Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 130 - Kabanata 130

Chapter 130 - Kabanata 130

"Tita Kelly?"

Nakatulala lang si Kelly at tinapik siya ni Jacob at sinagawan siya sa tenga nito "TITA KELLY!!!!!"

"'ANAK KA NANG!!!!" Ang pagalit na sabi ni Kelly.

"Oh...tita pamangkin ako."

"Ah? Hahaha...silly."

"Bakit po ba kasi kayo natulala bigla?"

"Um? A---ako?"

"Hindi po ako nalang...Sigh...opo nga kayo! Ako yung nag tanong eh bakit ba bigla nalang kayong naging lutang di'yan nung sinabi kong anong meron sa inyo ni tito Patrick."

Tinakpan naman ka agad ni Kelly ang bibig ni Jacob "Shhhh...wag kang maingay baby!!!"

"Mmmm?"

"Baka kasi may makarinig sayo ma-misinterpret yung mga sinasabi mo!"

"Mmm..."

At tinanggal naman ka agad ni Kelly ang kamay niya kay Jacob "Sigh...wag na wag mo yang mababanggit sa harapan nila kuya ha? Naiintindihan mo baby?"

"Um...sorry po tita."

"Ayos lang pero walang namamagitan samin ng tito Patrick mo were friends lang okay?"

"Opo pero bakit ganyan nalang kayo maka react? Wagas."

"Ah? A---ano kasi..."

"Kelly?"

Sabay na lumingon yung dalawa ni Kelly at Jacob "Daniel?"

"Kilala mo tita?"

"Um...anong ginagawa mo dito?"

"Ah? Nag ba-bike? Masama ba?"

"Hindi naman nakakagulat lang kasi na napapadpad ka pala sa ganitong lugar. Sige maiwan ka na namin...Baby lika na."

"Opo."

"Sandale!"

"Ha? May kailangan ka?"

"A---ahm...nag babike rin kasi ako."

"Oo nakikita ko naman tapos?"

Sa isip-isip ni Daniel "Haist....ang pilosopa niya!!! Ano bang nakita dine nila Wayne at Chollo? Tsss..."

"Yow!?"

"A---ahm...pwedeng makisabay pabalik?"

"Ahhh...okay lang naman di ba baby?"

"Ho? Ah...eh...okay po."

"Okay tara na."

Sa isip-isip ni Jacob "Sino na naman kaya ang tukmol na ire? Bakit ba parang ang daming friends ni tita Kelly na boys? Sigh...ang hirap niyang bantayan well, ang ganda rin naman kasi ni tita ko di ko naman masisisi yung mga tukmol na ito kung feeling close sila kay tita Kelly. Tsk..dapat gumawa ako ng paraan para hindi na maging sagabal ang isang ito."

"Baby?"

"Ho?"

"Halika na aalis na tayo."

"Ah? O—opo."

"Ahm...kung mag lakad nalang tayo?" Ang sabi ni Kelly."

"Eh?" Ang reaksyon nung dalawa ni Daniel at Jacob.

"Para masaya malapit ng lumubog ang araw oh."

"Ohhhh..." Ang sabay na namang reaksyon nung dalawa at nag katinginan sila Daniel at Jacob.

"Tsss..." Ang reaksyon ni Jacob at lumapit kay Kelly.

"Aba't! Lintek na na bata ito." Ang pabulong bulong naman na tugon ni Daniel.

"Ano yun Daniel?"

"Ha? Wa---wala naman."

"Oh...tara na?"

"Si---sige."

Samantala,

"Ano? Nakita niyo sila Kelly at Jacob?" Ang sabi ni Faith.

"Hindi." Ang tugon nila Kevin at Keith.

"Saan naman kaya sila nag punta?"

"Teka lang may i-checheck lang ako." Ang sabi ni Kevin at nag tungo sa likod ng kanilang bahay.

"Saan pupunta yun?" Ang sabi ni Faith.

"Ewan ko baka may nalimutan sa likod." Ang tugon naman ni Keith.

"KUYA!!!!" Ang sigaw ni Kevin.

"Kevin?" Ang sabi nila Keith at Faith.

"Babe, dito ka lang ako ng pupunta sa likod baka mapano ka maupo ka nalang muna sa sofa." Ang sabi ni Keith kay Faith.

"Um...ingat ka."

"Yeah..."

At kumaripas naman ng takbo si Keith patungo kung na saan si Kevin "Kevin!!!! Nasan ka???"

