Kinabukasan,
Sa DLRU,
"Yow, mornin' guys." Ang bungad ni Mimay.
"Mornin'." Ang sabi naman nila Vince.
"Si Kelly wala pa?"
"May nakikita ka bang anino ni Kelly dine?" Ang sabi ni Harvey at nabeltukan siya ni Mimay.
"Buset ka!"
"Ahahaha...pero wala pa talaga si Kelly dine." Ang sabi ni Vince.
"Oo nga bakit kaya wala pa si Master?" Ang sabi naman ni Dave.
"Huy! Patrick!!!!" Ang sabi ni Mimay dahil nakatulala sa kawalan si Patrick.
"Dave! Nyare don?" Dagdag pa ni Mimay dahil hindi siya pinansin ni Patrick.
"Ahhh...busted kasi."
"Busted?" Anila.
"Um...pinalayas siya ni Master sa bahay nila kagabi."
"Ano?" Anila.
"Wait, paanong pinalayas? Anong pinagsasabi mo? Bakit wala akong alam?" Ang sabi ni Vince.
"Ahhh..syempre naman paano mo naman malalaman yun eh wala ka naman sa bahay nila Master kagabi."
Bineltukan siya ni Mimay "Gung gong! Malamang nga pero ano ngang nangyare?? Sasampigahin kita'y pa suspense ka pa'y!"
"So---sorry naman."
"Ano nga ang nangyare??" Anila.
"Haist...eto na na nga."
"ANO NGA?!!!!" Ang gigil na gigil nilang tugon.
"Umakyat kasi ng ligaw si Dude kay Master kagabi."
"ANO???" Anila.
"Um...at eto pa ang malupet bad timing naman kasi may kasabay si Dude na manligaw kay Master."
"SINO?" Anila.
"Si Chollo at yung si Miggy."
"SI MIGGY?" Anila.
"Oo...sandali nga bakit ba laging chorus ang mga sagot niyo nasa simbahan ba tayo choir na ba kayo?"
"HINDE!!!!" Ang pagalit nilang tugon kay Dave.
"Okay, okay, kalma ako lang ito."
"HEH!" Ang reaksyon nung tatlo.
"Pero nag punta si Miggy kila Kelly?" Ang sabi ni Harvey.
"Um...at petmalu hindi takot sa mga kuya ni Master."
"Ahhh...wala ng bago dun." Anila.
"Eh? Ahhhh...sabagay magkababata nga pala kayong lima nila Master."
"Tapos anong nangyare?" Ang sabi ni Mimay.
"Oo nga bakit hindi na ikwento sakin ito ni Kellang?" Ang sabi ni Vince.
"Sa tingin ko dahil badtrip si Master."
"Oh...speaking of badtrip ayan na si Kelly guys mukhang wala nga sa mood." Ang sabi ni Harvey.
Sinalubong naman ka agad nila Mimay si Kelly at sinabing "Kelly!!!" At narinig naman iyon ni Patrick pero hindi siya lumapit sa kanila.
"Morning baby girl." Ang sabi ni Mimay.
"Mornin'." Ang tugon naman ni Kelly na animo'y tamad na tamad kaya umupo ka agad siya sa upuan niya.
"Kawsin, ayos ka lang ba? Bakit parang wala kang tulog?" Ang sabi naman ni Vince.
"Yeah..."
"Para kang panda wagas." Ang sabi ni Harvey.
Ang sama naman ng tingin sa kaniya ni Kelly "Ha---ha---ha...just kidding lang ito naman hindi na mabiro parang others."
"Manahimik ka na lang kasi!" Ang sabi ni Mimay.
Samantala, pabulong bulong naman si Dave kay Patrick "Yow, hindi ka ba makikipag usap kay Master?"
"Bakit pa?"
"Eh? Kala ko ba gusto mo siyang makausap?"
"Hindi na."
"Ha? Bakit?"
"Wala lang."
"Ano? Hindi kita maintindihan kagabi lang nag lulupasay ka pa dahil gusto mong kausapin si Master hindi ba? Bakit ngayon parang ayaw mo na?"
"Yeah...sige lalabas na muna ko." At lumabas nga itong si Patrick.
"Hey!!! Dude!!! Wait up." Sumunod naman si Dave at napatingin sila Kelly sa dalawa,.
"Saan pupunta yung dalwang yon? Malapit na mag simula ang klase eh." Ang sabi ni Harvey.
