" kaya sana payagan mo akong manligaw sayo."

"Pfft...ahahahahaha..."

"Eh? Bakit ka na tawa?"

"Wala lang ang galing mo kasing mag joke."

"Ha?"

"Ako talaga liligawan mo?"

"Why not? Your cute naman."

"I mean hindi ako yung ka tipo tipo ng mga kalalakihan I'm boyish tapos I like karate pa ang weaklings ng mga lalaki sakin."

"I know at yun nga ang na gustuhan ko sayo."

"Baliw ka!"

"Oo baliw na kung baliw pero pag sinabi kong gusto kita gusto kita."

"Huh! Nasisiraan ka na talaga ng bait brother."

"Kahit ano pag sabihin mo "gusto kita period" kaya sana payagan mo kong ligawan ka."

Tumayo si Kelly "Sa---saan ka pupunta?"

"Halika tumayo ka!"

"Ha? Ba---bakit?"

"Gusto mo ko di ba?"

Tumayo naman si Miggy ka agad "Anong gagawin natin?"

Sinikmuraan naman siya ni Kelly "A---ahhh...Ke—Kelly!!!"

"Ano? Gusto mo pa rin ba ako?"

Habang dinadaing ang natamo niyang suntok galing kay Kelly "A---ano bang ginagawa mo?"

"Kung hindi mo kaya ang suntok ko ibigsabhin hindi ka karapat dapat sakin."

"What? Kelly! Kung ginagawa mo ang mga ito para layuan ka wag ka ng umasa pa. Kapag sinabi kong gusto kita gusto kita!" Sinipa naman siya ni Kelly ng mag kasunod.

"Ke---kelly!!!!"

"Kung sasaluhin mo lang ang suntok at sipa ko sayo hindi ka makakalaban kila kuya."

"Ano ba kasing gusto mong palabasin?"

"Sigh...okay fine! Makinig ka ikaw palang ang nag tatangkang manligaw sakin at alam mo rin naman na may apat akong kuya right?"

"Um...oo naman alam ko."

"Kaya kung gusto mo talaga ko matuto kang mag self defense."

"Ano?"

"Hindi ka papasa kila kuya kung weak ka kung sa suntok at sipa ko lang eh tumba ka na eh itigil mo na yang kahibangn mo sakin dahil masasaktan ka lang sa huli."

"Kahibangan?"

"Oo hindi ba sinabi mong gusto mo ko? Edi hibang ka sakin."

.

.

▪︎Author: Ahahaha...ibang klase ireng si Kelly ang taas ng confidence level umaabot gang langit. Kabogera ng taon. Ganda!!! Right geysh? Kung kayo ang tatanungin didiretsuhin niyo rin ba ang manliligaw niyo na hindi niyo sya gusto o bibigyan niyo muna sya ng chance? Paki comment down below naman geysh para may inspiration ako NBSB ang author niyu'y kailangan ko ng malupit na payo sa lovelife. Charot!Hahaha...okay tapos na ang commercial. Hehehe...love you geysh...sorry wala akong update kahapon tuwing linggo nga po pala eh rest day ko sa pag susulat kaya wala akong upload.Ahahaha...sarehhhh...na po agad. Kaya babawi naman ako ng Monday dalawa ang update bet niyo yon? Ayiee...enebi..hahaha...

.

.

Sa kasulukuyan,

Lumabas na ng kwarto ni Kelly si Faith sinalubong naman ito nila Keith "Babe, kamusta si Kelly?"

"Ahm...ayun tulog na kanina iyak ng iyak eh buti napatahan ko naman na."

"Salamat ate Faith." Ang sabi naman ni Kevin.

"Wala yun pamilya na tayo dito at hindi nalang naman si Kelly ang babae dito kaya asahan niyong gagabayan ko siya bilang ate."

"Salamat Faith." Ang sabi nila Kian at Kim.

"Wala yun mga kuya kaso galit parin si Kelly sa inyong lahat kaya sa tingin ko bigyan niyo muna siya ng space at time para mag cope up."

"Um...sige." Anila.

"Pero may hiling lang sana ako sa inyo kung ayos lang."

"Ano yon?" Anila.

"Payagan niyo sanang maging malaya si Kelly."

"ANO?" Ang pagulat na sabi nung apat.

"Babe, ano ga yang hiling mo? Parang may mali naman ata."

"Babe, mga brother's I know kung ano ang nararamadaman ni Kelly dahil gaya niya bunso at nag iisang babae lang din ako saming mag kakapatid kaya ramdam na ramdam ko yung sakit niyang nararamdaman sa loob niya. Kaya sana ang hiling ko ay maging malaya siya pero in a good way naman mukhang na misinterpret niyo naman ata."

"Anong ibig mong sabihin in a good way?" Ang sabi ni Kian.

"Ganito kasi yun pakiramdam kasi ni baby sis sinasakal niyo sya yung wala na siyang laya gaya ng maya."

"Sinabi niya yun sayo?" Ang sabi naman ni Kim.

"Hindi naman niya binanggit kuya pero ramdam at alam ko bilang babae rin ako at na experience ko rin ang kanyang pinagdadaanan. Kaya sana wag niyo siyang i-pressure bigyan niyo sya ng freedom mabait at matalinong bata si Kelly kaya alam niya na ang tama sa mali kaya sana unawain niyo ang nararamdaman ng bunso nating kapatid."