"Kuya dito!!!"

"Bakit? Anong nangyare sayo???"

"Yung bike!"

"Ha? Anong meron sa bike?"

"Nag bike si Kelly!!!"

"Ahhh...kala ko naman kung ano na. ANO???? SI KELLY??? NAG BIKE????"

"Sa tingin ko wala dito yung bike niya."

"Ba'y oo nga wala dine pero hindi ba't hindi pa naman siya maalam ng husto?"

"Oo yun rin ang alam ko pero ang iniisip ko luma na yung gulong nun baka bigla siyang ma flat eh kasama pa ata si Jacob."

"Tsk...lintek! Tara!"

"Saan?"

"Sa labas! Baka nandito lang yung dalawang yung sa loob ng subdivision."

"Ah...oo nga."

"Sige bilisan na natin."

"Um..."

Sa mag kaparehong oras,

Nag lalakad nalang yung tatlo hawak ang kani-kanila nilang bisikleta at pumapagitna si Jacob kila Kelly at Daniel "Lagi mong kasama ang batang ito noh?"

"Ah? Oo pamangkin ko siya anak ng panganay kong kuya siya si Jacob baby pakilala ka."

"Ho?"

"Siya si Daniel baby apo siya ni Lola Nena na naninirahan din dito sa subdivision."

"Ahhhh..."

"Hello, Jacob nice to meet you."

"Tsss..."

"Jacob!!!!" Ang sabi ni Kelly.

"Ha---ha---ha...mukhang ayaw niya sakin.

"Ha...ha...ha...Siopao hello raw anong sasabihin?" Ang sabi ni Kelly at pinandidilatan niya ng mata si Jacob.

"Sigh...not worth it naman kasi mag pakilala." Ang pabulong bulong na sabi ni Jacob.

"Baby???!!!"

"Hi po ako po si Jacob ang nag iisang pamangkin ni tita Kelly na hindi pwedeng ligawan!"

"Jacob!!!!" Ang pagalit na sabi ni Kelly at pinisil ang pisnge ng kaniyang pamangkin.

"Hahaha....nakakatuwa naman pala siya."

"Tsss..." Ang palihim na reaksyon ni Jacob.

"Close ka sa kaniya noh?"

"Ah? Oo naman pamangkin ko siya eh madadagdagan na nga siya eh manganganak na kasi ang asawa ni kuya Keith..

"Ohhh...malaking pamilya ang meron kayo noh?"

"Um...medyo lang bakit?"

"Wala naman solong anak lang kasi ako at sila Chollo lang ang tinuturing kong kapatid."

"Ohhh...I see."

Sa isip-isip ni Jacob "Tsss...hindi naman tinatanong."

"Nung una naeepalan ako sayo."

"Ha?"

Pabulong bulong si Kelly "Napaka prangka naman ng buset na ito."

"Pero, na realized ko na masayang maging ikaw."

"Ha? What do you mean? Sorry medyo slow ako sa mga ganireng usapan eh. Hehehe."

"Oo alam ko naman kaya nga nag tataka ko kung bakit ka na gustuhan nila Chollo at Wayne eh."

"A----ano? A---ako? Gu—Gusto nila???"

"Sigh...yeah...okay lang naman siguro na sabihin ko kasi mukhang di mo naman silang gusto tama ba ko?"

"Ah...eh..."

"Hindi mo naman kailangang sumagot I'm nobody lang naman sayo at isang stranger kaya don't mind me. Pero sana wag mong paikutin sa palad mo ang dalawang pinsan ko."

"Ano?"

Niyapakan naman ni Jacob ang paa ni Daniel "Awwww..."

"Jacob!!!!"

"Bastos po kasi siya tita!"

"Tsk...baby naman!!!"

"Pero tita hindi po appropriate yung mga pinag sasabi niya sayo.."

"Pero baby kahit na hindi mo dapat ginawa yun bad yun baby?" Napatingin naman si Daniel sa mag tita habang sinesermonan ni Kelly si Jacob.

"Baby, hindi ka dapat nakikisali sa usapan ng nakatatanda sayo di ba? Yun ang bilin namin sayo ni nila kuya natatandaan mo?"

"O---opo sorry po."

"Sigh....baby, hindi porket nakarinig ka ng bad na salita gagawa ka na ng masama sa taong iyon dapat i-analyze mo muna yung mga nangyare bago ka gumawa ng hakbang tsaka hindi mo kailangang gumanti bad yun hayaan mong "karma" ang gumanti sa kanila."