"Tsss..." Ang reaksyon ni Kelly nag katinginan naman yung tatlo nila Vince sa naging reaksyon niya.
"Kelly? Is there something you want to talk about?" Ang sabi ni Mimay.
"Eh? No, nothing sige lalabas lang din muna ako."
"Ha? Pero saan ka pupunta? Mag sisimula na ang klase huy!" Ang sabi ni Vince.
"Babalik rin akong agad I need some fresh air."
"Sama ko?" Ang sabi ni Mimay.
"No need gusto ko lang mapag isa."
"O---okay." At umalis na nga rin ng kanilang silid aralan si Kelly.
"Ano bang nangyayare kila Kelly at Patrick?" Ang sabi ni Mimay.
"Hmm...nasan si Dave?" Ang sabi ni Vince.
"Di mo ga nakita pre? Sumunod kay Patrick." Ang sabi ni Harvey.
"Ay...oo nga pala i-cocorner ko sana si Dave eh."
Sa mag kaparehong oras,
Habang nag lalakad sila Patrick at Dave "Dude, saan ba tayo pupunta?" Ang sabi ni Dave.
"Bakit ka ba kasi na sunod?"
"Eh...baka kasi kung anong gawin mo."
"Baliw! Anong akala mo sakin mag bibigti?"
"Eh...ang aking lang naman Dude.."
Bineltukan at sinigawan siya ni Patrick "LUMAYAS KA NGA SA HARAPAN KO!!!"
"A---Asan ako? Sino ako?" Ang sabi ni Dave na animo'y na tulig sa pagkaka sigawa sa tenga niya ni Patrick.
"Buset ka! Diyan ka na wag mo kong susundan!"
"Pe—pero Dude.."
"Subukan mo lang talagang sundan ako papakain kita kay kitty." At iniwanan na nga niya si Dave.
Napa isip naman si Dave "Kitty? Sinong kitty? Hello kitty? DUDE!!! SINONG KITTY??? SI HELLO KITTY BA??"
"BUNGOL! Si KITTY YUNG ALAGA KONG TIGRE!" Ang tugong sigaw naman ni Patrick habang papalayo.
"Ano raw?" Ang sabi ni Dave dun sa isang estudanteng lalaking dumaan sa harapan.
Pinalapit naman siya nung lalaki at sumigaw ng "TIGRE!!!! Narinig mo?"
"Ah? O---oo?"
"Sige mauuna na ko." At kumaripas na ng takbo yung lalaki.
"Ha? HOY!!! BUMALIK KA DITO SINO KA SA AKALA MO PARA SIGAWAN AKO? MAY ARI KA BA NG ISANG MALL?"
"HINDE! PERO MAY ARI RIN AKO NG MALL YUNG NGA LANG IBA ANG SPELLING."
"HA?"
"YUNG MALL KO AY M---O---L---E...YAN NAINTINDIHAN MO BOBO!!!"
"M...o....l...e??? Mole? Punyenta nunal yun ah. HOY!!!! Bumalik ka dito!!!!" Ang sabi ni Dave at hinabol yung lalaki.
Samantala, nag tungo si Patrick sa hardin ng DLRU at doon tumambay.
"Sigh...watta peaceful life sana laging ganito nalang."
"Bakit? Gusto mo na bang mamatay?"
Pag lingon ni Patrick nagulat siya sa nakita niya kaya nasabi niyang "Oh Crap! KELLY?"
"May iba ka pa bang nakikita bukod sakin?"
"A---ah...eh...wa---wala naman I mean bakit ka nandito?"
"Can I?'
"Ha? Uupo ka?"
"Ay hindi nalang tatayo nalang ako dito para masaya. Tsss...manang mana sayo si Dave sa ka shungahan."
"Heh! Cut the crap! Umupo ka pero baka madumihan yang jogging pants mo. Wait lang...." Kumuha siya ng panyo at nilatag sa may damuhan "Oh, ayan na pewde ka ng maupo."
"Tsss...no need! Tanggalin mo na yan."
"Sigh...kakaiba ka talaga pero wag mo na ngang tanggalin!!!!"
"Tsk...bahala ka nga madudumihan yang panyo mong mamahalin."
"Ewan!" Hinila niya si Kelly para maupo.
"Aray!!!!! Mag dahan-dahan ka naman!"
