Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 131 - Kabanata 131

Chapter 131 - Kabanata 131

Kinabukasan ng Gabi,

"Ding...Dong..."

Nakain ng hapunan ang pamilya Dela Cruz "May bisita kayo?" Ang sabi ni Kian.

"Ako wala." Ang sabi ni Kevin.

"Um...ako rin." Anila naman ni Keith.

"Kelly?" Ang sabi ni Kian.

"Wa---wala kuya."

"Sige ako na ang mabubukas kuya." Ang sabi ni Kevin.

"Ge."

At nag tungo na nga si Kevin sa labas at nag patuloy naman sila Kian sa pagakin "Babe, ayos lang ba si baby sis?" Ang pa bulong na sabi ni Faith.

"Ha? Bakit?"

"Ang tahimik niya kasi hindi ako sanay."

"Ahh...yaan mo babalik rin sya sa dati makalipas ang ilang araw masanay ka na.."

"Ha? Bakit?"

"Ganyan kasi yan kapag napapagalitan namin matampuhin kasi yan pero okay lang sya wag kang mag alala."

"Dahil ba dun sa kahapon?"

"Um...yun na nga."

"Kawawa naman si baby sis."

"Wag mo na siyang alalahanin ayos lang yan."

Samantala sa labas, pagka bukas ng gate ni Kevin nagulat siyang may kalalakihang nadoon "Eh?"

"Magandang gabi po." Ang sabi nila Patrick, Miggy, Chollo kasama rin sila Dave, at Daniel.

"Whut the?!! Anong ginagawa niyong lahat dine?"

"Hello po kuya Kevin." Anila.

"Ku---kuya? Ako?"

Bumulong si Dave kay Patrick "Dude, mukhang wrong timing naman ata ang akyat mo ng ligaw kay Master ang dami mong kasabay."

"Oo nga eh badtrip."

"Kuya, kamusta na kayo?" Ang sabi naman ni Miggy at nagulat naman doon sila Patrick.

Bumulong naman si Chollo kay Daniel "Bro. Sino ba ang kumag na ito? Bakit feeling close sa kuya ni My princess?"

"Hindi ko rin alam bro pero bakit ba kasi pumunta tayo dito?"

"Para manligaw malamang."

"Eh bakit pati ako sinama mo?"

"Syempre kailangan ko ng backup."

"Sigh...bakit hindi nalang si James?"

"May gagawin daw kasi siya."

"At ako wala? May long test tayo bukas bro. Taena ka!"

"May kapalit ito sapatos."

"Jordan?"

"Um..."

Hinila na ni Daniel si Chollo "Ba'y bilisan mo na tayo nalang naiiwan dito nasa loob na silang lahat."

"Ah? Oo...basta sapatos eh no?"

"Sguraduhin mo lang na Jordan nga yun bro kung ayaw ma slum dunk sa basurahan."

"Tsss...ewan."

Pag pasok ni Kevin sa loob ng bahay nila "Sino ang dumating?" Ang sabi ni Kim.

"Sila." Ang sagot ni Kevin at nagulat sila Kian na puro kalalakihan ang dumating.

"Eh?" Ang reaksyon ni Kelly at napatayo siya.

"Kelly! Upo!" Ang pagalit na sabi ni Kian.

"O----opo kuya."

Makalipas ang ilang minuto,

Nakaupo sa may sofa sa sala nila Kelly sila Patrick at ang tahimik lang ng mga ito "Dude, nakakatakot ang mga kuya ni Master." Ang pabulong na sabi ni Dave.

"Manahimik ka na nga diyan dinadagdagan mo pa ang kaba ko."

"Kinakakabahan ka?"

"Anong tingin mo sakin manhid?"

"Ay, hindi ba?"

Siniko siya ni Patrick "Aray...." Ang reaksyon ni Dave at napatingin sa kaniyang ang lahat "Ha---ha---ha...aray...inay...I missed my nanay kasi na. Ha---ha---ha....Sorry po."

"Manahimik ka na nga lang kasi diyan." Ang pabulong na gigil na sabi Patrick.