"O---opo tita sorry hindi ko na po uulitin."

"Sigh...okay pero hindi ka dapat sakin mag sorry di ba?"

"Opo..." Humarap at humingi ng tawad si Jacob kay Daniel "Mister..."

"Mi---Mister? A---ako?"

"Baby, call him tito Daniel."

"Ah...o---okay po....Tito Dangiel."

"Baby, it's Daniel not Dangiel"

Pabulong bulong si Daniel "WTH!!"

"Tito Daniel sorry po hindi ko po sinasadya na yapakan kayo."

Sa isip isip ni Daniel "Hindi raw sinasadya pero may gigil wagas na bata ito."

"Sorry Daniel hindi na yun mauulit sana mapatawad mo ang pamangkin ko."

"Ah? O---okay lang naman."

At nag bow sila Kelly at Jacob kay Daniel "KELLY!!!!" Ang sigaw naman nila Keith at Kevin at pag lingon nung dalawa "Kuya's???"

"Tito's???"

"Tsk...lagot na!" Ang sabay sabi nung dalawa.

"May problema ba?" Ang sabi ni Daniel.

"Oo malaki!" Ang sabi ni Kelly.

Makalipas ang isang oras,

"Ku---kuya!!!! Hindi na mauulit hindi ko na isasama si Jacob pag umalis ako ng walang paalam." Ang sabi ni Kelly habang nakaluhod sa unan sa sahig.

"Tita Kelly!!!" Ang sabi naman ni Jacob na hinahawakan ng kanyang daddy at ni Kim.

"Mga kuya's baka naman pwede niyo ng patayuin si Kelly kanina pa siya diyang nakaluhod." Ang sabi ni Faith.

"Keith!!!!" Ang pagalit na sabi nila Kian at Kim.

Hinila naman ng bahagya ni Keith si Faith sa isang gilid at bumulong "Babe, wag ka na munang makisali dito kailangan matuto si Kelly sa kaniyang pagkakamali."

"Pero Babe, nakakaawa naman si babysis."

"Oo alam ko pero kailangan niyang matuto kapag hindi namin ito ginawa sa kaniya magiging rebelde siya at ayaw naming mangyare yun."

"Pero baka lalo naman siyang mag rebelde kung ganyan kayo sa kaniya."

"Maniwala ka gamay na naming lahat ito simula pag kabata namin ganito na ginagawa samin nila mama at daddy kapag may nagagawa kaming kasalanan ganyan ang pinagagwa nila samin kaya magiging ayos lang si Kelly maniwala ka."

"O---okay kayong bahala."

"Kuya!!!! Sorry na!!!!"

"Kelly!!!!" Ang pagalit na sabi ni Kian.

"Ku---kuya..."

"Hindi ba dapat ikaw ang nag tuturo ng tama kay Jacob dahil ikaw ang tita niya eh ano ang ginawa mo?"

"Pero kuya wala naman nangyare saming masama tsaka dito lang naman kami sa loob ng subdivision nag ikot lang kami di ba baby?"

"Opo daddy patawarin niyo na po si Tita Kelly wala po siyang ginagawang masama ako po mismo ang sumama sa kaniya hindi niya po ako pinilit."

"TAHIMEK!!!!"

"So---sorry po." Ang tugon nila Kelly at Jacob.

"Kevin, ipasok mo muna sa kwarto si Jacob."

"Sige kuya, Jacob halika na."

"Pero tito..."

"Hayaan mo muna sila tita at ang daddy mo."

"Opo." Ang malungkot na sabi ni Jacob at sumama kay Kevin.

"Hindi ka naman marunong ng husto mag bike di ba? Tapos inaya mo pa yung bata? Paano kung maaksidente kayo?" Ang sabi ni Kim.

"Pero kuya...marunong na ko mag bike."

"Marunong? Ni hindi mo nga tinignan kung flat ba yung gulong mo." Ang sabi ni Kian.

"Pero ayos naman po kuya."

"Tapos hindi kayo nag paalam na mag babike kayo?"

"Kasi naman kala ko tulog kayo."

"Sigh...nangigil na talaga ko sayo eh at bakit nag papadala sayo ng flowers at chocolate si Miggy?"

"Ho?"

"Oo hindi mo ba alam?"

"Hinde?"

"Nanliligaw ba siya sayo?!!!" Anila Kian at Kim.

"Ha?"