"Ang arte mo kasi!"
"Tsk...ang sweet mo ha?"
"Tsss...bakit ikaw sweet ka ba?"
"Aba't!"
"Bakit ka ba nandito?"
"Masama? Sayo na ba ang hardin ng DLRU?"
"Tsss...Hinde! May sinabi ba ako?"
"Humph...bakit ba parang isang gabi lang eh nag bago ka ng pag uugali."
"Tinatanong mo pa talaga yan?"
"Humph...anyways, bakit ka nandito? Wag mo kong sasgautin ng gaya ng sagot ko kung ayaw mong makatikim ng mag asawang sapak."
"Hindi ba dapat mag asawang sampal yon? But anyways, gusto ko lang ng sariwang hangin kaya andito ako."
"Ahhh...good ako rin kaya pwede bang manahimik ka nalang muna diyan?"
"Ano? Ikaw nga itong nang iinis ako'y nanahimik eh tapos..." Hindi na niya na natapos ang kaniyang sinsabi dahil bigla siyang hinalikan ni Kelly sa pisnge nakinagulat niya kaya natameme siyang bigla.
"Oh! Edi natahimik ka? Kalalaki mong tao ang daldal mo!"
"Gimme 5mins.lang ng katahimikan let's enjoy the sky lang." Humiga siya sa damuhan na animo'y ang saya saya.
Sa isip-isip naman ni Patrick habang pinagmamasdan si Kelly "Kakaiba talaga siyang babae wala syang pakialam kung madumihan yung damit niya kung sa ibang babae yan baka nag wala na sa kaartihan. Pero nagiging agrisibo siya ha? Para lang mapatahimik ako hinalikan niya ako sa pisnge? Grabe bakit dun lang...eiii...jusmiyo!!!!"
"Hoy! Anong nginingisi-ngisi mo diyan? Bakit parang nababaliw ka na ata na ngingiti ka ng wala namang dahilan?"
"Ah? Wa---wala naman can I join you?"
"Ikaw bahala basta 1meter away."
"Wow ha? Feeling mo naman may gagawin ako sayo?"
Hinila siya ni Kelly sa tabi niya "Oh? Okay na? Ang daldal mo talaga." Namula naman ang mukha ni Patrick dahil sobrang lapit niya kay Kelly at naging unan niya pa ang braso nito.
"Sabi ng daddy ko noon kapag malayo ka sa isang tao tumingin ka lang sa langit dahil iisang langit lang naman ang mayroroon sa mundong ito. Kaya kung namimiss mo si Paula pwede ka namang tumingin sa kalangitan."
"Ah....eh...oo sige gagawin ko."
"Sorry nga pala kagabi."
"Ah?"
"I know na gulat ka sa insal ko at syempre sa mga kuya ko pero kung maiintay mo ko sa takdang panahon baka maging tayo."
Nagulat at napa bangon si Patrick "Totoo?"
"Um...Pero kung hindi ka lalayo sakin baka hindi kita matansya!!! Ang lapit mo!!!" Tinulak siya ni Kelly at tumalsik talaga si Patrick.
"Awww..."
"Sabi ko di ba 1meter away!"
"Asar! Bakit ba kasi ikaw pa ang na gustuhan ko?"
Lumapit sa kaniya si Kelly at sinabing "Bakit ayaw mo?"
"Ah? A—ano...kasi..."
"Pffft...Ang cute mo!" Ang sabi ni Kelly at tumakbo papalayo.
"A---ano? Cu---cute ako? Ke---Kelly!!!!" Ang pahabol na sabi ni Patrick at sobra siyang kinilig kaya napasigaw siya "AKIN KA LANG MS. HOODIE!" Narinig naman iyon ni Kelly kaya napangiti at sinabing "Oo sayo lang ako baliw!"
.
.
▪︎Author: Ayieee...kinilig ba kayo sa huling scene? Enebi...ahahahaha...Ako rin eh sana all may Kelly. Ay nalimutan ko babae nga pala ako. Nyahahaha...But anyways, sorry geysh ha? Kasi hindi po ako naka pag update kahapon medyo busy eh pero sisikapin ko pong sa mga susunod na araw eh makapag daily update akong muli. Comment down below naman geysh at vote na rin at syempre don't forget to give me your revie...Ahihihi...Aja Fighting! Salamat po love you all. Muah...♡