"Ahem...bakit kayo nandito?" Ang sabi ni Kian na animo'y nagagalit.

"Kuya..." Ang sabi ni Kelly pero tinitigan lang siya ni Kian na masama kaya nanahimik lang siya.

Tumayo si si Miggy at sinabing "Sir, andito po ako para pormal na manligaw kay Kelly."

Nagulat naman sa ginawa niya ang lahat kaya sumunod na rin namang tumayo si Chollo at sinabing "Ako rin po gusto ko po sanang pormal na ligawan ang kapatid niyon si Kelly."

Bumulong si Dave kay Patrick "Dude, hindi ka ba tatayo?"

"Hindi na kailangan."

"Ha? Pero yung mga karibal mo nag lakas ng loob na ikaw hinde?"

"Ano namang pakialam ko?"

"Ano? Kala ko ba manliligaw ka kay Master? Bakit ayaw mong makitayo dun sa dalawa para mag sabi rin na manliligaw ka."

"Hindi ako bababa sa level nila."

"Ano? Bahala ka nga!"

Napatayo rin naman ang mga kuya ni Kelly at sinabing "Huh! Ligaw? Sa bunso naming kapatid na si Kelly?"

"Yes Sir." Ang tugon nila Chollo at Miggy.

"Huh! Ahahahaha...mga tol narinig nyo yon? Ligaw daw? Kay baby sis?" Ang sabi ni Keith.

"Mga kabataan talaga ngayon ang bibilis sumawa sa buhay nila." Ang sabi ni Kim.

"Kevin, kunin mo yung gamit." Ang sabi ni Kian.

"Sige kuya."

"Kuya!!! Wag..." Ang sabi ni Kelly.

"Tumahimik ka!" Ang sabi nila Kian sa kaniya.

"Pero mga kuy's."

"Taas sa kwarto mo!" Ang sabi ni Kian.

"Ha? Kuya naman!"

"Hindi ka makikinig?"

"Sir, sandali lang wag naman kayong magalit kay Kelly nagpunta kami dito ng hindi niya alam kaya wag na kayong magalit sa kaniya." Ang sabi ni Miggy.

Napatingin si Chollo kay Miggy at ganoon rin ito sa kaniya "Ye---yes Sir, kusa po kaming nag punta dito kaya sana wag po kayong magalit kay Kelly."

"Tahimek!!! Kinukuha ko ba ang opinion niyo?" Ang sabi ni Kian at dumating naman na si Kevin na dala yung calibre 45 na peke.

"Ku---kuya!!!!" Ang sabi ni Kelly na animo'y kinakabahan.

Napatayo namang bigla si Daniel at bumulong kay Chollo "Bro, halika na! Ayoko pang mamatay ng maaga."

"Ah? Pe---pero..."

"Ngayon, sabihin niyo gusto niyo pa bang manligaw kay Kelly?" Ang sabi ng mga kuya ni Kelly na animo'y nanlilisik sa galit ang mga mata ng mga ito.

"B---bro...tara na!!!" Ang kinakabahang sabi ni Daniel.

Napalunok naman si Cholo at sinabing "Si---sige po mauna na kami nalimutan ko may gagawin pa nga po pala kami bye Kelly paalam po mga Sir." At kumaripas na ng takbo sila Chollo at Daniel.

"Sigh..." Ang reaksyon ni Kelly.

"Kayo! Hindi pa ba kayo aalis?" Ang sabi ni Kian at kinasa yung baril.

Kinakabahan naman na noon si Dave kaya pabulong bulong na niya si Patrick "Du---dude, sabi ko naman sayo iba nalang ang gustuhin mo wag na si Master ihahanap na lang kita ng iba halika na. Ayoko pang ma tegi na hindi man lang nakakapag travel around the world"

"Manahimik ka!"

"Pero dude may baril sila."

"Peke yon!"

"Ha?"

"Hindi po ako susuko alam kong hindi pa kayo ready na magkaroon ng boyfried si Kelly pero eto sasabihin ko sa inyo handa po akong mag hintay sa kaniya. Sige po aalis na ako." Ang sabi ni Miggy at iniwan yung dala niyang bulaklak at chocolates tapos umalis.

"Huh! Ibang klase." Ang sabi ni Keith.

"Hoy! Ikaw! Ano pang ginagawa mo dito?" Ang sabi ni Kim.

"Du---dude.....sabi ko naman sayo halika na!!!" Ang pabulong na sabi ni Dave.

Tumayo si Patrick at lumapit kay Kelly " Du---Dude!!!! Sawa ka na ba sa buhay mo?" Dagdag pa ni Dave.

Lumuhod si Patrick sa harapan ng mga kuya ni Kelly at kinagulat ito ng lahat "I know this is too much but I really like your youngest sister Kelly so please payagan niyo po akong ligawan siya. Hindi po ako nag mamadali pero sana makuha ko po ang basbas niyo para kapag tama na ang panahon alam kong may chance ako."

"Patrick...." Ang sabi ni Kelly tutulungan niya sana si Patrick na tumayo pero hinarangan ni Kevin.

"Kuya..." Sumenyas lang si Kevin na wag mangialam.

"Mga Sir!!! Please payagan niyo po akong ligawan ang kapatid niyong si Kelly!!!" Ang sigaw ni Patrick.

Nagkatinginan naman ang mga kuya ni Kelly "Sigh...tumayo ka diyan!" Ang sabi ni Kian.

"Ho?"

"Hoy ikaw!" Ang sabi ni Kim kay Dave.

"A---ako po?"

"Hinde ako nalang? Oo ikaw! Tulungan mo ang kaibigan mong tumayo at umalis na kayo."

"Si—sige po." At lumapait naman ka agad si Dave kay Patrick "Dude, tara na!"

"Hindi ako tatayo dito!!!!"

"Dude!!!!"

"Mga Sir, alam kong hindi pa tama ang panahon pero mahal ko po ang kapatid niyo at sinisigurado ko pong hindi ko siya sasaktan kaya please pumayag na po kayo. Pinapangako ko pong hindi ko siya paiiyakin at sasaktan kaya sana payagan niyo na akong ligawan si Kelly."

"Patrick!!!!" Ang sigaw ni Kelly at kinagulat nila ito.

"Umalis ka na!!!" Ang sabi ni Kelly at tumakbo ng papataaas papunta sa kaniyang kwarto.

"Ke---Kelly..." Ang tugon ni Patrick na animo'y hindi alam ang nangyayare.

"Sigh...Kevin, puntahan mo nga yon." Ang sabi ni Kian.

"Um....sige kuya."

"Hindi na ako na mukhang kailangan niya ng "girl talk" ayusin niyo na lang ang kaguluhang ito." Ang sabi ni Faith at sumunod kay Kelly.

"Sige na umalis na kayo!" Ang sabi ni Keith kila Patrick at Dave.

"So---sorry po....Dude!!! tumayo ka na nga diyan!" Hinila na niya si Patrick "Pero...si Kelly...Dude."

"Tsk...intindihin mo muna yang sarili mo!"

"Pe—pero..."

Sa kwarto ni Kelly,

Naiyak siya at nakatalukbong siya ng unan "Tita Kelly!!!" Ang sabi ni Jacob.

"Baby, ayoko munang makipaglaro iwanan mo muna ako."

"Pero...sad ka gusto po kitang pasayahin."

Dumating naman si Faith "Baby, ako ng bahala kay tita Kelly mo pwede bang dun ka muna sa kwarto niyo ng daddy mo?"

"Pero kasi si tita Kelly po."

Hinawakan ni Faith si Jacob "Baby, kailangan kasi ng space ni tita Kelly mo kaya sige na wag kang mag alala si tita Faith na ang bahala sa kaniya. Okay?"

"Si—sige po....bye tita Kelly stop crying na po ah?"

Hinatid naman na ni Faith si Jacob papalabas ng kwarto pagtapos naupo siya sa kama ni Kelly at kinausap ito.